logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 2 One

One
NATIGIL SA pagsusulat sa binder niya si Vienna nang may maglapag ng isang rosas sa desk niya. Nang iangat niya ang tingin tumambad sa kanya ang beking classmate na si Gio.
"Tawag ka ni Prof. Del Fierro. Magde-date yata kayo---este may ipagagawa yata sa'yo." Kantiyaw nito at umupo na sa silya nito na nakapwesto sa likuran niya. Hindi niya pinansin ang rosas at tumayo na para puntahan ang Professor nila sa programming.
Kasalukuyan siyang nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong Computer Hardware Servicing sa isang pamosong unibersidad sa Maynila. Wala siyang maisip na kunin na kurso kaya kung nasaan ang kaibigan niyang si Gio ay doon na rin siya. Habang pinag-iisipan niya kung anong gusto niyang kurso ay mas mainam na'ng may pinagkakaabalahan siya. Tutal ay labingpitong taong gulang pa lang naman siya. Marami pang oras para mag-isip siya.
Nang makarating sa tapat ng admin office ay inayos ng dalaga ang hanggang balikat at bagsak niyang buhok para mukha siyang presentable. Kumatok siya sa pintuan saka iyon binuksan. Nakita niya ang sadya na nakaupo sa harap ng computer nito at abala sa kung ano mang ginawa.
"Sir pinatawag niyo daw po ako?" Aniya at tumayo sa harapan nito.
"Oh yeah, sit down," anito at hinubad ang suot nitong reading glass. Pumwesto siya sa kaharap nitong silya at naghintay ng sasabihin nito.
"Your Lola convinced me to take you back to your hometown in Laguna to celebrate your birthday,"
Hindi siya nakasagot sa sinabi nito. Ilang beses na siyang kinukulit ng abuela na bumalik ng Sta. Cruz para sa nalalapit niyang debut pero parati siyang nagdadahilan na abala siya sa pag-aaral.
"So pati pala ikaw kukulitin na 'ko umuwi?" Hindi na niya pinakaswal ang tinig dahil silang dalawa lang naman ang nasa silid na 'yon.
"Pagbigyan mo na si Lola at doon mo i-celebrate ang birthday mo sa dati niyong bahay bago man lang 'yon ibenta."
"My answer will be no. I can celebrate my birthday everywhere but please not there." Pagmamatigas niya.
"Bakit ba? Sabihin mo sa'kin ang dahilan and maybe i'll agree with you." Pangungulit din nito.
Klein Del Fierro is a family friend. They were introduced to each other when she went to Manila two years ago. Isa din ito sa dahilan ng pagpasok niya sa unibersidad na ito dahil at ease na siya sa company nito. Isa ito sa itinuturing niyang matalik na kaibigan kahit pa nga medyo malaki ang agwat ng edad nito sa kanya. Iyon ay dahil nasasakyan nito ang mga trip niya.
"You'll be dead if I tell you." Tumayo na siya at naghandang umalis.
"Woah! Try me honey. I'm immortal so you can't kill me." Nagkunwari pa itong nasaksak at sapo ang dibdib.
"Ha-ha-ha... I laugh three times is that enough?" Ganti niya sa pang-aasar nito. Hindi na siya nagpaalam at naglakad na palabas ng muli nitong kunin ang atensyon niya.
"Sabay ka na sa'kin mamaya. Your mom invited me for dinner." Hindi siya sumagot at iniwan na ito.
"Anong pinag-usapan niyo ni Fafa Klein?" Usisa ni Gio nang makabalik siya sa computer lab at makaupo sa silyang inookupa niya sa harap ng personal computer.
Napabuga siya ng hangin. "Pati siya kinukulit na rin ako tungkol sa pagbalik ng Laguna," aniya.
"Kung ako sa'yo girl go na! Bakit kasi ayaw mo pa pumayag?" Saad nito habang ang atensyon ay nakatutok sa monitor nito.
"I told you the reasons already,"
"Dahil sa first love at first heartbreak mo!" Palatak nito. Hindi na siya nagsalita dahil natumbok nito ang dahilan niya.
"Alam mo hindi mo na dapat siya iniintindi. Kasi sa inyong dalawa siya ang na-lotlot dahil ang ganda-ganda mo kaya! Saka bakit mo pa ba siya iniisip? Malay mo may asawa at anak na siya. 'Di ba nga sabi mo 14 years ang age gap niyo? So kung 29 siya noong umalis ka after almost three years magti-thirty-two na siya ngayon. While you're turning 18."
"Last year ko pa sinabi sa'yo 'yon. Naka-move on na 'ko."
"O, 'yon naman pala. 'Di pumayag ka na kasi sasama ako. Gusto ko naman makalanghap ng fresh air hindi katulad dito na sangkatutak ang pollution." Hindi na siya umimik sa sinabi nito.
PAPASOK pa lang si Vienna ay naririnig na niya ang tawanan na nanggagaling sa living room nila. Base sa mga boses mukhang nahuhulaan na niya kung sino 'yon. At nakumpirma niya 'yon nang tuluyan siyang makapasok sa living room.
"Vienna, apo!" Masayang salubong sa kanya ng abuela. Nag-mano siya rito at ngumiti.
"Klein, iho buti nakapunta ka at pinaunlakan mo ang imbitasyon namin."
Lumapit si Klein na nasa likuran niya at nag-mano rin sa abuela niya. "Hindi ko po pwedeng palampasin ang pagkakataon na matikman ang luto ni Tita," anito na ang tinutukoy ay ang mommy niya.
"Kahit kailan bolero ka talaga. Pero tamang-tama at katatapos ko lang magluto kaya tayo na sa hapag." Nauna na ang mommy niya at nagpaalam muna siya para magpalit ng damit.
Pagbaba niya ay naroon na rin ang daddy niya at masayang nag-uusap ang mga ito. Humalik siya sa pisngi nito saka umupo sa silyang nasa tabi ni Klein. Naglagay siya ng pagkain sa plato niya at nagsimulang kumain ng tahimik. Panaka-naka ay sumasagot siya sa mga tanong ng mga ito.
"Alam mo bagay kayo ng apo ko Klein. Bakit hindi mo siya ligawan?" Mula sa kawalan ay tanong ng abuela ng dalaga.
"Lola," tanging nasabi niya at nahihiyang napatingin kay Klein. Samantala hindi naman sumagot ang tinanong at tumingin din sa kanya na animo'y nalilibang sa nakikitang reaksyon niya.
Pagkatapos ng hapunan ay nagpaalam na rin ang binata. Matapos niya itong ihatid sa labas ay pumunta na siya sa silid niya para mag-review para sa finals nila.
Abala siya sa pagbabasa nang may kumatok sa pinto ng silid niya at narinig niya ang tinig ng abuela.
"Naabala ba kita apo?" Nakangiting tanong nito.
"Hindi naman po 'La. May kailangan po ba kayo?" Tumayo siya at inalalayan itong maupo sa couch.
"Alam mo kung ano ang dahilan kung bakit ako nandito apo," bahagya itong ngumiti. Bakas pa rin ang ganda sa mukha nito sa kabila ng edad nito na pitumpu't isa.
Napabuntong-hininga siya at hinawakan ang dalawang kamay nito. "Magiging masaya ka ba talaga 'La, if sa Sta. Cruz, ako magdidiwang ng kaarawan ko?"
"I'll be very much happy apo," matamis ang ngiting saad nito. Bakit ba ang tagal niyang ni-reject ang request nito gayong ito lang pala ang lubos na magpapasaya dito.
"Then settle everything Lola. I will be there next week after our finals."
Pagkaalis ng abuela ay napabuntong-hininga siya. Kung hindi dahil dito ay hindi na niya nanaisin pang bumalik sa bayang kinalakihan niya. Wala na rin naman rason para bumalik dahil ibebenta na ng mga magulang niya ang bahay at lupa nila do'n. Kabilang na ang ancestral house na tinitirahan ng Lola Violy niya ngayon. Hindi niya alam kung ano ang dahilan at hindi na rin siya nag-abala pang magtanong.
Biglang pumasok sa isip ni Vienna ang dahilan kung bakit ayaw na niyang bumalik pa sa bayan nila. Posibleng magkita ulit sila after almost three years. Hindi niya maiwasang isipin kung kumusta na ito.
Ipinilig niya ang ulo para iwaksi ang lalaki sa isipan niya. She shouldn't think of him. May pamilya na siguro ito ngayon at masaya na. Masaya na...

หนังสือแสดงความคิดเห็น (30)

  • avatar
    felman ۦۦ

    good

    13h

      0
  • avatar
    Elvie Bullido

    ganda saan ang ka sunod

    27/05

      0
  • avatar
    Mai Mai Jumawan Babor

    its amazing

    11/04

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด