logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Say You Love Me(Tagalog)

Say You Love Me(Tagalog)

Riva Monte


บทที่ 1 Prologue

"DIYASKE kang bata ka! Bakit umiiyak ka na naman?" ani Lola Violy, ang abuela ni Vienna.
Humihikbing yumakap ang labinlimang taong gulang na si Vienna sa abuela na nakaupo sa hammock na nasa garden. "La, n-nakita k-ko kasi si Pierre... May kasama na naman babae." Aniya.
Bahagyang natawa ang matanda dahil sa tinuran niya. "Sino na naman ang kasama niya? Iba pa ba 'yan sa huling nakita mong kasama niya?" Anito at pinaayos siya ng pwesto sa tabi nito.
"Hindi po. Si Astrid pa rin ang kasama niya na anak ni Many Fredo,"
"O, e, si Astrid lang pala. Bakit ka umiiyak?" Palatak nito.
Napayuko si Vienna at napanguso. Bakit nga ba? Dahil nagseselos siya. Palagi na lang nitong kasama si Astrid na anak ng driver ng pamilya ni Pierre.
"Feeling ko m-may gusto ako kay Pierre, Lola," kinakabahang pag-amin niya. "I-I'm not really sure, La. It's just that I always get jealous whenever I see them together."
Napatingin siya sa abuela nang tumawa ito. Hindi niya alam kung matatawa o maiiyak siya sa reaksyon nito.
"You have to be sure first iha, before you could say you are in love," umiiling na turan nito at niyakap siya. "Love is a powerful emotion that no one could manipulate. When you felt it, it will drive you crazy."
Hindi na siya nagkomento pa sa sinabi ng abuela. Pero naging laman na 'yon ng isip niya simula ng araw na 'yon.
ABALA SA pakikinig ng musika si Vienna suot ang earphone nang biglang may nagtanggal no'n mula sa tenga niya. Nagtaas siya ng tingin para singhalan kung sino man 'yon. Pero nahigit niya ang paghinga ng makita si Pierre. Umupo ito sa tabi niya sa ilalim ng lilim ng punong mangga. Tanghaling tapat noon at doon niya napiling tumambay dahil bukod sa tahimik ay walang masyadong nagpupunta doon.
"Kanina pa kita hinahanap. Anong ginagawa mo dito?" Aniya habang nakatingin sa kanya.
Parang may nagkagulong paruparo sa tiyan ng dalagita sa narinig na tinuran ng binata at napangiti siya. Hinahanap siya nito? Tuluyan niyang tinanggal ang earphone at tumayo.
"Hinahanap mo 'ko?" Pag-uulit niya sa sinabi nito.
"Actually pinapahanap ka ng mommy mo dahil aalis na kayo,"
Napasimangot siya. Kailan nga ba siya nito hinanap? Or kailan kaya siya nito hahanapin ng hindi ito inuutusan ng mga magulang niya. Muntik na niyang makalimutan na ito ang babysitter niya. Gustong masuka ni Vienna dahil sa naisip. She's not a baby anymore! Kaya na niyang alagaan ang sarili niya. Marunong na nga siyang ma-in love e.
"Hey, what's with the face?" Nakangiting tanong nito at ginulo ang buhok niya.
"Stop it! 'Wag mo na ulit gagawin sa'kin 'yan. Hindi na 'ko bata," Pagmamaktol niya at humakbang palayo nang matalisod siya sa nakausling ugat ng puno kaya hindi niya nakontrol ang bigat at napaupo siya sa lupa. Napaigik siya sa sakit at hinawakan ang ankle niya na parang may na-dislocate na buto.
"Pierre, a-ang sakit," umiiyak na sabi niya.
"'Wag mo nang galawin." Tinanggal nito ang kamay niya at inilagay sa batok nito. Binuhat siya ng binata at isinakay sa owner type jeep na pag-aari nito na nakaparada sa 'di kalayuan.
Hindi niya mapigilan ang pag-iyak dahil sa sakit na nararramdaman hanggang sa makarating sila sa ospital sa bayan at simulan gamutin ang ankle niya. Hindi naman siya iniwanan ni Pierre at nanatili lang sa tabi niya.
Makalipas ang ilang oras ay nasa isang pribadong silid na siya. Hindi niya alam kung anong ginawa sa ankle niya. Pero ang alam niya matagal-tagal din siyang hindi makakalakad. Lumabas sandali si Pierre para bumili ng gamot. Napangiti si Vienna. Hindi siya iniwanan ni Pierre at inalagaan siya nito.
Napalingon siya sa pintuan nang bumukas 'yon. Ngumiti siya ng ubod tamis sa pag-aakalang si Pierre 'yon pero nagkamali siya. Ang nag-aalalang mukha ng mga magulang ang bumungad sa kanya.
"Vie, are you alright?" Ani Yngrid, ang mommy niya.
"Okay lang ako, 'My. Si Pierre po?" Nanatili siyang nakatingin sa may pintuan.
"Pinauwi na namin siya, iha. Isa pa, sinundo na rin siya ni Astrid dahil may lakad pa daw sila." Ani Armando, ang daddy niya.
Biglang nawala ang saya niya nang marinig ang pangalan ni Astrid. Ano ba talaga ang meron sa dalawang 'yon at laging magkasama? Napasimangot siya at pinagsalikop ang mga braso sa dibdib niya.
"Gusto ko na po umuwi. Sa bahay na lang ako magpapahinga." Aniya.
"'O sige, babayaran ko lang ang bill at ikukuha kita ng wheelchair para hindi ka mahirapan sa paglalakad." Hang lumabas ang daddy niya ay umupo ang mommy niya sa tabi niya at inayos ang buhok niya.
"'My, tuloy ba ang alis natin?" Tanong niya. Pupunta na kasi sila sa Maynila para asikasuhin ang enrollment niya sa unang taon niya sa kolehiyo. Doon siya napagdesisyonan na pag-aralin ng mga magulang dahil nandoon din ang negosyo ng mga ito na grocery.
"Oo naman. Bakit? May problema ba?" anito.
"Hm, m-masakit pa kasi ang paa ko, 'My. 'Di ba next month pa naman ang enrollment? Pwede bang sumunod na lang ako sa inyo?" Pagdadadahilan niya.
Sandaling nanahimik ang mommy niya at wari'y nag-iisip.
"Pero sinong mag-aalaga----"
"Si Pierre, mommy! Baka pwede niyong pakiusapan si Pierre na alagaan ako?" Nakangiting turan niya.
"Ha? Pero---"
"Please mom..." Hindi na nagsalita ang ina ni Vienna.
"TAKE CARE mom, dad! Bye!" Nakangiting kaway ni Vienna sa papalayong sasakyan ng mga magulang. Napapayag niya rin ang mga ito na iwanan siya at ang mas masaya kasama niya si Pierre dahil ito ang magiging nurse niya. Meron lamang siyang isang linggo para aminin sa binata ang tunay niyang nararamdaman at sigurado na siya sa nararamdaman niya.
Sabik na lumingon sa kanyang likuran ang dalaga sa pag-aakalang naroon pa rin si Pierre pero wala na ito. Gamit ang saklay ay bumalik siya sa bahay nila. Isa 'yong two storey house na may apat na silid. Minana iyon ng daddy niya sa mga magulang nito. Hindi sila mayaman pero hindi rin sila mahirap. Sapat ang kinikita ng mga magulang niya para tustusan ang pag-aaral niya sa isang pribadong unibersidad. Isa pa ay nag-iisang anak siya kaya nakakaipon ang mga magulang niya.
"Pierre..." Tawag niya dito. Pumunta siya sa kusina nang makarinig ng kaluskos na nanggagaling doon. Nakita niya itong nagluluto ng pananghalian. Nadagdagan na naman ang paghanga niya rito.
Naupo siya sa silya na nasa harapan ng counter top at pinanood lang ito. Kapag naging sila lagi na siya nitong ipagluluto. Mamamasyal sila kung saan-saan sakay ng owner type jeep at aalagaan siya nito. Hay... Ako na ang pinakamasaya at pinakamaswerteng babae 'pag nangyari 'yon. Aniya sa isip niya.
Nagising sa pagmumuni-muni ang diwa ni Vienna nang pumailanlang ang malakas na boses ni Astrid na pumasok sa kusina dala ang isang basket.
"Anong ginagawa mo dito Astrid?" Hindi maitago ang inis na tanong niya. Alam niyang inis din ito sa kanya kaya hindi na siya nag-abala pang pakitaan ito ng kagandahang asal.
"Ako ang nagpapunta sa kanya dito," sabat ni Pierre at inilapag ang mga niluto sa mesa.
Hilaw siyang nginitian ng babae at sumunod na ito sa binata. Inis at iika-ika siyang sumunod sa mga ito. Habang kumakain ay lihim na nagpupuyos ang damdamin niya dahil halata na nilalandi nito ang binata. Hindi na siya makakapaghintay ng isang linggo. Kailangan na niyang sabihin dito ang nararamdaman niya.
"Ahm, Pierre," kuha niya sa atensyon nito. Nang lumingon ito ay nahigit niya ang paghinga. "Pwede ba tayong mag-usap mamayang gabi... nang tayo lang?"
"Hindi pwede. May lakad kasi kami ni Pierre mamayang gabi." Ani Astrid. Hindi niya ito pinansin at nanatiling nakatingin sa binata.
"Pero wala akong kasama dito mamaya. Saan kayo pupunta? Anong gagawin niyo?"
"Secret na 'yon. Pati ba naman gagawin namin aalamin mo pa." Anito.
"Dito ako uuwi mamaya. Pero 'di ko alam kung anong oras ako makakauwi. Bukas na lang natin pag-usapan kung ano man ang gusto mo pag-usapan." Tumayo na ito at inayos ang sarili.
"Papupuntahin ko dito si Nana Ising para linisin ang mga kalat dito pati na rin ang buong bahay. Aalis na kami." Bahagyang ginulo nito ang buhok niya at walang lingon likod na umalis.
Pagkatapos kumain ay walang nagawa si Vienna kun'di pumanhik sa silid niya at maghintay na magbalik ang binata. Gusto niyang umiyak at mainis sa sarili dahil kung ano-ano ang naiisip niya na maaaring gawin ng mga ito. Isa pa sumasakit na rin ang ulo niya sa kakaisip kung ano nga ba ang meron sa mga ito. Sila na kaya? O nanliligaw na kaya ito kay Astrid. Hindi imposible dahil hindi nagkakalayo ang mga edad nito. Dalawampu't lima na si Astrid samantalang dalawampu't siyam naman si Pierre. E, siya? Labinlimang taong gulang pa lang naman siya. Napakalayo sa edad ng mga ito. E, ano naman? Age doesn't matter na sa panahon ngayon. Hindi namalayan ni Vienna na nakatulog na siya.
NAGISING si Vienna sa marahang haplos na nararamdaman sa buhok niya. Nang imulat niya ang mga mata ay nakita niya si Pierre na nakatitig sa kanya habang nakaupo sa gilid ng Kama niya. Hindi niya mawari pero may kakaibang emosyon ang nakapaloob sa mga titig nito. There's a glimpse of admiration and love in his eyes. Pero agad din 'yong nawala nang mapansin nitong gising na siya. Naamoy niya ang amoy ng alak sa hininga nito.
"Pierre naglasing ka?" Ang unang namutawi sa labi niya nang bumangon siya.
"Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin kanina," anito at tumayo sa harapan niya. May kakaiba rito.
"S-Sa ibang araw na lang. Magpahinga ka na."
"Sabihin mo na ngayon dahil baka mawalan ka na ng pagkakataon sa ibang araw..." Katahimikan. Hindi niya alam kung anong meron dito. Dahil ba 'yon sa espiritu ng alak?
"May gusto ka ba sa'kin?" Diretsong tanong nito. Napayuko siya at nilaro ang mga daliri niya. Huminga siya ng malalim at diretsong tinitigan ito sa mata.
"Hindi kita gusto... Mahal kita Pierre..." Nakakabinging katahimikan ang namayani matapos niyang sabihin 'yon. Nag-iwas naman ng tingin ang binata.
Parang sinasaksak ang puso ni Vienna nang walang makuhang sagot mula sa binata. "Wala ka man lang bang sasabihin?"
"Bata ka pa at hindi mo alam ang sinasabi mo,"
"Hindi na 'ko bata! I can prove that to you!" Tumayo siya at sinunggaban ang labi ng binata. That was her first kiss that she didn't even know how to do it properly. Basta na lang niya ito hinalikan. Nagulat siya nang itulak siya nito.
"Pasensya na pero hindi kita pwedeng magustuhan... at kailanman ay hindi ako magkakagusto sa mas bata pa sa'kin. Kaya ngayon pa lang kalimutan mo na 'yang nararamdaman mo. Matulog ka na." Iniwanan siya ng binata na tulala.
Buong gabi siyang umiyak ng umiyak at hindi siya lumabas kinabukasan. Hindi na rin siya binalikan ni Pierre. Tanging si Nana Ising lang ang nagkumbinsi sa kanya na kumain at lumabas ng silid niya. Ngunit hindi siya nagpatinag. Hanggang sa napagdesisyonan niyang magpasundo sa driver nila. Hindi niya kayang magtagal pa roon at patuloy na saktan ang sarili niya.
Humarap siya sa salamin at nakita niya ang namumugtong mga mata. Naghihintay na ang driver sa baba at kailangan na nilang umalis.
"This is the last time na iiyak ka sa kanya. You are not meant for each other Vienna." Pagkausap niya sa sarili at sa huling pagkakataon ay pinunasan niya ang luha.
Umalis siya sa bayan nila sa Laguna ng hindi man lang nasulyapan ang binata sa huling pagkakataon.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (30)

  • avatar
    felman ۦۦ

    good

    15h

      0
  • avatar
    Elvie Bullido

    ganda saan ang ka sunod

    27/05

      0
  • avatar
    Mai Mai Jumawan Babor

    its amazing

    11/04

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด