logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

5

Nag-intay ako sa daanan sa harden kung saan pwedeng makalabas ng hindi nakikita, ilang minuto na akong nakatayo at pinapapak ng lamok ngunit wala pa rin ang lalaking i'yon.
"Lagot talaga sa'kin ang lalaking 'yon." sabi ko habang hinahawi ang lamok sa palagid ko.
"Nag intay ka ba? kanina ka pa ri'yan?" masama ang tingin ko rito.
"Hindi, ngayon ngayon lang rin ako. Ngayon lang ako nagalit ng ganito! Piste!" nauna na akong naglakad kundi hindi ako titigilan ng lamok sa dilim.
"Minumura mo ba ako?"
"Hindi! Baka kinakantahan kita!" sarkastikong sabi ko na nauuna maglakad pati ba naman paglalakad ay mabagal s'ya, hindi nakakapagtaka gano'n rin ang utak n'ya.
Wala talagang maayos na parte ng katawan n'ya ang gumagana ng maayos.
Nang makarating kami ay marami na ang tao at halos kaedaran namin, binigyan ko sya ng marcara upang takpan ang kanyang mukha dahil lahat ng naroon ay may masuot rin.
Hindi humihiwalay sa'kin si Silas dahil kung magkakahiwalay kami ay mahihirapan kaming makaalis mamaya pero nang magsimula ang musika ay may humatak sakin na isang binatang lalaki halos magkasing tangkad at kasing laki lang sila ng katawan ni Silas, ang pinag kaiba lang ay ang boses at buhok.
"Ngayon ko lang nakita ang buhok mo rito, binibini." bulong nito sa aking mga tenga.
"Hindi ako madalas rito kaya lamang ako narito ay sinamahan ko ang aking kaibigan." sagot ko.
Iniabot nito ang kanyang kamay sa'kin hudyat na inaaya ako nitong sumayaw iniabot ko nalang rin ang aking kamay kahit alam kung hindi ako marunong at wala rin akong karapatan na tumanggi dahil magiging kahihiyan yon.
"Karangalan ko ang maisayaw ka."
Hinila ako nito sa gitna ng bulwagan at yumuko'd bilang tanda ng pagrespeto sa kasayaw o sa babae. Hinawakan nito ang aking isang kamay ko at inilagay ito sa kanyang balikat ang isa naman ay hawak n'ya at ang kanyang kamay ngayon ay nakahawak na sa bewang ko.
Matangkad rin naman ako kaya hindi ako nahirapan sa pag abot ng kanyang balikat. Noong una ay natatapakan ko pa ang paa n'ya humihinge ako ng tawad at patuloy naman n'yang sinasabi na ayos lang.
Hindi lamang kami ang sumayaw pero maayos kaming nakagagalaw.
"Ang ganda mo ngayong gabi." sabi nito habang iniikot ako.
"Salamat, ngunit hindi tamang sabihin 'yan sa binibining ngayon mo lang nakita." sabi ko at humiwalay sa kanya dahil matatapos na ang tugtog.
Nang balikan ko sa puwesto ko kanina si Silas ay nawala ito roon kaya naman nagtanong ako sa mga taong malapit sa puwestong 'yon.
"May nakita ba kayong isang matangkad na lalaki medyo malaki rin ang katawan at nakasuot ng kulay asul na kapa?" nag aalalang tanong ko dahil malalagot ako kapag may nangyaring masama kay Silas.
"Nakita ko na pumunta sya roon habang may hawak na bulaklak." pumunta ako kung saan itinuro ng babaeng pinag tanungan ko.
Nakatayo ito at nakatalikod habang nakatingin sa buwan at pinag mamasdan i'yon.
"Hindi ba't ikaw ang nag aya na pumunta rito ngunit bakit umalis ka ron?"
"May kasayaw nang iba ang taong ang gusto kung makasayaw."
"Bakit hindi mo inunahan para ikaw ang unang nakasayaw n'ya?" tanong ko.
Humarap lang ito at tiningnan ako may kinuha ito sa bulsa at pinakita i'yon sa'kin. Isang kwintas, isang locket.
"Maaari ba kitang isayaw?" tanong nito.
"Malugod kung tatanggapin ang inyong paanyaya, kamahalan." yumuko'd ako upang magbigay galang.
Hinila ako nito papalapit sa kanya at hinawakan nito ang aking bewang halos nakapulupot na ang kamay nito sa aking bewang dahil rin sa nakasuot ako ng mediaval. Hindi na nakakaabot ang musika kung nasaan man kami nakatayo ngayon tanging kuliglig at hangin lamang ang maririnig.
Dahan-dahan kaming nagsasayaw sa ilalim ng buwan ito rin ang nag bibigay liwanag sa amin habang sumasayaw, kalmado at sobrang tahimik habang iniikot n'ya ako kahit minsan at natatapakan ko ang paa n'ya.
"Kahit pangalawa ay ayos na dahil alam kung mas uunahin mo ako." sabi ni Silas habang sinasalo si Naveah sa pagkakaikot.
"May sinasabi ka ba, kamahalan?" tanong ni Naveah.
"Wala."
Nang matapos ang sayaw ay hinawakan nito ang aking kamay upang iharap ako sa kanya kinuha nito ang isang tulips na nakapatong sa isang bato at ibinigay 'yon sakin kinuha nitong muli ang locket sa kanyang bulsa at ngayon ay pumunta ito sa likuran ko. Nagulat na lang ako ng ilagay nito ang kwintas sa aking leeg.
"Hindi ba't sa binibining iyong isasayaw mo i'yon ibibigay? Bakit mo ibinigay sa akin?" takang tanong ko.
"Hindi ko na rin maibibigay yan sa kanya kaya naman sayo ko na lamang ibinibigay." sabi nito habang nakatitig sa akin.
Hinawakan ko ang locket na 'yon mula sa aking leeg at tiningnan sya, nakatingin pa rin ito sa akin at ngayon ay unti unti nang ngumingiti.
"Ang ganda mo ngayong gabi."
"Masamang sabihin yan lalo pa at ngayon mo lang nakita ang isang tao." usal kung sabi.
"Huwag kang mag-alala, palagi kang nakikita ng mga mata ko."
May kung anong nabubuhay sa loob ng tiyan ko.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (38)

  • avatar
    Gnilbakhurt

    are you okey

    19d

      0
  • avatar
    KuzEysi

    amazing

    21/08

      0
  • avatar
    Carillo Papa

    maganda

    23/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด