logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter Three: Dreaming About Alex.

C3
Napabalikwas ng bangon si Cherish habang humihingal.Noon niya napansin na gabi na pala...Biglang napahawak si Cherish sa kanyang pisngi at nagulat na lamang siya nang maramdaman niya na basa na pala iyon ng kanyang luha...
At nang bigla niyang maalala ang kanyang panaginip tungkol kay Alex ay saka siya napahagulgol...
“Please forget about me and find someone who will love you in return...As much as I did.” naalala pa niya ang eksaktong sinabi ni Alex sa kanya.
“Alex...Is this what you really want?” she whispered.
Kahit hindi na niya maririnig pa ang boses ng nobyo ay alam na niya ang isasagot nito.Kahit noon pa man ay kapakanan niya ang laging iniisip ng dating nobyo...
And because of that,she has finally made her decision...At sisimulan na niyang magbagong buhay...Bukas na bukas din.
========================
Tokyo, Japan.
Nagkakagulo ang mga tao sa isang Conference Hall ng isang hotel...Ang mga cameramen at reporters ay sabik na naghihintay para sa isang sikat na personalidad upang makunan ng larawan at ma-interview na rin ang mga ito.Sa likod naman ng mga ito ay naghihintay ang mga fans na babae na excited na excited na ring makita ang kanilang favorite idols...
Ngayon ang Press Conference ng isa sa pinakasikat na boyband sa Japan na ang pangalan ay NO Borders...The group are consists of six jaw-dropping gorgeous and talented men...Sila ay may lahing Pilipino at Hapon.They can speak Japanese,Tagalog and English.Kaya naman tinawag na NO Borders ang grupo nila dahil walang linya na nakapagitan sa mga tao na may iba’t-ibang lahi pagdating sa musika...
They’ve released many singles and albums,at lagi silang nangunguna sa sa charts hindi lang sa Japan kung hindi sa buong Asia na rin...
Aside from singing,these men are also talented when it comes to acting on a television series or in a big screen.Lahat ng kanilang individual dramas and movies ay talaga naming patok sa masa,at lagging nagiging box-office hit...
Biglang napuno ng ingay ang Conference Hall nang sa wakas ay lumabas na rin ang buong miyembro ng NO Borders at naglakad papunta sa mini-stage na ginawa para sa kanila.Walang tigil ang pagkislapan ng mga camera at nakatutok lamang ang anggulo sa kanila...
Ang mga nagtitilian na fans naman ay excited na naghintay sa ia-anunsiyo ng grupo sa araw na iyon...
“Minna-san,We have an important announcement to make.We have a good news for everyone...” ang pagsisimula ni Hiro Matsuzaki sa salitang Hapones.Ito ang leader ng NO Borders.
Bigla naming natahimik ang lahat habang patuloy pa rin ang pagkuha ng litrato at videos ng media.
“Magkakaroon kami ng concert sa loob ng tatlong buwan,simula November at matatapos ng January of next year.Nationwide tour ito upang makapaghatid kami ng saya sa aming mga fans.Lahat ng detalye tungkol sa concert ay makikita sa official website namin.” ang patuloy ni Hiro.
“Pati na rin ang detalye ng ticketing system ay makikita doon.” ang segunda ng isa pang miyembro ng grupo na si Jun Asukawa.
“Sisguraduhin naming na mag-e-enjoy kayo sa concert.” ang sabi naman Ren Kuwahara,habang matamis nitong nginitian ang mga fans.
Nagtilian naman ang lahat ng kanilang fans na nasa audience.
“Ito ay bilang pasasalamat na rin naming dahil sa patuloy na pagsuporta ninyo sa amin sa nakalipas na pitong taon.” ang komento naman ni Kei Tanaka.
“I hope we would have a good time with the fans.” ang dagdag ni Toru Serizawa.
“Kaya nga mas special ang gagawin nating concert ngayong taon,hindi ba,guys?” ang nakangiting turan naman ni Yu Kagami,ang pinakabatang miyembro ng NO Borders.
Nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng Conference Hall.Inihudyat na ng manager ng NO Borders na si Adam na tapos na ang Press Conference.Matapos nilang magpasalamat sa lahat ay nagpaalam na sila.
Palabas na ng hotel ang NO Borders upang pumunta sa parking lot para kunin ang kanilang mga sasakyan.
“O ano?Kita-kita na lang tayo sa rehearsal studio bukas?” ang tanong ni Hiro sa salitang Tagalog.Alam ng lahat na matatas silang magsalita ng Tagalog.Nag-uusap sila ng Tagalog kapag sila-sila na lamang.
“Okay.At please,wala sanang male-late.” ang sabi naman ni Jun,sabay tumingin siya kay Ren.
“Teka,hindi naman ako madalas ma-late,ah!” ang depensa ni Ren sa sarili.
“Pero late ka pa rin!” ang pambubuska ni Yu dito.
“Well,I have to admit...Tama si Yu,Ren...” ang pagsangayon ni Toru.
“Guys,tama na ‘yan.Ang mabuti pa ay magpahinga kayong mabuti mamayang gabi para may energy tayo sa rehearsals bukas.” ang paalala ng pinakamatanda sa kanilang grupo na si Kei.
“Okay...” ang sinabi naman ng lahat.
“Tama ang sinabi ni Kei.You should get all the sleep while you can since magiging busy tayo sa mga susunod na tatlong buwan para sa concert.” ang segunda naman ng kanilang manager na si Adam...Isa itong purong Pilipino at bukod sa pagiging manager ay matalik na kaibigan din ito ng NO Borders.
“Siyangapala,Hiro...Gusto mo bang sumama sa aming kumanin sa labas bago umuwi?” ang yaya ni Kei.
“Pass muna ako.May kailangan kasi akong gawin ngayon.” ang apologetic na sagot ni Hiro.
“Oh,right.Nakalimutan ko...How about you,Jun?Sama ka ba?” ibinaling ni Kei ang atensiyon niya kay Jun.
Umiling si Jun bilang sagot.
“Thanks,but no thanks.” ang maikling sagot nito.Pagkatapos noon ay lumakad na ito papunta sa Volvo nito.
“O,di tayo na lang?Kita-kita na lang tayo sa usual hang-out natin,okay?” ang suhestiyon ni Toru.Dala-dala kasi nila ngayon ang sariling mga sasakyan.
Nagkasundo naman ang lahat sa plano na iyon ni Toru.
“Enjoy,guys...Kita-kita na lamang tayo bukas.” ang paalam ni Hiro sa lahat.
Matapos noon ay sumakay na si Hiro sa kanyang Jaguar.Pinaharurot niya sa daan ang kanyang sasakyan,but he still carefull of his speed.May isang lugar siya sa isip na kailangan niyang puntahan.
Pero bago iyon ay huminto muna siya sa isang kilalang flower shop.Nagsuot muna siya ng baseball cap at sunglasses bago siya bumaba.Ayaw niyang gumawa ng gulo sa kanyang private time...
Pagkatapos niyang bumili ng sunflowers ay lumabas na siya ng flowershop.Bigla siyang napahinto sa paglalakad nang may makita siya na pamilyar na bulto who just passed his way...
That woman with that long,straight hair with streaks of brown color...Bigla niyang naalala ang babae na nakita niyang umiiyak sa beach isang taon na ang nakakaraan nang magbakasyon siya sa Pilipinas...He could never forget that woman’s face...Nakatatak pa rin sa isip niya ang mukha nito na punong-puno ng hinanakit.And eventhough she’s crying,he can’t deny the fact that she is still beautiful...
Akala niya ay may plano itong magpakamatay gamit ang kutsilyo dahil may nakita siyang kumislap na bagay sa kamay nito...Kaya naman dali-dali siyang pumunta papunta sa babae at tinignan agad ang bandang pulsuhan nito.
Nakahinga siya ng maluwang noon nang makita niya wala itong sugat at mali ang inaakala niya sa babae.Pero hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya kung ano ang kumislap na bagay na iyon...
Nagmamadaling sinundan ni Hiro ang babae.Nang maabutan niya iyon ay marahan niya itong tinapik sa balikat.
“Ano,suimasen...Chotto ii desuka?” ang tanong ni Hiro sa babae,na ang ibig sabihin ay kung may kaunti ba itong minuto upang kausapin siya.
Pagkalingon ng babae ay nadismaya si Hiro nang makita niya na hindi ito ang hinahanap niya...Pagkatapos niyang huminga ng dispensa sa babae ay tumalikod na siya at bumalik na sa kanyang sasakyan...
Napapikit si Hiro habang isinubsob ang kanyang ulo sa steering wheel.
“Ano ba ang nangyayari sa akin?Why can’t I forget about her?There’s no way na makikita ko ulit ang babaeng iyon dahil nasa Pilipinas siya...” ang himutok ni Hiro sa sarili.
After a few minutes of contemplating,Hiro started the engine of his car and drove off.Tinahak niya ang daan papunta sa pinakaimportanteng tao sa buhay niya...
======================
Makalipas ang biente minutos.
Himawari Nursing Home.
Itinigil ni Hiro ang sasakyan sa parking lot ng hospice home na iyon...Matapos noon ay naglakad na siya papunta sa loob habang hawak ang bungkos ng sunflowers na paborito ng Lola niya...
“Konnichiwa!” ang bati ni Hiro sa Chief Nurse ng Himawari Hospice Home.Isa itong Filipina na nagtratrabaho na sa facility na ito sa loob ng limang taon...
“Konnichiwa,Hiro!Hindi ka ba busy ngayon?Wala ka bang appointment?” ang natutuwang tanong ni Nurse Feliza sa kanya.
“Natapos ko naman lahat ang kailangan kong gawin sa araw na ito,Nurse Feliza.Kaya marami akong free time ngayon.Nasaan nga pala si Lola Bien?” ang tanong ni Hiro.
“She’s taking her nap,hijo.” ang tugon naman ni Nurse Feliza.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (28)

  • avatar
    Mark Ivan Valen

    I. need money

    28/07

      0
  • avatar
    Marville Banzon

    ml lods

    07/06

      0
  • avatar
    Rio Taedo

    so cute story

    27/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด