logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

TRY 1

"CAYLEE!!"
Nagmamadaling inilagay ni Caylee ang lahat ng kanyang mga susuoting damit nang marinig na naman niya ang sigaw ng ina sa baba. Wala nang pagdadalawang-isip, kahit ano'ng klaseng damit, gusot o hindi ay hindi niya na pinagkaabalahan pang suriin dahil sa ina niyang mas excited pa yata sa kanya.
Simula kasi kanina ay hindi na ito nagkandamayaw na paulit-ulit siyang pinapaalalahanan na kesyo daw 'wag siyang male-late. She doesn't even know kung pumayag na ba talaga siya sa alok nito or what.
Ayos na ayos na ang kanyang ina nang makababa siya ng kanyang kwarto bitbit ang maleta. Prente pa itong nakaupo sa sofa habang may kausap sa telepono. Napabuga na lamang siya ng hangin na agad din namang tumangay sa ilang hibla ng kanyang buhok na nasa unahan.
"Oh! Andito na siya. Sige, mamaya na lang, mare, ah? Hahahha, okay, okay. Babush!"
"Caylee!"
Napatayo ng tuwid si Mrs. Roque pagkakita sa anak. Itinago niya na muna sa bulsa ng kanyang pantalon ang de-keypad niyang cellphone saka ito nilapitan.
"Oh, siya. Halika na't sasamahan daw kita papunta kina Avery."
Marahan nitong tinapik sa balikat ang anak at nauna nang lumabas ng bahay. Napataas na lamang ng kilay si Caylee at tamad na muling kinuha ang hawakan ng maleta at hinila ito palabas.
"May sundo daw tayo! Papunta na rito mamaya-maya ang kotse ni Avery." Lihim na lamang na napa-irap si Caylee. Kung hindi lang sana dahil sa pesteng 20k na yan ay hindi talaga siya makikipag-kasundo sa suggestion ng ina. Daig pa niya ang bumenta ng katawan kay kamatayan, isama pa ritong pabor pa yata ang ina niya. Jusko.
Natigilan naman siya sa huling binanggit ng ina.
"S-San ka po s-sasakay?" Napalunok siya.
"Sa kotse nga. Buti yon libreng pamasahe na. Alam mo namang nasa biyahe ang ama mo."untag nito habang may kung anu-anong inilalagay na kolorete sa mukha.
Napalunok naman siya at mariing napakapit sa hawak na maleta.
"N-No thanks, ma. Ikaw na lang. M-Maglalakad na lang ako."
"Hoyyy! Ano'ng—batang to, oo!"
Hindi niya na ito nilingon pa at nagmadaling lumakad hanggang sa makaliko siya sa isang kanto. Doon niya tuluyang kinalma ang sarili.
Hindi niya maintindihan. Sa tuwing nakakarinig siya ng kotse ay may kung ano'ng karayom na tumutusok sa puso niya. Isabay pa nito ang pananakit ng kanyang ulo sa hindi malamang dahilan.
Aminado siyang kaya niyang puntahan ang palasyo ng kanyang ninang sa pamamagitan lamang ng paglalakad. Kung may motor nga lang sila ay yon na rin ang ginamit niya. Isa pa, nasa isang barangay lang naman yon.
Nagmadali na lamang siyang naglakad-takbo hanggang sa naabutan niyang naghihintay na sa labas ng gate ng mga Dunlop ang kanyang inang nakapameywang habang nakataas ang kilay sa kanya.
"Nakuu! Kita mo na't amoy pawis ka na! Jusko kang bata ka. Hindi na nga marunong mag-ayos ng katawan, mukha ka pang pinagsakluban ng langit at lupa dyan sa mukha mo. Ang haggard mo na, oh! Eto, bilis! Magretouch ka muna. Bilisan mo!"
Alangan namang tinanggap ni Caylee ang dala-dalang make-up kit ng ina. Sanay na rin siyang likas na maalaga sa mukha ito at wagas kung makapamustura. Dinaig pa siya. Kaya marahil ay mukhang bata pa'rin ito tingnan sa edad nitong tatlumpo't pito.
Konting pulbo lang ang inilagay niya sa kamay at walang pag-aalinlangang inihilamos ito sa mukha. Napasigaw naman ang kanyang ina at tinulungan siyang ayusin ang mukha niya.
"Isa pa pala. Lagi mong tatandaan, ah? Always remember! H'wag na h'wag mong susundin ang amo mo. Yan ang nag-iisang rule ng mga Dunlop dito."
Automatic namang umarko ang kanyang kilay.
'Ang weird naman. Diba dapat laging sinusunod ang amo?'
"Bakit—"
"No buts. Sundin mo na lang." Bahagya rin nitong inayos ang ilang nakalugay niyang buhok at pinisil-pisil ang kanyang pisngi.
"Okay?" She gives up. Baka humaba pa ang sermon nito sa kanya.
Natigilan naman silang dalawa nang biglang bumukas ang gate na nasa harapan nila at iniluwa mula rito si Mrs. Avery Charm Dunlop. Nakasuot ito ng floral dress at nakalugay ang kulot nitong buhok na kulay blonde. Nakasukbit naman sa kanan nitong braso ang mamahalin nitong black purse. Malawak itong ngumiti pagkakita sa kanilang dalawa.
"Hello po, ninang!"nakangiting bati niya rito.
"Caylee, anak!" Sinalubong naman siya nito ng yakap.
"Glad that you came!" Kiming ngiti naman ang naiganti niya nang titigan siya nito.
"Oh, Estela! So good to see you!"
"So good to see you as well, mare!"
Nagkatinginan na lamang sila ng babaeng kasama kaninang bumukas ng gate ng kanyang ninang at nagngitian nang magyakapan ang dalawang babae sa harapan nila. Sa tantya niya ay mukhang magkasing-edad lang sila nito.
Napasinghap na lamang si Caylee nang bigla siyang kurutin ng ina sa bewang kaya awkward siyang napangiti sa dalawang babaeng kaharap.
"Ma, naman!"
"Kinakausap ka ng ninang mo."mariin nitong wika ngunit nananatiling nakangiti sa kanyang ninang.
"Alam mo na ba ang gagawin mo dito, hija?"
"Uhm, maid niyo po ba ako, ninang?"
"Ahahaha! Ay, teka. Late na nga pala ako sa trabaho ko. Ikaw na bahala sa kanya, mare, ah? Babush!"
Napanguso na lamang si Caylee. Her mother was leaving her behind as if she's trading her exchange of a big money. Ni hindi man lang ito lumingon pa sa kanya at nagmadali pang sumakay sa kotse!
"Oh, darling. I would like you to meet Kate. Siya na ang bahala sayo rito, okay? I'm really sorry, I know I should spend more time with you but my schedule is full for today. Maybe we should cuddle with each other next time?"
"Okay lang po yun, hehe."
"Oh, thank you! At saka para naman you can get along with each other naman!"
First impression niya noon sa kanyang ninang is so childish. At hindi pa'rin talaga ito nagbabago. Masyado itong energetic at jolly kaya kahit may edad na ay nagmumukha paring bata tingnan.
"Uhm, I'm Caylee by the way."
Agad niyang tinanggap ang alok sa kanyang tubig ni Kate. Narito sila ngayon sa kitchen at nagmeryenda muna saglit. Kakatapos lang siyang itour nito sa lahat ng rooms sa ground floor ng mga Dunlop. Medyo nahilo pa siya sa lawak ng mansion nito kaya nag-aya siyang pumunta muna ng kitchen para magpalamig. Kanina niya pa rin napapansin na parang ayaw siyang kausap ng kasama. Tipid kasi ito lagi kung magsalita. Isang tanong, isang sagot.
"Ayaw mo sa'kin?" Diretsong tanong niya. Natigilan naman ito at napabuntong-hininga.
"To be honest. I do like you...but I'm scared." Kumunot naman ang noo niya.
"Bakit naman?"
"Baka hindi ka rin magtagal dito, kaya sanay na ako."
"Hindi magtagal? What do you mean? Mataas naman ang sahod, ah? Marami bang naki-kick-out dito? Umaalis?"
"Usually, yes. Lahat sila sweldo lang ang habol sa boss na'min. At ayokong mangyari rin yon sayo. He's indeed cruel, jerk and an asshole. But he's kind. And we love and respected him."
"Sino?" She chuckled.
"You're too innocent. Ano'ng pumasok sa isip mo at naisipan mong magtrabaho rito?"
"Hmm. Di ko rin alam. Interesado ako sa 20k pero di ko talaga alam kung bakit. Siguro, bored lang ako sa bahay?" Pareho naman silang natawa.
"Just...just please treat him like a normal person. Kapag nakilala mo rin siya, you will also like him naman as much as we do."
Napatango na lamang siya kahit hindi niya alam kung sino ang tinutukoy nito. Kanina pa kasi ito him ng him. Hindi niya naman kilala kung sino ang tinutukoy nitong him.
"By the way, just call me Kate. My real name is Katelyn but they used to call me that as my nickname."
Inaya siya nitong umakyat sa second floor at pumunta sa pangatlong room kung saan mayroong kulay kapeng pinto.
"Sino pala yung boss na'tin na sinasabi mong cruel, jerk and an asshole?" Agad naman nitong tinabunan ang bibig niya at parang kinakabahan na napatingin sa pintuan ng kwarto. Inosente naman siyang napatingin dito.
"He's here..."
"Sino?"
Bigla namang bumukas ang pinto kaya sinenyasan siya ng kasama na pumasok sa loob. She was hesitant at first dahil masyadong madilim ang kwarto. Who knows na baka isang bampira pala ang boss nila at kasing cruel pala ito ni Dracula?! Myghad! Her addiction in fantasy movies were just making her nervous and scared!
Tahimik ang kwarto. Wala rin siyang makita pagkapasok niya. Nakita niya pang nakabukas ang malaking bintana na malapit sa terrace ng kwarto kaya mas lalo siyang kinabahan, lalo na nang biglang humangin ng malakas.
Paano na lang kung anak pala nina Bella at Eduard Cullen itong boss nila at inampon lang ng ninang niya?! Wahhh! Gusto niya nang lumabas! Pero hindi niya na makita ang pinto! Kanina pa nanginginig ang katawan niya sa takot.
Jusko! Ano ba itong pinasok niya?! Alam rin kaya ito ng ina niya?!
Kahit wala siyang makita ay nangapa siya sa paligid hanggang sa may mahawakan siyang mahabang bakal. Kinuha niya naman ito at ginawang tungkod. Asan ba kasi ang switch ng kwartong 'to?!
Hindi pa siya ready na ialay ang katawan niya sa bampirang boss nila! Ayaw niyang magpakagat sa leeg. Masakit kaya yon! Saka baka mahawaan nito ang dugo niya at pati siya ay maging vampire na rin!
Napasigaw naman siya nang biglang bumukas ang ilaw.
"Who the fuck is here?" The voice sounds so freakin' annoyed. Natigilan naman siya at napalingon dito. Hindi niya na rin napigilang hampasin ang estrangherong lalaki sa likuran nito habang nagsisisigaw sa takot.
ITUTULOY....
NOT EDITED! HAPPY READING ❤️

หนังสือแสดงความคิดเห็น (61)

  • avatar
    Princess Amper

    I just finish haraya, keep bleeding

    17d

      0
  • avatar
    Mary Grace De Jesus

    mmmmmmmmmmmgzgkfjshahrjdkffdtdfffxxvxb

    23d

      0
  • avatar
    Vince Carl Delos Reyes

    🤍🤍🥺😆😘

    23/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด