logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 6 Yesterday

•• HARMY FEREZ ••
Isang oras matapos ang kaguluhan, ay naging tahimik ang paligid. Wala ng sigaw, tili at mga iyakan. Kahit ang takbuhan ay wala na. Mahihinang ungol nalang ng mga zombie ang maririnig.
Napapikit ako ng bigla nalang may tumunog na telepono dahilan kung bakit muli na naman nagwala ang mga zombie. Kinakalampag nila ang Glass Wall.
Cellphone iyon ng isang crew. Tinignan ko ito ng masama.
" Turn off your phone, or you will be the first na makakain ng Zombie " banta ko.
Nataranta ito dahil sa sinabi ko. Lumapit nalang ako sa kanya at walang ano ano ay hinablot ang cellphone sa kamay niya at inihagis iyon. Dahilan ng pagkawarak at paghinto ng tunog.
" Hey " puna ni Jea sa akin.
" That's rude " komento ng kung sino.
Napalingon kami sa pinto. Natahimik ang lahat. Ewan ko kung sa kanila ba o sa akin ang naririnig kong kabog ng dibdib. Rinig na rinig ang unti unting pagka crack ng salamin. Mabagal ang bawat pag atras namin.
" is there a place na pwede nating pagtaguan? " Tanong ko. Ipinagpasalamat ko na hindi ako nautal. Pakiramdam ko kasi ay malulunok ko na ang dila sa sobrang kaba.
" In the kitchen " sagot ni Jea.
" Let's go "
Nagtakbuhan kami patungo sa pinto na may nakalagay na kitchen staff Are allowed. Natagalan kami sa pagpasok dahil marami rami. Saktong pagsara ko ng pinto ay ang pagkabasag ng salamin at mabilis na pagtakbo ng mga zombie. Pilit nilang itinutulak ang pinto kaya naman sumandal ako sa pinto.
" GET SOMETHING NA PWEDENG IPANGHARANG " sigaw ko. dahil kung tititigan lang nila ako ay baka maging pulutan kami ng zombie.
Ang kitchen ay hindi na salamin. At ipinagpapasalamat ko iyon dahil mukhang safe na kami rito. Pero hindi dapat kami pakasisiguro. Sa Zombie Movie, iilan lang ang nakakasurvive.
Yung mga handang pumatay at lumaban, at yung mga handang magsakripisyo ng iba para mabuhay.
**
•• ALEXANDREA DACHET ••
" Baby, we're going downstairs, can you promise not to cry or make a noise? " tanong ni Rye sa batang si Ryla. Ayon dito ay limang taon na siya.
Mabigat siya kanina pero hindi ko na naisip iyon dahil gusto ko siyang iligtas.
Naghahanda na kami para sa pagbaba. Ayon sa oras ng cellphone ko ay 7 na ng gabi. Antagal rin namin na narito sa fire exit. Nakatayo.
Ngalay na ngalay na ako. Pero No choice kundi tumayo dahil wala talagang space para maupo.
" The plan is DON'T MAKE NOISE, and fight for yourself "
" paulit ulit ka " angil ni Krizs. Kanina pa sila nagbabangayan.
" Then feel free na magpakagat sa Zombie if ayaw mo ng Plano " pang aasar ni Yeon.
" Can you please stop " sabat ni Dai na ikinatahimik ng dalawa.
Wala kaming mga gamit maliban sa mga slingbag na suot namin, dahil iyong mga maleta naiwan sa Airport. Paniguradong marami na rin don dahil nga tumawag si Dongsaeng.
" Let's go, don tayo sa kotseng iyon pupunta " turo niya sa Van na nakaparada. Kotse raw?
Medyo malayo iyon pero pinakamalapit na rin sa amin.
Sabi nila iyong may utak lang ang kakainin ng zombie. Siguro naman lalagpasan nila ako diba? Char hahaha. Nice joke! Di mo gets? Kbye.
" Are you okay? " tanong ni Jairel, iyong lalaking humila sa akin.
" Yes " nakita siguro nito ang kabaliwan ko kanina.
Ngumiti ito at nagkamot sa batok.
Naunang bumaba si Yeon, kasunod si Janzen, Si Krizs, si Dai, si Rye at Ryle, sunod ako. At nasa likod si Jairel.
Kagat kagat ko ang ibabang labi para di makagawa ng ingay. Hindi ako nagtitiwala sa sarili ko dahil baka ako pa ang biglang sumigaw.
Walang ingay ang bawat hakbang namin. Kalkulado ang naging kilos. Tahimik ang paligid at konting ingay lang ay paniguradong magiging meryenda kami ng mga zombie.
At sa ganda kong ito, hindi ako papayag na sirain lang yon ng mga panget na zombie. Mabuti nalang ay naka rubber shoes ako. Hindi mahirap na tumakbo. Kamusta naman kaya iyong mga naka heels? Hayst. Naiisip ko palang. Nahihirapan na ako.
At kung minamalas ka nga naman kung kelan nasa huling baitang na ako ng hagdan ay saka pa ako muntik na mahulog. Mabuti nalang mabilis ang naging kilos ni Jairel para hawakan ako sa bewang.
Pwede bang kiligin kahit nasa gitna ng Zombie Apocalypse? Ihh, tamang landi lang ganon.
**
•• CAIRON HILARRY ••
Saktong pagbukas ng pinto ng Van ay ang pag atake sa amin ng mga zombie.
Sinipa ni Bree ang isang sobrang lapit sa amin. Bumaon sa noo nito ang heels na suot niya. Hindi tuloy naiwasan ang pagtalsik sa amin ng dugo na mas lalong nagpadami sa zombie.
Pumasok na si Jara, sumunod ako at hinila ko si Bree. Mabilis naming isinara ang pinto ng Van.
Mabilis ang paghinga ay naupo kami. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. At nakakapanginig talaga. Ngayon tuloy ramdam ko na ang pakiramdam ng mga bida don sa mga Zombie Movie na pinapanuod namin. Maiiyak ka nalang talaga at matatanga.
Hindi kapani paniwala.
Napasinghap kami ng kalampagin nila ang sasakyan. At kung hindi pa kami aalis ay paniguradong wala na kaming takas.
" I'll drive " presinta ko.
Lumipat ako ng pwesto sa driver seat. Mabuti nalang ay tinted ang sasakyan. Ngunit kita parin ang mga nakakadiring zombie na inuumpog ang ulo sa bintana ng sasakyan.
" Great, Mukhang maswerte pa tayo dahil narito ang susi ng sasakyan. "
Narinig ko ang buntong hininga nila. Mukhang nakahinga ng maayos sa balita ko.
" What about Shile and Faye? " tanong ni Bree.
Bestfriend ko ang dalawa na iyon, gusto ko na iligtas sila. Pero paano ko gagawin yon kung makakain kami ng zombie?
" I'm sure naman gagawin nila ang lahat para iligtas ang isa't isa " sagot ni Jara.
Ini-start ko ang sasakyan. At laking pasasalamat ko ng hindi tulad sa movie na hindi gumagana. Mabilis itong gumana kaya sinimulan ko ng maniubrahin ang sasakyan.
Mabuti nalang talaga ay marunong ako magdrive, ganon talaga siguro kapag nasanay ka na tumayo sa sarili mong mga paa.
Nahirapan ako sa simula na makaalis dahil napaliligiran na ng zombie ang sasakyan. May ilan pa nga na tumatalsik dahil nasagasaan ko. I have no choice, dahil kung magiging softie ako ay kami na ang susunod sa kanila. I Don't want that to happen. We need to survive.
**
•• SHILE CROSS ••
The whole Tuguegarao is now chaotic. Ang buong bayan ay nagkakagulo. Puro zombie ang paligid. Padilim na at tanging mga nasusunog na gusali o sasakyan ang nagsisilbing liwanag.
Kahit ata Buwan at mga bituin ay ipinagkait sa amin ngayong araw.
Nakahinto na ang Bus na sinasakyan namin dahil wala ng gas pero malayo na kami sa Airport. Hindi rin makababa dahil marami kaming kasama.
Bumuntong hininga ako para alisin ang paninikip ng dibdib. Nag aalala ako sa mga kaibigan ko. Marami kaming plano bago pumunta dito. We planned to hike, to enjoy everything na mai-ooffer ng Tuguegarao. Pero hindi nangyare.
" You okay? " tanong ni Faye. Nakasandal ang ulo niya sa manibela, ngunit nakatingin sa akin. Halata na ang pagod at antok sa mukha niya.
" Yeah, I'm just worried about our friends. I'm not over thinking but what if... "
" Don't go there, I know they're fine "
Muli akong bumuga ng hangin. I always think positively, but now I think badly. Hindi ko mapigilan. Ang mga Zombie ay talaga namang mararahas. At ayoko naman na makasalubong ang mga kaibigan ko na Zombie na.
" Do you want us to find them? "
" How? "
Kani kanina lang pinatay na ang mga ilaw ng buong bayan. Ibinalita rin sa TV ang pagputol sa electricity, Internet at cignal.
Ang I hate the government for doing that. Paano na kami makakahingi ng tulong? Ni wala ngang mga eroplanong lumilipad sa ere. Di tulad sa Movies na maraming Airplane or Helicopter na lumilipad lipad to save the uninfected.
Ipinakita rin sa TV kanina kung paanong nagkakagulo sa Manila and other parts of the Philippines. What happen?
Paanong nakarating ang zombie doon?
Sa tingin ko ay dito nagsimula ang zombies.
" Let's fight the zombies and find our friends " napalingon ako kay Faye dahil sa sinabi niya.
" Are you kidding me? "
" We want the adventures right? " natatawa niyang tanong. Gustong maging light ang paligid.
Dahil sa tawa niya ay nangiti na rin ako. She's always like that. Palaging pinapagaan ang atmosphere. She really is my sunshine.

** ** ** ** ** ** ** **
•• KRIZSTELLA HARSON ••
THIS IS THE PART of the movie kung saan kailangan malagpasan ng mga bida ang mga zombie.
Yung kaba ko, mas doble pa nong nag take ako ng Board Exam para maging ganap na Attorney. Hindi lang doble, triple pa. Hindi ko rin mapigilan ang panginginig ng mga binti ko.
Ako iyong tapang tapangan, pero sa loob loob ay natatakot na talaga.
Sa bawat hakbang, pigil ang hininga. Ano mang oras, konting ingay ay makakaagaw pansin ng mga zombie.
Konti nalang, malapit na kami sa sasakyan. Iyong mga zombie para silang mga natutulog, at mag iingay lang kapag nakarinig ng ingay. Sa umaga sila mas magulo. O siguro wala lang talaga silang makita. Madilim na kasi talaga ang paligid.
Walang nag abalang magsalita. Siguro natatakot din na makaagaw pansin. It's a life and death situation.
Nang makalapit sa sasakyan ay sumandal kami. Kanya kanyang pagbuga ng hininga. Nakabukas ang Van kaya naman mabilis kaming nakapasok, swerte lang dahil walang laman iyon.
" Shit " React ko ng malakas na isara ni Yeon ang Pinto ng Van dahilan kung bakit nagtakbuhan ang mga zombie sa bandang iyon.
" You fcking idiot " angil ko sa kanya.
" I'm sorry " natahimik ako. Pagod na ata siya makipagtalo sa akin.
Nasa driver seat si Jairel at nasa shotgun naman si Alex. Mabilis na inistart ang makina at nagmaneho na papalayo.
Sa pag andar ng sinasakyan namin ay ang paghabol naman ng mga zombie. Medyo nahirapan nga si Jairel dahil may mga humaharang. Humahampas pa nga iyon sa salamin dahilan kung bakit nagkalat don ang dugo. Maririnig ang pagtalsik ng kung ano.
Mabuti nalang at gabi na, hindi na masiyadong kita ang nakakadiring paligid. Ang kailangan lang namin ay makalabas ng probinsya.
" Lumabas na tayo ng probinsya " iyon ang lumabas sa bibig ko.
" What about our friends? " tanong ni Dai.
" Sa tingin mo ba ay buhay pa sila? "
" We're not sure, what if buhay pa? " pakikipagtalo niya pa.
" Then, what do you want us to do? Risk our life? "
I'm frustrated right now.
Pumunta kami dito to unwind, to have a vacation. Pero ito. Hindi kasama to sa plano.
Hindi to nakaplano.
At natatakot talaga ako. Hindi ko man aminin. Hindi man makita sa mukha ko ang takot, pero sa loob loob ko, sobra sobra ang kaba at takot na nararamdaman ko. I wanted to cry but I can't.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (108)

  • avatar
    Ma Guillerma Toñacao

    nakakalito sa una then na gets ko naman pero mas gusto ko yung story na sa part na nila ven at franz

    1d

      0
  • avatar
    Denril Young

    i like it

    19d

      0
  • avatar
    BermejoShontelle Rex

    it's good

    19d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด