logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 5

Tatayo na sana siya subalit hinila siya ni Draven paupo. Hindi siya makatayo dahil hawak nito ang kamay niya. Wala na ito ginawa kundi inisin siya, wala ba ito magawa sa buhay? Kaya siya ang pinagti-tripan.
“Umupo ka.”
“Ayoko! Tatayo na ko!”
“Kapag sinabi ko na umupo ka umupo ka!” masungit na wika ni Draven.
“Sino kaba para utusan ako na umupo? Uupo ako kung gusto ko!”
“Boyfriend mo," kumulo ang dugo niya sa sinabi nito. Hindi nga siya tinanong nito kung gusto niya ba ito maging nobyo.
“Hindi kita gusto! Basted kana!” Tinanggal niya ang kamay nito sa kamay niya. Tumayo siya, tumayo din ito.
“Hindi ko tinatanong kung gusto mo ako. Isa lang ang gusto ko ang maging girlfriend ka."
Hinila siya nito at hinagkan, hindi niya alam kung ano ang magiging reaction niya. Buong lakas niyang tinulak si Draven, sasampalin niya na sana ito ngunit nahawakan nito ang pulsuhan niya. Hinihila niya ang kamay niya subalit ayaw nitong bitawan. Nakalimutan nito na may isang kamay pa siya ngunit hindi siya nagtagumpay na masampal ito. Pinilipit nito ang dalawang kamay niya patalikod, nasa likod niya na si Draven. Dikit na dikit ang katawan nilang dalawa, balak niya sana apakan ang paa nito pero naunahan siya nito inipit ni Draven, ang paa niya. Bakit ba alam nito ang bawat galaw niya? Kahit anong pagpupumiglas niya hindi siya makawala.
“Ano ba! Nasasaktan ako!”
“Nasasaktan ka? Huh! Hindi halata, balita ko black belter ka. Masubukan nga ang galing mo, Sweetheart,” bulong nito. Natigilan siya, sino ba itong si Draven? Bakit alam nito na black belter siya? Hindi kaya pinaimbestigahan siya nito kaya alam nito. Pero bakit naman nito gagawin iyon? Hindi naman siyang kilalang tao para pag-aksayahan nito ng oras.
“Sino kabang pangit ka? Paano mo nalaman?”
“Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman. Hindi lang iyan ang alam ko, marami akong alam tungkol sa iyo.”
“Wala kang karapatan na alamin ang bawat detalye ng buhay ko!”
“May karapatan ako,” anito. Sige lang mangarap itong may karapatan ito, medyo nangangalay na ang kamay niya. Ginalaw niya ang isang paa niya sumipa siya ng pataas target niyang tamaan ang chin nito ngunit hindi umabot. Akala niya nakawala na siya pero hindi pa pala, ang bilis nito kumilos.
“Ang bagal! Paano kita mabibitawan kung ganyan lang ang ginagawa mo? Sabagay lowest rank ka lang naman.”
“Wow! Makapagsalita ka akala mo ang galing. Eh! Mukha ngang wala kang binatbat sa akin. Mukha ka ngang lampa noong nasa parking lot tayo.”
“9th degree black belt ako sa taekwondo kaya hindi ako lampa. Hindi kasi ako pumapatol sa babae kaya hinayaan kita dati na sampalin mo ko pero ngayon hindi na ako papayag na masampal mong muli.”
Hindi siya naniniwala na grandmaster na si Draven, masakit sa pride na hindi siya nito pinatulan dahil lang sa babae siya. Nakakainsulto sa pagkatao niya, papatunayan niyang kahit first degree lang siya kaya niyang sipain ito nang malakas.
“Ganoon ba? Hindi ko din hahayaan na basta mo na lang ako halikan."
Naramdaman niyang medyo lumuwag ang pag-kakahawak nito sa kamay niya. Pagkakataon niya na, mabilis niyang tinadyakan ito humarap siya kay Draven, sinuntok niya ito pero magaling umilag ang unggoy. Lalo siya naiinis dahil hindi siya makatama kahit isa, ngumisi siya dahil may naisip siyang paraan kung paano niya matatamaan ang bastos na ito. Sinabuyan niya ng kaunting buhangin ang mata nito saktong pagpikit ni Draven, nag-pakawala siya nang malakas na suntok nasapol niya ang mukha nito.
“Shit! Era! Ang sakit sa mata.”
Ang saya saya niya dahil nakaisa siya. Buti nga sa kumag na iyan, iwan niya na kaya mag-isa ito. Naghilamos sa dagat si Draven, ngunit hindi pa rin nito minumulat ang mata. Baka naman nag-eenarte lang pero parang hindi. Nilapitan niya ito dahil medyo nakonsensiya siya, kabado siya paano kung mabulag si Draven? Baka ipakulong siya nito.
“Hoy! Tama nang arte! Ikaw kasi, eh!” wika niya. Mabilis siyang kinabig nito pinarusahan siya nito nang madiin na halik. Naghiwalay na ang mga labi nila, napakapit siya sa balikat nito dahil nawalan siya ng lakas.
“Parang shabu ang labi mo nakakaadik halikan,” bulong ni Draven. Ramdam niya ang hininga nito, hinalikan ni Draven ang gilid ng tainga niya, hindi siya makagalaw. Hanggang sa mapunta muli ang labi nito sa labi niya, napapikit na lang siya.
“Kiss me back sweetheart,” bulong ni Draven.
Tumugon siya sa halik nito kahit pinipigilan siya ng kabilang utak niya. Gusto niya na bumitaw sa halik ngunit hindi nakikisama ang katawan niya. Bakit pakiramdam niya ay uhaw na uhaw siya sa halik? May narinig siyang pumutok na fireworks, natauhan siya. Tumakbo siya papalayo, tinawag siya nito ngunit hindi siya lumingon. Kinakahiya niya ang sarili niya dahil ilang beses na siyang nahalikan ni Draven. Bakit sa isang halik lang nito natatanggal na ang galit na nararamdaman niya? Siguro nadala lang siya kaya ganoon pero hindi pa rin magbabago ang tingin niya sa lalaki. Sa may tapat na siya ng kwarto nang naramdaman niyang nahihilo siya. Dali dali niyang binuksan ang pinto napahawak siya sa pader. Dahan dahan siyang humiga sa kama, kinapa niya ang hand bag niya kinuha niya ang white flower.
“Please huwag ngayon,” sambit niya. Nang maayos na ang pakiramdam niya, natulog na siya. Kinabukasan, tanghali na siya nagising pinakiramdaman niya ang sarili niya kung nahihilo pa siya. Siguro dahil lang iyon sa alak na ininom niya kagabi. Nag-shower siya kasi madaming buhangin ang damit niya. Pag-katapos niya maligo hinanap niya ang cellphone niya dahil tatawagan niya sana si Lia, ngunit hindi niya mahanap. Dala niya iyon kagabi pati iyong wallet niya nawawala, saan niya ba kasi nilagay? Napagod na siya kakahanap pero wala talaga siguro nahulog niya kung saan. Mag-papatulong siya kina Lia at DG, na hanapin ang wallet at cellphone niya. Kumatok siya sa kwarto ng mga ito ngunit walang sumasagot nasa labas na siguro. Natagpuan niya ang dalawa sa dalampasigan nakaupo si Lia sa lounge chair si DG, naman naliligo sa dagat.
“Lia, nakita mo ba iyong wallet at cellphone ko?”
“Iyong wallet mo lang pero iyong cellphone mo hindi ko nakita. LE, okay ka lang ba? Kasi bigla kang nagalit kagabi.”
“Okay lang ako, mag-papatulong sana ako sainyo pero ako na lang siguro ang mag-hahanap sa cellphone ko.”
Hindi pa nga siya nakaka-hakbang may humarang na sa daraanan niya. “Sa susunod kasi huwag mo iniiwan kung saan ang cellphone mo," hinablot niya ang cellphone kay Draven.
“Paano napunta sa iyo ito?” Nilapag niya sa lounge chair ang cellphone, tulalang nakatingin sa kanila si Lia. Malamang nag-tataka si Lia, bakit niya kilala si Draven, wala siyang panahon para mag-kwento sa kaibigan niya. Lalo’t mainit ang ulo niya ngayon hindi lang siya basta naiinis badtrip talaga siya.
“Nahulog mo kagabi.”
“Eh! bakit ngayon mo lang binigay?”
“Umalis kana, Eh!” sagot nito. Maaari naman siyang habulin nito upang iabot ang cellphone niya. Malakas ang kutob niya na sinadya nito na hindi siya habulin.
“Okay!”
“Nandito ka lang pala bro, kanina kapa namin hinahanap ni Cole. Bigla kana lang nawawala." Kung hindi siya nag-kakamali kaibigan ni Draven, ang dalawang lalaki.
“Paki tali nga itong kaibigan niyo para hindi na sumunod sa akin. Naiirita na kasi ako sa kanya!”
“Excuse me, Miss. May masama bang ginawa sa iyo si Draven?” tanong ng lalaking singkit ang mata.
“Oo mayroon!”
“Cole, huwag mo siyang kausapin,” wika ni Draven.
“Bakit hindi?” tanong ni Cole.
“Mainit kasi ang ulo niya,” sagot ni Draven.
“Talagang mainit ang ulo ko!” sabat niya. “Kung ako sa iyo umalis kana bago pa kita masapak!”
“Sapakin mo na nga ako kung iyan ang gusto mo." Sinunod niya ang sinabi nito, ganitong mainit ang ulo niya talagang papatulan niya ang hamon nito. Siya ang nanakit pero bakit naaasar pa rin siya?
“LE! Tama na iyan,” awat ni Lia, napatayo ito.
“Pag-pasensiyahan mo na ang kaibigan ko masama lang ang gising niya," hinila siya ni Lia, ngunit hindi siya nagpahila.
“Kaya ko na ito Lia,” aburido na talaga siya. Hindi na ito komontra pa.
“Sinapak na kita, ano pa ang hinihintay mo? Bakit hindi kapa lumayas sa harapan ko?”
“Bakit ako aalis kung nandito ka? Kaya ko tiisin ang sapak mo kung iyon lang ang tanging paraan para makalapit sa iyo."
Nababaliw na ba ito? Halata naman na ayaw niyang mapalapit rito pero bakit pilit pa rin ito lumalapit? Ano ba ang dapat niyang gawin sa lalaki na ito para tumigil na kakasunod? Sumasakit na talaga ang ulo niya sa asungot na ito. Ang daming babae na maaari nitong kulitin, bakit siya pa?
“Ewan ko sa iyo! Ayokong lumalapit ka sa akin!” Padabog siyang umupo sa lounge chair. Pagod na siyang itaboy si Draven, hindi niya akalain na makakatagpo siya ng lalaking sobrang kulit. Lahat ng ayaw niya sa lalaki na kay Draven, at impossible na wala itong girlfriend. Bumalik na kaya siya ngayon sa Manila, nag-iisip siya kung mag-papabook na siya pabalik. Pero kasama niya papunta dito sina Lia at DG, ang sama niya namang kaibigan kung iiwan niya ang dalawa. Narinig niyang nag-pakilala kay Lia, iyong Nike at Cole.
“Hanggang kailan kayo mananatili dito?” tanong ni Nike, kay Lia.
“Hanggang bukas, kayo?”
“Mamayang gabi babalik na kami sa Manila," nakarinig siya ng magandang balita. Ilang oras na lang ang titiisin niya hindi niya na makikita si Draven. Gusto niya na hilain ang orasan para gumabi kaagad upang makalayas na ito.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (73)

  • avatar
    Mitz Chesca

    so awesome and I love you

    4d

      0
  • avatar
    SisterJericho

    great

    14d

      0
  • avatar
    Edith Escobel

    because the story is so beautiful I'm going to happy to story is so very I'm happy to reading the story

    29d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด