logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2

Dorothy's Pov
"Dorothy, isangag mo 'yong kanin na nasa lamesa naihanda ko na 'yon lahat. Iluto mo na lang bibili lang muna ako ng itlog sa tindahan," iyon kaagad ang sumalubong sa 'kin kinaumugahan nang magising ako.
Malakas pa rin ang ulan sa labas at sariwa pa rin sa alaala ko ang nangyari kahapon. Hanggang ngayon ay may parang kung ano pa ring kumikiliti sa sikmura ko.
"Sige po —Lola wag 'yan," maagap akong napatakbo sa may pinto nang makita kong hawak-hawak ni Lola ang itim na payong na ipinahiram sa 'kin nng lalaki na nakita ko sa bahay nina Papa.
"Ano ba, ang aga-aga sumisigaw ka baka magising ang Mama mo," pagalit na turan ni Lola nang mabawi ko mula sa kaniya ang payong.
"Sorry na po, 'yong isang payong na lang ang gamitin mo hindi kasi sa 'kin to La," I mumbled and plastered a smile on my face.
"Ewan ko sayong bata ka, asikasuhin mo na 'yong isasangag mo roon, may pasok ka pa at mamaya lang magigising na ang Mama mo mapapagalitan ka na naman non kapag wala siyang nakitang pagkain," muli niyang pagpapaalala habang papalabas ng pinto.
A smile crept into my lips as I stride my way in my room and put the umbrella inside my bag.
Sana makita ko s'ya ulit para maibalik ko sa kaniya 'tong payong.
Nang muling makalabas sa kwarto'y maagap kong isiniklop ang may kahabaan kong buhok atsaka 'yon itinali bago ko binuksan ang kalan at isinalang ang kawali para makapagsimula na sa pagsasangag.
Ilang minuto lang ay dumating na rin naman si Lola at s'ya na ang tumapos sa ginagawa ko kung kaya't nagsimula na lang ako sa paghahanda para sa pagpasok.
Habang nagsusuklay ay hindi ko maiwasang hindi mapanguso nang makita ko ang kulay ng aking balat.
My mother has a fair complexion and I am tan, nakuha ko ang kulay ni Papa, ang nag-iisang bagay na nakuha ko sa kaniya na hindi ko pa gusto.
Mas gusto ko kasi na sana ay maputi ako kaysa morena.
"Dorothy, sasama ka ba sa bahay nina Patricia mamayang gumawa ng project?" Taas kilay na tanong ni Keanna nang lumapit ako sa grupo nila para pag-usapan ang tungkol sa proyekto namin sa isang subject.
"P-pwede ba? Kaya kong kumuha ng magagandang shots 'yon na lang ang itutulong ko," sambit ko na ikinatawa nila kahit na sa tingin ko ay wala namang nakakatawa sa sinabi ko.
"May camera ka ba?" Kunot noo at pang-uuyam na tanong ni Patricia, sa sandaling 'to nawala sa isip ko na ang tingin nga pala ng lahat sa 'kin sa paaralang ito ay mas mahirap pa sa dagang bukid na matatagpuan sa palayan ng Santa Catalina kaya naman natural lang na tatanungin nila ako ng ganito.
"M-may DSLR ako sa bahay, b-binigay ng kamag-anak namin, ginagamit ko 'yon kapag may gusto akong kuhaan ng picture," I mumbled that I guess shock each and everyone of them.
"Sige, sumabay ka na lang sa 'min papunta sa bahay nina Patricia," si Valerie na siyang nag-iisang babaeng nakangiti sa 'kin sa grupo nina Patricia.
Halos lahat kasi sila ay tinataasan ako ng kilay.
"Ang ganda talaga ng bahay nina Patricia," nakangiting sambit ni Keanna nang makababa na kaming lahat mula sa sasakyan na sumundo sa 'min sa school.
Ang pamilya ni Patricia ay isa sa mga mayayamang pamilya na nasa Santa Catalina at kitang-kita 'yon sa gara ng kanilang tinitirhan.
"Dorothy, na starstruck ka ba sa bahay nila? Ganda no? Siguro ngayon ka lang nakapasok sa ganito kagandang bahay palibhasa gawa lang ata sa pawid at kawayan ang sa inyo," dagdag n'ya nang tuluyan na kaming pumasok sa loob.
"Hindi naman ito ang unang beses na nakapasok na 'ko sa malaki at magandang bahay, nakapunta na kasi ako sa bahay nina Pa— este Mr and Mrs. Ycaza maganda rin 'yon at malaki," wala sa sariling depensa ko at huli na nang mapagtanto ko ang aking sinabi dahil lahat sila ay seryoso nang nakatingin sa 'kin.
Uh-oh.
"You've been in Mr. Ycaza's Mansion? Paano, I mean hindi ganoon kadaling makapasok sa bahay nila mahigpit kasi ang asawa ni Mr. Ycaza kahit nga si Ate Arianne na bestfriend ni Ate Harlene ay ilang beses pa lamang nakapunta roon."
"Kasi ano, nagtatrabaho sa mansyon nila si Mama kapag walang pasok tumutulong ako sa kaniya kaya nakakapunta ako roon," I lied.
Mukha namang naniwala sila dahil pagkatapos non ay hindi na nila ako kinausap pa at nagsimula na lang kami sa paggawa ng project.
"Keanna, pwedeng maupo ka sa gilid ng pool tapos hawakan mo 'yong libro gamit 'yong isang kamay tapos 'yong isa gamitin mo sa paglagay ng iilang hibla ng buhok mo sa tenga," suhestyon ko na kaagad naman nilang sinang-ayunan.
"That's a great idea, Dorothy, told yeah girls she is an asset to our group," Valerie mumble as Keanna starts following what I did told her a moment ago.
"Keanna, ayusin mo naman. Make it look as if you're a top model," Frustrated na sinabi ni Valerie at lumapit kay Keanna at Patricia para ipakita ang mga shots n'ya.
"Mukha kang constipated," kaswal na komento ni Patricia na ikinatawa n'ya at ni Valerie habang napasimangot naman si Keanna.
"Bakit hindi kaya kayo ang gumawa non? Ang corny kasi ng ideya ni Dorothy," pagdidirekta n'ya sa 'kin na maagap namang hindi sinang-ayunan ni Valerie Patricia.
"Marami ng magagandang shots si Patricia eh, Dorothy ikaw nga ang gumawa nang sinasabi mo," anas niyang ikinagulat ko naman.
"Gawin mo 'yan, kapag hindi maganda 'yan ilulunod kita sa pool," si Keanna na iniabot sa 'kin ang librong hawak n'ya.
Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa 'king labi bago ako naupo sa gilid ng pool.
Maagap kong binuksan ang libro habang ang mga paa ko'y nakikipaglaro sa malamig na tubig ng pool ay saktong umihip ang hangin na naging dahilan para magmukhang mas natural ang dahilan nang pagsiklop ko sa mga takas na buhok papunta sa 'king tenga.
"This is what I'm talking about!" Valerie exclaimed and immediately brag her shot.
"Dorothy can be a model, she has a potential," anito habang ngumingiti sa 'kin.
"She wish, forever na atang maisstuck 'yan dito sa Santa Catalina, impossible 'yon, Val."
Sabay-sabay kaming napatingin sa kakarating lang na si Patricia habang namumula pa ang mga pisnge nito, halatang kinikilig s'ya.
"Nandito sina Ate, kasama nila si Constantine Montefiore," with that the two of them walks inside their house leaving Valerie and I in the pool area.
Constantine Montefiore, what a lovely name, sino kaya 'yon?
"Hindi ka ba susunod don para makita si Stan?" Tanong n'ya habang tinitingnan pa rin ang mga shots na nakuha n'ya sa DSLR.
Mabilis akong umiling at nginitian s'ya.
"Hindi ko naman kilala 'yon, artista ba 'yon?" Nahihiyang tanong ko pa dahil pakiramdam ko ay outdated na naman ako sa mga nangyayari sa paligid.
"He's not an artist, isa s'ya sa mga apo ni Don Alexano," aniya na ikinatango ko na lamang.
Kilala ko si Don Alexano dahil s'ya ang dating Governor ng Santa Catalina bukod pa roon ay ang pamilya n'ya ang pinaka-mayaman sa buong lalawigan pero hindi ko kilala kung sino-sino ang mga apo n'ya.
"Dorothy, p'wedeng ikuha mo 'ko ng juice?" Nakangiting paki-usap ni Valerie na kaagad ko namang sinunod.
Maingat ang naging paghawak ko sa babasaging pitsel dahil sigurado akong mahal 'yon at nang kuhain ko ang baso para sana makapaglakad na pabalik kay Valerie ay hindi sinasadyang nawalan ako nang balanse at natapon ko ang laman ng baso sa isang pamilyar na lalaking nakatayo malapit sa 'kin.
Sandali lang wala namang tao roon kanina.
Sandali. S'ya 'yong lalaki kahapon, ano nang  gagawin ko ngayon?
Baka galit na s'ya sa 'kin ngayon!
"Hala, sorry, sorry hindi ko po sinasadya," natatarantang sambit ko at hindi na alam kung ano ang gagawin ko sa suot-suot niyang pang-itaas na damit na siyang natapunan ko ng juice.
"Stan—Oh my God! Anong nangyari bakit basang-basa ka?" Nag-aalalang tanong nang kalalabas lang rin na si Ate Harlene.
"Sorry hindi ko po sinasadya nadulas kasi ako," nakatungong sambit ko dahilan para mapunta na sa 'kin ngayon ang atensyon ni Ate.
"Dorothy, anong ginagawa mo dito?!" Pagalit na tanong n'ya sa 'kin.
"Kilala mo s'ya Lene?" Nagtatakang tanong ng nakatatandang kapatid ni Patricia, at ngayon ay nandito na silang lahat.
Lagot na 'ko.
"I'm fine, damit lang naman 'to kukuha na lang ako ng bago sa kotse. It's fine, don't worry, Dorothy," malumanay na sinabi ng lalaking nagpahiram din sa 'kin ng payong kagabi.
Nang makaalis ang lahat sa tabi ko ay tsaka ko pa lamang nagawang ngumiti dahil sa labis na sayang nararamdaman.
Dorothy, he called my by my first name and that thought made me loose my sanity for a moment.
I didn't know that my name would sound that beautiful is he's the one who would call me by it.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (50)

  • avatar
    Edjimar Paguntalan

    HahahahahaHHhHhaHhHHHahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahaabhahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahaahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahhahahaha

    29d

      0
  • avatar
    Mary Buen Castle

    great story!

    16/07

      0
  • avatar
    Sean Symon Mendoza

    so butiful

    11/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด