logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 6

"I miss it, Syd," nakangiting sabi ni Luke habang matamang nakatingin sa mukha niya. Bigla tuloy siyang natauhan at kaagad na pinalis ang ngiting gumuhit sa kaniyang mukha.
Hindi tuloy niya malaman kung anong sasabihin sa sinabi nito. Kailangan ba niyang sabihin na na-miss din niya ito? Na kahit napakatagal nang panahon ang lumipas ay ito pa rin? Ito pa rin ang nag-iisang tao na nakakapaghatid sa kaniya ng isang estrangherong pakiramdam na nagiging pamilyar lamang sa tuwing nasa malapit ito? Napatikhim nalang siya at umubo-ubo, "t-thank you."
Lumakad siya palayo rito at pinagdiskitahan ang mga dahong kasama niyang nagtatampisaw sa tubig. Dito niya itinuon ang kaniyang sarili at isa isang pinagdadampot ang mga ito na para bang kinukolekta niya.
"Here," ani Luke at iniabot sa kaniya ang dahong hawak nito. Napatingin siya rito at hindi niya mabasa ang anumang tumatakbo sa isip nito. Nagtataka man sa pag-abot nito sa kaniya ng dahon ay kinuha niya pa rin ito.
"Thanks," tipid na sabi niya at nagsimulang luminga sa kabuuan ng pool para maghanap ng dahon.
"Kung alam ko lang na pagpupulot pala ng dahon ang aatupagin natin dito..." kausap nitong muli sa kaniya at may inabot na namang dahon. Kanina pa niya napapansing nakasunod lamang ito sa kaniya habang kuntodo effort naman siyang dumistansiya dito. "...sana pinaputol ko na 'yong puno na 'yan," dugtong nito sa sinasabi na siya namang ikinakunot ng kaniyang noo.
"Bakit mo naman ipapaputol?" tanong niya.
"Galit ka ba sa akin? Or should I say, galit ka pa rin ba sa akin?" tanong nito sa halip na sagutin ang tanong niya.
Natigilan naman siya sa tanong nito at para bang nanikip ang dibdib niya. Iyong tipo ng paninikip na pangangapusan ka ng hininga dahil sa kaba at takot. Kabang naglalakbay ngayon sa kaniyang puso at takot na malaman nito kung ano ang kasalukuyan niyang nararamdaman para dito.
Tinawid nito ang pagitan nilang dalawa. Hinawakan nito ang kaniyang braso at hinawi nito ang buhok na nasa kaniyang pisngi. Iniipit nito ang buhok sa likod ng kaniyang tainga at mataman siya nitong tinitigan sa kaniyang mata. Para bang inuungkat nito sa kaniyang paningin ang kasagutan sa tanong nito. Para bang nais nitong sisirin ang kailaliman ng kaniyang kaluluwa na tanging mga mata lamang niya ang may kakayahang magsalita kahit walang mamutawing mga salita sa kaniyang bibig.
"Syd?"
Napaiwas siya ng tingin at tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa kaniya. Ngunit nabigo lamang siya. Dahil imbes na makawala rito'y mas lalo lamang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniya.
Napatingin na lang siya sa langit at humugot muli ng isang malalim na hininga. "Luke, madilim 'yong langit. Uulan. Kailangan ko nang bumalik sa loob."
"So? Basa naman na tayo. Walang dahilan para umiwas sa ulan. Tell me, Syd. Iniiwasan mo ba ako?"
Nakukulitan na siya rito. Bakit ba gustong gusto nitong malaman ang sagot niya? Gugustuhin ba talaga nitong malaman na totoong galit pa rin siya rito. Na totoong iniiwasan niya ito. Na totoong hindi pa rin siya nakakalimot sa huling beses na nagkita sila. Noong araw na ipanamukha nito sa kaniya kung gaano nito mas pinahalagahan ang relasyon kay Lindsay kumpara sa pagkakaibigan nila. And speaking of Lindsay? Marahil ay silang dalawa pa rin. Naalala niya minsan noong nadulas ang kaniyang pinsan sa pagkukwento sa kaniya ilang taon na rin ang nakakalipas.
Flashback...
"Syd! Alam mo ba, ikakasal na si Melchor next month. Kilala mo pa naman siya 'di ba?"
Naalala nga niya si Melchor. Ito ang president ng Student Council noong last year nila sa high school. He's also her classmate since elementary days. Who would forget him? Especially his efforts to catch her attention. She remember how desperate he was to get her yes while she kept on rejecting him. And seeing him doing such thing for her? Masasabi niya kung gaano ka-determined at katiyagang tao ang kaklase.
"Of course, I still remember him! Well, masasabi kong maswerte ang mapapangasawa niya. Knowing him? For sure, halos araw-araw na nagmimistulang uod na binudburan ng asin ang asawa niya. Effort ba naman ang isang iyon," aniya at natawa.
Napasandal naman si Wincy sa headboard ng kama niya. Nandito sila ngayon sa kaniyang kwarto at balot na balot ng kumot dahil nakatodo ang temperature ng aircon.
"Huwag mo sabihing kinilig ka rin kahit paano kay Melchor noon?" anito at nilingon siya.
Nagkibit balikat siya at sinagot ang tanong nito. "Well, sino ba namang hindi? Alayan ka ba naman ng mga rosas at kinuntiyaba pa ang mga estudyante sa school natin 'di ba?"
"Yeah. The perks of being a student council's president. Hindi ka man lang ba nanghinayang or na-fall man lang sa kaniya?"
"Hindi eh. Kasi kahit anong gawin niya, hindi talaga siya nagustuhan kailanman ng puso ko. Alam mo 'yong kahit napapangiti niya ako sa mga pinaggagawa niya pero hindi naging sapat iyon para maisip ko siya everytime na ipipikit at ididilat ko ang mga mata ko. Melchor only exists on our school but in my life? He's just a common friend."
Minsan nga ay naisip niyang sana kay Melchor nalang siya na-inlove. Paniguradong mabubusog siya sa pagmamahal nito. At sigurado rin siyang iingatan siya nito ng husto. Pero paano mangyayari iyon? Gayong kahit ilang taon na ang lumipas ay isang tao pa rin ang itinatangi ng puso niya? Ang taong iyon pa rin ang hinahanap hanap niya. Iyong taong iyon pa rin ang patuloy na sumasanay sa kaniyang isipin ito bago matulog at pagkagising sa umaga. Hanggang ngayon, hindi niya maunawaan ang kaniyang sarili. Akala niya'y makakalimutan din niya ito oras na mapalayo siya rito. Pero hindi naging hadlang ang distansiya upang makalimutan ito. Dahil kahit wala roon ang katawan niya, naiwan naman ang puso niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin yata nakakauwi sa kaniya.
"But I'm happy for them," nakangiting sabi niya.
"Oo nga pala. Invited ang buong klase natin sa kasal niya. I think ma-appreciate ni Melchor kung pupunta ka. What do you think? Baka kailangan mo nang bumalik ng San Agustin. Na-miss ka na ng lupang sinilangan natin!"
Napaisip siya sa sinabi nito. Limang taon na rin nga naman ang nakalipas. Bakit kaya hindi na lang siya magbakasyon muna roon? Kaka-graduate lang naman niya last week at kailangan din naman siguro niya ng break.
"Balita ko kasama ni Luke si Lindsay sa kasal ni Melchor. Akalain mo 'no? Sila pa ring dalawa. No wonder, sooner, silang dalawa naman ang ikakasal."
Parang bomba sa pandinig niya ang huling sinabi ni Wincy. Para siyang nabingi sa sinabi nito. Hindi niya inaasahang kahit kalahating dekada na ang lumipas ay silang dalawa pa rin pala?
True love, huh, ani isang bahagi ng isip niya.
Yeah, baka nga totoong sila talaga ang para sa isa't-isa. Bakit ba kasi kahit malinaw naman ang katotohanang iyon ay may bahagi pa rin sa sarili niyang umaasa na sana masuklian din nito ang noo'y pagsintang pururot niya rito. Damn, she's still inlove with the same man who broke her heart! At bakit ba hanggang ngayon naiisip pa rin niya ito gayong wala naman yata itong pakialam sa nararamdaman niya?
Ilang sandali pa ay napabalik ang isip niya sa kasalukuyan. Muli niyang natuunan ng pansin ang taong kaharap ngayon. As usual, iniwasan na naman niya ang tanong nito. Hindi naman na siguro kailangan pang isatinig ang nararamdaman niya dahil halata naman sa kilos palang niya. Buo ang loob na tinanggal niya ang kamay nitong nakahawak sa kaniya. Nang tuluyang makawala rito ay umahon na siya at tuloy tuloy na pumasok sa loob ng bahay. Wala na siyang pakialam kung maglawa man ng tubig ang madaanan niya. Mas iniintindi niya ngayon ang paglalakad papunta sa kaniyang kwarto. Gusto niyang mapag-isa at hindi siya makakakilos ng normal kung hahayaan niya ang sariling malunod sa presensiya ni Luke.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (28)

  • avatar
    HeartfiliaBernice

    maganda yung pagkakasulat mo sa first chapter, I like it, it's very calming to read. Hindi jumbled yung words and may quality talaga! looking forward sa next chapter! i cant wait kapag nakarating na siya sa maynila hahahhaa sino naman kaya ang mamimeet niya doon? im sure marami since it's a big city! as for me, ayoko sa manila mag-aral. for me lang naman hehehheehe. Thanks for this chapter author 💙

    31/03/2022

      1
  • avatar
    martosmyzelmae

    it's nice to read.

    22/05

      0
  • avatar

    eydhdnxvzfzvd zvzhf? F fz z xvzvzxfzhcxbxzgzgzvz zbxf? zxvzvz zvzbshzhzhzhzbshdhdysysysudududhzhzbsehsfhx fxk kfncjcjgkgifi kf k kcjduuididudidififud kdifududud idifuffj idididididididid idififufufufifjdrggdgkdjgk fidififififud jfififififif kfkeudeeidkfmhmh kfkgkgkgkgjfffjdj kggifif kfkfk kfkgkf kfkfifi kfkfkfi kdififif ididifi iddidkfkfiifif c kdififififi fkfififfiif kfifididifiggig ididkdififif kfidififfifif jdjfifjfjf idiffjfififuf jfifi idifi didi ididid jdiiddjfi kdidig idifif idififif

    10/04

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด