logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 4: Smile in His Heart

“Magpahatid ka na lang sa driver. It's late.”
Iyon ang naabutan ni Wind sa baba. Kausap ng daddy niya si Tabitha. Nang makitang bumaba siya ng hagdan, mabilis siyang lumapit sa dalaga.
“No need, Tito Peter. Sa kabilang street lang naman po ang bahay namin,” nakangiting imporma ni Tabitha sa mga magulang niya.
Tumango ang kaniyang daddy at humarap sa kaniya. “Accompany her until the outside of our house, Wind.”
Before he complains, Tabitha pulls him. “Let’s go!”
“Tabitha, balik ka rito,” pahabol pa ng kaniyang ina.
Nang makarating sa labas, pinagmasdan ni Wind sumakay sa bisikleta si Tabitha. Ngumiti nang matamis ang dalaga at kinuha ang kamay niya. Babawiin niya sana ang kamay pero humigpit ang hawak nito.
“Hey Angry Bird.” Tiningnan nito ang magkahawak nilang mga kamay. “Let’s… be friends.”
That sentence gave him an unexplainable happiness. That was the first time that someone wanted him to be a friend. He looked at her and he saw the sincerity in her brown eyes.
“Sana tanggapin mo.” Mahina itong tumawa at binitiwan ang kamay niya.
Sa mga oras na iyon ay tila tumigil ang oras sa paligid niya. Parang lumundag ang puso niya dahil sa tuwa. Sa unang pagkakataon mula nang hindi niya na kayang magsalita, may isang taong ninais siyang maging kaibigan.
NANG umuwi si Tabitha sa bahay, naabutan niya ang ama sa sala at abala sa laptop nito.
“I’m home, Dad,” imporma niya.
“You’re late. Kumain ka na ba?” tanong sa kaniya ng ama.
Tumango si Tabitha at humalik sa pisngi nito. “Yes, Dad. I already ate dinner. May ginawa po kasi kaming report para bukas kaya ginabi na rin po ako. Akyat na po ako sa taas, Dad. Good night po. Magpahinga na rin po kayo.”
Gumuhit ang ngiti sa mga labi ng ama niya. “Good night. Tatapusin ko lang ito. You can go now.”
Aakyat na sana si Tabitha nang may naalala. Bumalik siya sa ama. “Dad?”
Tumingala ang ama niya. “Yes, anak?”
Kinuha niya ang kamay nito at nagmano. “Bless, Dad.”
Malakas na tumawa ang ama niya at bahagyang tinulak ang noo niya. “Are you lack of sleep, my princess?”
Agad siyang umiling at tumawa. “I just thought how to respect.”
“Good to hear that. Be a good girl, okay?”
Tumango si Tabitha at mabilis na umakyat. Pumunta siya ng silid at binagsak ang katawan sa kama.
Her dad was ardent with his businesses but he still fulfill his responsibility as a father to her and to her older brother.
Her mother passed away when she was six years old so his father was the only one took the full responsibilities in the Valencia’s Real Estate Company.
His Kuya Timothy is her dad’s successor but he was on his honeymoon at Guam with his sister-in-law, Hershey. He should call her brother later. He couldn’t watch her father being tired because of so much work.
Tabitha took a bath and changed her clothes. After she brushed her teeth, she laid in her yellow queen-size bed. There were Pikachu and minion stuff toys. Oh, how she loves those cuties! May mini library din siya kung nasaan ang desktop niya. Sa wall ng kwarto niya naman ang mga painting niya at mga picture niya. Kulay dilaw din ang pader niya.
‘I like yellow!’
Habang nakahiga sa kama si Tabitha, bumalik sa kaniyang isipan si Wind. Natawa na lang siya sa sarili niya nang maalala niya ang ginawa nito pagkatapos niyang mag-alok ng friendship.
Tumakbo si Wind papasok sa bahay nito at iniwan siya sa labas. Muli siyang natawa. Masyadong cute para sa isang lalaki si Wind.
‘Choosy siya, Tabitha! That Angry Bird… arte-arte!’
NAKATULALA si Wind sa kisame ng silid niya. Hindi pa rin siya makapaniwala na nag-offer sa kaniya nang ganoon si Tabitha. Para pa rin siyang nakalutang at hindi na normal iyon. Kaibigan lang ang inalok nito pero ang pakiramdam na dulot sa kaniya, higit pa sa kaibigan.
He sighed. He couldn’t explain what he truly felt. He didn’t know how to react in that situation a while ago. He just turned his back and ran as fast he could just to escape Tabitha.
‘Baka trip lang ako ng bruha.’
Witch, that’s how he described Tabitha. Suddenly, he mindlessly laughed as he realized that they have both endearments to each other.
‘I feel fishing special.’
Mahiyaing tao si Wind pero hindi naman umabot sa puntong kahit hindi siya inaway, tumakbo pa rin siya. Hindi niya mawari ang umusbong sa kalooban niya. May kung ano sa dalagang ginulo ang nanahimik niyang simpleng buhay.
******
NAGLALAKAD si Wind sa open field nang mga oras na iyon at pinagmasdan ang clubbing event sa campus. Walang klase dahil naka-schedule sa araw na iyon ang pag-asikaso sa admission ng gustong maging members sa bawat club. Taon-taon iyon at ni isa ay wala siyang sinalihan. Takot kasi siyang maging pabigat lang sa organisasyong napusuan niyang salihan.
Tahimik siyang umiinom ng frappe nang makitang papunta sa gawi niya si Tabitha. Agad siyang tumalikod para umiwas pero huli na. Nakatakbo na ang dalaga palapit sa kaniya at inagaw ang hawak niyang frappe. Umawang ang bibig niya ng uminom doon ang dalaga. Ibinalik nito sa kaniya iyon pero sinenyasan niya itong ubusin na lang ang inumin.
“Ang bait mo naman ngayon,” nakangiting papuri nito sa kaniya.
Napairap si Wind. Ilang beses na siyang inagawan ni Tabitha ng inumin kaya sanay na rin siya. Hindi niya maintindihan pero parang paraan iyon ng dalaga para maglambing sa kaniya. Hinayaan niya na lang. Kahit ano rin naman kasing iwas niya, dikit pa rin ito nang dikit sa kaniya.
“Angry Bird?”
Mabilis siyang lumingon at sumalubong sa kaniya ang nakangising si Tabitha. Ilang beses niyang minura ang sarili nang palihim. Ilang beses niyang sinabi sa sariling ayaw niyang tawaging ganoon pero isang tawag lang ng dalaga, lingon agad siya.
Sinundot ni Tabitha ng daliri ang tagiliran niya kaya nakagat niya ang pang-ibabang labi para pigilin ang tawa. “Sabi mo, ayaw mong tawagin kitang ganoon pero… sa tuwing nababanggit ko ang Angry Bird, ang bilis mong lumingon.”
Hindi niya pinansin ang bruha. Minsan ay may pagkakataong may tulong din ang kalagayan niya. Hindi niya masasabi ang mga bagay mga gusto niyang sabihin.
“Which club will you join?”
Akmang aakbay si Tabitha kay Wind pero agad siyang nakaiwas. Natawa siya nang makita ang iritasiyon sa mukha nito. Bumilang siya ng tatlo. ‘Isa… dalawa… tatlo...’
She shouted, “Wind! You are idiot!”
Sa maraming beses na itong palaging nakadikit sa kaniya. Alam niya na kung paano ito mainis at magalit. Madali itong mairita pero kaunting suyo lang, ngingiti agad. He laughed and simply hold his tummy. A tear escaped from his eyes because of so much laughter.
“You are pissing me off!”
Nabingi ang tainga ni Wind sa sigaw ng dalaga. Kailan ba magiging low key ang tinig nito? Dadaigin pa yata nito ang huni ng nightingale.
Tabitha sighed and smiled at him again. “Alam ko na kung saan ka sasali!”
Umawang ang bibig Wind. It cannot be. ‘Mukhang ako naman ang aasarin ng isang ’to. What the fish?’
Tabitha held his wrist and pulled him somewhere. He just sighed as he stared in her hand. He didn’t know why his heart beat fast. He couldn’t recognize what he truly felt towards her. Suddenly, they stopped in front of the tent of the dance club. He parted his lips because of shock.
Itinaas ni Tabitha ang mga kamay. “Dito ka sumali. For sure, qualified ang baby shark dance mo.
‘Why is this Witch so annoying?’
Masama niya itong tiningnan pero ngumiti lang ito. Ginawa na yata nitong hobby ang palagi siyang inisin. Akala niya ay friendship ang gusto nito pero mukhang ipapahamak lang siya ng dalaga.
He fantasized being a dance troupe member but he’s not that ambitious to write his name on that registration form. In their campus, if the chosen club deals with performing, the management team of the club facilitates auditions for the admission. His confidence was too low to perform.
He turned his back but Tabitha blocked his way. “I want to leave, please!” he signed.
Huminga ito nang malalim. “Hindi kita naiintindihan pero parang galit ka? Galit ka bang dinala kita rito? Senior high school student na tayo. I just want you to experience this and interact with other people.
Kinuha ni Wind ang maliit na notebook at mariing nagsulat.
“Hindi mo ako kilala. Lumayo ka sa akin dahil ayaw ko ng kaibigang may pakialamera. My life in this campus is like hell. I can’t interact with other people because everyone will judge me! Just leave me alone!”
Mabilis niyang binigay kay Tabitha ang notebook. Hindi pa man nito nahawakan, binitiwan niya na. Tinitigan iyon ng dalaga na parang hindi ito makapaniwala sa ginawa niya. Hindi niya alam kung saan siya maiinis. Parang ang sama ng naging ugali niya. Mariin siyang pumikit ang mabilis na nilagpasan ang dalaga.
Suddenly, he stopped when he realized something. He turned his back and he saw Tabitha, holding his notebook as she wiped her tears. That scene squeezed his heart.
Mabilis siyang naglakad papunta sa harap ng dalaga. Tumingala ito sa kaniya. Naging mas malinaw sa kaniya ang pagluha nito. Inasahan niyang mababaw ang luha ng dalaga dahil mababaw din ang galit nito. Muli itong yumuko at pinahid ang mga luha.
“Umalis ka na. Gusto mo… akong lumayo. Sorry, if… I force you to be my… friend.”
Mabilis kinuha ni Wind ang notebook niya at pinunit ang sulat niya. Ginusot niya iyon at inilagay sa bulsa. Nang tumingin siya sa dalaga, bakas ang gulat sa mukha nito. Sa unang pagkakataon, hindi niya itinago ang matamis na ngiti sa dalaga.
“You smiled!” natatawang anito at itinuro ang mga labi niya.
Napairap si Wind pero nakapaskil pa rin ang ngiti sa mga labi niya. Pumila siya sa tent ng dance club para kumuha ng registration form. Sumunod naman sa kaniya si Tabitha at patuloy siyang kinulit.
“Do you want to be my friend now? Come on, Angry Bird. Just nod and we’re okay.”
Tinawanan niya lang si Tabitha at katulad ng inasahan niya, nainis na ito. Nang masagutan ang registration form at maipasa, tinanaw niya ang dalagang nakahalukipkip. Natawa na naman siya nang makitang magkasalubong ang mga kilay nito.
“Mas naiinis ako sa tawa mong walang tunog. Naiirita ako. Parang ang saya-saya mo pero ayaw mong i-share sa iba. Natatanga ako!” pasigaw nitong sabi.
Tinakpan ni Wind ang bibig ni Tabitha nang makitang napalingon sa kanila ang mga tao sa paligid. Iyon lang ang mahirap sa dalaga. Palagi na lang naka-broadcast mode ang tinig nito.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (7)

  • avatar
    Daishel Sadiwa

    😙🥰🥰😭😭

    06/05

      0
  • avatar
    runrun

    beautiful days a story

    06/04

      0
  • avatar
    PositarMary chastine

    try kotong basahin hehe:)

    18/04/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด