logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 5

Kapuwa kami tahimik na nakaupo sa sofa ng condo ko na parang pinapakiramdaman ang paligid. Matapos kaming magbanggaan kanina at magkagulatan na makita ang isa't-isa ay inaya niya akong mag-usap na hindi ko naman tinanggihan. Ilang minuto pa ang lumipas at mukhang wala talaga siyang balak magsalita at dahil ramdam ko ang awkwardness kaya tumikhim ako para basagin ang katahimikan.
"Uhm!" napaangat siya ng tingin at nagtama ang mga mata namin. "So, kailan ka pa dito? as far as I know ay sa Canada ka nag-aral. How come you are here?"
He cleared his throat na tila may malaking nakabara doon sabay iwas ng tingin sa akin. "Ahm, actually doon talaga ako nag-aral sa Canada but after graduating, an opportunity came to me here, so yeah, I'm here in France."
Tumango-tango ako. "So, how's life? I bet you're a successful engineer now."
"Yeah, I've been working in a construction firm here for months na rin after I graduated. Ikaw? how are you?"
I smiled sadly. "I actually leave home to find my luck here. I'm hoping na maging successful ako dito on my own." tumango-tango ito.
"So, what are your plans? Do you want to build a clothing line? I can be your engineer. Just tell me what I can do, I'm more than willing to help you." sinserong sabi niya kaya naman ay napangiti ako. I stare at his face, mukhang wala namang nagbago sa mukha niya bukod sa nagmukha itong mature dahil sa konting balbas nito na tumutubo. Napatingin ako sa mga mata nito. Those deep eyes na parang laging nangungusap, his pointed nose na parang madudulas ang ano mang insekto na dadapo, and those lips. That luscious lips that once touches mine. I still clearly remember how soft it is.
"Ren? are you okay?" untag niya kaya naman ay natigilan ako at napatikhim. Gaga! kung makatitig ka kasi wagas! piping sisi ko sa sarili ko.
"Ah, I'm okay. Ano pala yong sinasabi mo?"
Ngumiti ito. "I'm asking you if we can have lunch together outside or puwede din dito na lang. I can cook food for our lunch."
Nanlaki naman ang mata ko. "Marunong ka? we? baka naman ma-food poison ako diyan!" sabay tawa ko.
"Just watch and see. Kapag natikman mo ang luto ko siguradong makakalimutan mo ang pangalan mo at tanging pangalan ko lang ang masasambit mo." anito at tinaas taas pa ang kilay habang ngumingisi na parang aso.
"So ano yun? may gayuma?"
Tumawa ito. "Di ko na kailangan iyon no. Patay na patay ka kaya sa kaguwapuhan ko!"
"Che! Asa ka naman. Magluto ka na nga at ng matikman yang pinagyayabang mong talent sa pagluluto!"
Natatawang tumayo ito at nagtungo sa kusina samantalang ako ay nanatiling nakaupo dito sa sala kung saan tanaw siyang nangangalikot sa kusina. I sighed. Maybe times do really change people because looking at him now, I couldn't imagine how independent he is basing from what he was when we we're young na tipong nakaya nitong mamuhay mag-isa sa loob ng ilang taon. I couldn't imagine how hard it is to live alone na tipong wala kang masasandalan sa tuwing nalulungkot ka o nasasaktan, and I am so proud of him dahil nagbunga lahat ng paghihirap nito. Finally, an engineer by profession.
Maybe its a blessing in disguise to find him here para kahit papaano ay may makasama ako at hindi lubusang mag-isa.
Tumayo ako at nagtungo sa kinaroroonan niya. Kitang-kita ko na sanay na sanay na ito sa pagluluto dahil pati sa paghihiwa ay napakabilis nito. I envy him for that, ako kasi ay hindi gaanong kagaling magluto but it is edible naman kahit papaano.
"So,  you're gonna cook sinigang?"
Nag-angat ito sa akin. "Obviously, ano namang gagawin ko sa kamatis, sitaw at kamote kung hindi sinigang diba?"
Napasimangot ako. "Duh! pwede rin namang pinakbet ah!" natawa  ito.
"Grabe naman kung pinakbet ito, kulang sa ingredients haha." lalo akong napasimangot sa sinabi nito. Oo nga naman, Pinakbet pero wala ang ibang main ingredients.
"Hmp! Bahala ka na nga diyan. Akyat muna ako sa kuwarto ko. Tawagin mo na lang ako kung tapos ka na." akmang aalis na ako ng magsalita ito.
"Ito naman, parang binibiro lang pikon agad. Di ka pa rin nagbabago no? ang dali mo paring pikunin. Na-miss ko lang naman na asarin ka."
"Hmp! basta! dyan ka na nga lang." tuluyan na akong tumalikod at umakyat sa kuwarto ko para magbihis ng pambahay dahil hindi pa pala ako nakakapamalit. Nagsuot lang ako ng pink na pajamas at oversized shirt bago tuluyang bumaba. Tapos na sigurong magluto 'yon.
Akmang papasok na ako sa dining ng lumabas naman siya at muntikan na naman kaming magkabungguan.
"Tatawagin na sana kita. Tara na." sabay kaming naupo sa upuan. Di ko na siya napigilan ng ipagsandok ako nito ng kanin at lagyan ng ulam ang pinggan ko.
"Kaya ko naman."
Ngumiti ito. "Yeah, I know but I want to. So, here, tikman mo na ang niluto ko."
Naglagay ako ng kanin at ulam sa kutsara ko at dahan-dahan itong isinubo. In faireness, ang sarap nga. Tamang-tama lang ang asim tapos yong pagkakaluto ng karne is hindi masyadong luto as well as yong mga gulay.
"So, how is it?" nag-aabang na tanong nito at titig na titig sa akin waring hinihntay ang magiging reaksiyon ko.
"Pwede na." simpleng sagot ko na ikinasimangot niya.
"Pwede na?" ulit nito sa sinabi ko. "Ren naman, I expected that you'll say 'This is perfect' not pwede--" I cut him.
"Pwede ka ng mag-asawa." napahinto ito sa sinabi ko at maya-maya lang ay todo ngisi na ito sa harap  ko.
"That's better. So, G ka?"
Napakunot-noo ako sa tanong niya. "Anong G?"
Tumawa ito. "I mean, game ka?"
"Game saan?"
Mas lumawak ang ngisi nito. "Maging misis ko. You know, ang daming nakapila para mapansin ko, pero kung ikaw, hindi mo na kailangang pumila pa dahil malakas ka sa akin. So ano, G ka?"
"Gago! kumain ka na nga lang! kung ano-anong kalokohan ang lumalabas diyan sa bibig mo." sabi ko saka na itinuloy ang pagkan pero ramdam kopa rin ang pag-iinit ng pisngi ko dahhil sa sinabi niya.
Buti naman ay tumahimik na ito at pinagpatuloy din ang pagkain. Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nagpresintang maghugas ng pinagkainan namin kahit nagpumilit siyang siya na lang. Sinabihan ko nalang siyang maghintay na lang sa sala kung wala pa siyang importanteng kailangang gagawin.
Pagkatapos kong maghugas ay nagtungo ako sa sala para silipin kung nandoon pa ba siya at hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko siyang nagbabasa ng libro na marahil ay nakita niya sa tabi-tabi. That's one of the things that me and Lila loves to do. Reading. Kya nga hindi na ako nagtaka ng makitang maraming libro ang nagkalat sa sulok nitong condo.
"Wala ka bang trabaho ngayon?" tanong ko at naupo sa tabi niya. Siya naman ay itiniklop ang librong binabasa at binaling ang atensyon sa akin.
"Wala. Bukod sa sunday ngayon ay tapos ko na ang mga mga kailangan kong gawin so I don't have pending work." napatango-tango naman ako sa sinabi niya.
"Oo nga pala. Since matagal ka naman na dito, baka naman may alam kang magandang puwesto para sa itatayo kong boutique?"
"Actually, I have a friend here na naghahanap ng buyer ng shop niya since hindi naman na siya naglalagi dito. Maganda ang puwesto noon at konteng renovation lang ang kailangan."
I smiled then  grab a book na nasa gilid ng tv at inumpisahang buklatin iyon. "Okay. Kailan ko siya puwedeng makausap para makapagnegotiate na kami sa price. Gusto ko na kasing umpisahan ang magiging boutique ko at ayaw kong may masayang na oras o araw habang nandito ako. I want it all done as soon as possible para--"
"I missed you." napatingin ako na diretso sa kanya dahil sa sinabi niya. Ramdam na ramdam ko ang pagbabago ng pintig ng puso ko na parang gusto na nitong umalis sa didbdib ko dahil sa sobrang lakas ng tibok nito.
"W-what?"
He smiled sadly. "I know i have been a jerk for cutting our communications but I don't want to be a burden to you anymore. Ayokong nahahati ang oras mo sa pag-aaral at sa akin. I wanted you to just focus on your studies as I am. So, Im really sorry for cutting ties with you."
I sighed. So that's his reason. Hindi naman ako nagalit sa kanya for cutting our communication, maybe nagtampo. Sana sinabi niya na lang na gusto niyang magfocus kami pareho sa pag-aaral dahil maiintindihan ko naman eh, but instead, he just cut it off without even saying anything.
"Sana sinabi mo na lang agad. But anyway, tapos naman na yon. Let's just leave it behind. So, ano? kailan ko pwedeng makausap  itong kaibigan mo?"
Ngumiti ito. "Let's meet her tomorrow."
"Lunes bukas ah? wala kang trabaho?" natawa ito sa tanong ko.
"I told you, nagawa ko na ang mga kailangan kong gawin for the following days kaya hindi ko kailangang pumasok sa opisina dahil wala naman akong bagong project na kailangang i-handle."
Pagkatapos naming mag-usap ay ihinatid ko na siya hanggang sa may pinto.
"So, let's just meet tomorrow. Nasa iyo na naman ang number ko so tawagan mo na lang ako kung saan tayo magkikita."
Natawa ito sa sinabi ko at itinuro ang katabing unit ng unit ko. Kunot-noo ko siyang tinignan at nanlaki ang mata ko ng marealize ang gusto niyang sabihin.
"You live there?!" tumango-tango ito.
"Yeah, I'm gonna be your neighbor from now on. So, expect that you'll have me as your visitor everyday."
Napailing na lang ako sa sinabi niya. "Oo na, sige na. Papasok na ako at kailangan ko pang tawagan sina mama." akmang papasok na ako ng unit ko ng tawagin ako nito.
"What?"
He smiled sincerly. "I really missed you. A lot."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (168)

  • avatar
    DaquipilNeth

    Interesting story 😍💜 Keep on writing Author

    22/06/2022

      0
  • avatar
    Unknwn

    The story's beautifully written.💞🎉

    22/06/2022

      0
  • avatar
    Devesh Dave Doloquin

    good

    05/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด