logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2

PHOEBE POV
Inis na bumangon ako sa higaan ko nang marinig ko ang alarm clock ko na tumunog. Fvck this clock! Patuloy pa rin ito sa pagtunog kaya pinatay ko na, ni set ko kasi ito ng 6 am dahil baka ma-late ako sa klase namin na 7:30 ng umaga. Kinuha ko ang towel ko at pumasok sa banyo upang maligo at gawin lahat ng routine ko tuwing umaga. Iaabot ako ng kalahating oras bago matapos. I glanced at my phone to check the time again and its already 6:45. See? Ganyan ako kabagal kumilos, argh! I hate myself for being slow.
Bumaba na ako para kumain at naabutan ko na sina Mommy at Daddy na nauuna ng kumain. Lumapit ako sa kanila at hinalikan ito sa pisngi.
“Good Morning Daddy,” bati ko kay Daddy na nagbabasa na naman ng newspaper. Sandaling huminto ito para batiin din ako.
“Good Morning baby, how’s your sleep?” he asked.
“Hmm, nothing changed Dad. Wait, I thought mamaya ka pa po uuwi?” tanong ko dito. Kadalasan kasi umuuwi sa Dad galing business trip is mga 5 pm or above nakakapagtakang umaga pa lang ay narito na siya.
“Miss ko na kasi ang dalawang prinsesa ko,” sagot nito kaya natawa na lang ako. Dad is really sweet kahit ilang taon na silang kasal ni Mommy the spark between them never fade and I’m amazed.
“Mister ko ang aga aga ang korny mo!” segunda ni Mommy habang namumula.
I just laughed at them at started to eat,ayoko na naman ma-late. Nang matapos akong kumain ay nagmadali na akong tumayo.
“Bye Mom and Dad! See you later, I love you both!” saad ko and kissed them on their cheeks.
Exact 7 am ako nakarating sa school, kasama ko ngayon si Noreen naglalakad patungong classroom namin. Madami na rin mga studyante ngayon dahil nga malapit na magsimula ang klase.
“Alam mo na ba Phoebe?” tanong ni Noreen sa akin na nakapag pakunot ng noo ko. Alam ang ano?
May chismis na naman siguro ‘tong naamoy. Aish!
“Nope.”
Hinawakan ako nito sa balikat at inalog alog ako dahil para mahilo ako kaya inis na inalis ko ang kamay niya sa balikat ko. Tsk!
“You’re really scaring me Noreen. Hindi ko alam kung ikaw pa ba ang kaibigan ko,” sambit ko na ikinaismid nito.
“Hmp! So ito na nga—ops, ready mo muna puso mo haha, baka kasi kiligin ka rin,” aniya. I just rolled my eyes at her and walk again.
“Cut that non sense Noreen.”
“Waahh! Kainis naman oh, ito na talaga sasabihin ko na. Narinig ko lang ‘to kanina pagkarating ko sa school hehe,” lumapit pa ito sa akin. “May bago raw transfer ngayon na lalaki, do you know Harry right?”
“Yeah, that play boy tss. Sinong hindi makakakilala doon? Tsaka siya ‘yong kinababaliwan mong crush, yeah I know him, so what?” masungit kong sabi dito.
“Best friend niya raw ‘yon and guess what! Galing daw itong states at sobrang gwapo kyaaahh! I can’t wait to see him! Sana kaklase natin siya.”
Napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi ni Noreen sa akin about sa transfer na lalaki dito sa school, kahit pa siguro maraming mag transfer dito ay wala akong pakielam dahil iisa lang naman ang gusto ko sa lahat at ‘yon ay si Prince-- my childhood friend ,who promised me that he will marry me in the right time.
Matapos ang mahaba habang lakarin ay sa wakas nakarating din kami sa room namin, may iilan na kaming kaklase na narito. Pagkapasok ko pa lang ay marami ng mga mata ang nakatingin sa akin, especially the group of girls who really hate me, lol.
Naupo na lang sa upuan ko at hindi na lang sila pinansin, dito ako nakaupo sa kanang bahagi ng room namin sa tabi ng bintana at sa likod ko ay si Noreen. Ipinikit ko na lang ang mata ko dahil kulang pa ako sa tulog. Iidlip muna siguro ako habang wala pang teacher.
“Good morning class!”
Napaigtad ako ng marinig ko ang boses ng adviser namin na si Ma’am Tin. Sinampal sampal ko ng mahina ang mukha ko para magising ang diwa ko. Aish! I’m too sleepy,damn!
Sabay sabay kaming tumayo  at binate rin ito pabalik pagkatapos no’n ay uupo na ulit.
“So, alam ko naman na ilan sa inyo alam na ang balita tungkol sa transferee right?”
Malakas na tiliian ang nangibabaw ngayon sa room namin dahil sa mga kaklase kong babae na sobrang hilig sa mga lalaki idamay mo na rin si Noreen. Sinulyapan ko ang mukha ng mga kaklase kong lalaki and most of them ay nakasimangot.
“Quiet!” pagpapatahimik ni Ma’am at tumahimik naman ang klase. “Good.”
“Ma’am nasa’n na po siya?” tanong ni Kaira ang pinaka bitch sa lahat ng kilala ko.
“Too excited huh?” natatawang sambit ni Ma’am. Hindi ko na lang sila pinansin at nagsulat na lang ng kung ano sa likod ng notebook ko. Hindi ko namamalayan na sinusulat ko na pala ang pangalan niya. I sighed.
How can I easily forget you Prince?’
Nabalik na lang ang atensyo ko ng tawagin na ni Ma’am ang transferee. Napalingon ako kay Noreen  dahil kinakalabit ako nito. Kilig na kilig talaga siya sa transferee kahit hindi niya pa ito nakikita tss. What if kung fake news lang pala ang balita na gwapo siya? Damn, I can’t imagine how I will laugh at them.
“Iho, please come inside.”
“Kyaaahhh!”
“Waahhh! Shit, I have a feeling na supped duper gwapo niya!”
“Akin lang ‘yan ah! Ahhhh!”
Ilan sa mga tilian ng mga kaklase kong babae. Parang nag slow motion ang lahat ng dahan dahan itong pumasok sa loob. Hindi ko maalis ang mata ko sa kanya. Hindi ko inaakala na ganun siya ka-gwapo, he’s like a model. Mabilis na ipinilig ko ang ulo ko sa naisip ko. I’ve been loyal to Prince for almost 11 years pero ngayon lang ako na-attract ng ganito.
“Phobe, ang gwapo niya hihi,” kilig na kilig na bulong sa akin ni Noreen. Hindi ko na lang itp pinansin at nag focus sa unahan.
He was really cool in our uniform it really fits on him. Idagdag mo pa ang saktong height niya para sa lalaki at—shit! Napadako ang mata ko sa labi niya,napalunok na lang ako sa naisip ko. Ano kayang lasa no’n?
“Introduce yourself in the class,” sabi ni Ma’am.
Walang ekspresyon itong tumingin sa amin, hindi siya nakasimangot hindi rin nakangiti, as in no expression. Para tuloy siyang lalaki sa wattpad.
“I’m Prince Eros Bustamante,” maikling saad nito.
Nanlaki ang mata  ko nang marinig ko ang pangalan niya. P-Prince? Siya ba ang taong hinihintay ko?
Lahat kami naghihintay sa sasabihin pa niya. Tila nahalata niya na lahat kami ay naghihintay kaya tumikhim muna ito bago ulit magsalita.
“Nothing more.”
Lahat ng babae ay nag react doon, gusto raw kasi nila malaman ang ugali nito or what. Tsk, as if naman na sasabihin niya ang ganun bagay sa harap ng maraming tao.
“Okay Prince, you may take your seat hmm..” inilibot ni Ma’am ang mata niya.
Nanigas ako sa upuan ko ng marealize kong sa tabi ko nga lang pala may vacant.
“Ah right, you may sit beside Ms. Phoebe,” ani Ma’am sabay turo sa direksyon ko. Napayuko na lang ako ng magtama ang mga mata namin kasabay ng pag tibok ng puso ko ng mabilis.
Huminga ako ng malalim at nag focus sa una. Naglalakad na ito patungo sa direksyon ko. I’m chasing for some air.Nang makarating ito sa pwesto ko ay walang sabi sabi na umupo ito. Aba—hindi man lang nag paalam!
“Staring inside the class of your seatmate is rude, so stop staring at me, I can’t focus.”
Nalaglag ang panga ko sa sinabi nito. Nahalata niya palang lihim na tumitingin ako sa kanya? Waaaahh! Nakakahiya naman.
“Hmm..” ako.
Kanina ko pa gusto tanungin ito pero hindi ko na talaga kayang tiisin ang sarili ko. Gusto ko ng malaman kung siya ba si Prince—ang taong hinihintay ko.
“A-ah.. P-prince?”
Shit! I’m stammering!
“Yeah?” tugon nito na hindi pa rin inaalis ang atensyon sa nagdi-discuss na si Ma’am.
Pinagdikit ko ang dalawang hintuturo ko, ganito kasi ako kapag kabado ako. Huminga muna ako ng ilang beses bago ko ulit ito kausapin.
Kaya mo ‘yan Phoebe!
“Ikaw ba ‘yong  bata sa park 11 years ago? I mean, may kaibigan kasi ako noon and Prince din ang name niya, so I was hoping that you are him,” I said.
Tinitigan niya ako ng may pagtataka sa mukha. Hindi ko na naman mapigilan mapatitig sa gwapo nitong mukha.
“H-hey?”
“No,” tanging sagot niya kaya nanlambot ako.
Hays, sabi ko na nga ba hindi siya ‘yon eh! Argh, kailan ka ba titigil Phoebe sa kakahintay sa lalaking matagal ng hindi nagpaparamdam sa’yo?!
“Thanks, sorry sa tanong ko. I hope you won’t mind it. Btw, I’m Phoebe, nice to meet you,” mahina kong sabi dahil baka marinig kami ni Ma’am medyo mataray pa naman ‘yon.
Inilahad ko ang kamay ko sa harap niya na tinitigan niya lang. Akala ko ay tatanggapin niya ‘yon pero tinangghihan niya ito at ibinalik ang focus sa unahan.
Nakaramdam ako ng inis sa ginawa niya, halos lahat ng lalaki dito gusto makamayan ako tapos siya dedma lang? Tsk kainis! Pasalamat nga siya, inalok ko siya eh.
“Tss, gwapo nga bastos naman,” inis na bulong ko.
“I heard you,” he said that makes me pissed off.
Inirapan ko na lamang ito at nag focus na lang din sa una.
--
Lunch break na namin at nandito kami sa cafeteria ni Noreen.
“Ikaw ah, nakita ko ‘yon,” pabirong sabi ni Noreen sa akin na may halong nakakalokong tingin.
“Ang alin?”
Sinundot nito ang tagiliran ko kaya napaigtad ako. Fvck! Hilig niyang sundutin ako sa tagiliran ko.
“Don’t tell me type mo siya, Phoebe? Kyaahh! Bagay naman kayo eh,” she said.
I gave her a death glare that made her to shut.
“I don’t like him, tss si Prince pa rin ang gusto ko tsaka napaka bastos niya grr! Ako na nga nag alok makipag shake hands hindi niya pa tinanggap tss.”
Tumawa ito ng malakas sa sinabi ko. What’s so funny ?
“Ngayon lang kita nakitang ganyan kainis sa isang lalaki.”
“Eh pan—“
“Yeah yeah, whatever you say Phoebe,” anito at ipinagpatuloy ang pagkain.
Ang tahimik na cafeteria ay naging maingay ng pumasok ito sa loob kaya binalingan ko ito ng tingin, kasama na niya ngayon si Harry—bestfriend niya.  Pilit ni Harry iniiwas ang kaibigan niya sa mga babaeng pilit na lumalapit dito, still wala pa rin expression ang mukha niya.
Abnormal ba siya at hindi man lang siya marunong ngumiti? Tss.
“Laway mo.”
Napahawak ako sa gilid ng labi ko para tingnan kung totoo ang sinabi ni Noreen pero ang loka humagalpak ng tawa kaya ang ilan studyante ay nagtinginan sa amin.
“Gosh, Phoebe I’d never think that you will do that hahaha!” pagtawa nito na ikinainis ko.
“Shut up!”
PRINCE POV
“See? Ang daming girl na magaganda dito Prince, imposibleng wala ka pa magugustuhan dito,” Harry said.
Napabuntong hininga na lang ako sa walang sawang pagbanggit niya sa ganun bagay. Ilang beses ko ba sasabihin na wala akong interes sa mga babae. Simula ng dumating ako dito sa school ay ‘yon na lang ang sinasabi niya sa akin, he was so desperate for me to have a girlfriend.
“Ah Harry.”
“Oh? May nakita ka na?” sambit nito na may nakakalong ngiti. Tss. Nagtataka na talaga ako kung bakit ko ito naging kaibigan.
“No, tsk. Can you please stop that non sense Harry?” inis na saad ko.
“Okay okay, chill haha ‘di ka naman mabiro. Ano ba ‘yon?” tanong nito. Naglalakad na kami papuntang cafeteria.
He’s right maganda dito sa school nito, pero mas maganda pa rin ang school na pinasukan ko sa States, kompleto na kasi doon. Hindi maraming studyante napasok sa school na ‘yon dahil para sa mga may kaya lang ang school na ‘yon.
“Do you know ahmm.. Prin---no, Phoeb—“
“Phoebe? ‘Yung nasa section A? Hindi ba section ay ka?”
I nodded.
“What’s with her?” takang tanong nito di kalaunan ay sumilay ang nakakaloko na naman nitong ngiti. “Type mo ‘no? I knew it! Sa kanya ka lang din ma-a-attract,” dagdag nito kaya nagsalubong ang kilay ko.
“What?”
“Type mo ba siya? Gusto mo ila—“
“Stop, she’s not my type.”
Nakarating na kami dito sa loob ng cafeteria at nagsimula ng umingay ang paligid na pinaka ayoko sa lahat especially ang mga babaeng lumalapit sa akin. Dapat masanay na ako sa ganitong scenario dahil ganito din sa States.
May mga babaeng pilit na lumalapit sa akin, kaya todo pigil si Harry sa mga ito.
“Dude, grabe hindi pa nangyayari ang ganito sa akin, biruin mo ‘yon pinagkakaguluhan ka na sa unang araw mo pa lang haha naks!”
Hindi ko ito sinagot at nagtuloy tuloy na sa paglalakad. Pinakita ko ulit ang walang ekspresyon kong mukha. Nahagip ng mata ko ang babaeng katabi ko kanina na si Phoebe na nakatingin sa akin, tumagal din ng ilang segundo ‘yon bago ito umiwas ng tingin.
Tss, type niya ba ako?
“May balak ka bang sabihin sa akin kung sino ang tinatanong ko sa’yo kanina?” singhal ko dito.
I want to know her not because I’m interested to her.
“Si Phoebe? She’s famous here Prince, I mean not a famous because she’s an artist or what.”
“So bakit famous?”
“Look at her,” he said kaya naman tumingin ako sa direksyon niya, kumakain na ito.
Kasalukuyan na kaming nasa tapat ng pila ng biglang umalis lahat ng nasa una ko kaya nagtaka ako.
“Mauna ka na hihi,” saad ng babae habang namumula pa.
Napailing na lang ako, may maganda rin palang dulot ang ka gwapuhan ko.
“Si Phoebe kasi ay ang nakakuha ng title dito sa school sa pageant ‘yon, idagdag mo pa ang sobrang ganda niya haha kahit nga ako crush ko ‘yan eh pero hindi ko pinormahan dahil ang alam ko lahat ng lalaking nanliligaw dito rejected lahat.”
Nagtaka ako sa sinabi niya. Why is she rejected all her suitors?
“Bakit?”
He shrugged, “I don’t know ang alam ko lang may hinihintay siyang lalaki.”
Tumango na lang ako.
“Ahh..okay,” I said at umorder na.
Pagtingin ko sa babaeng nagtitinda ay nakatulala ito sa akin na may namumungay pang mata kaya napaubo ako at umalis sa pila.
Aish! Disgusting!
“Hoy Prince!” dinig kong tawag ni Harry sa akin. I just waved my hands at him. I lost my appetite because of that girl in the counter psh.
Tumambay na lang ako dito sa may soccer filed, sinamahan kasi ako ni Harry kanina libutin ang school na ‘to kaya medyo kabisado ko na agad.
Napaisip na naman ako sa sinabi ni Harry.
She’s waiting for a man? That’s why she rejected all her suitors? Psh, siguro mahal na mahal niya ang lalaki na ‘yon.
To be honest ng makita ko siya kanina, may ibang epekto ito sa akin na hindi ko naman nararamdaman noon, pakiramdam ko ay kilala ko na siya kahit na ngayon ko pa lang siya nakita. That’s why I’m asking Harry about her.
Phoebe.. hmm you makes me more curious about you..

หนังสือแสดงความคิดเห็น (62)

  • avatar
    AgullanaAdrian

    kakilig☺☺

    06/08

      0
  • avatar
    Kimberly Supnet

    subrang ganda

    19/07

      0
  • avatar
    Ronalyn Mejia II

    Goodness

    08/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด