logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3

Pag-pasok niya sa loob ng convenience store kaunti lang ang tao, cup noodles ang bibilhin niya. Hawak niya na ang cup noodles, mag-babayad na sana siya sa cashier pero agaw pansin ang tatlong babaeng kinikilig. Pasimple niyang sinilip kung ano ang tinitingnan ng mga ito, tumaas ang kilay niya nang makita niya ang hawak ng babae. Iyan iyong magazine na pinakita ni Lia kanina pero parang pamilyar ang mukha ng lalaki, parang nakita niya na. Kung hindi siya nagkakamali iyan ang lalaking bastos sa parking lot. Bakit hindi niya namukhaan ito kanina? Kaya pala mayabang.
“Ang gwapo niya talaga girl, kailan niya kaya ako mapapansin?” narinig niyang tanong ng isang babae. Naiinis naman siya dahil masakit sa tainga marinig ang salitang gwapo.
“Ako kaya girl, kailan niya mamahalin?” nangangarap na tanong ng babaeng nasa gitna.
“Alam niyo huwag na kayo umasa dahil sa akin siya mapupunta,” saad naman ng isa.
Wala ba sa katinuan ang mga isip nito? Sa daming lalaki sa mundo, bakit iyang pang lalaki na kinakainisan niya ang pinapangarap ng mga ito. Kung sabagay libre lang mangarap pero nakakahiya ang mga sinasabi ng tatlong babae.
Napailing siya, dumiretso na siya sa cashier upang bayaran ang binili niya pero nagparinig muna siya. “Ang haharot!" Napatingin ang isang babae sa kinatatayuan niya, tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
“Kami ba ang pinaparinggan mo?”
“Oo. Ang iingay niyo kasi,” mataray na sagot niya. Mukhang papalag iyong isa pero pinigilan ito ng kasama. Kaysa sa sagutin siya, umalis na lang ang mga ito. Tama lang lumayas ang malalandi na iyon dito nakakaistorbo ang mga ito sa mga bumibili. Inabot niya na ang pera sa cashier, lalabas na sana siya ngunit nakakita siya ng babae na umiiyak sa isang sulok hawak hawak iyong magazine. Bakit kaya nito iniiyakan ang magazine? Baka walang pambili naawa siya, lalapitan niya na sana para bigyan nang pambili kahit naiinis siya sa lalaking nasa cover. Pero nagbago ang isip niya dahil narinig niyang pinaguusapan ito ng mga empleyado sa store.
“Bakit siya umiiyak?” tanong niya.
“Hindi po namin alam Ma’am, akala nga po namin dati nagugutom siya. Inalok na namin ng pagkain ayaw naman at hindi rin po siya nagsasalita umiiyak lang.”
“Baka iyong magazine ang gusto niya. Ibigay niyo na lang sa kanya babayaran ko,” sabi niya. Kumuha siya ng pera sa wallet niya, pinalapitan niya upang sabihin na binayaran niya na ang magazine. Lumingon ang babae, nang ituro siya ng taong inutusan niya. Halatang mugtong mugto ang mata nito, lalo siya nakaramdam ng awa. Nginitian niya ito at lumabas na siya hindi niya kayang makakita ng babaeng umiiyak dahil dati ganyan din siya umiiyak lang. Pero ang pinapasalamat niya naging matapang na siya ngayon. Pakiramdam niya bigla siyang binalot ng kalungkutan, wala siyang dapat ikalungkot.
Pagpasok niya sa unit niya, kumain siya kahit nawalan na siya ng gana pinilit niya pa rin kumain. Biglang pumatak ang luha niya, kaya ayaw niya malungkot. Tinapos niya na agad ang pagkain niya para makatulog na siya kung hindi kasi siya matutulog sigurado iiyak siya buong gabi. Sana pala hindi niya na lang pinansin iyong babae siya tuloy ang nagdurusa ngayon sa lungkot. Hindi talaga siya makatulog kaya kinuha niya ang isang black swan, tinungga niya. Alak lang ang tanging paraan upang maalis ang lungkot niya.
“Sorry Mom,” umiiyak na sambit niya. Binalibag niya ang bote, humiga siya sa sahig hanggang sa makatulog na siya. Nagising siya sa tunog ng cellphone niya, ring nang ring kasi. Sino kaya ang tumatawag sa kanya ng ganitong oras? Pagtingin niya sa orasan twelve thirty ng madaling araw.
“H-hello,” mahinang saad niya.
“LE! Nasaan kana? Kanina pa kami dito sa airport ni DG," wika ni Lia. "Anong oras na, LE?”
“Bakit nandiyan kayo?”
“Nakalimutan mo na ba na ngayon tayo pupunta ng El Ñido, hintayin ka namin dito bilisan mo na,” binaba na nito ang cellphone.
Tinampal niya ang noo niya, ngayon pala ang alis nila nakalimutan niya. Bumangon na siya kahit tinatamad pa siya, ang sakit ng ulo niya. Sobrang bilis niya maligo at mag-ayos wala pang twenty minutes tapos na siya. Buti na lang nilagay niya na kahapon sa maliit na maleta ang dadalhin niyang damit. Tatawagan niya na sana si Lia, para sabihin na on the way na siya pero kapag minamalas ka nga naman nalowbat ang cellphone niya. Hanapin niya na lang mamaya ang dalawang kaibigan niya sa airport. Mabilis siyang nakarating sa airport, sabi niya kasi sa driver bilisan dahil nag-mamadali siya.
“Lia, sorry late ako.”
“Akala namin wala kana balak sumama sa amin, bakit kasi hindi ka nag-alarm?” tanong ni Lia.
“Nakalimutan ko mag-alarm." Paanong hindi niya makalimutan. Eh, alak ang inatupag niya kagabi.
“Dapat sa iyo may taga gising, eh.”
“Ihanap natin siya ng yaya Lia,” biro ni DG.
“Ano ako bata? Alam niyo naman sa dami ng iniisip ko nakakalimutan ko na ang mga importanteng bagay.”
“Kaya naman pala,” tumatango tango na wika ni Lia. Maya maya tinawag na ang flight number nila. “Excited na ako, dalian na natin baka maiwan pa tayo ng eroplano.”
“Excited ka lang makakita ng pogi.”
“Oo, sigurado ako maraming gwapong flight attendant,” ang landi talaga ni Lia. Natawa silang dalawa ni DG, pagkaupo niya umidlip siya kaagad dahil inaantok pa siya, magkakatabi silang tatlo. Ginising siya ni DG, nang malapit na sila bumaba, sila ang huling lumabas. Sa wakas nakarating din sila sa resort, sikat ang resort na ito at ang ganda rin sulit talaga ang ibabayad nila. Hindi niya alam kung anong oras na, tumingala siya sa langit hindi pa naman mataas ang araw ibig sabihin seven thirty or eight o clock pa lang siguro ganyan siya manghula ng oras. Naiwan niya kasi ang relo niya sa sobrang pag-mamadali niya kanina.
“Hoy! LE, titingala kana lang ba diyan?” nakapamewang na tanong ni Lia.
“Panira ka naman ng moment binibilang ko pa nga ang ulap,” biro niya. Inunat unat niya ang braso. Pumasok na sila sa loob ng resort para mag check in. Si Lia, ang nakipagusap sa receptionist, kinuha niya na kay Lia ang susi. Hindi sila magkakasama sa kwarto, tig iisang queenroom sila. Pero ayos lang naman kung mag-isa siya ayaw niya kasi ng istorbo.
“Mauna na ko sa room, gusto ko na humiga sa kama. Katukin niyo na lang ako mamayang 11:00 am.”
“Huwag kang matulog ng mahimbing,” paalaala ni Lia. Tinanguan niya lang ito, pagpasok niya sa kwarto binagsak niya ang katawan sa kama. Ang sarap umidlip, nagring ang cellphone niya.
“Bakit Lia?”
“May sasabihin ako sa iyo, may nakita akong mga gwapong lalaki sa malayo. Grabe LE! Pumuputok ang abs nila." Muntik niya nang mabitawan ang cellphone, humagikhik pa si Lia.
“Tumawag ka lang ba sa akin para sabihin iyan?”
“Oo, para alam mo. Bye na,” sigurado mambibiktima mamaya si Lia. Nagsoundtrip na muna siya nilagay niya na ang headphones sa tainga niya. Nakakaantok ang kanta na pinapakinggan niya kaya nakatulog siya. Napabalikwas siya nang may sumisigaw sa labas, ang lakas tuloy nang tibok ng puso niya.
“LE! Gising may sunog!” Boses iyon ni Lia, dali dali siya bumangon binuksan niya ang pinto.
“May sunog?” kinakabahan na tanong niya. Humagalpak nang tawa si DG, kumunot ang noo niya. “Akala ko pa namaan totoo! Hindi nakakatuwa Lia,” naiinis na wika niya. Hinampas niya ito, ang lakas talaga mantrip ni Lia.
“Kasi naman kanina pa kami dito sa labas, kulang na lang sirain namin ang pinto. Teka, bakit hindi kapa nagpapalit ng damit? Mag-bihis kana muna.”
“Nakalimutan niya Lia,” sabat ni DG.
“Tama si DG, nakalimutan ko nga. Saan ba tayo pupunta?”
“Baka gusto mo din kumain, hindi pa tayo kumakain simula kanina,” wika ni Lia. Oo nga pala tanghali na.
“Hintayin kana lang namin sa restaurant LE,” saad ni DG. Tumango siya, bakit ba sobra na siyang makakalimutin? Pag alis ng dalawa nagbihis na siya, black short at flowy crop top ang sinuot niya. Pagdating niya sa restaurant nakaorder na ang dalawa doon niya pa lang naramdaman ang gutom.
“Gutom na ako," aniya.
“Kahit hindi mo sabihin alam kong gutom kana kaya kumain kana diyan,” saad ni Lia. Nilantakan niya na ang hipon, favorite niya kasi.
“Maligo tayo mamayang one o clock.”
“Pero parang uulan LE, ang kulimlim kasi,” saad ni DG.
“Kapag umulan hindi ako maliligo kasi malamig,” wika ni Lia.
“Masarap kaya maligo sa dagat kapag umuulan. Try mo minsan, Lia.”
“Sanay kana kasi maligo na malamig ang tubig. Batid mo naman na madali akong lamigin.”
“Ako din kaya, natutuwa lang kasi ako maligo kapag umuulan. Pero kung ayaw niyo ako na lang maliligo mag-isa mamaya,” aniya. Hindi niya talaga mapipilit si Lia, ewan niya lang si DG, kung sasama mamaya.
“Ikaw, DG?”
“Hindi. Susubukan ko iyong spa nila mamaya,” nakangiting sagot ni DG.
“Isama mo na lang si Lia. Papainom pala ako mamaya talo ako sa pustahan,” nanlaki ang mata ni Lia. Marunong kasi siya tumupad sa usapan.
“Naalala mo pa talaga iyon, hala! Malalasing ata tayo mamaya,” wika ni Lia. Ngumiti lang siya, yari ang dalawang ito mamaya lalasingin niya. Syempre siya ang mag-papainom kaya hindi siya malalasing. Tumahimik muna silang tatlo dahil nakafocus sila sa pagkain, hanggang sa matapos sila kumain ang tahimik nila. Bumalik na siya sa kwarto niya, hihintayin niyang umulan.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (73)

  • avatar
    Mitz Chesca

    so awesome and I love you

    4d

      0
  • avatar
    SisterJericho

    great

    14d

      0
  • avatar
    Edith Escobel

    because the story is so beautiful I'm going to happy to story is so very I'm happy to reading the story

    29d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด