logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 5 Four

HINDI MAPAKALI si Vienna sa loob ng kanyang silid. Kanina pa siya paroo't parito. Kasama niya sa loob si Gio na nakaupo sa gilid ng kama niya.
"Beshy umupo ka nga muna! Kanina pa 'ko nahihilo sa'yo," hinigit siya nito paupo sa tabi nito. "Bakit ba kasi hindi mo pa siya dalawin para malaman mo kung okay na siya? Hindi 'yong para kang trumpo sa kaiikot." Dagdag pa nito.
Napabuntong hininga siya. Isang linggo na ang nakakalipas at hindi niya alam kung kumusta na ba si Pierre. Wala rin siyang naririnig na balita mula sa mga magulang sa tuwing dadalaw ito sa binata. Napasulyap siya sa telepono niya na nasa bedside table. Ibinigay sa kanya ng abuela ang numero ng telepono ng binata kahit na hindi niya naman hiningi.
"Ano ba kasing pumipigil sa'yo na tawagan siya ha? Hay, naku! Ako ang nai-stress sa'yo ha!" Nakatikwas ang isang daliri na hinawakan nito ang noo.
"I told you the reason already," aniya at muling napabuntong hininga. Ikinuwento na niya rito ang tungkol kay Astrid at sa magiging anak nito at ni Pierre. Ayaw niyang makagulo sa mga ito kaya nang dumating ang una sa ospital ay umalis na siya. Kahit pa nga gusto niyang malaman kung maayos na ba ang kalagayan ng binata.
"Is that all? C'mon, tatanungin mo lang naman siya kung okay na siya and after that tapos na. Concern ka lang naman dahil iniligtas niya ang buhay mo. 'Yon lang 'yon."
"Sige tatawagan ko na lang siya—," dinampot niya ang telepono pero inagaw 'yon ng kaibigan.
"Uh-oh... Hindi formal 'yon. Puntahan mo siya sa bahay niya para kumustahin at magpasalamat," natigilan siya at napaisip. "O siya bababa muna ako para kumuha ng snack. Na-tom jones ako sa kaiikot mo."
Tumango lang siya bilang sagot dito. Isn't it a bad idea to go in his house? Baka naroon si Astrid? Of course naroon si Astrid dahil asawa niya 'to... Muli na naman siyang nagpalakad-lakad sa loob ng silid niya.
"A, bahala na! Magpapasalamat lang naman ako e..." Huminga siya ng malalim at tumango-tango na para bang may kinakausap. "Tama. Magpapasalamat ka lang Vienna." Hindi na siya nag-abala pang magpalit ng damit at lumabas ng silid niya.
Palinga-linga siya sa paligid hanggang sa makalabas siya ng bahay nila. Ayaw niyang may makaalam na pupunta siya sa binata dahil baka pagmulan pa 'yon ng tsismis. Mabilis ang bawat hakbang niya papunta sa bahay ni Pierre na hindi kalayuan sa kanila. Mabilis lang ang gagawin niya. Magpapasalamat lang siya tapos aalis na rin siya.
Nang makarating siya sa harap ng pintuan ng bahay ng binata ay nagdalawang isip siya. 'Wag na lang kaya? Tumalikod siya at akmang aalis na. Pero nandoon na siya... Bahala na. Humarap siya at akmang kakatok nang biglang 'yong bumukas.
"Ikaw pala Vienna, hinahanap mo ba si Pierre?" Nakangiting tanong ni Astrid. Nakasuot ito ng kulay lila na maternity dress habang sapo ang tiyan at may nakasukbit na bag sa balikat nito.
"I-I'm just g-going to thank him for saving me but since you're here maybe you can just tell him. Okay I gotta go—,"
"Wait, Vienna... Since nandito ka na rin naman pwede bang ikaw na muna ang mag-alaga kay Pierre?" Walang pagdadalawang-isip na sabi ni Astrid. Hindi siya nakasagot at napatitig lang dito. "Tulog pa kasi siya at kailangan kong magpunta ngayon sa OB ko so walang mag-aalaga sa kanya paggising niya," Hindi pa rin siya umimik sa sinabi nito. She doesn't seem to mind who she was. Kung ano ang past nila ni Pierre at kung paano niya ito taray-tarayan noon. Wala ring pagpapanggap sa tono ng pananalita nito. Para bang hindi na ito ang dating Astrid.
"Astrid mahuhuli na tayo," boses 'yon ni Mang Fredo, ang ama ng babae.
"Pasensya na Vie. Ikaw na muna ang bahala sa kanya ha?" Hindi na nito hinintay ang sagot niya at umalis na. Is that a sign of maturity? Maybe... Hindi na siguro threat ang tingin nito sa kanya after all ay magkakaanak na ito.
Pumasok na siya sa loob ng kabahayan. Wala pa ring ipinagbago 'yon. Mula sa ayos ng mga kagamitan at disenyo ng bahay. Siguro ay ayaw nitong may mabago sa alaalang iniwan ng mga magulang nito. Umakyat siya sa ikalawang palapag ng bahay kung nasaan ang silid ng binata. She decided not to make any noise dahil ayaw niyang magiging ito kung sakaling natutulog pa ito.
Hindi nga siya nagkamali nang pagpasok niya ng silid ay mahimbing pa rin na natutulog si Pierre. Unti-unti siyang lumapit habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan nito. Wala siyang nakikitang palatandaan na malala ang tinamo nito sa pagkakaligtas nito sa kanya. Pero mas maigi pa rin na tanungin niya ito. Nang makalapit ay marahan siyang naupo sa tabi nito. Dinig niya ang malalim nitong paghinga.
'Bakit ba napakaguwapo mo?.. Halos perpekto na ang pagkakagawa sa'yo ng diyos.' Aniya sa isip habang nakatitig sa mukha ng binata na may bandages sa noo at pisngi. 'How can I unloved you?' Sigaw ng isang parte ng utak niya.
"Nababaliw na 'ko... Ayokong maging home wrecker." Halos pabulong na usal niya habang nakatitig pa rin sa binata. Sa isang linggong hindi niya ito nakita ay nakumpirma niyang mahal niya pa ito. At mas lalo pa 'yong tumindi. Pero kailangan niyang pigilan ang nararamdaman dahil may dalawang tao siyang masasaktan.
Iniangat niya ang kamay para haplusin ang mukha ni Pierre pero agad niya rin 'yong ibinaba. Ngayong nasa harapan niya ito at gahibla lang ang pagitan nila ay mas lalong tumitindi ang kagustuhan niya na magkadikit sila. Biglang pumasok sa isip niya ang ginawa niyang paghalik dito two years ago. Hindi pa siya marunong noon... Pero ngayon.
May kakaibang pwersa ang lumukob kay Vienna at walang inhibisyon niyang tinawid ang pagitan nila ng binata at hinalikan niya ito sa labi. Dampi lang ang plano niya but then... He responded with the kiss and it went deeper. She felt him thrust his lower lip to her and before she knew he snake his arms to her.
Saka lang natauhan ang dalaga nang maramdaman ang pagbagsak niya sa ibabaw ng binata. And she felt his hard on. Nagpumiglas siya at dali-daling umalis sa ibabaw nito.
"I-I'm sorry... H-Hindi ko sinasadya. 'W-wag kang mag-alala hindi ko sisirain ang pagsasama niyo ni Astrid at ng anak niyo." Utal-utal na saad niya. Bumangon si Pierre at kunot ang noo na timing in sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Gusto ko lang mawala 'tong nararamdaman ko sa'yo. And that's the last thing that I wanna do before I could move on. Pasensya na at salamat sa pagligtas sa'kin. Bye, Pierre." Walang lingon-likod na tumakbo siya palabas ng silid nito at ng bahay na 'yon. Pagkatapos no'n ay nag-unahan na sa pagpatak ang luha niya.
'Tapos na Vienna. Kailangan mo na mag-move on.' Tumigil siya sa pagtakbo nang malapit na siya sa bahay nila. Pinunasan niya ang luha at inayos ang sarili. Wala dapat makapansin na umiyak siya.
"Where have you been iha?" Anang Lola niya nang pumasok siya sa loob ng kabahayan. Nasa living room ang mga ito at mukhang nagkakasayahan. Kasama ang mga magulang niya, pati si Gio at Klein.
"N-nagpahangin lang po ako, 'La." Iniiwas niya ang tingin sa mga ito at akmang tutungo sa hagdanan ng pigilan siya ni Klein.
"Vienna wait, pwede ba kitang makausap?" Anito at nakangiting lumapit sa kanya.
"Ngayon na ba? P-p'wede bang mamaya na lang? Medyo sumasakit kasi ang ulo ko. Gusto kong magpahinga." Pagdadahilan niya.
"O-okay. Do you want a painkiller? I can get---"
"No need. Thanks and excuse me." Hindi na niya hinintay ang sagot nito at umakyat na.
Pagpasok niya sa loob ng silid ay napasandal siya sa likod ng pintuan. Muling nag-unahan sa pagpatak ang luha niya. Kailangan na niyang pigilan ang nararamdaman niya at ilayo ang sarili niya kay Pierre. Dahil kung hindi ay tuluyan na siyang lalamunin ng desperasyon. Kailangan niyang ibaling sa iba ang atensyon.
Humiga siya sa kama niya at sinubukan ipahinga ang isip. Kahit pa nga paulit-ulit ang pag-play ng halik sa utak niya. He responded with the kiss. But she can't blame him. Lalaki lang ito at mahina sa tukso.
Stop giving yourself false hope Vienna!

หนังสือแสดงความคิดเห็น (30)

  • avatar
    felman ۦۦ

    good

    2h

      0
  • avatar
    Elvie Bullido

    ganda saan ang ka sunod

    27/05

      0
  • avatar
    Mai Mai Jumawan Babor

    its amazing

    11/04

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด