logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 6

Renaissance's Pov
Sabay kaming nabulabog ni Heather ng malakas na pagtunog ng telepono kinaumagahan, with my eyes shut close, kinapa ko ang telepono na nasa side table atsaka 'yon sinagot. "Hello — Ms. Ressee 'yong mga gamit n'yo po dito sa opisina ipinaliligpit ni Sir Morgan at pinatatapon." Napabalikwas ako ng bangon at ang bawat himay-may ng pagkatao ko ay bigla na lamang nabuhay dahil sa narinig.
"What the?! Damn... Helaina, I'll be there shortly would you please  call the security team and tell them not to let Morgan touch a single thing on my office?" Malinaw na utos ko habang nagsusuot ng pantalon at simpleng puting t-shirt, ni hindi ko na nga nagawa pang maghilamos at pinagsiklop na lamang ang aking buhok para iipit matapos kong makapagbihis.
"Yes, Ma'am pero paki-bilisan lang po natatakot rin kasi ako kay Sir." Sambit n'ya mula sa kabilang linya bago tuluyang naputol ang tawag dahil sa pagdagungdong ng sigaw ni Morgan mula roon.
"May problema na naman ba?" May buong kyuryosidad ni Heather na ngayon ay naalarma na rin sa pagiging aligaga ko habang inilalagay sa sling bag ang iilang gamit na kakailanganin ko. "Si Morgan, pinaalis n'ya 'yong mga gamit ko sa opisina para s'ya na ang umukopa, kailangan ko na talagang umalis." Pahabol na sinabi ko at patakbo nang lumabas sa kwarto.
It's the first day of the week, traffic na naman sa mga kalsadang dadaanan ko, hindi maganda ang naging maganda ang simula ng araw ko, may ilala pa ba ang buhay ko?
It took me almost one and half hour before I arrived at the hotel, mabilis na kinuha sa 'kin ng hotel stuff ang susi ng kotse para maiparada sa parking habang ang ibang empleyadong nadadaanan ko'y harap-harapan na nagbubulong-bulungan ni hindi man lang sila natitinag kahit na tinitingnan ko na sila ng masama, ibang klase.
"Helaina, nasan ang impaktong 'yon" kaagad na tanong ko nang bumungad sa 'kin ang aligaga kong sekretarya pagkalabas na pagkalabas ko pa lamang ng elevator. "Nasa office mo —" Wala na 'kong inaksayang oras pa at mabilis na naglakad papasok sa opisina kung saan naka-upo si Morgan sa swivel chair na nakalaan para sa CEO, para sa 'kin.
Kaagad na naningkit ang mata ko nang makita ang babasaging bagay na nakapatong sa lamesa ko kung saan nakaguhit ang mga katagang labis-labis na nagpa-init ng ulo ko.
Mr. Morgan Y. McAllister
Chief Executive Officer
Nang ang buong sistema ko ay nabalot na ng galit lalo na't nakikita ko ang matamis at may panunuyang ngiti sa labi n'ya ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na lumapit sa lamesa at hawiin ang lahat ng mga gamit na nakalagay doon. "Hindi ka ba talaga titigil!" His jaw clenched in a dangerous manner as his eyes darken into oblivion.
"Ano ba ang ikinagagalit mo? Hindi ka ba naabisuhan ng board na napalitan ka na? Noong sabado ka pa tinatawagan para sa board meeting pero hindi ka mahanap miski phone call hindi mo sinasagot, you're such an irresponsible woman that's why Isabelle Renaissance, kailangan mong malaman na ang lahat ng bagay na hindi mo iniingatan ay pwedeng mawala sa 'yo sa isang iglap." For the first time, in his 29th years of existence I have finally heard a sensible words from him, but still, it fucking annoys me.
"Hindi n'yo ko pwedeng palitan, ako ang may pinaka-malaking hawak na shares dito, McAllister Empire is mine, I.own.it." may diin sa bawat katagang sinabi ko ngunit imbes na makaramdam s'ya ng otorisasyon ay gumuhit lamang sa isang mapaklang ngiti ang kanyang labi.
"You used to own it, but I'm sorry to break it up to you my dearest sister you already loose your Empire, sabi nga nila walang pangmatagalan ang mga bagay na pag-aari mo ngayon ay hindi mananatiling pag-aari mo habambubay katulad na lang nitong M.E pati na rin ang mansyon ng McAllister wala ka ng karapatan sa mga 'yon dahil ang lahat ng 'yon ay akin." Sambit n'yang labis kong ikinagulat, hindi p-pwede! H'wag ang mansyon.
"Impossible! Sa 'kin na ka pangalan ang mansyon, hindi mo 'yon makukuha — Mukhang wala ka talagang ideya na bago pa maaksidente sina Papa ay papalubog na ang McAllister Empire, sa'yo nakapangalan ang mansyon pero nakasanla 'yon sa bangko. Hindi 'yon nabayaran ng pamilya mo kaya naman nabili ko 'yon ang lahat ng bagay na nandoon ay sa 'kin na ngayon." Gustong-gusto ko nang umiyak na lang dahil sa mga nalaman, pakiramdam ko napakatanga ko at nanakaw sa 'kin ang mga bagay na pinaka-iniingatan ko dahil hindi ko 'yon nabantayan ng maayos.
"Morgan please, w-wag 'yong mansyon." I plead as I was trying my very best to hold back my tear but he remained serious, and merciless as he let the security guard drag me away from the building that I once owned.
"Kailangan kong maka-usap si Morgan, papasukin mo 'ko! Ano ba!" Marahas kong itinulak ang security guard na nakaharang sa tapat ng entrance at pilit akong pinipigilan na makapasok. "Sorry po talaga Ms. Ressee sumusunod lang naman kasi kami sa utos ng bagong CEO ayaw po naming mawalan ng trabaho." Aniya na naging dahilan para tumigil ako sa pagpupumilit na makapasok pa ulit sa loob at bagsak balikat na naglakad na lamang pabalik sa loob ng sasakyan ko at doon na bumuhos ang mga luhang pilit kong itinatago kanina pa.
Hold yourself together Renaissance, you can't let this happen. I need to have the mansion and the empire back para sa mga magulang ko at sa pinaghirapan nila.
Marahan kong pinalis ang mga luha sa 'king pisnge at pilit na pinakalma ang aking sarili habang nagmamaneho kahit na wala naman akong matinong lugar na pupuntahan, hindi ko macontact si Rex at sigurado naman akong nasa klase pa si Heather.
Nang maipit sa kalagitnaannng traffic ay napako ang mata ko sa electronic billboard kung saan ipinalalabas ang advertisement para sa korporasyon ni  Klau.
Isang hindi makatarungang ideya ang mabilis na nabuo sa isipin ko kahit na hindi ako sigurado kong may lakas pa ba ako ng loob na humarap sa kanya matapos ng mga nangyari, but then I remember I have no other choice, he is my last resort, to make a deal with the devil Klau Villera is my last and only to get what I lost back.
"Isabella Renaissance McAllister, hindi ba?" Bungad na tanong sa 'kin ng isang binata na sa tingin ko'y nasa edad ko lang rin, wearing a faded jeans, white v-neck top and a leather jacket he's someone I cannot figure out who.
"You're looking for my brother?" Muli n'yang tanong na ikinakunot naman ng noo ko, sa isang iglap ay sumilay ang maka-laglag kaluluwang ngiti sa labi n'ya kasabay ng paglahad n'ya ng kamay. "I'm sorry, Caellum Ryle Villera." Pormal na pagpapakilala n'ya na nagbigay na rin ng linaw kung bakit parang parehas sila ng hugis ng mukha, 'yon nga lang ay mas mapungay ang mga mata n'ya hindi katulad ng sa hukluban n'yang kapatid na laging nanlilisik, palangiti rin 'to na malayong-malayo sa ugali ni Klau na laging nakabusangot na para bang pasan-pasan n'ya ang problema ng buong galaxy. "Ressee McAllister." I muttered and smile as the both of us shake each others hand.
"So you're here for him?" He asked.
"No, I mean yes, I need to talk to him nasa opisina ba s'ya?" Seryosong tanong ko habang lumilinga-linga sa paligid nagbabaka sakaling makita ko na lang s'ya o bigla s'yang sumulpot sa isang gilid.
"Hindi s'ya pumasok, nasa bahay s'ya makakapaghintay ba 'yang sasabihin? Kung importante talaga 'yan pwede naman kitang ihatid sa bahay n'ya — H-hindi, okay lang nakapunta naman na 'ko sa condo unit n'ya sa Makati natatandaan ko pa rin naman kung paano makakapunta don ulit." Sagot ko at kinapa mula sa sling bag ko ang cellphone kong nagba-vibrate bago ko pa man masabi kay Caellum na may kailangan akong tawag na sagutin ay naiend call na kaagad 'yon ni Heather.
Tatawagan ko na lang s'ya mamaya.
"Wala s'ya sa condo n'ya sa Makati nasa Tagaytay s'ya doon naman kasi talaga ang bahay n'ya, halos tambayan n'ya lang 'yong condo sa Makati." Pag-iimporma n'ya na halos ikasayad ng panga ko sa mamahaling tiles ng lobby.
I just can't believe that heaven like place, was called 'tambayan lang ni Klau.' Kung ganoon ay hindi kaya mahiya sa mansyon n'ya ang palasyo ng England?
"So..." He mumbled that snap me back into reality, pwede naman na hintayin ko na lang si Klau na makabalik ng Manila kaso ang tanong kailan ba s'ya babalik? Kailangan ko na s'yang maka-usap ngayon. Argh! Bahala na nga.
"Okay lang ba kung magpasama ako sa'yo? Convoy na lang tayo kasi may sasakyan naman ako." Sambit ko at itinuro ang sasakyan kong nasa harapan. "Okay then." Aniya at pinindot ang susi ng sasakyan n'ya dahilan para marinig ko ang pagandar ng makina ng kanyang Lamborghini, hiyang-hiya talaga and pinaka-iingat-ingatan kong Subaru XV.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (22)

  • avatar
    Marich Solis Santia

    nice story 👏👏👏

    30/05

      0
  • avatar
    Mateth Madelo

    👏👏👌👌👌👍👍😍😍

    06/04

      0
  • avatar
    Khen P. Jimenez

    love u

    03/11

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด