logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter Five: Cherish's New Adventures.

At kasunod noon ay nakadama rin siya ng excitement...Para siyang nakawalang ibon mula sa hawla na malayang lumilipad sa himpapawid.She will have a new life in Japan.At hindi na siya makapaghintay kung anong sorpresa ang mangyayari sa kanya doon.Hindi ba iyon ang adventure na matagal na niyang hinahanap?That fact that no one can really predict their future makes her excited...And she missed that kind of feeling.Sukat doon ay napangiti si Cherish sa sarili...
“Good day to all of the passengers...This is your Captain.To all passengers of flight 747 bound to Japan.Please fasten your seatbelts...We will land Narita Airport in 10 minutes.We hoped you had a great flight and hope to see you again soon.Thank you for flying with us...” narinig niya ang swabeng boses ng Captain mula sa mga speakers ng eroplano...
Dali-daling ikinabit ni Cherish ang kanyang seatbelt.Pagkatapos noon ay tinignan niya ang kanyang wristwatch.Apat at kalahating oras din ang nagging biyahe niya mula Manila hanggang Tokyo.At sa mga nagdaang oras na iyon ay hindi na niya nakuhang matulog...
Makalipas ang sampung minuto ay lumapag na ang eroplano sa Nariat Airport...Dali-dali siyang naglakad papunta sa Immigration.Salamat na lamang at wala siyang nagging problema doon...Madali rin niyang nakuha ang kanyang maleta,at sa ngayon nga ay naglalakad na siya sa Arrival Area,habang hinahanap ng kanyang mga mata si Tita Feliza...
“Cherish!” narinig niya ang pamilyar na boses na iyon.
Nang tumingin si Cherish sa may bandang kaliwa niya ay maluwang siyang napangiti dahil naroon nga ang kanyang Tiyahin,kasama ang asawa nito an gang kambal na anak ng mga ito...Ang mga pinsan niya!
She excitedly walked towards them.Tita Feliza gave her a bear hug na halos ikapugto ng hininga niya...
“Oh my,Cherish!Is that you?You’re even more beautiful kaysa sa pagkakatanda ko!” ang gulat na nasabi ni Tiya Feliza.
Natawa si Cherish sa sinabi ng Tiyahin.
“Iyan ang gusto ko sa’yo,Tita...Magaling ka pa ring magbiro.” ang tudyo niya rito.
“No,Ate Cherish...Tama ang sinabi ng Mama.Know what,you’ll be counting boyfriends in no time!Tiyak na pagkakaguluhan ka ng mga Hapones dito!” ang pagsangayon ni Jessica,ang isa sa kambal ni Tita Feliza.
“Dear cousin,you look gorgeous yourself!Tell me,may boyfriend ka na,ano?” ang balik-biro niya sa dalaga.
Bigla namang namula si Jessica.
“Hay naku,Ate Cherish...Ano pa nga ba?Imbes na pag-aaral ang inaatupag ng magaling kong kapatid ay mas inuuna pa niya ang pakikipag-boyfriend!Tulungan mo nga akong patinuin ang kakambal ko...” Justin complained,ang kakambal ni Jessica.
“Woah,Justin!Ang tangkad mo na,ah!Binatang-binata ka na.Teka natatandaan mo pa ba ang kakulitan mo noong bata ka pa?Halos matuyuan ako ng dugo sa’yo sa kakas away sa mga kalokoham mo!” ang pagbabalik-tanaw ni Cherish.
“Ate naman...Noon pa ‘yun!” ang pagmamataktol ni Justin.
“O siya mga hijo at hija...Tama na ang harutan.Halina na kayo sa sasakyan at nagpareserve kami ng Tiya Feliza mo sa isang restaurant,Cherish...And by the way,welcome to Japan!You just don’t know how happy we are to see you,anak.Mabuti naman at unti-unti ka nang nakaka-recover sa pagkawala ni Alex...” huli na bago napigilan ni Tito Ferdinand ang kanyang sarili.Palihim siyang siniko ni Feliza.
“Oh.I’m so sorry,hija.Hindi ko sinasadya...” ang hinging-paumanhin ni Tito Ferdinand kay Chersih.Halatang hiyang-hiya ito.
“It’s okay,Tito...Actually,you’re right.I’m starting to move on.And I know this is what Alex wanted me to do.” ang bukal sa loob na anunsiyo ni Cherish.
“Well,that’s good to hear,hija.Matutulungan ka naming sa bagay na iyan...But for the meantime,shall we go and have something to eat?Tiyak na nagutom ka sa biyahe,Cherish.The food on the plane is sometimes horrible,right?” ang tanong ni Tita Feliza.
“Fortunately,edible naman para sa taste buds ko ang inihanda nilang pagkain sa eroplano.Pero konti lang ang kinain ko.” ang responde ni Cherish.
“O,ano pang hinihintay ninyo?Tara na at tsibugan na!” ang biro ni Tito Ferdinand.Ito na ang nagtulak ng baggage cart.
Nagkatawanan silang lahat.Natawa si Cherish dahil kahit ilang taon nang nakatira sa Japan ang mga ito at hindi nauuwi ng Pilipinas,likas pa ring lumalabas ang pagiging pagka-Pilipino ng mga ito.At natutuwa siya doon dahil pakiramdam niya ay parang hindi rin siya umalis sa Pilipinas...
Kinabukasan.
Nasa isang rehearsal studio ang lahat ng miyembro ng NO Borders...Nagsisimula na rin silang mag-practice ng kanilang dance moves para sa nalalapit nilang concert.Kasalukuyan silang nagsasayaw sa saliw ng isa sa mga kanta nila.
“Okay,let’s end the first half of our rehearsals!Time for lunch!” ang anunsiyo ng manager nila na si Adam.
Naghigh-five naman ang lahat ng mga members matapos nilang marinig si Adam.
“Alright!” ang masayang sabi ni Toru.
“What’s for lunch,Adam?” ang tanong naman ni Kei.
“Nag-order ako ng pagkain sa paborito ninyong restaurant,guys!” ang sagot ng kanilang manager.
Habang nagkakatuwaan ang ibang mga tao sa rehearsal room,si Hiro naman ay tahimik na nagpapahinga sa isang sulok.He took a big gulp on his bottled water at nagpunas siya ng kanyang pawis...Nasa ganoon siyang gawain nang lapitan siya ni Jun Asukawa,ang pinakamatalik niyang kaibigan sa lahat ng miyembro ng NO Borders.
“Is there something bothering you,Hiro?” ang biglang tanong ni Jun sa kanya.
Hiro frowned at him in return.
“At bakit mo naman nasabi ‘yan?” ang taking tanong niya kay Jun.
“Hindi man nahalata ng choreographer natin,madami kang naging mali sa steps mo sa sayaw natin kanina,Hiro.At halata sa mukha mo na may iniisip ka that’s why you can’t concentrate.” ang paliwanag ni Jun.
Napabuntong-hininga na lamang si Hiro.Tama si Jun.May bumabagabag sa isipan niya kagabi pa.Una niyang naiiisip ang Lola Bien niya,at ito ang una niyang prayoridad.At bukod pa doon ay may isa pang sumasagi sa isipan niya...
She just can’t get that woman out of his head...Ang babaeng nakita niya may isang taon na ang nakakaraan...
Simula nang maalala niya ang babaeng iyon kahapon matapos niyang bumili ng bulaklak ay hindi na ito matanggal sa isipan niya.He can still remember her face.At ang babaeng iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya nakatulog ng maayos kagabi...
“Hiro?” ang muling tawag ni Jun sa kanya.Halata sa mukha nito ang pagtataka.
Hiro forced himself to smile.
“You’re just imagining things,Jun.Baka gutom lang ‘yan.” he tried to throw a joke back to Jun.Pagkatapos noon ay tumayo na siya at naglakad papunta sa ibang members upang sumabay ng lunch.
“You can’t fool me easily,bro.” Jun said to himself,while shaking his head in amusement.Sumunod na rin ito sa kaibigan...
========================
Sumapit ang gabi.
Ibinagsak ni Cherish ang kanyang sarili sa kama pagkatapos niyang mag-shower...Kanina ay hindi pa siya nakakaramda ng pagod dahil sa pinaghalong excitement at saya dahil sa mini-reunion na nangyari sa kanila ni Tiya Feliza,kasama na ang pamilya nito.Pagkatapos nilang kumain sa isang mamahaling restaurant ay agad din siyang ipanasyal ng mga ito.Ipinakita nila ang napakataas at ang napakagandang structure ng Tokyo Tower,sumunod noon ay pumunta rin sila ng Shinjuku at nag-shopping sila ng kaunti sa Shibuya.She really had a great time with them...Pero ngayon ay parang naipon ang pagod sa kanyang katawan.
At the corner of her eye,she suddenly saw a small bottle which has a beach sand inside of it...Galing iyon isang private beach sa Batangas kung saan merong sariling vacation house sina Alex doon.
She suddenly remembered something.The guy that she met on the beach a year ago.
And the stranger thought that she was trying to commit suicide.Bigla na lamang nitong hinawakan ang kamay niya at tinignan ang kanyang bandang pulsuhan.Nakita niya ang relief sa mukha nito nang makita na walang naming sugat sa kahit anong bahagi ng kamay niya...
Biglang napabalikwas si Cherish ng bangon habang nagtataka...Bakit ang lalaking iyon ang biglang pumasok sa isip niya?Bakit hindi ang kanyang nobyo na si Alex?
Cherish took a deep breath at ipinikit ang kanyang mga mata...Bumalik muli siya sa pagkakahiga as she tries to relax upang pakalmahin ang kanyang isip at ang malakas na pagtibok ng kanyang puso...Hindi niya maaaring isipin ang estrangherong iyon...Para na rin siyang nagtraydor kay Alex.
Hanggang sa hindi na lamang niya namalayan na iginupo na siya ng antok dahil sa sobrang pagod sa biyahe at pamamasyal...
Magaan ang katawan na bumangon si Cherish kinabukasan...Excited at medyo kinakabahan siya sa araw na iyon.Ngayon kasi ang unang araw niya sa trabaho bilang Caregiver at Nurse sa Himawari Nursing Facility kung saan doon din nagtatrabaho ang kanyang Tiya Feliza.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (28)

  • avatar
    Mark Ivan Valen

    I. need money

    28/07

      0
  • avatar
    Marville Banzon

    ml lods

    07/06

      0
  • avatar
    Rio Taedo

    so cute story

    27/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด