logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 6

Soraya's P.O.V.
Mas umukit sa muka ni Akira ang pagkainis. "Kung gan'on, gusto mong maging kaibigan ang babaeng 'yan?"
"Oo." Nanlaki ang aking mata sa naging sagot ni Ereb.
Bumuntonghininga si Akira at inilagay niya na sa lagayan ang hawak niyang espada at ibinalik ito sa kaniyang likuran. Biglang nagbago ang emosyon ng muka niya at nginitian ako. "Ako ang attendant ni Ereb." At, inilahad niya sa 'kin ang kamay niya.
Walang-alinlangan akong nakipagkamay kay Akira at binigyan ko rin siya ng ngiti. "Ako si Soraya." At, nagngitian kaming dalawa.
Pagtingin ko sa golden bracelet ni Akira na nakasuot sa kaniyang kamay ay may naka-ukit sa bracelet niya na 'ATTENDANT'. At, nang tingnan ko naman ang kay Daisy ay 'ASSISTANT'.
"Eh..... Ehm." Lahat kami'y napalingon kay Daisy. Seryoso siyang nakatingin sa hawak-hawak niyang papel. At, bigla niya akong tinitigan nang masama na ikinabahala ko at bigla niyang tinutok sa 'kin ang kaniyang hintuturo. "Ang una niyang pangalan, walang gan'on dito sa listahan ng mga pangalan ng mga taongbayan dito sa Lenar. Sa maikling pangungusap, ang babaeng 'yan ay hindi taga-rito!"
Sumama ang tingin ni Akira sa 'kin. Taga-labas ka! Nagmula ka sa ibang bansa."
"O-a-e. Oo. Nanggaling ako sa bansang Jensu."
Tinitigan na rin ako nang masama ni Ereb. "Ang Jensu Kingdom ba ang tinutukoy mo?"
Jensu K-Kingdom? I-Ibigsabihin may mga novel pala sa Jensu. B-Bakit hindi sa 'min pinaalam noon?
"Kung hindi ka nga taga-rito. Nang umalis ka ba sa Jensu, alam ng mga magulang mo?" Napahinto ako nang ilang minuto sa itananong ni Ereb.
Yumuko ako at huminga nang malalim. "Ang totoo niyan ay...... Naglayas ako sa amin."
"Ano?!" Nagulat ako sa naging reaksiyon ni Ereb. "Hindi 'to puwede! Ayoko nang masangkot pa sa kahit anong kaguluhan ang bayan ko! Kailangan mong bumalik sa inyo. Ibabalik ka namin." Nanlaki ang aking mata sa sinabi ni Ereb. "Daisy. Akira. Hawakan niyo na siya."
"Yes, your highness." Bigla nila akong hinawakan. Pilit kong kumakawala sa pagkakahawak nila. "Bi-bitiwan niyo ako! Hi-hindi 'to puwede! Hindi niyo alam kung bakit ako nagpunta ako rito! Hindi niyo alam ang dahilan ng pag-layas ko sa 'min," sambit ko, habang nagpupumiglas sa pagkakahawak sa 'kin ni Daisy at Akira.
"Ereb, mahal na prinsipe! Sige na! Hayaan niyo na akong manatili rito! Hayaan niyo 'kong ipaliwanag kung bakit ako nagpunta rito," pagmamakaawa ko kay Ereb, habang pinipigilan ko ang pagbagsak ng mga luha sa 'king mata. "M-Magpapaliwanag ako."
Tiningnan ako ni Ereb nang diretso sa mata. "Hindi ko na kailangan ng kahit anong paliwanag. Lalo na, kitang-kita naman sa 'yo na masama kang anak at walang ibang pangarap sa buhay kung hindi ang maglayas. At, higit sa lahat. Ayoko ng mga gaya mo sa bayan ko!"
Tumahimik ang buong paligid at humangin.
Biglang kumirot ang aking puso sa sinabi ni Ereb. Kasabay, nang pagbagsak ng aking mga luha.
H-Hindi 'yun totoo. Nagkakamali siya. May pangarap ako.
Pe-pero...... Naguguluhan ako. Masama na ba akong anak dahil naglayas ako sa 'min?
H-Hindi.
M-May dahilan ako.
M-May dapat akong patunayan.
Natulala ako sa kawalan. Gan'on na ba talaga ako kasamang anak?
Lumapit sa 'kin si Ereb. "Ibabalik ka namin sa inyo." Alam kong iniiwasan niya akong tingnan habang sinasabi 'yun.
Kinuha ako ni Ereb kay Daisy at Akira. Isinakay niya ako sa puti niyang kabayo at inabot niya sa 'kin ang basket kong dala, hawak niya na rin ang puti niyang kapa at sumakay na rin siya, na sa likuran niya ako. Hindi ako pumalag sa kanila. Parang, pinagsakluban ako ng langit at lupa dahil, sa mga sinabi niya.
Pinatakbo na ni Akira ang kayumangging kabayong sinasakyan nila. At, mayamaya, pinatakbo na rin ni Ereb ang puting kabayong sinasakyan namin.
Nakatingin ako sa dinadaanan ng kabayong sinasakyan namin. Madilim na ang paligid, na sa ilalim kami ng mga malalaking puno, puro halaman, at higit sa lahat, alam kong ibabalik na nila ako sa Jensu.
Mayamaya, biglang huminto ang kabayong sinasakyan namin sa paglalakad na ikinataka ko. Nang tumingin ako sa paligid, nanlaki ang aking mga mata, nang malaman kong nakarating na pala kami sa pang-pang.
Bumaba na sa kabayo si Akira at Daisy. "Wala pa bang mga mambabangka?" tanong ni Akira kay Daisy.
"Mayamaya siguro, darating na ang ilan. Maghintay na lang tayo," sagot ni Daisy. Tumango si Akira at tumingin sa dagat.
Bigla akong nahimas-masan sa nangyayari. Ang tanga ko. Bakit ba ako nagpadala sa kanila? Pagpikit ko, bigla kong naalala ang lahat ng sinabi ni Ereb.
"Hindi ko na kailangan ng kahit anong paliwanag. Lalo na, kitang-kita naman sa 'yo na masama kang anak at walang ibang pangarap kung hindi ang maglayas. At, higit sa lahat, ayoko ng mga gaya mo sa bansa ko!"
Napahigpit ang paghawak ko sa 'king basket. Hindi. Nagkakamali siya. May pangarap ako at kailangan kong matupad ang aking pangarap.
Tumingin ako kay Akira at Daisy, abala sila sa paghihintay ng mga mambabangka. Si Ereb, seryosong nakatingin kay Akira at Daisy. Tama. Tama, ito ang tamang oras para tumakas sa kanila.
Huminga ako nang malalim at nagdasal. Panginoon, gabayan mo po ako at sana makakabuti po para sa 'kin at sa lahat ang tatahakin kong landas.
Nilakasan ko na ang aking loob. Bigla akong bumaba sa kabayo at ako nang mabilis pa-palayo sa kanila pa-lbalik ng gubat, sa abot ng aking makakaya.
"Hoy! Bumalik ka rito!" rinig kong sigaw ni Ereb. Narinig ko rin ang malakas na yapak ng kabayo. At, nang paglingon ko, nanlaki ang aking mata nang makita kong sinusundan na ako ni Ereb, habang nakasakay sa puti niyang kabayo.
Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. Baka..... Baka, maabutan niya ako
Mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo pero, kahit anong gawin ko, wala na itong maibibilis, hanggang dito na lang ang kaya ng aking pagtakbo. Hanggang sa nakarating ako sa mabatong lugar na mas nakapagpabagal ng pagtakbo ko. Nang biglang napatid ang isa kong paa sa bato. Bumagsak ako at napaluhod. Nakasampa ang mga kamay ko sa lupa.
Muli kong narinig ang malakas na yapak ng kabayo at pa-palapit na ito sa akin. Tatayo na ako, nang biglang humarang sa harapan ko si Ereb na nakasakay sa puting kabayo.
T-Tuluyan niya na akong nahabol. Bumaba siya sa kabayo at lumapit sa 'kin. "Bakit ba ang kulit mo?" kalmado niyang tanong.
Bumagsak ang balikat ko. At, lumuhod ako sa harapan niya. "A-Ayokong binalikan sa 'min, hangga't hindi ko pa natutupad ang pangarap ko. Gusto kong patunayan kay papa na may mararating din ako sa larangan ng pagsusulat, iyun ang dahilan ka-kaya ako nagpunta rito sa Lenar. Gu-gusto kong maging court novelist." Pinunasan ko ang mga luhang sunod-sunod na bumagsak sa 'king mata gamit ang aking kamay.
"Pe-pero, naiwala ko 'yung sobre. Ayaw niyo rin akong panatilihing manirahan muna rito sa bansa niyo at pinagsa-samantalahan lang din ako ng mga tao. Ka.... Kaya..... Siguro, dapat na 'kong sumuko sa pangarap ko. Dahil, 'yung pagiging court novelist na mismo ang lumalayo sa 'kin. Pakiusap Ereb. Kahit anong gusto mo, gagawin ko, babawi ako sa kahit anong legal na paraan, ba-basta tutulong ako sa kahit anong paraan na kaya ko, basta hayaan mo lang akong tumira rito, laha—"
"Binabawi ko na ang lahat ng nasabi ko kanina." Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang sinabi niya at umalis na ako sa pagkakaluhod. "Pasensya na kung hinusgahan kita agad. Sa bagay, hindi pa naman kita lubos na kilala at ngayun pa lang tayo nagkita, kaya, anong karapatan ko para husgahan ka agad." At, kalmado siyang naglakad papunta sa puti niyang kabayo at sumakay roon, habang ako, tila, nanigas sa aking kinatatayuan at sinundan ko siya ng tingin.
Humarap siya sa 'kin nang may maaliwalas na ngiti. "Sakay na. Hahanapan pa kita ng matutuluyan sa Zoa."
Z-Zoa? Ngayun ko lang narinig ang lugar na 'yun.
"Ba-bakit sa Zoa? Bakit, ano bang mer'on d'on?" nakakunot noo kong tanong. Kahit na nagbago ang ekspresyon ng muka niya, hindi pa rin ako agad magtitiwala sa kan'ya, at kahit na isa pa siyang noble.
Napa-ismid si Ereb. "Na sa Zoa ang School of Letters, 'di ba 'yun ang hanap mo? Sa Zoa rin ang tahanan ko naroroon. At, Zoa, ang kapital nitong Lenar. Ano magtitiwala ka ba?"
Hindi ko alam kung nagbibiro ba si Ereb o hindi?
Pero, tumango ako.
Sumakay na nga ako sa puti niyang kabayo, kaya na sa likuran niya na ako. "Kumapit ka nang mabuti." Napakapit ako nang mahigpit sa damit niya nang biglang tumakbo nang sobrang bilis ang kabayong sinasakyan namin. "Pasensya na ha? Kailangan ko kaseng bilisan para hindi tayo mahabol nina Akira at Daisy."
"Ba-bakit?"
"Hindi kase nila ako pinapayagang magpunta sa mga pampublikong lugar, ma-panganib daw kase para sa 'kin 'yun dahil sa propesyon ko. Puwera, na lang kung ang lugar na 'yun ay nakalagay para sa oras at araw ng pag-inspeksyon at kung nanganganib."
Nakalagpas na kami sa gubat kaya, inayos ko ang pagkakalagay ng golden pen sa gilid ng aking tainga dahil, malapit na itong mahulog. Unti-unti ko nang natatanaw ang mga liwanag na nagmu-mula sa iba't ibang bahay sa malayo.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (54)

  • avatar
    Milrose Sumayo

    Itong kuwentong ito ayy pinakamagandang kwento

    01/07

      0
  • avatar
    Airinejoy Laxamana Delacruz

    it so good to read the story

    21/06

      0
  • avatar
    Fiona Estilo

    so good 😊

    20/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด