logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2

Ang lakas nang kabog ng dibdib niya, pati katawan niya nanginig dahil sa takot ngunit sa kabila nang nararamdaman niyang takot gusto niyang magalit. Subalit, anong karapatan niyang magalit kung hindi niya alam kung sino ang may kasalanan sa kanila. Pero ano ang gagawin niya? Aawayin niya ba ang driver nang nakabangga sa kotse niya? Hindi naman siguro tama na awayin niya. May dahilan naman siguro ito kung bakit nabangga ang sasakyan niya. Kailangan niyang kumalma upang makapagisip siya ng maayos.
“LE!” untag ni DG. “Okay ka lang ba? Namumutla ka,” umiling siya. Uminom siya ng tubig upang maalis ang kaba niya subalit muntik nang matapon ang iniinom niya dahil may biglang kumatok sa bintana.
“Sandali lang DG, bababa ako. Siya ata ang may-ari ng sasakyan na nakabangga sa atin.”
“Sige, bilisan mo lang. Kausapin mo ng maayos,” tumango siya. Napalakas ang pag-bukas niya ng pinto natamaan sa mukha ang lalaki. Napakagat siya sa labi, hindi niya sinasadya.
“Shit!” sambit ng lalaki. Inalis nito ang suot na shades, kung makatingin ito kulang na lang patayin siya.
“Tutunganga kana lang ba diyan, Miss!” Doon lang siya natauhan.
“Ahmm---sorry.”
“Hindi ko kailangan ang sorry mo sa presinto ka mag-paliwanag!”
Tatalikod na sana ito ngunit nag-salita siya. “Bakit sa presinto pa? Maaari naman ako mag-paliwanag dito. Nagso-sorry ako sa iyo ng maayos tapos tatalikuran mo lang ako, huwag mo naman ipahalata na bastos ka. Nag-pakumbaba na nga ako kahit hindi ko kasalanan. Dapat nga ikaw ang mag-sorry sa akin kasi naaggrabyado mo ako tapos ikaw pa ang matapang, wow ahh!” masungit na wika niya. Nag-effort pa siya mag-sorry sa taong ito tapos ayaw tanggapin ang sorry niya. Maliit na bagay papaabutin pa nito sa presinto. Alam niyang tinatakot lang siya nito pero hindi siya natatakot. Kahit samahan niya pa ito papunta sa presinto gagawin niya subalit ayaw niya nang palakihin pa ang gulo.
“Bakit ako sa iyo magso-sorry? Miss, kung hindi ka umatras bigla hindi kita mababangga. Malamang itatanggi mong hindi mo kasalanan kasi wala naman nakakita.”
“Hindi porke walang nakakita kasalanan ko na. Hindi ka naman siguro bulag para hindi makita na may umaatras na sasakyan. Isa pa, bakit hindi ka huminto?”
“Paano ako makakahinto? Eh, bigla kana lang sumulpot. Mag-pasalamat kana lang nakapag-preno ako kaagad dahil kung hindi naararo na ang kotse mo!” ani ng lalaki. Sana hindi na ito nag-preno kung isusumbat lang naman nito. Siya na nga ang biktima siya pa ang sinisisi, nasaan ang hustisya? Bakit pa ba siya mag-tataka karamihan naman sa nakabangga sila pa ang galit.
“Salamat, ahh! Okay kana nag-pasalamat na ako! Nakakahiya sa iyo, eh! Baka hindi ka makatulog. Kaya siguro ako ang sinisisi mo dahil natatakot ka makulong. Alam naman nating dalawa na wala akong kasalanan sa nangyari. Kahit anong sabihin mo nabangga mo pa rin ang kotse ko!” aniya. Ngumisi ito na lalo niyang kinainis, ayaw niya pa naman sa lahat na nginingisihan siya.
“Alam mo sa ating dalawa ikaw dapat ang matakot. Dahan dahan ka sa pananalita mo dahil hindi mo kilala ang binabangga mo. Hindi mo alam ang kaya kong gawin, Miss!”
“Sino kaba para katakutan ko? Pinaglalaban ko lang naman na tama ako! Masama ba iyon? Bakit ba pinagpipilitan mo na kasalanan ko?” tanong niya. Kapag talaga hindi na siya nakapagtimpi masasapak niya na talaga ito ubod ng yabang.
“Miss, ilang beses ko ba sasabihin sa iyo na kasalanan mo ang nangyari. Hindi tama na ipaglaban mo ang mali, ang hirap mo naman paintindihin!” masungit na wika ng lalaki.
Nagngitngit ang kalooban niya, pinapamukha pa nito na hindi siya marunong umintindi.
Namewang siya at dinuro niya ito. “Ikaw ang mahirap paintindihin hindi ako! Kung ayaw mo tanggapin ang sorry ko wala akong magagawa. Aalis na ako sinasayang mo lang ang oras ko!” galit na sabi niya.
Wala siya mapapala sa pakikipagtalo rito nag-sasayang lang siya nang laway kakadakdak. Bakit niya pa kasi kinausap ito? Kung alam niya talaga na ganito ang mangyayari sana umalis na lang siya kanina. Kung ayaw nito tanggapin ang sorry niya hindi niya ipipilit basta nakapagsorry na siya sapat na iyon hindi niya na kailangan pang ulitin.
“Makapagsalita ka akala mo ikaw lang ang nag-sayang ng oras. Para sabihin ko sa iyo kanina pa ako late sa pupuntahan ko!”
“Wala akong pakialam kung late kana, bakit hindi kapa umalis? Pero kung ayaw mo pa umalis, ako na lang ang aalis." Binuksan niya na ang pinto ngunit sinara ulit nito. Ano ba problema nito? Sa inis niya hinampas niya ang pinto. “Kung wala kang balak umalis manatili ka dito! Nakakairita kana! Tabi diyan!”
“Paano kung ayaw ko tumabi?”
“Ahh! Ganoon!” Walang pasabi sinampal niya ito subalit nagulat siya sa sunod na ginawa nito. Kinabig siya at hinalikan pakiramdam niya umakyat lahat ng dugo niya sa ulo. Wala ito karapatan na halikan siya, kinagat niya ang labi nito hindi pa siya nakontento sinampal niya pa ulit. Naisahan siya nito kaya magdusa ito, akala siguro nito hindi siya papalag. Isang malaking pag-kakamali na hinalikan siya nito.
“Ouch!”
“Ano, masakit ba? Iyan ang bagay sa tulad mong manyak!”
“Ang arte mo! Buti nga hinalikan kita, halata naman na nasarapan ka, eh!” Grabe nagawa pa nitong magyabang. May pakiramdam siya na natutuwa pa ito sa ginawa, nakakapikon umuusok na ang bunbunan niya sa sobrang inis. Kung hindi lang talaga masama manakal kanina niya pa nasakal ito.
“Asa kapa, ang pakla nang halik mo!”
“Gusto mo ulitin ko, sabihin mo lang!” hamon nito. Bakit ito nagagalit? Totoo naman na mapakla alangan naman sabihin niyang masarap kahit hindi naman, “Ano na Miss?” Tanong nito.
“Subukan mong ulitin padudugoin ko ang nguso mo!” banta niya. Pinaningkitan niya ito ng mata, magugulpi niya ito ng wala sa oras. Kanina pa siya gigil na gigil sa pagmumukha nito, huwag lang talaga ito magkakamali. Handa siyang makipagbasagan ng mukha. Malakas ang loob niya dahil walang ibang taong makakakita.
“Amazona huh!” wika nito. Nagpantig ang tainga niya, sa ganda niyang ito sasabihan siyang amazona.
“Hoy pangit! Hindi ako amazona,” sabi niya. Inambaan niya ito nang suntok subalit hindi ito natinag.
“Miss, gwapo ako. Mahirap bang tanggapin ang katotohanan na amazona ka? Ang payat mo na nga ang tapang mo pa!” supladong wika nito. Pakialam ba nito kung payat siya, ang mahalaga kaya niyang ipagtanggol ang sarili kahit payat siya.
“Wow ahh! Masyado ka naman tiwala sa sarili mo na gwapo ka. Gusto mo bigyan kita ng salamin upang makita mo kung gaano ka kapangit." Nanggigigil siya sa kumag na ito pero hindi niya maitatanggi na gwapo talaga ito. Subalit mukha lang ang maipagmamayabang nito pagdating sa ugali wala ito maipagmamayabang.
“Hindi ko na kailangan manalamin dahil alam kong hindi ako pangit, sadyang bulag ka lang," napaatras siya nang ilapit nito ang mukha. Hindi niya hahayaan na muli siyang mahagkan nito. Ano pa ba kasi ang ginagawa niya dito? Bakit hindi na lang siya umalis? Syempre gaganti pa siya kaya hindi pa siya umaalis, huminto siya sa pagatras. Kaunti na lang mahahalikan na siya pero bago pa iyon mangyari tinadyakan niya na ito. Mabilis siyang sumakay sa kotse niya at pinaharurut palayo.
“LE! Dahan dahan lang sa pagdrive,” saway ni DG.
“Eh, baka habulin tayo nong lalaki.”
“Bakit kasi tinadyakan mo? Kawawa tuloy iyong tao.”
Bakit si DG, naaawa sa lalaki na iyon? Samantalang nga siya hindi naaawa. Walang dahilan para maawa siya sa taong bastos, hindi niya naman gagawin iyon kung hindi bastos ang lalaki.
“Huwag ka sa kanya maawa, bagay lang iyon sa kanya. Buti nga tadyak at sapak lang ang inabot niya sa akin hindi suntok." Kaya niya manuntok ng tao. Anong silbi ng training niya sa taekwando kung hindi niya gagamitin. Paano na lang kung hindi siya marunong lumaban? Sigurado iiyak lang siya sa isang tabi.
“Hay naku LE, masama pa rin manakit,” inikutan niya ng mata si DG. Bakit ba ang bait ng kaibigan niyang ito?
“Oo, alam ko ngunit tama bang bastusin niya ako? Pasensya na DG, pero hindi ako kasing bait mo,” seryoso niyang saad.
“Pero LE, paano kung gantihan ka niya?”
“Gantihan niya ako kung gusto niya, wala naman pumipigil sa kanya," naisip niya na iyon, karapatan naman ng lalaki na gumanti subalit hindi siya papayag na tapakan ang pagkababae niya.
“Kailangan ka kaya babait?”
“Mabait naman ako, hindi lang halata."
Nasa lugar ang pagiging mabait niya. Hindi naman siya sobrang sama, iyon nga lang hindi makita ng ibang tao ang taglay niyang kabaitan.
“Kapag tulog siguro,” biro ni DG. “LE, diyan mo na lang ako ibaba, may bibilhin ako. Lalakarin ko na lang mamaya papuntang condo.” Hininto niya ang kotse, bumaba na si DG.
“Salamat LE, kita na lang tayo bukas. Ingat ka,” nakangiting wika ni DG. Siya naman diretso uwi na, pag-dating niya sa loob ng unit niya nag-linis na siya. Niligpit niya ang mga kalat, ayaw niya umalis bukas na madumi at makalat ang unit niya. Mga five thirty na siya natapos, nakaramdam na siya ng gutom. Ngayon niya lang naalala, wala na pala siyang stock na pagkain kahit isang cup noodles, wala. Hindi kasi siya madalas mag-grocery dahil palagi rin siyang umaalis. Bibili na lang siya ng pagkain sa baba, ang swerte niya sa condo na tinitirahan niya dahil pagbaba niya madami siyang mabibilhan ng pagkain.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (73)

  • avatar
    Mitz Chesca

    so awesome and I love you

    5d

      0
  • avatar
    SisterJericho

    great

    14d

      0
  • avatar
    Edith Escobel

    because the story is so beautiful I'm going to happy to story is so very I'm happy to reading the story

    29d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด