logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 5.

Grabia's POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha. I yawn. Napakurap-kurap akong tumingin sa glass door. Sinong nag-angat ng kurtina?
Tumayo ako saka naglakad patungo roon. Binuksan ko ang glass door at saka lumabas sa veranda. Sumandal ako sa railings at saka tumingala habang nakapikit.
Ang sarap ng pakiramdam ng sinag ng liwanag. Tumingin ako sa daan nang may nakita akong lalaking mahinang tumatakbo. Napakunot ang noo ko nang huminto siya at saka tumingin sa akin. Nakita ko siyang ngumiti. Aba! Nag-jogging pa ang mokong.
Inirapan ko siya saka pumasok pabalik sa kwarto at saka pumunta sa CR.
Bwesit na Brian na 'yon! Nasisira ang araw ko dahil sa pagmumukha niya.
Nanghilamos muna ako bago tinititigan ang sarili sa salamin. Nanlaki ang mata ko nang maalala ang nangyari kagabi. No way!
Nagmamadali akong lumabas sa kwarto ko saka bumaba. "Tita!" Malakas kong tawag sa kaniya. Sh*t! Sh*t!
"Bakit? May nangyari ba?" napalingon ako sa kaniya. Galing siya sa kusina.
"Sino naghatid sa akin dito kagabi?" agad kong tanong. Gusto kong malaman kung sino! Blurd ang lalaki sa utak ko.
Ngumiti siya saka nagsalita, "Boyfriend mo," napanganga ako sa sagot niya. Boyfriend?!
"What?! Tita, wala akong boyfriend!" gulat kong sabi.
Anong boyfriend pinagsasabi niya? Wala nga akong sinagot sa isa sa mga manliligaw ko-ay este wala nga akong pinapayagang manligaw sa akin! Wala akong jowa!
Humalakhak siya, "Just kidding," sabi niya.
"So, sino nga?" tanong ko ulit.
"Sinabi sa akin no'ng guard natin na may pumuntang lalaki sa harap ng gate habang buhat-buhat ka at saka ibinigay ka sa kaniya. Ang guard kasi ang naghatid sa'yo roon sa kwarto mo," sabi niya.
Pagkasabi niya no'n ay agad-agad akong lumabas ng mansyon saka pumunta sa guard house na tabi ng gate. Hindi ko alam kung bakit gusto kong malaman kung sino ang lalaki kagabi. Basta ang alam ko lang ay kailangan kong malaman kung sino ang lalaking 'yon.
"Kuya, may naghatid sa akin dito 'di ba?" agad kong tanong sa kaniya. Nagulat pa nga siya nang pabigla kong sulpot. Muntik pa ako masubsub sa tabi ng gate dahil sa bilis ng takbo ko.
"Jusko, iha. Ba't ka ba tumatakbo? Oo, may naghatid sa'yo rito kagabi, bakit?" sagot niya habang hawak-hawak ang dibdib, halatang gulat.
"Kilala mo po ba siya? Did he told you his name? Or maybe did you see his face?" sunod-sunod kong tanong na ikinatawa niya.
"Hindi ko siya kilala. Hindi rin niya sinabi ang pangalan niya. At hindi ko nakita ang mukha niya dahil may takip ang kaniyang bibig at saka naka-cap siya," sunod-sunod din niyang sagot sa akin.
Nahampas ko ang counter sa guard house dahil sa disappointment "Sure po kayo?" tanong ko ulit.
"Oo. Ang pagkakakita ko ay matangkad po siya, mga nasa 6 feet pataas, 'yon lang," sabi niya.
"Ah thank you po sa info." Pasalamat ko sa kaniya, tumango lang siya.
Tumalikod ako sa kaniya saka dahan- dahang naglakad pabalik. Iniisip kung paano ko siya makikita. I would never say thank you to anyone but for him... I would say that. Argh! Hindi ko alam kung bakit!
Napahinto ako sa aking paglalakad nang may mahagip akong lalaking nakatayo sa bakuran ng kabilang bahay. Naka-black siya lahat. Mula sa mask hanggang sa sapatos. Parang kakagaling lang sa burol or something.
Napako ako ang sa aking kinatatayuan nang makita ko ang kaniyang mata.
"That red eyes," bulong ko sa aking isipan. No. No way! Hindi siya 'yong... it's impossible! Panaginip lang 'yon!
Napayakap ako sa aking braso nang biglang humangin. Bigla yatang lumamig ang hangin. Hindi ko pa rin iniiwas ang tingin ko sa kaniya. I felt something weird about him.
"Gabria! Magja-jogging daw kayo nila Yuna! Nandoon sila sa park!" napalingon ako kay Tita. Nasa pintuan siya habang hawak ang cellphone ko.
Nilingon ko ulit ang kinaroroonan ng lalaki kanina ngunit wala na siya roon. Inilibot ko ang aking buong mata sa bakuran doon baka sakaling makita ko siya, ngunit bigo ako.
"Gab! Mag-bihis ka na!" tumango ako kay Tita. Naglagay ako papunta sa kaniya at saka kinuha ang cellphone ko.
Naglakad ako patungong kwarto ko habang iniisip ang lalaking iyon. Possible kaya na siya 'yong nasa panaginip ko? Totoo ba talaga siya? Baka namamalik mata lang ulit ako.
Nang makabihis ako ng sports bra, legging, at white rubber shoes ay agad akong lumabas ng mansyon. Syempre, nagpaalam muna ako kay Tita. Isinaksak ko na ang headphone ko sa aking tenga at nagsimulang mag-jogging papuntang park.
Marami ang nag-jogging kaya may nakaka-salubong ako at nakakasabay sa pagtakbo. Napailing ako nang may mga lalaking lumilingon sa akin kapag nakakasalubong ko sila kaya ayown! Inaway sila ng mga jowa nila. Hindi ko naman kasalan kung lilingon sila eh. Wala nga akong ginawa just to have their attention. It's their fault, not mine.
Nang makarating ako sa park ay agad kong hinanap sila Rose. Nakita ko silang kumaway sa may bench kaya pumunta ako roon.
"Gabria! Bakit ka nandito?" agad na tanong ni Rose sa akin nang makalapit ako sa kanila.
Agad naman siyang binatukan ni Yuna. "You called her, remember? Don't act like you're not the one who called her, t*nga! Ikaw pa nga nag-aya rito eh," mataray na sabi niya. Napakamot naman sa ulo si Rose at saka ngumiti ng alanganin sa akin.
"So, tara na?" I asked them. Kanina ko pa gustong matapos 'to dahil may gagawin pa ako sa bahay mamaya. It's Saturday kaya walang pasok.
Tumayo silang dalawa at saka kinuha ang mga water bottle nila. "Let's go!" at nauna silang tumakbo. Napailing ako at saka tumakbo na rin at pumantay sa kanila.
"Balita ko ay may naghatid sa'yo kagabi habang wala kang malay," napatingin ako kay Yuna nang magsalita siya. Tumatakbo pa rin kami. Alam nila?
"Ah oo, may nangyari lang kagabi and gladly, that man saved me from the drunk guys. Wala pa naman ako sa mood kagabi. I don't want any fights last night," 'yan lang ang sinabi ko baka mag-alala na naman sila.
"Kilala mo ba ang guy?" tanong niya ulit.
Umiling ako. "No. Hindi ko siya kilala. Nakita ko ang mukha niya kagabi pero blurd na siya pagkagising ko,"
Nagkatingin silang dalawa ni Rose at saka sabay ngumisi. Hindi ko alam pero nakita kong naging kulay dilaw ang mata ni Rose. Huminto ako dahilan para mapahinto rin sila.
"Bakit? Bakit ka huminto?" nagtatakang tanong ni Rose sa akin.
"Did your eyes just turned into color yellow?" nakakunot-noong tanong ko sa kaniya. It's weird kasi. I know it's impossible kasi walang ganoon. Hindi ko naman masabi kung contact lense 'yon dahil kulay dark brown ang mata niya.
Lumaki ang mata niya at saka tumingin kay Yuna na halatang gulat din sa sinabi ko. "A-Ah, hindi n-naman naging dilaw ang mata ko, g*gue. Impossible 'yon," kinakabahan niyang sabi. Napakunot lalo ang noo ko nang mautal siya ngunit naagapan naman niya ito agad.
"Sure ka?" panigurado ko. Ano ka ba, Gabria! Impossible nga 'yon! Walang ganoon!
"Sure siya, Gab. Sino ba namang maniniwala roon, 'di ba? Impossible 'yon. Baka namalik mata ka lang," si Yuna na ang sumagot. Tumingin siya kay Rose at saka ngumiti na para bang sinasabihan niya na okay lang 'yon.
"O...kay," alanganin kong sabi. "Tara na," tumango sila.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (24)

  • avatar
    Em Em Mansilla

    ang ganda

    9d

      0
  • avatar
    PecsonJemken

    it's Good a story

    27d

      0
  • avatar
    Jenchoi Keziah

    good

    27d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด