logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

His Promise

His Promise

lorenroseismyname


Chapter 1

PHOEBE POV
Alam ko naman na kilala n’yo na ako dahil isa kayo sa fans ng love story ng parents ko na Lorenix pero I want to introduce myself again. Hi! I’m Phobe Nicole Wright, I’m now 16 years old, kung itatanong n’yo ang ugali ko well halos nakuha ko lahat kay Mommy.
“Tsk, Phoebe lagi na lang ba tayo pupunta dito sa park?” inis na saad ni Noreen sa akin—best friend ko.
Every weekend nandito kami ni Noreen dahil sa taong nangako sa akin ng mga bata pa lang kami. Gusto ko itong muli makita. Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko pa ito, laging pumunta sa park para hintayin siya kung pupunta ba ulit ito sa park  o hindi niya. Almost 11 years ko na ito ginagawa pero hindi pa rin ako napapagod.
“Hindi naman kasi babalik ‘yon dito.”
I just smiled at her and back to roaming in the park using my eyes.
“Hindi mo naman natatandaan ang mukha niya, so pa’no? Nic—“ I glared at her. Ayokong tinatawag ako sa second name ko. “—Phoebe,” pagtatama nito.
“Hindi mo maaalis sa’kin ang umasa, I love him kahit bata pa lang kami,” I said.
Tumayo ito sa bench na inuupuan namin kaya tiningnan ko ito.
“Uuwi na ako. Useless lang naman ang ginagawa natin.”
Noreen is right, I can’t recall what his face look like all I know is his name. Bata pa lang kami ng huli kaming magkita kaya hindi ko na ito matatandaan lalo pa’t ilang taon na ang nakalipas kaya for sure malaki na ang pinagbago ni Prince.
Tumayo ako at kinuha ang bag at isinukbit ito. Siguro nga dapat ko na itigil ang kahibangan na ‘to. Wala naman sina Mommy at Daddy na reklamo sa ginagawa ko dahil support lang daw sila sa akin basta para sa ikasisiya ko.
“Let’s go,” I said.
--
As usual umuwi na naman akong parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Nakakainis bakit ba kasi hindi ko man lang  tinandaan ng maayos ang mukha niya at kinuha ang information niya!
Para lang akong tanga na naghahanap sa isang taong patay na. Aish!
“Baby, nakauwi ka na pala? Kanina ka pa?” salubong na tanong sa akin ni Mommy habang pababa ng hagdan.
Lumapit ito sa akin at niyakap ako. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko, naiiyak na naman ako. Lagi na lang ganito ang routine ko tuwing uuwi ako sa bahay kapag galing ako sa park.
“Shhh, it’s okay baby,”Mommy said and lift up my chin. “’Wag kang mawawalan ng pag asa okay? Sabi nga nila it takes a right time and palce, baka kaya hindi mo pa siya nakikita kasi hindi pa ito ang tamang oras.”
Napangiti na lang ako sa tinuran ni Mommy sa akin, wala si Daddy dahil nasa isang business trip ito at bukas pa ang uwi. Maybe Mom is right, it takes a right time for me to see him again, at siguro hindi ko ulit siya makikita sa park.
Am I that to stupid hoping that he will fulfill his promise to me? Damn it!
“Cheer up baby! Go and change your clothes now, baka magkasakit ka.”
“Yes,Mommy.”
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay dumiretso agad ako sa drawer ko at hinanap doon ang isang bagay na naiwan niya sa akin ang kanyang putting panyo na may naka burda pang name niya.
“Kailan kaya kita ulit makikita?” pagkausap ko sa panyo na hawak hawak ko. Napatawa na lang ako ng mahina dahil hindi naman sasagot ang panyo na ‘to sa tanong ko.
“Naaalala mo pa kaya ako?” I asked again. “Hope we’ll meet again for the third time..Prince..” mahinang sambit ko at muling itinago ang panyo sa drawer ko. Sobra ko itong pinagiingatan dahil ito lang ang meron ako na makakapag paalala sa kanya.
Mabilis na nagbihis ako ng damit ko na pang bahay at muling bumalik sa baba. Naabutan ko si Mommy naghahanda ng pagkain. Sumulyap ako sa isang malaking wall clock sa bahay para tingnan ang oras dahil ang aga ni Mommy maghanda ng pagkain. It’s already 5:40 pm.
“Mom..” tawag ko dito, agad ito lumingon. Lumapit ako dito. “Anong meron?” tanong ko pa.
Sandaling itinigil nito ang ginagawa niyang pag aayos ng mga plato. Mukhang may bisitang darating.
“Darating kasi ang Ninang mo pati na rin ang Ninong mo na si Maxine at Evan kaya naghanda ako ng konting pagsasaluhan natin ngayon gabi,” sagot nito.
Tumango tango na lamang ako at tinulungan na rin siya. Hindi na rin gaano karami ang maids dito sa bahay dahil pinag day off ni Mommy ang mga ito tanging si Helda lang ang natira.
Sa lahat ng Ninang ko si Ninang Maxine lang ang pinaka kasundo ko sa lahat dahil may ilan kaming similarities katulad na lang sa taste namin sa mga damit.
Mabilis na tumakbo ang oras ay may narinig na akong tunog na sasakyan sensyales na nandito na sila. Tumakbo ako palabas ng bahay upang salubungin sila. Gosh! I miss them.
“Kyaaahhh! NInang!” tili ko ng makita ko ito pagkalabas ng kotse.
“Hi Phoebe!” nakangiti nitong bati sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
“Hi Ninong!” Bati ko rin kay NInong Evan na may dala dalang goldilocks. Alam na  talaga nila ang paborito ko.
“Hi Phoebe our princess!” Bati rin nito at ginulo ang buhok ko dahilan para mapasimangot ako.
“Ninong!” sigaw ko kaya natawa na lang silang pareho. Aish!
“You look more beautiful than the last time we saw each other,” sambit ko habang naglalakad na kami papasok ng bahay.
“Ganun talaga baby, kailangan always sexy para hindi maghanap ang Ninong mo, ‘di ba Hon?” sabay baling nito kay Ninong.
“Yeah haha, pero kahit hindi na sexy ang Ninang mo hindi pa rin ako hahanap ng iba.”
Napailing na lang ako sa kakornihan ni Ninong kay Ninang.
“Corny!” ismid na saad ko at nauna ng pumunta sa kusina, kasunod ko lang ang mga ito.
“Kyaaahh! Loren! I miss you!!” tili ni Ninang nang makita si Mommy. Kaagad nitong niyakap si Mommy.
“Ang ganda ganda mo pa rin waahh!” si Ninang.
Nagkatinginan na lang kami ni Ninong sabay kibit balikat at umupo sa upuan.  Hindi na ako nakinig sa usapan nila dahil usapang pang matanda ‘yon. I can’t relate.
“Phoebe?”
“Yes Ninang?”
“Ano ng balita sa lalaking hinihintay mo sa park?” usisa nito.
Inilapag ko ang hawak kong kutsara sabay buntong hininga.
“You know the answer ‘Nang.”
“Are you really hoping that he will remember you? I mean, kung hindi ka niya maaalala hindi niya rin matutupad ang pangako niya sa’yo,” sambit nito.
I smiled bitterly. Kaya nga ihihinto ko na ang pagpunta sa park dahil baka hindi na ako nito naalala, mga bata pa lang kami noon kaya posibleng biro lang ang lahat. Damn! He’s the reason why I’m still single. Lahat ng nanliligaw sa akin ay rejected dahil sa pesteng pangako niya sa akin. I’ve been loyal to him.
“Pero wala naman masamang umasa, sabi nila ang child hood promise ay ang pinaka maganda sa lahat.
“Po?”
“Nevermind basta don’t lose hope okay? You never know baka nasa school n’yo lang pala siya tapos kaklase mo pa haha.”
I hope so.. sana nga kaklase ko na lang siya para hindi ganito.
“Eat up ‘nak, may pasok ka pa bukas kailangan mo pa mag aral ‘di ba?” pagsingit ni Mommy sa usapan namin.
Nagpakawala na lang ako ng hangin at ipinagpatuloy ang pagkain.
PRINCE EROS POV
“Hindi pa ba tayo uuwi pre?” inip na tanong sa akin ni Harry ang bestfriend ko.
“Mauna ka na,” tanging sagot ko dito.
Nandito kami ngayon sa park kahit na gabi na.  Hindi ko alam kung bakit ba lagi ako pumupunta dito, pakiramdam ko kasi ay may maganda akong memories dito. Simula ng bumalik kami dito galing states ay araw araw ako pumupunta dito.
Tahimik na pinagmamasdan ko ang mga couples na nandito at ilang mga babaeng masayang nagku-kwentuhan. Napatingin na lang ako kay Harry ng hampasin ako nito.
“Oh?”
Itinuro nito ang isang babaeng nakaupo hindi kalayuan sa pwesto namin.
“Then?”
“Can I go there?” tanong nito na may nakakalokong ngiti. Tsk, play boy as ever.
“Go,” tipid na sagot ko. Tinapik lang nito ang balikat ko at patakbong lumapit sa babae, sinundan ko lang ito ng tingin. Ngayon ay kinausap na nito ang babae. Napailing na lang ako.
Another target..
Hindi pa nga pala ako nakakapagkilala sa inyo. I’m Prince Eros Bustamante, 17 years of age. Lumaki ako dito sa Pinas pero sa States ako nag aral since grade school. Hmm what more? Ugali ko, basta cold at masugit ako ‘yon lang.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay tumayo na ako dito sa bench na kinauupuan ko at pinuntahan ko na si Harry na nakikipag usap pa rin sa babae.
“Let’s go.”
Natigil ito sa pagsasalita at nag angat ng tingin saakin sabay nguso. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya dahil naiirita ako. I hate him when he’s pouting tsk. It’s gay.
“Bye babes!” saad nito.
“Bye! You can text me okay?” pahabol na sabi ng babae. Nauna na akong maglakad at sumakay sa kotse ko. Hindi pa ako pwede mag maneho dahil under age pa ako.
“Tss, kailan ka ba titino?” kunot noong tanong ko kay Harry na ngayon ay abala na sa pagpindot sa cellphone niya kaya inagaw ko ito at pinatay.
“Tsk!” si Harry.
“Stop playing girls heart.”
“What? Wala akong ginagawa Prince, tsk. Give me that!” singhal nito at pinilit inabot ang phone niya sa akin. Binuksan ko ang bintana ng kotse ko at inihulog ito doon.
“What the hell Prince?!” galit na bulyaw nito sa akin.
Ngumisi na lang ako at hindi na ito pinansin. I heard him murmuring something.
“What did you say?”
“Tsk, wala! Tss bibili na naman ako bago aish! Pambihira naman oh, pang sampu ko na ‘yan at lahat kagagawan mo!”
Kahit ganito ito magsalita ay alam kong hindi ito galit sa akin, sanay na si Harry sa ginagawa ko.Gusto ko lang tumino na siya. Hindi ko gusto ang ginagawa niya sa mga babae. Liligawan sa una kapag sinagot na iiwan na lang nito basta basta ang babaeng niligawan niya. Not a man.
“Just find a girl na seseryosohin mo at hindi ko na ulit uulitin ‘yan.”
“Tss, bitter ka kasi kaya ganyan ka. Gwapo ka naman pero bakit wala ka pa rin girlfriend? Don’t tell me..” aniya sabay ngiti ng nakakaloko. I sighed.
“You’re wrong if that’s what you think.”
“Oo nga pala!”
“Oh?” tugon ko dito na hindi man lang tinapunan ng tingin, nananatili pa rin ang mata ko sa labas ng bintana. Isang linggo pa lang simula ng makabalik kami dito sa Pilipinas kaya ganun ko na lang kami ang lahat ng mga magagandang lugar dito.
“Sa school nam—“
“Not yours,” pagtatama ko.
“Tss I mean sa school na pinapasukan namin, madaming chix do’n , tutulungan kita.”
Kumunot ang noo ko sa tinuran niya. I don’t have time flirting with many girls. I’m not him, lol.
“I don’t need that, kaya kong mabuhay ng walang nilalanding babae, hindi mo ako kagaya Harry.”
Napabuntong hininga na lang ako, oo nga pala bukas ng first day ko sa school na pinapasukan nila. I wonder kung gaano kaganda doon kumpara sa States. I’m expecting more.
“Bakla ka ba talaga?”
“No, I just know how to respect girls feelings,” sambit ko at pinikit ang mata ko at hinaayan ako lamunin ng dilim.
I wonder kung anong mangyayari sa akin sa school bukas tss.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (62)

  • avatar
    AgullanaAdrian

    kakilig☺☺

    06/08

      0
  • avatar
    Kimberly Supnet

    subrang ganda

    19/07

      0
  • avatar
    Ronalyn Mejia II

    Goodness

    08/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด