logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter Four: Hiro, The Dutiful and Loving Grandson.

“Mabuti naman kung ganoon.Aayusin ko muna itong bulaklak at ako na ang magbabantay sa kanya.” ang tugon ni Hiro.
“So you’ll be staying the whole night?Pwede akong maglalagay ng extra futon sa kuwarto ni Lola Bien?” ang suhestiyon ni Nurse Feliza.
“Thank you,but there’s no need to do that.Uuwi rin ako pagkatapos kumain ni Lola ng hapunan...Maaga pa po kasi ang concert rehearsals namin bukas.” ang responde ni Hiro.
“Well,that’s good enough.At least makakasama mo si Lola Bien ng kalahating araw.” ang masayang tugon ni Nurse Feliza.
Tumango si Hiro.
“I just want to say thank you for taking care of my grandma,Nurse Feliza.Tama po ang naging desisyon ko na sa inyo ipagkatiwala si Lola.” Ang seryosong pasasalamat niya.
“Hiro,ikaw nga ang dapat kong pasalamatan...At alam mo iyan.” ang sabi naman ni Nurse Feliza.
Hiro smiled in return.
“Chief Nurse!Inaatake po ng asthma si Matsumoto-san!” ang sabi ng isang caregiver habang papalapit sa kanila.Punong-puno ng pag-aalala ang mukha nito.
“Sige at maiwan na kita,Hiro...Aasikasuhin na namin si Matsumoto-san.” ang nagmamadaling sabi ni Nurse Feliza.
“Go ahead.” ang nakakaintinding sagot ni Hiro.
Sinundan ng tingin ni Hiro ang dalawa hanggang mawala ito sa paningin niya.Pagkatapos noon ay dumiretso na siya ng lakad papunta ng private room ng kanyang Lola...Pagpasok niya sa loob ng kwarto ay nakita niya na mahimbing na natutulog ang pinakamamahal niyang Lola.Napangiti siya nang makita ito.Kinuha niya ang isang vase at nilagyan ito ng tubig mula sa sariling banyo ng kwarto.Inayos niya ang dalang sunflower sa vase.
“Lola,dala ko po ang paborito ninyong bulaklak.” ang bulong ni Hiro,habang binabantayan ang kanyang Lola.
Bigla naming nagbalik sa isip niya ang nakaraan...
Naalala niya noon na tumira siya ng Pilipinas hanggang noong limang taong gulang pa lamang siya.Merong bahay ang mama niya sa Lipa,Batangas.Naaalala pa niya noon na madalas bumibisita ang kanyang amang Hapones sa Pilipinas tuwing summer...
Si Lola Bien ang nagpalaki sa kanya dahil namatay ang mama niya sa panganganak sa kanya.Kahit na ganoon ay hindi naman siya sinisi ng kanyang ama sa pagkamatay ng asawa nito.Minahal pa rin siya ng papa niya ng higit sa buhay nito...
At noong mag-five years old siya ay isinama siya at si Lola Bien ng kanyang ama upang pirmihan nang manirahan sa Japan...Namuhay naman sila ng masaya at mapayapa,hanggang sa mamatay ang kanyang ama dahil sa aneurysm...
Nalungkot din siya ng ilang taon,pero tinulungan siya ng Lola niya na maka-move on sa sakit sa pagkawala ng kanyang ama.At simula noon ay ipinangako niya sa kanyang sarili na gagawin niya ang lahat upang mapasaya ang kanyang Lola...At gusto niya na maging proud ito sa kanya.
Kaya naman napagpasiyahan niya na mag-artista.At sa kabutihang-palad naman ay nagging matagumpay siyang artista makalipas lamang ang ilang taon...At si Lola Bien ang kanyang nagging biggest fan...
Meron itong koleksiyon ng mga litrato niya,mga cd’s at dvd’s ng NO Borders,posters at iba pa...Pero katumbas ng kanyang kasikatan ay unti-unti na siyang nawalan ng panahon sa kanyang Lola.Hanggang sa isang araw ay nalaman na niya na meron itong dementia...
“I’m sorry,Lola...Kaunti na lamang po ang ipaghihintay ninyo.Magkakasama na rin po tayo ng matagal.” ang bulong ni Hiro sa sarili.
Bigla siyang nakaramdam ng pagkaantok si Hiro dahil sa pinagsama-samang pagod at puyat..Hanggang sa hindi na niya namalayan na tuluyan na siyang iginupo ng antok...
======================
Manila,Philippines.
Makalipas ang ilang araw.
Nasa harap ng puntod ni Alex si Cherish,habang nakatitig lamang siya sa kanyang cellphone...
Matapos huminga ng malalim ay tinawagan niya ang numero ng kanyang Tita Feliza.Nakatatlong ring muna bago sinagot ng Tiyahin ang telepono.
“Oh,Cherish!Napatawag ka,hija?”
Muling nilingon ni Cherish ang puntod ni Alex bago sinagot si Tita Feliza.
“I’m ready,Tita...When do you want me to go there?” ang determinadong sagot ni Cherish.
“Wow,you really surprised me,Cherish...Akala ko ay matatagalan pa bago ka makapagdesisyon.But I want you to fly here as soon as possible,anak.Ipadala mo rin pala sa akin ang credentials mo...Tiyak na magugustuhan mo dito,hija...Magagamit mo na rin pinag-aralan mo.” halata sa boses ng Tiyahin na excited ito sa naging desisyon niya.
Hindi na naintindihan ni Cherish ang sumunod na sinabi ni Tita Feliza hanggang sa matapos ito dahil lumilipad ang kanyang isip.
“Am I doing the right thing,Alex?” ang piping tanong ni Cherish.
Mabilis na lumipas ang bawat araw at oras.
Tinignan muna ni Cherish ang kanyang maleta...Bukas na kasi ang flight niya papunta ng Japan.Naipadala na niya ang kinakailangang pasyente para sa pagsisimula ng kanyang trabaho under Tita Feliza.
Sabi ng kanyang Tita ay meron pa daw na interview,pero mabait naman daw ang may-ari ng Hospice Facility na iyon kaya wala na siyang magiging problema.At isa pa,malaki ang tiwala ng may-ari ng Himawari sa kanyang Tiyahin...
“Please give me a sign that I’m doing the right thing,Alex...” ang bulong niya sa kawalan.
Napapitlag si Cherish mula sa kanyang kinauupuan nang makarinig siya ng katok sa pintuan...Inayos niya ang kanyang sarili.
“Cherish,anak?” narinig niya ang boses ng ina mula sa labas.
“Come in,ma.” ang tugon ni Cherish.
Pumasok naman ang kanyang ina sa kuwarto.Imbes na magmukhang malungkot ito dahil sa pag-alis niya ang mukha pa itong excited at Masaya para sa kanya.
“Siguradong handa na ba lahat ang gamit mo,hija?” ang tanong ni Aling Margarita.
Kunwari ay sumimangot si Cherish matapos marinig ang ina.
“Bakit,pinapalayas mo na ba ako,Mama?” ang biro niya rito.
Natawa tuloy si Aling Margarita.
“Hindi naman sa ganoon,anak.It’s just that I’m so excited and happy for you.It’s like having a new chapter in your life!” ang pahayag ng matanda.
Bigla naming natahimik si Cherish.Alam na kasi niya ang nais ipahiwatig ng ina.
“Do you think I’ll be able to start a new life there,Mama?” ang parang batang tanong niya sa ina.
“Of course you will,hija...Bata ka pa naman.And besides,malakas ang loob mo to try something new.Namana mo iyon sa papa mo.” Margarita encouraged her daughter.
“I’ll miss you and Papa...But I need to move on.Kaya siguro this is the perfect time for me to explore the world.” ang pangungumbinsi sa sarili ni Cherish.
“That’s the right attitude,anak...Hindi natatapos ang lahat dahil sa pagkawala n gating pinakamamahal sa buhay.You have to continue living on their behalf.” ang sambit ni Margarita sa anak.
Malambing na niyakap ni Cherish ang kanyang ina.
“Ma,I’m so sorry for the sadness that I’ve caused you and Papa noong ngadadalamhati ako kay Alex...At salamat din dahil nandiyan kayo lagi para suportahan ako.” ang madamdaming pahayg niya sa ina.
“Don’t you ever forget that we love you so much,anak.” ang tugon ni Aling Margarita.
“Thanks,ma...Siyangapala,nasaan si Papa?” ang biglang naitanong ni Cherish.
Napangiti ang kanyang Mama.
“Ayun,nag-e-emote mag-isa kasama ang beer.Mag-isa siyang umiinom habang nakatingin sa kawalan.Ayaw niyang ipakita sa’yo na nalulungkot din siya sa pag-alis mo.Pero sabi nga niya ay makakatulong ang pag-alis mo ng bansa upang makalimot at hanapin mo ulit ang sarili mo.Ang sabi nga niya,sana ay matagpuan mo ang pangalawang pag-ibig mo sa Japan.” Ang pag-amin ni Aling Margarita.
Napailing na lamang si Cherish.
“Ang Papa talaga...He’s playing cupid again.At saka pupunta ako ng Japan upang magtrabaho,hindi para maghanap ng boyfriend!” ang hagikgik niya.
“Nag-aalala lamang siya sa’yo,anak...Hay,ano ba ‘tong ginagawa ko?Masyado nang gabi,Cherish.Matulog ka na,since you have an early flight tomorrow.” ang bilin ni Aling Margarita,matapos makita ang orasan sa bedside table.
“Yes,Ma.” ang tugon ni Cherish.
She got to admit that she excited for tomorrow...She will start her new life in a new place...
Nang makalabas na sa kuwarto ang kanyang Mama ay napagpasiyahan ni Cherish na matukog na ng maaga.Pinatay na niya ang lampshade at humiga na sa kanyang kama upang matulog...
========================
Kinabukasan.
Sa ngayon nga ay nakasakay na sa loob ng eroplano si Cherish...Nakaramdam siya ng kanuting lungkot nang maalala niya kung paano pilit na itinatago ng kanyang ama ang luha nito habang papasok na siya sa terminal ng airport...Panay naman ang kaway ng kanyang mama habang pilit nitong inaalo ang kanyang papa...
Nakaramdam din siya ng bahagyang takot habang nagmumuni-muni...She will be living in another country na hindi pamilyar sa kanya...Oh well,her Tita Feliza and her family is there,pero iba pa rin kapag kasama mo ang sarili mong mga magulang...Kahit gaano kahirap ang naging araw mo,at the end of the day,nailalabas niya sa kanyang papa at mama ang sama ng loob niya...

หนังสือแสดงความคิดเห็น (28)

  • avatar
    Mark Ivan Valen

    I. need money

    28/07

      0
  • avatar
    Marville Banzon

    ml lods

    07/06

      0
  • avatar
    Rio Taedo

    so cute story

    27/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด