logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

RAINY NIGHT IN MORAYTA

RAINY NIGHT IN MORAYTA

3uphoriqxXX


Chapter One

The Rain is starting to fall and here I am, standing alone, waiting for the traffic light to turn green.
Rainy days should be spent at home with a cup of coffee and reading a good book but it's opposite to my current situation.
Ang tagal naman mag go signal ang poste, nagsisimula nang pumatak ang malakas na ulan at wala akong dalang payong para man lang hindi ako mabasa ng ulan.
Napangiti ako nang biglang makitang naka green na. Dali-dali akong naglalakad patawid.
Siniguradong ang matatadaanan ko'y may bubong para hindi mabasa ng ulan.
Kinakailangan ko muling tumawid pero hindi ko magawa dahil mababasa ako. Tahimik ko nalang pinagmasdan ang mga taong naglalakad.
Buti pa sila laging handa samantalang ako hindi. Sino ba kasing nag aakalang uulan ngayon?
Nakatingin lang ako sa mga taong tumawid sa kabilang linya..
Gusto ko man tumawag sa bahay hindi ko naman magawa kasi deadbat na ang phone ko.
Sinisipa sipa ko ang isang maliit na bato. Sana huminto na ang ulan para makauwi na ako.
May konting patak ng ulan na tumutulo sa akin dahilan para mabasa ako. Bakit kase walang masilungan dito..
Biglang nawala ang patak ng ulan ko ulo ko. Pero nang tinignan ko ang kalsada ay malakas pa rin ang buhos ng ulan.
Saka ko napag tantong may lalaking nakatayo sa likuran ko at sinilong ako sa itim niyang payong.
"You can join me. San ba punta mo?"rinig kong sinabi nya
Napahawak ako sa dibdib ko. May kakaiba akong nararamdaman dito.kinakabahan ako!ibang klaseng kaba..
Kahit nahihiya ay sumabay na ako sa kanya. Nakatawid kami. Tiniklop nya ang payong nya dahil may bubong na ang dinadaanan namin.
Nang marating ang dulo ay tanaw ko ang nakaparadang jeep. Naghihintay na na lang itong mapuno bago umalis.
Hindi ko inaasahang ihahatid nya ako sa sakayan. We don't know each other pero nagmalasakit syang ihatid ako kahit hindi ko naman sinabi.
"Here, dalhin mo na. I think walang balak huminto 'tong ulan."
Tatanggi sana ako pero wala na akong nagawa kase inabot na nya sa kamay ko at tumalikod. Pinagmasdan ko sya,may hinugot sya sa itim nyang backpack, isang itim na sombrero.
He's wearing San Beda nursing uniform.kung gaano ka puti ang uniform nya kabaliktaran naman ang kulay ng gamit nya..
"I'm home"sigaw ko pagpasok sa loob.
Tahimik ang buong paligid siguro ay busy silang lahat. Inilapag ko ang bag ko sa couch at agad na dumiretso sa banyo para maligo.
Kinabukasan ay maaga ulit ako nagising. Naglalakad lang ako,umaasa akong makikita ko 'yung lalaki kahapon. Gusto kong ibalik sa kanya ang payong nya. Mukhang hindi naman na uulan mamaya.
Nasa tapat na ako ng FEU pero hindi ko nakita 'yung lalaki. Pumasok nalang ako sa loob, baka mamayang uwian makikita ko ulit sya.
Tahimik lang akong umupo sa upuan ko. Today is my second day as a college student. Akala ko madaling maging malayo sa mga kaibigan mo pero mahirap din pala.
Gusto ko ng tahimik na buhay, siguro sisimulan ko nang sanayin ang sarili ko na mag isa lang. Mas okay din siguro 'to.
Habang walang prof nakikinig lang ako ng music. Nilabas ko din ang libro at nagsimulang mag advance reading.
Tinanggal ko 'yung earphone ko nang may kumalabit sa akin mula sa likuran. Lumingon ako sa kanya at tahimik syang tinignan. Ngumiti siya ng malapad "Hi, I'm Pat"pagpapakilala nya sa sarili nya
Tipid akong ngumiti "Allesandra"
Hindi ko alam kung kakaibiganin ko ba sya o hindi. Siguro kung magkakasundo kami ay pwede naman. Basta ayoko lang ng mga distraction.
"Napapansin kong ang tahimik mo. Ayaw mo ba ng maraming friends?"she asked
"I have a lot of friends pero wala dito."sagot ko
Totoo naman I have a lot of friends pero nagkahiwa-hiwalay kaming lahat.
"Ako wala akong friends, gusto ko sana ikaw 'yung magiging una kong kaibigan kung okay lang sayo."
Tinitigan ko sya, she's pretty pero bakit wala syang mga kaibigan?
"Okay sige, we're friends na! Ayoko din naman maging boring ang college life ko."nakangiti kong sinabi sa kanya
Sabay kaming nag lunch ni Pat. Tahimik lang akong nakikinig sa kwento nya.
"Bye sandra, see you tomorrow!"paalam nya
Hinihintay ko ulit ang pag green ng traffic light. Napatingala ako nang mapansing biglang dumilim ang paligid. Nagbabadya na naman ang pagbuhos ng ulan.
Agad kong nilabas ang payong ko nang bumuhos ang ulan. Buti na lang at may dala akong payong. Pero paano 'yung may ari nitong itim na payong?baka nababasa na sya ng ulan...
Tumawid ako at dahan-dahang naglakad. Malakas parin ang pagbuhos ng ulan. Napansin kong may lalaking nakatayo at sumisilong sa tapat ng Ever.
Dali-dali akong lumapit sa kanya. Kinuha ko ang itim nyang payong sa loob ng bag ko "Hi, thank you dito ah! Sorry din dahil nabasa ka ng ulan ngayon."
Napayuko ako sa hiya, I don't know why I feel this but every time I see him looking at me makes me feel embarrassed. I don't know why..
"It's okay, at least today you have your own umbrella. Hindi kana mababasa"he said, napahawak ako sa dibdib. This strange feeling again..
"Thanks again, una na ako bye!"
For the first time I saw him smiling, my heart beat fast again.
Mabilis akong sumasakay sa jeep. Bakit ko nararamdaman 'to? Anong meron sa taong 'yun?bakit parang iba ang pakiramdam ko sa twing kaharap ko sya?
Nakahiga ako at tulalang nakatingin sa kisame. Sa twing pipikit ko ang mata ko nakikita ko 'yung mga ngiti niya. Sa tuwing mumulat ko ay nakikita ko pa rin siya. Hindi ko na alam!gusto ko lang naman ng tahimik na buhay pero bakit mukhang magugulo ito dahil sa lalaking 'yon.
Linggo nang mag chat sa akin si Via na lalabas daw kami. Pumayag agad ako dahil miss ko na sila. Na stress ako sa school kaya oras na para mag relax..
Nasa MOA kami, biglang may grupong dumating at kakilala ni Via. Nagtama ang paningin naming dalawa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, bakit sila magkakilala ni Via?
Seryuso syang nakatayo mula sa likuran ng isang babae. Kung titigan 'yung babae ay mapapansin mong magkahawig silang dalawa. Nagpanggap akong ngayon ko lang sya nakita pero ang totoo ay nung isang araw ko pa gustong malaman kung anong pangalan nya.
"By the way, this is Sandra,Kath,Chloe and Isla my girl friends." Nakangiting pakilala sa amin ni Via
Hindi ko masyadong napansin sila dahil sa isang tao lang nakatutok ang atensyon ko. "Sino 'yung suplado?"hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para maitanong kung sino siya.
"Si liam, why?you like him?"tanong nya, hindi ko alam kung maiinis ako sa ngiti nyang nakakaloko o matatawa sa pagiging chismosa nya
"No dzuhh"sagot ko.
Kahit sa sarili ko hindi ko maaming naa-attract ako sa lalaking 'yon. Hindi ko matanggap na bigla nalang akong makakaramdam ng ganito sa twing kaharap sya.
Sumama ako sa galang 'to para mag enjoy pero ano mag e-enjoy kung bigla ko syang nakita?bigla na namang nagwawala ang puso ko sa kadahilanang hindi ko alam.
Kinabukasan ay maaga ulit akong nagising. Alas otso pa ang pasok ko pero kailangan kong gumising ng maaga dahil mabagal akong kumilos.
Pagbaba ko ng jeep ay naglakad na lang ako dahil kung sasakay ako ay makakarating agad ako. 'Yung tipong kakaupo mo lang pababa kana kaagad.
Bakit mukhang uulan na naman?kung kailan wala na naman akong dalang payong.
Mabilis akong naglakad. Saktong pagpasok ko sa entrance gate ay bumuhos ang ulan. May bagyo ba para umulan na naman ng ganito ka lakas?
Tanghali na nung inanunsyong suspendido ang klase sa lahat ng antas. Malakas pa rin ang buhos ng ulan kaya wala akong plano na umuwi.
"Sandra sabay kana sa 'kin. May dala akong payong."
Sumabay ako kay Pat, gustuhin ko mang manatili sa classroom ay hindi ko magawa dahil ayukong maiwang mag isa do'n.
"Pat thank you,.dito nalang ako."nakangiti kong pasasalamat sa kanya. Nahihiya akong magpahatid pa sa sakayan. Siguro ay dito nalang ako sa loob ng ever maghihintay sa pagtila ng ulan.
Pumasok ako sa loob at umakyat sa taas para don sa food court tumambay. Medyo maraming estudyante dito, siguro ay naghihintay din sa pagtila ng ulan kagaya ko. Naghahanap ako ng upuan. Buti nalang ay may bakante pa sa pinakadulo. Inilapag ko ang mga libro ko at bag. Kinuha ko lang ang wallet ko at umalis para bumiling pagkain.
Pagbalik ko ay agad akong kumain. Hindi pa ako nagla lunch kaya siguro nakaramdam ako ng gutom. Inilabas ko na din ang notebook ko at sinimulang sagutan 'yung assignment na binigay.
Naramdaman kong may biglang umupo sa harapan ko. Hindi ko siya pinansin, siguro ay makikishare lang. I continue eating and answering my assignment.
Naiilang ako dahil pakiramdam ko ay nakatingin siya sa akin. Hindi ko naman alam kung sino sya. Inis akong tumingala at tinignan sya. Huli na nung malaman ko kung sino sya. Napaiwas nalang ako ng tingin.
Anong ginagawa niya dito???

หนังสือแสดงความคิดเห็น (50)

  • avatar
    pratamaridho witri

    good

    23d

      0
  • avatar
    Zidan

    😭10000 ff

    23/07

      0
  • avatar
    Remar Radones

    hubsjsjhshshbsbsbsbbshsjsjjshshsjsjsjsjsjsjjsjsjsjsjsjsjjsjsjsjsjsjjsjshhhhhhhhhgggghhhhhhhshhhshshshhshshshshshshshshshshshhshshshsyeydyhdhshdhshdhshshhdhdhshshshshshdhhdhshshshshhdhdhdhdhshhshshshshshshshdh

    19/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด