logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Memories of Yesterday

Memories of Yesterday

CODEINCLOUD


Chapter One

I scanned his face intently. Pointed nose, pinkish lips, manly figure, and his clean haircut. He looks too perfect looking from this distance. I can't believe that I can see him everyday like this.
"Easy ka lang, 'di mawawala yan."
Napalingon ako sa nagsalita at tinarayan ito. Iniayos ko ang magkakaupo ko bago humarap kay Lorraine,
"Alam ko, 'no. Pero kailangan pa ring bantayan. Madaming nakaaligid."
Kinuha ko ang notebook na nakalagay sa table niya. Tinignan ko kung may assignment siya at hindi nga ako nagkamali, kumpleto at napakalinis ng pagkaka compute niya.
"Ituro mo nga sa 'kin kung paano mo ito nacompute. Hindi naman ito na-lesson, eh!"
Nakita ko ang pagtaray niya sa akin bago ako turuan. Umupo siya sa tabi ng mesa ko at nag explain. She started explaining the meanings of the symbols and formulas. Maski ang mga shortcuts na alam niya ay itinuro niya sa akin.
"Ayan na! If you failed the quiz later, ewan ko na lang."
"It's fine to fail, atleast nakakasilay ako araw-araw." biro ko rito
Nilingon kong muli sa lalaki bago nagpangalumbaba sa sariling lamesa. Walang panama ang bukas na air condition sa hotness niya!
Buti na lang talaga classmate ko siya sa ngayong year! It feels like we're meant to be together! Ito na ba 'yon, Mister Kupido?
"Wag mong sabihing ibabagsak mo na naman 'tong quiz natin! Jen, you need a stable grades para makasali sa volleyball team. Alam mo namang hindi sila tumatanggap ng may bagsak!"
Napapikit ako sa sakit nang dumapo sa ulo ko ang palad nito. Kahit kailan talaga ay ang hilig niyang manakit!
"Masakit!" reklamo ko rito. "Makipag date ka na kasi! Para malaman mo ang feeling kung paano mainlove."
I kept on teasing her about it. Ang bilis niya kasing mapikon kapag ganito ang pinag-uusapan.
"Ang sarap kaya sa feeling na inspired kang pumasok araw-araw. You will feel that you're in cloud nine!"
Tinarayan niya ako bago muling ibinaling ang paningin sa binabasang libro,
"Kung magiging kasing tanga mo rin lang ako kapag nainlove, 'wag na lang, salamat."
Sasagot pa sana ako nang biglang dumating ang prof. namin. Sinabi nito na sisimulan na ang quiz kaya maraming napabuntong hininga. Karamihan kasi sa amin ay hindi pa tapos magreview.
"Jen," sumenyas siya para makahingi ng papel.
Tinarayan ko ito bago mahinang nagsalita, "Isusumbong talaga kita kay Tita. 'Di ka na naman bumili ng sarili mong papel. Senior na tayo, magbago ka na."
Natapos ang buong araw na lutang ako at panakaw-nakaw tingin lamang kay Ian. Hindi kasi talaga nakakasawang tingnan ang itsura niya. He look so perfect. Lalo na kapag nakangiti.
Sabay kaming lumabas ng campus ni Raine dahil ang usapan ay sabay kaming uuwi ngsyon.
"Hindi ka naman pinapansin niyan. Hanap ka na ng iba, roon sa may pag-asa ka."
Sinubukan kong abutin ang damit niya kaso tumakbo ito ng mabilis papalayo. Kapag siya talaga ang na-inlove, aasarin ko rin siya!
"Kakarmahin ka rin!" I shouted
"Sige, umasa ka riyan!" rinig kong sigaw niya bago pumasok sa isang tricycle.
Sabi niya ay sabay kaming uuwi ngayong araw tapos iiwanan naman pala ako!
Wala akong nagawa kundi ang maghintay sa terminal ng tricycle ng mag-isa. Marami rin ang naghihintay ng sasakyan kaya pahirapang sumakay.
Papasok na sana ako sa loob ng isa nang biglang may puwersang nagpabagsak sa akin sa lupa. Ramdam ko ang pagkirot ng kanang braso ko nang gumasgas ito sa isang bato.
I groan when I felt how hurtful it is. Nang tingnan ko ang braso ko ay may gasgas na iyon at namumula.
Nilingon ko ang bumunggo sa akin at para bang nawala ang sakit na nararamdaman ko nang makita ang isang napakagandang lalaki na may bitbit na sports bag na nakatayo sa may harapan ko.
His hair is neatly combed and he has this concerned expression. A fitted shirt, shorts, and his favorite sneakers, the green one. Hindi na ito nakasuot ng uniform.
"I'm sorry. I didn't mean it. Pasensya na."
Iniabot niya ang kanang palad upang tulungan akong makatayo. Walang pag-aalinlangan ko itong inabot.
"Ayos lang, no worries!"
I can't even prevent myself from smiling. Alam kong nagmumukha na akong tanga sa kangingiti.
Nang makatayo na ako ay agad din siyang pumasok sa loob ng tricycle. Sumunod naman ako sa pagpasok. I smelled his light scented perfume when the gap between us was gone.
"We're classmates, right?"
Nabigla ako sa biglaan niyang pagtatanong ngunit agad naman akong sumagot, "A-ah, oo. Classmates tayo. Nasa bandang likod ako nakapwesto."
He know that we're classmates? So, kilala niya na ako? I tought he don't know me! Buong klase kasi ay hindi ko ito nakitang tumingin manlang sa direksyon ko!
"Ah, tama. Ikaw yung kaibigan ni Lorraine."
He even knew Raine. Mukhang kilala na niya ang lahat ng kaklase namin.
"Yeah."
Hindi ko na alam ang dapat sabihin kaya ito na lamang ang nasambit ko. Gusto ko pa sana siyang kausapin kaso ay hindi na siya nagsalita pa at wala rin akong maisip na itanong.
Naging awkward ang atmosphere sa loob ng tricycle hanggang sa pumara na siya upang bumaba. Nasa labas kami ng isang private village at mukhang dito siya nakatira.
Lumabas ako ng tricycle para makalabas siya. Ako kasi ang nasa bandang labasan kaya kailangan kong mag adjust. I saw him walking towards the driver to give his payment. Bago umalis ay humingi ulit siya ng tawag sa akin na inilingan ko na lamang.
He's really humble. Tama ako ng nagustuhan.
Pumara na rin ako nang madaanan ang bahay namin. I was ready to pay when my wallet has gone missing. Agad kong binuksan ang bag ko at naghanap ng barya ngunit wala akong makita!
"Kuya, pwede bang pakihintay muna ako rito? Nawawala kasi ang wallet ko. Mabilis lang ako, pangako!"
Kabado kong hinintay ang sagot ng driver dahil sa takot na baka magalit ito.
"Binayaran ka na nang boyfriend mo kanina. Hindi niya ba sinabi sa iyo?"
Parang napako ang katawan ko sa kalsada dahil sa narinig. My heart skipped a bit. Alam kong ginawa niya lang iyon para makabawi pero hindi ko mapigilang kiligin.
Just his simple way of apologising makes me feel a tingling sensation in my stomach. Huminga ako ng malalim bago nagpasalamat sa driver at dumiretso papasok ng bahay.
Is this a sign?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (184)

  • avatar
    Cristine Garcenila Carpio

    Very nice story you have here author.. Keep writing and inspiring other through your story.. shine brightly author!!❤❤

    24/05/2022

      0
  • avatar
    Arnelsept

    Keep the good work!

    17/05/2022

      0
  • avatar
    ZyidricJvarzov

    i highly recommend this story! sobrang ganda ng book cover and also ang galing gumawa ni author ng mga plot twist! keep it up and keep writing! (. ❛ ᴗ ❛.)

    13/05/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด