logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 6

BUMALIK sa gate si Rey Jhon nang maalala niyang kailangan niya pa lang ihatid si Gabriella pauwi, kahit labag sa kalooban niya iyon. Pero dahil iyon ang utos sa kaniya ng Don kanina pagkatapos nitong mai-send ang information na kailangan niya tungkol sa dalagita, wala siyang ibang nagawa kun’di ang pagbuntonghininga at inihakbang ang mga paa pabalik sa gate ng university. Bitbit ang bag at halos malapit nang masira na sapatos ay bumalik siya sa university. Bakit ba kasi pinasukan niya ‘to?
Bakit nga ba? Ilang beses pa ba niyang dapat tanungin ang sarili? Muli siyang napabuntonghininga at hinarap ang gate. Kahit pa siguro masagot niya ang tanong na iyon, hindi na magbabago ang takbo ng buhay niya.
Tumango siya sa security guard na panay ang tingin sa wall clock ng guard house. Nang makita siya nito ay agad itong ngumiti at tinanong kung bakit siya bumalik.
“May naiwan po eh,” aniya at muli na namang nadagdagan ang tanong ng security guard.
“Ano ba ang naiwan mo?”
Hindi ano, kun’di sino.
Kung hindi lang talaga malaki ang suweldo na ibinigay ng Don sa kaniya, hindi siya papayag na maging babysitter ng senyorita na ‘yon. At babysitter pa talaga diba? Parang hindi nahiya sa ganda niya. Hindi nababagay ang ganda niya para maging babysitter. Ang dami niyang naubos na beauty products tapos magiging babysitter lang pala ang bagsak niya.
At kahit baliktarin man ang mundo, hindi talaga siya papayag na maging babysitter ni Gabriella. Sobrang sakit na nga ng ginawa nito sa kaniya sa pamamagitan ng pagtapon nito sa kaniya ng pera pero nagawa pa talaga nitong sipain ang golden egg niya.
Akala siguro ng babae na rapist siya. Sa ganda niyang ‘to? Rapist?
Kung may abs siguro, baka maging rapist pa siya. Pero kung ganda lang at kaputian ang ibubuga? Never! Kahit pa straight na lalaki siya at walang halong kabalakaan, marunong naman siyang pumili at hindi niya pipiliin si Gabriella na parang nakalunok ng isang box ng white chalk.
Pagkatapos niyang sagutin ang security guard ay dumiretso na siya sa building ng high school. Marami pa ring nagpapapansin sa kaniyang mga babae pero hindi niya talaga mahanap ang paki niya para sa mga malalandi. Katulad ng hindi niya mahanap ang puso niya bilang lalaki.
Tahimik niyang binuksan ang maliit na gate dahil wala ang security guard ng high school department. Palinga-linga pa siya dahil wala ng ni isang estudyante siyang nakita. Tanging ingay na lang ng maliit na radyo ang nagbibigay buhay sa malaking department na ‘to.
Kung hindi niya nakilala si Gabriella, ga-graduate na lang siguro siya na hindi masusubukang dumalaw sa department ng high school. Wala rin naman siyang dahilan na bibisita siya rito. At hindi rin pumasok sa kukute niya na isang Gabriella Chan pa ang magiging rason kung bakit siya aapak sa lugar na ‘to.
Nang makarating siya sa classroom ni Gabriella ay sarado na iyon. Wala ng estudyante at kahit teacher ay wala siyang nakita. May kandado na rin iyon na magpapatunay na wala na talagang tao sa loob. He released a sigh and guide his foot to step back.
“Promise, you’ll like this.”
Nagsalubong ang tainga niya nang may marinig siyang pamilyar na boses. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa ingay kung saan niya narinig ang nagsalita. Malakas ang bawat pagpintig ng puso niya. While silently wandering, he keeps wishing that he heard it wrong.
Pero habang papalapit na siya sa ingay ay mas lalong lumakas ang pagkabog ng dibdib niya. It seems like he's in a disco and dancing with a bass beat.
“Oh, Carlo.”
Nanlaki ang mata niya nang makarinig na naman ng pamilyar na boses. Kahit ilang beses pa lang niyang narinig ang boses ni Gabriella pero hindi siya maaarinig magkamali, boses ni Gabriella ang narinig niya na inuungol pa ang pangalan ng crush niya.
Kingina naman ‘yan! Kating-kati na ba talaga at pati sa gilid ng classroom ay nagpapalabas ng init? Grabe! Gigil niyo ang balakubak ko sa ulo! Pagpuputak ng butse niya.
Mabigat ang bawat hakbang niya. May kutob na siyang si Carlo at si Gabriella ang nasa likod ng classroom. Akala niya wala na talagang relasiyon ang dalawa pero nagkamali na naman siya. Mukhang sayang lang ang niluha ni Carlo, may part two pa pala ang love story ng dalawa. Kung siya lang talaga ang writer sa love story ng crush niya, hindi siya papayag na hindi siya ang magiging endgame. Lalo na kung si Gabriella ang kalaban niya.
Dapat na sa kaniya pa rin ang huling halakhak. Kung maaari pa nga lang ay bigyan na lang niya ng sariling endgame si Gabriella para hindi na talaga muling magtagpo pa ang landas ng dalawa.
“Hoy!” sigaw niya upang patayin ang apoy na bumabalot sa crush niya at sa haliparot na senyorita na ‘yon.
Even though darkness hugged the whole surrounding, he’s sure that the porcelain face of Gabriella turned into color of riped tomato. Mas gusto pa nga niyang pulang-pula katulad sa floor wax na ginagawang project nila noon sa high school.
Nakita niya ang paglayo ni Gabriella sa crush niya. Nagkaroon pa talaga ito ng panahon na ayusin ang suot nitong school uniform na parang walang nangyari. Akala niya kasi ay tatakbo na lang ito dahil sa hiya ngunit hindi iyon nangyari. Pero ang mas nagulat sa ginawa niya ay si Carlo. Agad niyang natikman ang mapait na suntok nito.
“Gago!” anito at hinawakan ang kuwelyo niya. Isinandig pa nito ang likod niya sa malamig na dingding ng classroom. Pero nang mailawan ang kaniyang mukha sa maliit na liwanag na galing sa poste na malapit sa kaniya ay natigilan ito at naiwan sa ere ang sanang ikalawang suntok na makukuha niya.
“Alam kong gago ako pero hindi ako malibog!”
Malibog lang ako kapag ikaw ang nasa wallpaper ko, bulong ng kaniyang utak.
“Wala kang pakialam!” sigaw nito nang matauhan. “At hindi ka dapat mangialam!”
“Walang pakialam?” Napaismid siya at pinunasan ang labi na pakiramdam niya ay may dugo. “Girlfriend ko si Gab, kahit pa kaibigan kita hindi ako magdadalawang-isip na—”
Muli nitong hinawakan ang kuwelyo niya at hinampas ang kaniyang likod sa dingding. Hindi niya alam kung anong sumunod na nangyari pero muli siyang nagising nang nayanig ang ulo niya nang makuha ang suntok galing kay Carlo.
I don't want hotdog, bulong niya sa sarili. Mukhang ibang Carlo yata ang kaharap niya ngayon. Hindi niya akalain na kaya siya nitong suntukin dahil lang kay Gabriella.
Ang gaga, ang suwerte niya, dagdag niyang bulong. Ang suwerte talaga ni Gabriella.
“Girlfriend? Nag-i-imagine ka ba o nananaginip ka lang? Shota ko ‘yan eh!”
“Loko ka pala, ‘Tol!” Gumaan yata ang kamay niya dahil bigla na lang itong lumipad patungo sa guwapong mukha ni Carlo.
Ramdam niya ang tila kuryente na pumasok sa kamao niya nang dumapo ang kamay niya sa mukha ni Carlo. Hindi na siya nasasayangan kapag may sumuntok sa mukha ni Carlo. Siguro deserve lang talaga ng lalaki ang suntok na nakukuha nito. Kahit siya nga ay hindi niya nakaya, ibang tao ba kaya?
Akala niya kasi noon kayang i-handle ng lahat si Carlo. Dahil maliban sa mayaman ito ay hindi naman maikakaila na guwapo naman talaga si Carlo. Pero ngayon lang niya nalaman na hindi pala lahat ay kayang i-handle ang ugali nito.
Susunod na sana ang isa pang suntok pero biglang pinigilan ni Gabriella ang kamay niya. Gabriella remained silent, as it were her lips locked by chain.
Napaismid siya at nanlilisik ang matang hinarap si Gabriella. Sadness embraced Gabriella’s eyes.
“Ito ba?” tanong niya at muling napauyam.
Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil hindi niya maintindihan kung bakit na naman siya napasok sa ganito. Bakit hinayaan niyang suntukin siya ni Carlo at suntukin niya rin ang kaibigan pabalik?
Bumitaw sa pagkakahawak sa kaniya si Gabriella pero agad niyang naabot ang kamay ng dalagita at siya naman ang humawak sa braso nito. Kahit madilim, kitang-kita niya ang pagtingin ni Gabriella sa kamay niya.
“Pumapayag ka na tawagin ka lang na shota? Ano ka? Babae na nakuha niya lang sa tabi-tabi? Know your worth, Gabriella!” Napasabunot siya sa sariling buhok. “At hahalikan ka lang sa madilim na lugar na ‘to? Kahit kaibigan ko pa ‘yan, pero kapag hindi marunong rumespeto, ‘di ako magdadalawang-isip na ilayo ka sa gagong ‘to.”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (37)

  • avatar
    Kim John

    nice i like😘 the story

    03/07

      0
  • avatar
    Reinn Palos

    it is beautiful story

    23/06

      0
  • avatar
    Daniel Sucia

    novel

    13/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด