logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 7

Chapter 7
Dahil katatapos lang ng midterms, medyo hayahay ang mga estudyante. Wala rin masyadong pinagagawa ang ilang teacher dahil malapit na ang intramurals. Habang ang ibang kaibigan ko ay nagpaplano ng outing sa susunod na weekend, nililista ko naman sa aking phone ang igo-grocery sa Sabado o 'di kaya ay sa Linggo.
"Nakapag-decide ka na ba? Naghahanap pa ng isang player ang strand natin," ani Fera.
As usual, nandito kami sa Chevon nakatambay. Wala ang boys dahil may sinalihan din silang sports at siguradong practice o training nila ngayon.
"Basketball nga ako. Ayaw ko sa volleyball," wika ni Risca. "Itong si Kyomi ang magaling diyan, e. Ba't hindi siya ang yayain mo?"
Binaba ko ang phone at ipinatong iyon sa pabilog na mesa.
"Wala akong panahon diyan. May trabaho ako. I need to pay for the rent and my food. Pati pala si Susie—" nagpapaliwanag ako nang itaas ni Fera ang kanyang kamay at tumawa.
"I know, I know! Kaya nga hindi na kita tinanong, e. Hayaan na nga. Basta this Saturday, outing tayo, ah?"
"Yup! Alam na iyon ng boys at wala namang reklamo. Dapat kumpleto tayo!" masayang sambit ni Orange.
Kinuha ko muli ang phone at tinuloy ang ginagawa. Katapusan na bukas kaya makukuha ko na ang suweldo ko. Hindi tuloy maaalis ang ngiti ko hanggang sa matapos ang klase sa araw na iyon.
Kinabukasan, sa trabaho ay ganadong ganado ako kumilos. Bukod sa pagiging kahera, nagawa ko na rin yata ang mga trabaho ng mga kasama ko. Maliban na lang sa pagiging barista dahil wala akong alam sa pangangalikot ng mga gamit doon.
"Saya mo yata?" nakangiting saad ni Luhan.
"Siyempre. Sahod!" Humalakhak ako at nagpatuloy sa pagpunas ng mesa.
"Hmm. Bakit? May bibilhin ka bang bagong gamit o ano?"
"Wala naman. Grocery lang tapos bibilhan ko ng dog food si Susie."
Tumango siya. "Buti nagkakasya ang sahod mo hanggang sa susunod na suweldo? Galing mo mag-budget. Ako nga, ilang araw pa lang ay ubos na sa daming bayarin sa bahay."
Tipid akong ngumiti.
"Hindi naman. Dumidiskarte rin ako minsan kapag kinukulang."
"Ilang taon ka na nga ulit?"
"I'm turning seventeen next year..."
"Sixteen ka pa lang."
"Kaya nga sabi ko, next year."
Nagkibit siya ng balikat at umangat ang sulok ng labi. "Ewan ko ba sa 'yo kung bakit nagtatrabaho ka pa. Noong unang pasok mo rito, halata sa kilos mong 'di ka masyadong gumagawa sa bahay o kahit anong trabaho. Wala ka na ba talagang kamag-anak na puwedeng sumuporta sa 'yo?"
Natigilan ako sa pagpunas ng mesa nang banggitin niya ang tungkol sa pamilya ko. Tumuwid ako ng tayo at nilingon siya, mukhang naghihintay ng isasagot. Pero hindi ko pinaunlakan iyon. Tanging pag-angat-baba lang ng balikat ang ginawa ko.
Hindi ko naman itinatago ang pagkatao at ang pamilya ko sa mga taong naging malapit na rin sa akin. Hindi ko nga lang din sinasabi ng buo ang tungkol doon. Ang alam lang nila, pinalayas ako sa amin at doon na ako nagpakalayo-layo. Apparently.
Posibleng ang inisip nila noong una ay suwail akong anak. Posible ring hindi ganoon. Hindi naman nila alam ang buong istorya sa dalawang panig kaya puwedeng mag-conclude na lang sila. Nonetheless, I'm still thankful that they don't treat me like I'm a rebel child or something.
"Kyomi, sa office ka na raw sabi ni Manager," tawag sa akin ni Diana.
Ngumiti ako at excited na pumunta ng opisina. This is it, pansit! Makakabili na rin ako ulit ng sabon at shampoo. Naalala ko kasing paubos na iyong mga naka-sachet na binili ko last suweldo.
"Hi, Manager Gus!" maligayang bati ko pagpasok.
As usual, nakaupo siya sa kanyang trono. Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti bago sinenyasang lumapit.
"Mukhang dumudoble ang pagiging masipag mo kapag araw ng suweldo, ah?" nakangiting aniya.
"In born na po iyon, Manager."
He raised his brow. "Ang pagiging masipag?"
"Ang dumudoble ang pagiging masipag sa araw ng suweldo. Hehe."
Humalakhak si Manager Gus at inilahad ang puting sobre sa harapan ko. Nanginginig pa ang kamay ko habang inaabot iyon.
My money! Ang sarap talaga sa feeling kapag nakuha mo na ang reward mo matapos paghirapan ang isang bagay. Ito ang isa sa mga bagay na natutunan ko simula noong naging independent ako. Basta madiskarte ka sa buhay, kahit mukhang imposible ay magiging posible.
Pinigilan kong tumalon sa tuwa.
"Thank you po!"
He smiled warmly. "Idinagdag ko na rin iyong nag-overtime ka last week. Dinoble ko na rin dahil pumasok ka kinabukasan kahit ipinag-break na muna kita."
Namilog ang mga mata ko.
"Pero... hindi po ba sobra naman yata iyon?"
Don't get me wrong. Masaya ako na may dagdag ang suweldo ko pero mas gusto ko sana na kung ano ang eksaktong rate ko dapat ang dagdag lang. Hindi iyong may dagdag pa bukod sa ginawa kong over time.
"No, it's okay. I know that you need the money. Basta magtrabaho at mag-aral ka lang nang mabuti at... huwag mong pababayaan ang sarili mo."
Kumurap-kurap ako sa sinabi ni Manager. Hindi agad ako nakasagot. Tumikhim siya at umayos ng upo sa trono.
"Sige na, Kyomi. Hindi ba ay may pasok ka pa? Anong oras na..."
Napabalik ako sa huwisyo at ipinaskil ang ngiti sa mga labi. Nakailang pasasalamat muna ako bago lumabas ng kanyang opisina. Sumuntok ako sa ere nang sumarado na ang pinto.
"Yes!" mahinang bulong ko sabay halik at yakap sa sobre.
"Wow, libre naman!"
Napatalon ako nang biglang sumulpot sa harapan ko si Luhan, tumatawa. Tinampal ko siya nang mahina sa braso gamit ang sobre.
"Huwag ka nga! Magkakaroon ka rin mamaya!" Nakangiti pa rin ako.
Mabilis na akong nagpalit ng uniform at nagpaalam na aalis na. Patalon-talon pa ako habang papasok sa loob hanggang makarating sa Chevon.
Nilibot ko ang tingin sa paligid at napansing wala ang mga kaibigan kong madalas tumambay roon. Nagkibit na lang ako ng balikat at dumiretso sa counter para bumili ng pagkain.
Gustuhin ko mang ilibre ang sarili sa bagay na gusto ko, mas uunahin ko na lang ang mga pangangailangan sa bahay. Kanina, binilang ko ang suweldo at umabot iyon ng limang libo. Sobra nga sa dapat.
Binilisan ko ang pagkain at inayos na ang sarili. Kinuha ko ang phone mula sa bag at ni-check kung may nag-chat ba sa gc namin. Bihira ko lang kasi iyon buksan.
I read the recent messages. Nalaman kong wala pala ang una at dalawang subject namin kaya ang iba ay nasa open court o 'di kaya'y sa gymnasium. Nanonood ng practice ng boys.
Habang naglalakad patungong open court ay tumunog ang aking phone. I accepted Fera's call and put the phone against my ear. Narinig ko agad ang ingay sa background niya.
"Hello, Fera."
"Sis! Saan ka na? Ngayon mo lang na-seen ang group chat natin?"
"Ah, oo. Papunta na akong gym..."
"Huwag ka riyan! Dito ka sa open court."
"Huh? Sino ang nasa gym kung ganoon?"
Humalakhak siya. "Sina Johnny at Renz. Dito ka sa amin. Kaming dalawa lang ni Hazel ang nandito!"
"Anong game?"
Bago pa siya sumagot ay natanaw ko na ang naglalaro ng basketball at volleyball sa open court. Kahit akong nakapayong ay naiinitan na, sila pa kayang naglalaro doon sa gitna ng tirik na araw? Mabuti at may lilim ang mga benches doon.
"Palapit na ako," sabi ko sa kanya bago pinatay ang tawag.
Kumaway si Fera habang nakatayo sa may bench. Sa tabi niya ay nakaupo ang tahimik naming kaibigan na nanonood ng laro habang nakasuot ng puting cap.
"Hi! Kanina pa kayo?"
Tumingala sa akin si Hazel at ngumiti. Nilahad niya ang dalawang palad sa akin. Nakita ko roon ang ilang candies.
"Get anything you want, Kyo-chan," aniya.
Ngumiti ako at kumuha ng isang potchi. "Salamat!"
Pumula agad ang pisngi niya kaya tumawa ako. Hazel's kinda weird but still, she's very cute and adorable!
"L-O-K-E! Pangit mo! Pangit mo!" parang gagong cheer ni Fera.
Nagtawanan ang mga tao dahil doon. Napahawak pa ako sa tiyan dahil sa katatawa. Walang hiyang, Fera!
Hindi tuloy na-shoot ni Loke ang bolang isho-shoot niya sana. Iritado siyang lumingon sa amin at itinaas ang gitnang daliri. Humagalpak kaming dalawa ni Fera sa tawa.
Practice game lang naman ito pero mukhang seryoso ang laban. Lahat sila ay nakasuot ng jersey pero iba-iba ang kulay. Halatang hindi jersey ng bagong team sa basketball. Maybe they're still working on it.
"Ano ba ang magkalaban, Fe?" Nilingon ko siya.
"HUMSS at ABM. Parehong 11-A."
Kumunot ang noo ko. Bakit kalaban namin ay HUMSS? Bakit hindi by section na lang?
"Hoy, Loke! Tumayo ka!" sigaw ulit ni Fera.
Binalik ko ang tingin sa court. Nangingintab na sa pawis ang mga player at halata ang pagod sa kanila. Idagdag pa na sa initan sila naglalaro. Bakit hindi na lang doon sa covered court? O baka may gumagamit na ibang players?
"Epal 'yong taga-HUMSS, ah? Nakita kong siniko niya si Loke," iritadong sambit ni Fera.
Tinulungan ng isang player si Loke tumayo dahil mukhang tinamaan nga siya at talagang napaupo pa sa sahig. Pumito na kanina ang referee, hudyat na tapos na ang laban.
Tumayo agad ako. May kinakausap na ibang player si Loke habang hawak ang kanyang kanang baywang. Nanliit ang mga mata ko roon. He was hurt, indeed. Grabe naman iyon. Hindi pa naman ito ang mismong laro pero marumi na agad ang ipinapakita ng mga kalaban!
"Loke! Ayos ka lang?" tanong ko nang lumapit na siya sa amin.
Basang-basa ang kanyang maroon na jersey dahil sa pawis. Mula sa batok ay hinubad niya iyon sa harapan namin.
"Hoy!" agap ni Fera sabay lingon sa paligid.
Ngumuso ako nang makitang halos maglaway ang mga babaeng nakatingin sa direksyon namin. Lalo na kay Loke at sa katawan niya.
"Damn. Sakit ng baywang ko," aniya at humalakhak.
Yumuko siya at kinuha ang towel sa bag sa may tabi namin. Sinampay niya ang jersey sa balikat at nagpunas ng pawis gamit ang tuwalya.
"Kumain na kayo? Kain tayo..." anyaya niya sa amin.
Kinuha ko ang tubigan sa aking bag at inabot iyon sa kanya. Ngumisi siya at tumango bago kinuha iyon.
"Thanks, Kyo. Kumain na kayo?" ulit niya.
"Ang daya ng HUMSS! Bakit kailangang manakit?" atungal ni Fera.
Loke chuckled. "Bakit, Fera? Nagrereklamo ka matapos mo akong i-cheer na pangit ako?"
Nanlaki ang butas sa ilong ng kaibigan namin. "Bakit? Totoo naman! Buti nga nag-cheer pa!"
"May cheerers din naman siya, Fera." Sabay turo ko sa grupo ng mga babaeng nakatingin sa amin at may hawak pang banner.
Ano pa nga bang ine-expect ko kung kahit mukhang loko-loko iyang si Loke, hindi pa rin maipagkakaila na siya ang dating captain ng soccer team. Sikat din sa mga babae pero wala masyadong pinapansin bukod sa aming tropa niya. Naisip ko lang kung bakit nag-iba siya bigla ng sports.
Kinagat ni Loke ang labi at umiling na lang habang nangingiti. Padabog na kinuha ni Fera ang kanyang bag at hinila sa braso si Hazel.
"Tara na nga, be! Matapos nating i-cheer—"
"You're the only one who cheered him among us, Fera-chan," mahinahong saad ni Hazel.
Napatingin kaming tatlo sa kanya, laglag ang panga.
"W-what..." hindi makabuo ng pangungusap si Fera sa pagkabigla.
Para maisalba sa kahihiyan ang kaibigan ay pumagitna na ako. Pagak akong tumawa at hinawakan sa braso si Hazel.
"Hindi, ah? I cheered Loke, too."
I cleared my throat. Napahinga nang malalim si Fera pero ang mga mata ay malikot pa rin ang tingin.
"Mas malakas nga lang iyong kay Fera..." dagdag ko at bahagyang ngumisi.
Tumawa si Loke at inakbayan si Fera. Mabilis na lumayo sa kanya ang huli na may nandidiring mukha.
"Ew, Loke! Pawis na pawis ka tapos didikit ka sa akin? Yuck!" Umirap pa siya.
"Arte mo naman. Pawis lang 'to pero mabango pa rin..."
Nagkatinginan kami ni Hazel. Balak ko na sanang hilahin siya paalis dito para maiwan ang dalawa. Akala ko ay nakuha niya ang tingin ko pero nanlaki ang mata ko nang lumapit siya kay Loke at sininghot-singhot ito.
Napaatras agad si Loke sa gulat. "What the hell, Hazel? Bakit mo ako inaamoy?" Ngumiwi siya.
"You said you still smell good. I just want to know if it's true."
"Oh, 'di ba, Hazel? Mabaho, 'di ba?" ani Fera.
"No. He still smells good even if he's sweating, Fera-chan," sagot nito sa kanya.
Iniwas ko na ang tingin sa kanila. Nagsimula na silang mag-away at idinamay pa ang inosenteng si Hazel. Kinamot ko ang aking ulo at umalis na roon nang hindi nagpapaalam. Mukhang hindi rin naman nila ako napansin dahil umabot na ako sa may kabilang building kung nasaan banda ang pool area, wala pa ring tumawag sa akin.
Wala sa sariling naglakad ako papunta roon. Wala masyadong nagpupunta roon dahil para lang iyon sa mga may sports na swimming o kung may swimming activity para sa P.E.
Bahagyang bukas ang double-door doon. Hudyat na may tao sa loob. Dahan-dahan kong itinulak iyon at narinig agad ang pagbagsak ng kung ano sa tubig.
Pumasok ako at humigpit ang hawak sa strap ng bag. Hinayaan kong bahagyang nakaawang ang pinto upang malaman na may tao sa loob.
Lagaslas ng tubig sa pool lang ang maririnig sa loob. Obviously, someone's swimming. Dumiretso ako sa pool deck at ipinatong ang bag sa isa sa mga lounger chair na naroon. Sa tabi nito ay mayroong nakapatong na puting tuwalya.
May ulong biglang lumitaw sa tubig kaya napaatras ako. Dalawang braso ang nagpakita sa railings bago umangat mula sa tubig ang may-ari nito.
Tinikom ko ang aking bibig habang pinapanood ang isang lalaking naka-complete swimwear at naglalakad palapit sa akin. Bawat dinaraanan niya ay nababahidan ng tubig mula sa kanyang katawan. Tinanggal niya ang goggles na suot at direktang tumama ang mga mata sa akin.
Lalo akong napaatras ng isang metro na lang ang layo niya sa akin. Sa lahat ng tao, siya talaga ang maabutan ko rito? After one week of not seeing him...
"Anong ginagawa mo rito?" malamig na tanong ni Jairo.
Umawang ang labi ko at hindi makahanap ng salita. Bumaba ang tingin ko sa katawan niya at natigil lamang sa bagay na nakaumbok sa pagitan ng kanyang mga hita.
Pumikit ako nang mariin. Gosh. Bakit parang ang laki naman ng nakaumbok doon? Halatang-halata dahil fitted ang suot niyang pang-ibaba.
"N-nakita ko lang na bukas ito kaya pumasok ako..."
Kinuha niya ang tuwalya sa katabing lounger bago tinanggal ang itim na swim cap. Bumagsak ang kulay brown niyang buhok na hanggang balikat. Sinuklay niya iyon gamit ang daliri bago pinunasan ang mukha gamit ang tuwalya.
"Kapag bukas, kailangang pumasok?" Pilyo na ngayon ang kanyang tono.
"Sorry. Hindi ko alam na bawal. Gusto ko lang makita ang loob..."
Kinagat niya ang sariling labi at tumagilid ang ulo. Pinasadahan niya ako ng tingin bago bumalik ang mga mata sa akin. Umangat ang sulok ng kanyang labi.
"Gusto mong mag-swimming?"

หนังสือแสดงความคิดเห็น (85)

  • avatar
    a******8@gmail.com

    ang ganda ng story mo te s blurb palang madadala kana good job

    19/07/2022

      0
  • avatar
    Carin Sarino

    nice story

    06/06

      0
  • avatar
    Gerlie Mandia

    ganda

    01/08/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด