logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 6

Paakyat na sana ako sa kuwarto ko para matulog ng bigla na lamang may kumatok sa pinto ng condo ko. Kunot-noo ko itong pinuntahan para tignan kung sino ang kumatok. May hinala na ako kung sino ito pero tinignan ko pa rin. At pagbukas nga ng pinto ay mukha niya ang bumungad sa akin.
"HI?" alanganing ngiting sabi nito. "Matutulog ka na ba?"
"Obviously. Mag-aalas dies na kaya ng gabi. Alangan namang magising ako magdamag di ba?' I said sarcastically.
Napakamot ito sa batok. "Eto naman, parang naagtatanong lang eh." nakasimangot na sabi nito.
Pinagkrus ko ang mga braso ko. "Ano ba kasi yung pinunta mo dito sa unit ko at gabing-gabi na."
"Ahm, ano kasi.." di mapakaling sabi nito na ikinataka ko. Bakit naman ganito ang inaakto niya?
"Ano ba kasi yun? sabihin mo na at inaantok na ako. Just so you know, may jetlag pa ako." pagtataray ko. Ewan ko nga din kung bakit nagtataray ako ngayon. Siguro dahil naistorbo niya ang supposedly pagtulog ko sana.
"Parang gusto ko lang naman mag-goodnight eh, tinatarayan mo pa ako." He pouted. "Sige na, matulog ka na mahal na prinsesa. Pasensya na sa istorbo. Goodnight." anito saka tuluyang tumalikod habang ako ay naiwang nakatanga sa pintong pinasukan niya.
Ngitngit ang loob na kinatok ko ang pintuan niya na agad din naman niyang binuksan.
"Ano? kung tataray--" napahinto siya sa ginawa ko at napatulala sa akin. Shit, sarap picturan ng mukha niya! ang epic!
"Good night, Matyas. Sweet dreams." ani ko saka nakangising tumalikod at iniwan siyang nakatulala pa din sa may pintuan niya.
Pagpasok ko sa kuwarto at nahiga sa kama ay hindi ko maiwasang mamula sa ginawa ko sa kanya. I freaking kiss him for f*ck sake! saan ko kaya nakuha ang lakas ng loob ko na gawin iyon? Do I made my feelings obvious? Hindi naman siguro no? Gosh! baka isipin noon patay na patay ako sa kanya! well, konti lang naman.
Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog iyon senyales na may mensaheng dumating. Binuksan ko iyon ng makitang galing iyon kay Matyas.
From: Matyas
You little kiss stealer! maghanda ka dahil maniningil ako bukas. You'll pay big time, so be ready.
ps: Huwag mo akong masyadong isipin baka lalong hindi ako makatulog nito.
Di ko maiwasang kabahan sa nabasa kong text galing sa kanya. Hindi naman siya mukhang galit no? at anong isipin? ba't ko naman siya iisipin?! mabuting pang matulog na ako dahil marami pa akong kailangang gawin bukas. Gosh! bakit ba kasi mas gumwapo siya ngayon? ayan tuloy parang bumabalik yong feelings ko sa kanya dati.
Tunog ng alarm clock ang gumising sa akin kinabukasan. Alas syete ako nag-alarm dahil hindi naman nasabi ni Matyas kung anong oras namin imi-meet yong friend niya. Mas mabuti ng maaga para less hassle. Humihikab na bumaba ako ng hagdan para makapagluto ng almusal. Nagluto lang ako ng bacon, egg and toasted bread saka ako nagtimpla ng kape. Saktong pagkatapos kong kumain ay may kumatok sa pinto ko. Siguradong si Matuas na iyon.
Naiiling akong nagtungo para buksan ang pinto. Nakangiting mukha niya ang nabungaran ko. Hindi pa naman ito nakabihis at tanging pajama at muscle tee lang ang suot nito so I assume na hindi pa kami aalis para kitain ang sinasabi niyang kaibigan.
"Hi! nagbreakfast ka na?" tumango-tango ako at niluwagan ang bukas ng pinto para papasukin siya.
"Yeah, actually kakatapos ko lang. Anong oras pala tayo pupunta sa kaibigan mo?"
Naupo ito at inumpisahang kainin ang tira sa niluto ko. "Excited ka naman, baby. Hindi pa nga ako nagbreakfast eh. Pakainin mo muna ako, sige ka baka ikaw ang kainin ko."
Nanlaki ang mata ko sa tinawag niya sa akin. "Huwag mo nga akong tawaging baby! Sinisira mo na naman umaga ko eh! kumain ka na lang muna diyan at mag-aayos na ako para makaalis na tayo." akmang aalis na ako ng hawakan ako nito sa kamay at hinila pabalik.
"A-ano?!" utal na tanong ko pero ang ungas ay ngumisi lang saka ngumuso.
"Nasaan ang good morning kiss ko?" ramdam ko ang unti-unting pag-iinit ng pisngi ko dahil sa tanong niya. Feeling ko nga mas namumula pa ako kaysa sa kamatis eh!
"Che! kiss kiss ka diyan! kumain ka na nga lang. Ang aga-aga eh pinapainit mo ulo ko."
He smirked. "Gusto mo hindi lang ulo mo ang painitin ko?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Bastos!" di ko na siua hinintay pang magsalita at nagtuloy-tuloy na ako sa pag-akyat sa kuwarto ko para maligo at mag-ayos. Parang nag-level up yata ang pagkaplayful niya?
Ilang minuto lang ay natapos na din ako. I decided to wear my high waist denim pants and cream fitted croptop saka ako nagsuot ng cardigan. I also wear my white rubber shoes to match with my outfit. One last look in the mirror and I'm off to go. Perfect.
Pagbaba ko ay hindi ko na nadatnan si Matyas. Siguro ay nagbibihis na rin so I settle myself in the living room while waiting for him to call me. Binuksan ko ang tv at balita ang bumungad sa akin.
'The great Stanley Salcedo has been seen in a beach resort in the Philippines. According to our source, the billionaire decided to be back in the country and stay there fo good'
Stanley Salcedo? Ang gara naman! Ganoon ba talaga kayaman ang apilyedong Salcedo? I also grew up knowing how well-off our family are despite the fact that they raise us in simplicity. Kaano-ano kaya namin siya? or maybe coincidental lang? I shrugged. Hindi nga siguro. Parang ngayon ko lang din siya nakita eh, kung kamag-anak namin siya eh di dapat matagal na namin siyang kilala.
Napatingin ako sa pinto ng pumasok doon si Matyas. "Let's go? nandoon na daw siya."
Tumango ako at pinatay ang tv saka ni-lock ang pinto. Sabay kaming bumaba at nagdesisyong gamitin ang sasakyan niya since wala naman akong sasakyan. Maybe soon. May sapat naman akong ipon para sa pagpapatayo ko ng boutique at pagbili ng sasakyan. Ang kailangan ko lang talagang hulugan ay yong condo unit para hindi magkulang ang perang gagamitin ko sa mga kailangang kong bilhin na gamit sa pag-uumpisa ko dito.
Buong biyahe ay dada ng dada si Matyas. Kung ano-ano ang kinukuwento nito at hindi ko maiwasang isipin na ang dami na niyang pinagdaanan at nakaya niya itong harapin ng mag-isa. I admire him for being brave enough to stay in a place so foreign to him even in a young age. Kung tutuusin ay nineteen years old pa lang ito ng mag-aral sa ibang bansa at manirahan mag-isa. In that age siguro ay wala pa akong lakas ng loob na harapin ang mundo na walang kakilala. Buti na lang ngayon I develop the courage to be on my own and I hope it will lead me to something I was aiming for.
"So, nakita mo na ang papa mo?" I ask him. Based on what he said ay nakilala niya sa Canada ang pamilya ng papa niya.
He smiled sadly. "Yeah, but sad to say, he's already dead long time ago kaya hindi ko na siya nakita pa sa personal." nalungkot naman ako sa sinabi niya because life didn't gave him a chance to see his father even in a short period of time. Ako kaya? makikilala ko pa kaya ang papa ko? o patay na rin siya gaya ng apa ni Matyas?
"I'm sorry to hear that." ngumiti ito ng nakakaloko contrary to what I expected.
"Kiss mo na lang ako para hindi ako sad." Anito at ngumuso kaya naman ay napalo ko siya dahil sa sinabi niya na malakas niyang ikinatawa pero maya-maya ay sumeryoso na. Ang bilis niyang magshift ng mood ah?
"Its okay. Ano ka ba, I already accepted it. Isa pa, nandyan pa naman si mama saka yong kapatid ko." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"You have a sister?!" ang alam ko kasi ay mag-isa lang siyang anak so nakakagulat malaman na may kapatid pala siyang babae.
"Yeah, she's my twin actually. Ang sabi ni mama ay iniwan niya si Antoinette sa papa ko ng maghiwalay sila dahil may sakit ito noon at hindi niya kayang ipagamot ang kapatid ko."
I smiled. "I hope to meet her soon."
"Yeah, soon. Nasa Pilipinas na siya eh. Months after I meet my relatives here ay nagpasya akong pauwiin siya sa Pilipinas para naman ay makabonding niya si mama kahit papaano. Siguradong magkakasundo kayo niyon. May pagkapikon din yun kagaya mo eh." Anito at natawa.
"Che! Hindi na kaya ako pikon." Depensa ko pero ang loko ay lalong natawa sa sinabi ko.
"Oo na. Hindi ka na pikon." He said sarcastically.
Ilang minuto pa kaming nagkuwentuhan hanggang sa ihinto niya ang kotse sa tapat ng isang shop na may wall glass sa harapan.
"Let's go?" tumango ako at di ko na hinintay pa na pagbuksan niya ako ng pinto kaya naman pagbaba ko ay nakasalubong ko ang nakasimangot niyang mukha.
"Ba't di mo hinintay na pagbuksan kita?!" he said and pouted his lips na ikinatawa ko.
"Sus! parang yun lang. Tara na nga!" ani ko at hinila na siya papasok ng shop.
Pagkapasok ko sa loob ay inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid at di ko maiwasang mapahanga. Ang ganda ng design ng lugar at napakaspacious. Tama nga ang sabi ni Matyas na konting renovation na lang ang kakailanganin kong gawin dito.
"Just wait here. Tatawagin ko lang siya sa taas at baka kung ano na naman ang pinagkakaabalahan nun." tumango ako at tinanaw siya na umakyat sa taas ng establisyemento bago naupo sa sofa para hinayin sila. Habang naghihintay ay nakatingin lang ako sa paligud at pinag-aaralan ang bawat sulok ng lugar na kailangan baguhin. Siguro ay kailangan kong palitan ng pintura nito dahil plain white at black lang ginamit. I want it colorful para hindi magmukhang boring para sa mga magiging customer ko.
"Ehem!" napalingon ako kay Matyas ng tumikhim ito.
Naupo ito sa tabi ko. "Ano? pasado ba?"
Ngumiti ako sa kanya. "Yeah, napakaganda nitong lugar at tama nga iyong sinabi mo na konti lang ang kailangan baguhin. Is this a footwear shop before?"
"Yeah. Mahilig kasi si Lara sa mga sapatos but mostly high heels." tumango-tango ako. Lara, hmm sounds familiar.
"Oh! andito na pala siya!" anito at tumayo kaya naman ay napatayo na rin ako. "Ren, meet Lara, my friend."
Bumaling ako sa taong nasa gilid niya at nanlaki ang mata ko ng makita ulit siya.
"Lara? You're the one I met on the plain, right?" paninigurado ko at mukhang natatandaan naman niya ako dahim napangiti ako.
"Oh! its nice seeing you again. I never expected na ikaw pala ang sinasabi nitong si Kiel! For four years ay ngayon ko lang siya nakitang may kasamang babae. You know, Kiel is so snob before!" natatawang sabi nito kaya napangiti naman ako sa kanya but deep inside me there's something building up. Kiel? is she really that close to him to call him by that name?
"Hey, are you okay? may nasabi ba akong hindi maganda?" natigilan naman ako sa sinabi niya at mukhang nahalata niya ang uneasiness ko. Nanlaki ang mata nito ng may mapagtanto at nagpalipat-lipat ang tinhin sa amin ni Matyas.
"Oh! I knew it! don't worry, don't be jealous. I'm only friends with him and nothing more."
My eyes grow big with what she said at agad akong umiling. "Naku. Hindi ako nagseselos no. Hindi kami ni Matyas." tanggi ko pero ngumiti lang siya ng nang-aasar at saka bumaling kay Matyas.
"She's the one, right?" nakangiting tanong nito kay Matyas at ang loko naman ay todo ngisi. What are they talking about?
"Yeah. The one and only." sinserong sabi nito habang nakatitig sa akin ng may ngiti sa mga labi.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (168)

  • avatar
    DaquipilNeth

    Interesting story 😍💜 Keep on writing Author

    22/06/2022

      0
  • avatar
    Unknwn

    The story's beautifully written.💞🎉

    22/06/2022

      0
  • avatar
    Devesh Dave Doloquin

    good

    05/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด