logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 3 GYMNASTIC VALERINA

### Chapter 3 Pwede ba kitangligawan?
Nagsasayawang mga estudyante ang makikita sa isang paaralan na tila baga ay walang katapusang kasiyahan ang pangyayari, marami ang mga dekorasyong nagkakalat sa paligid. Isa itong Junior Senior prom o mas kilala sa tawag na JS prom.
Papatapos na ang aktibidades at tanging ang last dance na lamang ang pinkahuling pangyayari ang makikita mo at habang nagkakaguluhan ang lahat sa pagsasayaw, isang pares ang nasa gitna ng nagsasayawan ang tila ba may sariling usapan ang mga puso dahil bagamat hindi sila nagsasalita tila nagkakaunawaan naman sila.
Maya maya, umalis ang lalki at biglang nawala, saka pagkalipas ng ilang minuto ay namatay ang lahat ng ilaw at tanging maliit na pulang dimlight ang natirang nagliliwanag hanggang sa marinig nilang may nagsalita sa mikropono.
“Magandang gabi ;po sa ating lahat, Gusto ko lang sa gabing itong e grab yung opportunity para sabihin ito.”
Kinabahan sya, dahil kilala nya ang boses na yun, alam nyang yun ang kasama nyang sumasayaw kanina, at yun ang lihim na tinitibok ng puso nya, Maya maya narinig nya ang pagdugtong nito ng kanyang sinasabi.
“I was been a transferee years ago and I don’t have any friends here, My mother went back to US after leaving me here for my studies and I don’t know where to start and how to cope up, Hindi ako marunong magtagalog, wala akong kaibigan o kahit kakilala and someone did something for me to know you well and to have a lot of friends, and that is the girl whom I am dancing with earlier. As the days pass by, I learned to be friendly, I learned to be sometimes bully, I learnned to study well, I learned to love my family more deeply and I learned everything from here and because of that I cannot stop myself to secretly admiring and love her. And this night I wanted to grab this opportunity to ask officially that her parents that is here and the whole school campus to hear, Pwede ba kitang ligawan?”
“Ohhhhhhhhhhhhhhhhhhhh, waaaaaaaaaahhhhh” hindi magkamayaw na sigawan ng mga nakasaksi at hindi magkamayaw na kilig. Maging ang mga guro na nandoon ay nagulat sa pangyayaring sigawan.
Pinamulahan sya ng mukha sa hiya lalo na ng may lumapit sa kanyang mga kalalakihan na may dalang mga bulakalak at isa isang binigay ang lahat ng mga rosas na hawak ng ma ito sa kanya at ang nasa hulihan ay ang lalaking kasayaw nya kanina na kagagaling sa stage at may dala dala na itong isang kumpon ng bulaklak at ibinigay sa kanya.
Tila sa tingin nya planado ang mga pangyayari na para bagang kahit ang mga guro nila ay alam na ito ang mangyayari dahil sa nakikita nyang mga reaction kanina. Sabagay hindi nga naman imposibleng magagawa yun ng lalaking bayaran ang event dahil alam nyang mayaman sila
Maya maya ay ang malamyos na musika ang kanyang narinig at ang pagsisimula ulit ng paghakbang ng kanilang mga paa sa muling pagsayaw at ang pagsisilapitan pa ng ibang mga kaklase nila dala dala ang kapares upang makisayaw sa kanila.
“Ang laki ng kasalanan mo sa akin.” Basag nya sa naghaharing katahimikan nila
“Bakit?” kunot noo at nagtatakang tanong nito
“Pwede mo namang gawin yun”
“You’re special that’s why you deserve it”
“Pero…. “
“No buts, saguting mo na lang ang tanong ko kanina” putol nito sa sasabihin nya
“Ha?”
“Papayag ka bang ligawan kita?” direktang tanong nito.
“O-Oo” nahihiyang sagot nya na isinubsob oa ng mukha sa dibdib ng lalaki.
NAALIMPUNGATAN si Rea sa pagkakahimbing at nakaramdam ng uhaw, Panaginip lang pala pero para bang totoo para sa kanya na nangyari ang panaginip na yun, Kung saan ay hindi sya sigurado ang sigurado nya kilala nya ang lalaki.
Pinipilit nyang alalahanin kung saan ba nya nakita yun o kung totoo bang nangyari yun, Nakita nya ang pangyayari ngunit hindi nya maalala ang mukha ng babae at lalaki pero ramdam nyang kilala nya ang mga ito.
Wala sa loob na naglagay sya ng malamig na tubig sa baso at tinungga. Nang hindi pa din gumaan ang pakiramdam ay saka sya pumunta sa teresa ng bahay at doon nagpahangin. Hindi nya alam kung bakit sya naiiyak at nasasaktan na tila ba apektadong apektado sya sa panaginip na yun. Wala syang maalala kaya iniisip nyang baka parte yun ng kanyang nakaraan.
“Mommy?” dinig nyang boses ni Jasmine na hinahana sya sa sala
“Jasmine, baby why are you still awake?” nagtatakang tanong nya.
“I had a nightmare” umiiyak na saad nito “Daddy was there and he wanted to get me from you” dugtong pa nito.
“Baby that was just a dream”
“I’m afraid, I thought its true because you’re not there in my side when I wake up”
“Baby don’t worry andito lang si mommy” pakalma nya sa anak saka binuhat ito hanggang sa ito ay makatulog ulit.
Maya maya pa ay dahan dahan syang bumalik sa kanyang kwaro at nilapag ang bata saka ito pinagmasdan habang iniisip kung sino ang ama ni Jasmine, Hindi nya kakayanin kapag kinuha ito sa kanya, anak nya man itong bata o hindi. Nagising na lamang sya isang araw na may anak sya kaya hindi sya sigurado kung anak nya ba ito pero inaruga nya. Nasa malalim syang pag iisip ng tumunog ang kanyang telepono.
“Hello”
“Hello, Rea may mission tayo nextweek be prepare and meron akong ipapasang dokumento sayo, alamin mo ang background ng lalaking yan” anang nasa kabilang linya.
“copy Boss”
“Saka yung Finance na gagamitin mo na e transfer ko na sa bank account mo.”
“Salamat boss”
See you next week, wag kka na muna magreposr sa opisina para iwas na masundan ka nilao kahit sa hide out wag na wag ka muna lalapit.
“Yes boss”
Nagtataka sya kung bakit, unang beses na hindi sya pwedeng mag report sa opisina pati sa hide out bawal syang lumapit, Parang may mali.
Pilit nya na lamang iwinaksi sa isipan ang lahat hanggang sa sya ay makatulog.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (3)

  • avatar
    Carril J Barredo

    hiiiiii

    25/06

      0
  • avatar
    Kim Seva Belgera

    gandaa

    02/06/2023

      0
  • avatar
    Rhaycenjake Navarra

    nigga

    29/03/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด