logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Billionaire Destiny Series 1: Draven Garth (COMPLETED)

Billionaire Destiny Series 1: Draven Garth (COMPLETED)

Vans Era


Chapter 1

Naglakad-lakad muna si LE sa Sm, habang wala pa ang mga kaibigan niya ang tagal kasi dumating ng mga ito. Ang usapan nila dapat ten thirty nandito na silang lahat ngunit eleven o clock na wala pa rin ang mga ito. Bigla siyang napahinto sa tapat ng isang boutique, muling nanumbalik ang alaalang pilit niyang kinakalimutan. Bakit ba hindi niya makalimutan nang tuluyan ang nakaraan? Kahit ibaon niya pa sa limot kusa pa rin bumabalik sa isip niya ang lahat. Sana maaari niyang diktahan ang isip niya na huwag ng alalahanin ang mga nakalipas. Napitlag siya nang may sumundot sa tagiliran niya. “Ay, kabayo!”
Paglingon niya nahuli niyang tumatawa si Lia, kasama nito si DG. “Ang lalim ng iniisip mo. May naalala ka, nuh?”
“Wala akong naalala. Ang gaganda kasi ng mga damit.” wika niya. Tinuro niya ang mga damit na nakadisplay sa loob ng boutique. Totoo naman talaga na magaganda, nag-kataon lang na may bigla siyang naalala.
“Mayroon kang naalala ayaw mo lang sabihin, eh.”
“Ano naman ang naalala ko?”
“Si ano, alam mo na iyon.”
“Walang dahilan para alalahanin ko siya.”
“Naku LE, naging bitter ka naman. Walang masama kung alalahanin mo siya syempre ang alalahanin mo iyong masasayang araw na kasama mo siya.”
“Hindi ako bitter," aniya. Bakit kaya palagi iniisip ni Lia na bitter siya? Kahit itanggi niya hindi pa rin ito naniniwala. Kung sabagay wala naman siyang magagawa kung ayaw nito maniwala.
“Maaari naman siguro sa Baskins Robbins, na lang tayo mag-chikahan. Gusto ko nang umupo,” sabat ni DG.
“Buti nag-aya ka DG, kanina pa ko nangangawit kakatayo. Ang tagal niyo, eh.”
“Sobrang traffic kasi," nag-lakad na sila papunta sa store ng Baskin Robbins. Siya na ang omorder pinaupo niya na ang dalawa.
“Ito na ang order niyo," wika niya. Nilapag niya na sa table ang order nila.
“Magkano babayaran ko sa iyo, LE?” tanong ni DG.
“Huwag na, libre ko na.”
“Wow! LE, ang bait mo ngayon nanglibre ka,” wika ni Lia.
“Ngayon lang ito kaya lubus-lubusin mo na. Bakit pala kayong dalawa lang? Bakit wala sina Gucci at Chalany?” tanong niya. Akala niya pa naman makokompleto silang lima iyon pala hindi. Sa tagal ng panahon ngayon lang ulit sila nagkita-kita dahil pare-pareho silang busy sa trabaho.
“May importanteng ginagawa si Gucci, nag-chat siya sa akin noong isang araw. Hindi rin siya makakasama bukas sa El Ñido," himala iyon. Kasi kahit gaano pa kabusy si Gucci, nakakagawa ito nang paraan upang makasama sa kanila. Kaya pala hindi sinasagot ang tawag niya. Kaunti na lang nga isipin niya na baka nag-dadahilan ito.
“Si Chalany, anong dahilan niya?”
“May aayusin daw siya hindi ko alam kung ano, hindi ko na kasi tinanong.”
“Ayaw lang niya gumastos, eh. Kilala naman natin siya kung gaano kakuripot.”
Mawalan na silang lahat ng pera pero si Chalany, hindi iyon mawawalan. Iyon ang kaibigan niyang sobrang tipid bawat sentimo mahalaga kay Chalany. Hindi niya kaya ang ginagawa nito kahit sabihin pang may pinag-lalaanan ito ng pera. Sayang talaga wala si Chalany, wala silang aasarin paborito kasi nila asarin iyon.
“Sinabi mo pa, mahilig pa naman iyon mag-kwenta ng mga ginagastos niya sa isang araw.”
“Ang dami niya na sigurong ipon,” wika naman ni DG.
“Sana all madami ipon.”
“Sus! LE, sigurado ako madami ka din ipon kuripot ka rin,” saad ni Lia.
“Oo. Ngunit hindi ako kagaya ni Chalany, na sobrang tipid.”
Nasa lugar ang pagiging kuripot niya. Ayaw niyang tipirin ang sarili dahil payat na nga siya tapos mag-titipid pa siya. Si Chalany, kasi pati sa pagkain nag-titipid ngunit hindi halata sa katawan nito na matipid dahil malusog ito. Pero kung siya ang tatanungin wala naman masama gumastos basta hindi sobra.
“Sayang tatlo lang tayo pupunta ng El Ñido, bukas,” malungkot na wika ni DG.
“Okay lang iyan. Para team sawi tayo bukas," nahampas niya si Lia. Kaya nasabi nito na team sawi sila dahil single silang tatlo.
“Kami lang ni DG, ang mukhang team sawi pero ikaw hindi.”
“Paano mo nasabi?”
“Madami kang lalaki, Lia.”
“Hoy! Hindi iyan totoo,” tanggi nito. “Si Gucci, lang ang madaming lalaki. Ako kasi mahilig lang sa gwapo pero hindi ko jojowahin tamang pantasya lang.”
“Actually LE, may bago siyang pinag-papantasyahan ipakita mo nga sa kanya Lia,” wika ni DG. May nilabas na magazine si Lia, kumunot ang noo niya hanggang ngayon ba naman mahilig pa rin si Lia sa mga magazine na ang cover ay lalaking nakatopless.
“Hindi kapa ba nag-sasawa sa mga collection mo na mens magazine dinagdagan mo pa.”
“Aba, syempre hindi ako mag-sasawa pero hindi ko siya pinag-papantasyahan. Ibibigay ko talaga ito sa iyo gusto ko titigan mo gabi gabi ang nasa cover ng magazine.”
Tumaas talaga ang kilay niya. Ano ba ang nasa isip ni Lia, bakit siya nito binibigyan ng ganitong magazine? Akala siguro nito tatalon siya sa tuwa.
“Akala ko pa naman crush mong bago Lia, iyon pala hindi,” wika ni DG.
“Hindi. Ibibigay ko talaga ito kay LE, para sumaya naman ang araw niya.”
“Ayoko. Salamat na lang,” tanggi niya. Ano ang gagawin niya sa magazine? Ang babaw niya naman kung sasaya lang siya dahil sa magazine. Iyong ibang babae siguro baka tumalon pa sa tuwa kapag binigyan ng ganitong magazine.
“Binili ko pa naman ito para sa iyo tapos tatanggihan mo lang. Magtatampo ako kapag hindi mo ito kinuha.”
“Sa dami mong puwedeng ibigay sa akin, bakit iyan pa?” Naiinis siya. “Akin na nga!” hinablot niya ang magazine. Binasa niya ang nakasulat sa cover ng magazine. The Hottest Self Made Billionaires Number 1: Draven Garth, hindi siya natuwa sa sunod na nabasa niya Six Pack Abs In Just Four Weeks. Aminado siyang maganda ang katawan ng lalaki subalit kailangan pa bang ipagmayabang ang abs nito.
“Ano ang masasabi mo?”
“Wala. Ang pangit naman ng lalaki.”
“Grabe! lahat ata ng lalaki tingin mo pangit. Huwag ganoon LE, hindi ka magkakaroon ng lovelife niyan kung ganyan ka palagi.”
“Hindi ko kailangan ng lovelife,” inirapan niya ito. Sa totoo lang mas masayang walang kasintahan dahil walang mangingialam sa buhay niya at wala rin asungot.
“Huwag kang magsalita ng tapos. Mamaya niyan mauna kapa sa amin mag-asawa.”
“Wala akong balak mag-asawa.”
“Sabi mo lang iyan pero darating ang panahon na mag-mamahal kang muli. Malay mo may matinong lalaki na nakatadhana sa iyo," wala siyang panahon sa lalaki. Mabubuhay naman siya kahit walang karelasyon, mas masaya nga iyong ganito dahil wala siyang iisipin na iba kundi ang sarili niya lang.
“Tama na ang minsan na nag-mahal ako at hindi na mauulit iyon. Kaya huwag kana umasa na may nakatadhana sa akin.”
“Nakakalungkot naman kahit sa panginip ba hindi mo na pinangarap na magkaroon ng nobyo?”
“Hindi," hindi niya na hinabaan ang sagot niya upang hindi na humaba ang pinag-uusapan nila. Wala rin siyang ganang pag-usapan ang tungkol sa lovelife na iyan.
“Anong oras pala tayo aalis bukas?”
“2:00 am, hindi mo tiningnan sa ticket?” umiling siya. Nakalimutan niyang tingnan.
“Bawal malate, LE. Sige ka kapag nalate ka maiiwan ka ng eroplano,” paalala ni DG.
“Sanay naman ako na maiwan palagi,” biro niya.
“Ang lalim nang hugot mo,” saad ni Lia.
“Ganyan talaga kapag may pinag-dadaanan napapahugot pero pangako hindi ako malalate. Aagahan ko talaga.”
“Hay naku! Matagal na namin narinig iyan sa iyo.”
“Kahit magpustahan pa tayo Lia, hindi ako malalate mamaya. Baka nga mauna pa ko sainyo dumating sa airport,” aniya.
Mauuna naman talaga siya mamaya dahil medyo malapit ang airport sa condo na tinutuluyan niya. Ang problema nga lang kung mapasarap ang tulog niya, tulog mantika kasi siya. Sana naman magising siya kaagad kung hindi mag-isa siyang pupunta ng El Ñido.
“Sige LE, kapag nalate ka papainom ka ng isang bucket na san mig.”
“Pero kapag hindi ako nalate lalasingin kita. Ano deal?” hamon niya kay Lia. Alam niyang mabilis itong malasing.
“Walang ganyanan.”
“Pumayag kana Lia, sa gusto ni LE. Para makainom naman ako ng alak,” sabat ni DG.
“Oo nga naman, matagal nang hindi nakakatikim ng alak si DG. Sigurado ako naglalaway na iyan sa alak.”
“Naku, kulang ang isang bucket kay DG. Ang lakas niyan uminom parang ikaw. Ginagawa niyong tubig ang alak,” saad ni Lia.
“Mahina na ako uminom ngayon, ilang taon din ako hindi tumikim ng alak."
Hindi niya pinagkakaila na tanggera siya dati kahit si DG, ganoon din. Alak is life sila dati, inom dito, inom doon. Iyong wala silang iba iniisip kundi alak lang.
“Bakit?”
“Nagbago na ako Lia.”
“Hindi ako makapaniwala na nagbago kana.”
“Matuwa ka kasi nagbago na ako. Si DG, na lang ang malakas uminom.”
“Hindi ko nga alam LE kung malakas pa ko uminom baka talunin na tayo ni Lia, sa inuman,” napakamot sa ulo si DG.
“Nakalimutan niyo ata si Gucci, mas matindi pa iyon sa inyo,” wika ni Lia.
“Oo nga pala. Hindi iyon nagsasawa sa alak,” aniya. Inubos niya na ang natitirang ice cream, tumingin siya sa relo na suot niya. Malapit na mag-one o clock kailangan niya nang umuwi may gagawin pa siya.
“Mauna na ko sainyo.”
“Sabay na ko sa iyo,” wika ni DG.
“Hala grabe! Iiwan niyo ko mag-isa.” reklamo ni Lia. “Pero sige ingat kayong dalawa, mamaya pa ko uuwi,” iniwan na nila si Lia. Naalala niya kasi na mag-lilinis pa siya ng condo unit niya. Pinaandar niya na ang kotse niya, eksaktong pag-atras niya may bumangga sa likod ng sasakyan niya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (73)

  • avatar
    Mitz Chesca

    so awesome and I love you

    5d

      0
  • avatar
    SisterJericho

    great

    14d

      0
  • avatar
    Edith Escobel

    because the story is so beautiful I'm going to happy to story is so very I'm happy to reading the story

    29d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด