logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3

Dorothy's Pov
"Sinusundan mo ba 'ko?" Galit na pag-aakusa ni Ate Harlene nang pasimple n'ya 'kong hinila sa parte ng bahay nina Patricia na medyo tago.
Malamang ay hindi n'ya gusto na makita siyang kinakausap ako.
"Ate, h-hindi may ginawa kaming project nina Patricia hindi ko naman alam na nandito ka rin," nakatungong sagot ko sa kaniya na hindi n'ya rin naman kinatuwa base sa lalong pagtaas ng kilay n'ya.
"Whatever it is Dorothy, lumayo ka sa 'kin hangga't maari miski anino mo wag mong ipakita sa 'kin, and do you even know how expensive Stan's clothes that you've ruined because you are such a clumsy nob?" Maagap akong umiling at napakagat na lang sa 'king labi habang pinipigilan ang sarili kong umiyak dahil sa masasakit na salitang sinabi n'ya.
Kahit na mahina n'ya pa 'kong binatukan marahil sa sobrang inis at pagka-asar n'ya sa 'kin ay nanatili akong nakatungo at hindi lumalaban kahit na alam kong sobra-sobra na ang ginagawa n'ya.
"Malas ka talaga, mana ka sa nanay mong malandi," she scoffed then walk out afterwards.
Mabilis kong pinalis ang mga luhang tuluyang pumatak sa 'king pisnge at pilit na ngumiti bago ako bumalik sa pool side.
Halos patapos na rin kami sa pagkuha ng mga picture, si Valerie ay abala na sa pag-eedit non habang si Keanna at Patricia ay kasama nina Ate na masayang nag-uusap sa kabilang side ng pool.
Kahit na abala sa pagliligpit ng mga ginamit na make-up at kung ano-ano pa hindi ko pa rin mapigilan ang pagsulyap kay Constantine o Stan kung tawagin nina Ate Harlene habang nakaupo s'ya sa lounger at ang buong atensyon n'ya ay nasa kaniyang cellphone.
Kahit na naka-upo lang s'ya at wala namang halos ginagawa makapigil hinga pa rin ang pagmasdan s'ya.
Mas gwapo at makisig pa s'ya kaysa sa ibang modelo na nakita ko dati sa mga magazine sa bahay nina Papa.
"You're done checking Kuya Stan out?" Mabilis akong napahawak sa 'king dibdib dahil sa labis na pagkagulat nang biglang magsalita si Valerie sa tabi ko.
Nag-iwas ako ng tingin at muling itinuon ang buong atensyon ko sa pag-aayos ng mga ginamit namin.
"Hindi, napatingin lang," I mumbled that made her grin mischievously.
"Ano ka ba? Okay lang naman na maging crush mo si Kuya Stan, halos lahat naman ata ng babaeng nakakakita sa kaniya ay nagiging crush na s'ya," she paused for a moment and stare at where Stan and everyone else are having fun.
"Mukhang may something sa kanila ni Harlene Ycaza,"niya dahilan para mapatingin muli ako sa direksyon na 'yon na sana ay hindi ko na ginawa.
Mabilis na namula ang pisnge ko nang makitang magkalapat ang mga labi nilang dalawa habang ang kamay n'ya ay humahaplos sa bewang ni Ate.
Ginagawa nila 'yong nakikita kong ginagawa sa mga romance movie ng babae at lalaking nagmamahalan.
Boyfriend ata s'ya ng Ate ko.
Hanggang sa makauwi na lang ako sa bahay ay yon pa rin ang nakatatak sa utak ko at hindi ko alam kung bakit hindi mawala-wala 'yon sa isip ko.
"Dorothy, saan ka ba galing? Hinihintay kita kanina pa akala ko ba sabi mo sasama tayo kina Mang Ambo na pumalaot kasi wala namang pasok bukas?" Anas ni Henry, ang nag-iisang kababata at kaibigan na mayroon ako.
Hinayaan ko na kunin n'ya mula sa 'kin ang backpack dahil lagi naman n'ya 'yong ginagawa sa t'wing inaabangan n'ya ko sa may paliko bago tuluyang marating ang mga bahay namin na may ilang minuto pa ang layo.
"Hala! Sorry nawala sa isip ko galing kasi ako sa bahay ng kaklase ko may ginawa kaming project. Sorry talaga bukas na lang tayo sumama," sambit ko na mabilis niyang inilingan.
"Hindi ba't pupunta tayo sa misa bukas ng gabi para sa Fiesta sa linggo? Hindi na tayo makakasama kina Mang Ambo dahil do'n, sa susunod na araw na lang," anas n'ya.
Oo nga pala, nakalimutan ko na rin ang tungkol doon.
"Sige kita na lang tayo bukas, susunduin kita dito," sambit n'ya nang makarating na kami sa tapat ng tarangkahan ng aming bahay kung saan nakita ko kaagad si Lola na naghihimay ng mga gulay na malamang ay s'ya ring uulamin namin ngayong gabi.
"Kaawan ka ng Diyos," nakangiting usal n'ya matapos kong magmano sa kaniya.
Maabilis ko lamang na inilipag ang bag ko sa upuang kahoy at tumabi na sa kanuya para makatulong.
"Hinahanap ka pala ng Mama mo kanina, hindi ka nagpaalam sa kaniya?" Bahagya akong napatigil sa paghihimay ng sitaw at medyo gulat na napatingin sa kaniya.
"T-talaga po?" Hindi makapaniwalang tanong ko na tinanguan n'ya lang.
Ang simpleng 'yon na sinabi ni Lola ay nagdulot ng ngiti sa 'king labi. 
Madalas ay walang pakialam si Mama sa mga ginagawa ko sa t'wing nagpapaalam ako sa kaniya na may pupuntahan ako. Ang lagi n'ya lang sinasabi ay bahala ako sa buhay kaya naman nakakapanibago na hinahanap n'ya ko ngayon.
"Dorothy, saan ka naman pupuntang bata ka at bihis na bihis ka?" Taas kilay na tanong ni Mama kinabukasan nang makita akong suot-suot ang kulay peach na dress na niregalo din sa 'kin ni Papa noong nakaraang pasko.
Hindi pa pala ako nakapagpaalam sa kaniya, kay Lola pa lang sana ay payagan n'ya rin ako.
"Pupunta kami sa Bayan ni Henry, Ma, may misa kasi roon mamayang gabi na hudyat nang pagsisimula ng Fiesta dito sa 'tin," marahan siyang tumango at muling itinuon ang atensyon n'ya sa tv.
"Dorothy — Magandang hapon po Ate Belinda, Lola Medina," nakangiti at magalang na bati ni Henry nang makapasok na s'ya sa bahay at makita si Mama at Lola.
"Magandang hapon din Henry," bati pabalik ni Lola.
He turn to look at me and plastered a smile on his face.
"Tara na?" Kaagad akong tumango at humarap kay Mama at Lola para makapagpaalam.
"Dorothy, may pera ka ba?" Biglang tanong ni Mama nang papalabas na sana kami ng bahay, umiling lang ako sa kaniya.
"Kunin mo na 'to," masungit na anas n'ya atsaka iniabot sa 'kin ang singkwenta pesos na papel.
"Salamat po," I mumbled then leave.
"Dito tayo sa unahan. Bilis," excited na sambit ko nang makarating na kami sa simbahan, ngunit bago pa man ako makapunta sa unang hilera ng upuan ay pinigilan na kaagad ako ni Henry.
"Halata nga na ito ang unang beses na pupunta ka sa misa para sa fiesta," makahulugang sinabi n'ya dahilan para magtaka ako.
Enlighten me please.
"Ang hilerang 'yan ng upuan ay para sa pamilyang Montefiore, ang isa naman ay para sa pamilyang Gallego,Ycaza at Salvador," and as if on cue the Montefiore clan passsed us by.
Natahimik ako lalo na nang masilayan ko muli si Stan na kausap ang isa pang makisig at gwapo rin na lalaki.
"Doon na tayo sa likuran," sambit ni Henry at kaagad akong hinatak.
Naglalakad ma,  ang mga mata ko'y nanatili pa ring nakasulyap sa kaniya.
Marahil ay tama nga si Valerie na ang lahat ata ng babaeng makakakita sa kaniya ay magiging crush s'ya, pakiramdam ko kasi crush ko na s'ya at alam ko naman na hanggang doon lang 'yon.
"Henry, hindi ko na talaga kaya magccr lang ako saglit," bulong ko sa kaniya habang nasa kalagitnaan na ng misa
"Gusto mo samahan kita?" Maagap akong umiling at ikinumpas pa ang kamay ko senyales ng aking pagtutol.
"H'wag na babalik rin ako kaagad."
Ang desisyon ko na h'wag pasamahin si Henry ay kaagad kong pinagsisihan nang makitang medyo madilim na sa labas, natatakot man ay nagdire-diretso pa rin ako sa cr para sa 'king pag-ihi.
Ngunit bago pa man ako tuluyang makapasok sa cr ay nasulyapan ko na ang pamilyar na lalaking nakatayo malapit doon.
Stan. Anong ginagawa n'ya dito? Sandali nga ba't ba 'ko nakucurious?
Bago pa 'ko tuluyang humakbang papalapit sa kaniya ay naalala ko na agad ang tungkol sa payong n'ya at dali-dali ko naman 'yong kinuha mula sa backpack na suot-suot ko.
Ang lahat nang inipon kong tapang para kausapin s'ya ay naglaho ng parang bula dahil lang sa pagtingin n'ya sa 'kin.
Biglang nablanko ang isipan ko at hindi ko na magawa pang makapag-isip nang sasabihin  kaya naman wala na 'kong nagawa kung 'di ang iabot na lamang ang payong sa kaniya.
He stare at me with confusion in his eyes. Nakalimutan n'ya na ba 'yong tungkol dito?
"P-payong mo 'to, ako 'yong babaeng pinahiram mo ng payong noong nakaraan," it feels like my breathing stops for a moment when he smiled at me.
"Ah. Ikaw yong batang nagpapaulan, keep that I don't need it anyway,"  aniya atsaka ako muling nginitian.
"Stan?" Nandito ka lang pala, hinahanap ka na ni Lolo," sambit ng isang lalaki na kakarating lang, sa tantya ko ay kaedaran lang rin s'ya ni Stan.
Mabilis na kinunutan n'ya ng noo si Stan nang mapansin na rin ang presensya ko.
"Sino 'yang bata?" Tanong n'ya at saglit ulit akong pinagmasdan.
Stan shook his head for  answer.
Tara na, Aeious, baka hinahanap na tayo ni Lolo," sambit n'ya at hindi na 'ko muling tinitigan bago sila nagpatuloy sa paglalakad paalis.
Thirteen lang ako, at tama lang na tawagin nila akong bata sigurado naman ako na kaedad nila ang Ate Harlene kaya malamang ay 18 na rin sila, pero hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng pagkadismaya na ang tingin n'ya lang sa 'kin ay isang bata.
Sana hindi na 'ko bata.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (50)

  • avatar
    Edjimar Paguntalan

    HahahahahaHHhHhaHhHHHahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahaabhahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahaahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahhahahaha

    29d

      0
  • avatar
    Mary Buen Castle

    great story!

    16/07

      0
  • avatar
    Sean Symon Mendoza

    so butiful

    11/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด