logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 4

WALANG anumang salita ang naglandas sa bibig ni Sydney. Pinagmasdan lamang niya ang paligid na binababaybay niya. Sulit na sulit ang halos limang oras na niyang pagbiyahe mula sa Manila. Pakiramdam niya ay sobra siyang na-starstruck sa lugar. Para bang ito ang unang beses na nakarating siya rito. San Agustin is definitely a breathtaking place! Ito ang dahilan kung bakit mas nagkaroon siya ng drive na tuklasin ang ganda ng Pilipinas. This place was an epitome of a paradise. Hindi niya akalaing wala halos nabago sa lugar simula nang umalis siya. Halatang na-preserve ang mga bundok na hindi maikakailang hitik na hitik pa rin sa puno ng niyog na hindi mahulugang karayom kung titignan. Para bang pilit na nagsisiksikan at wala talagang puwang ang matayog na pagkakatayo sa bundok. Berdeng berde ang paligid na mas lalo pang tumingkad dahil sa asul na asul na langit na siyang nagsisilbing kurtina ng lugar.
Binuksan niya ang bintana at nilanghap ang sariwang hangin na dulot ng mga puno. Inihinto niya ang sasakyan sa gilid kung saan nakalatag ang bukid at tila sinadyang magkaroon ng guhit dahil sa mga pilapil. Ito ang nagsisilbing pagitan niya sa bundok kung saan nagsisiksikan ang mga puno ng niyog.
"Fresh air, everywhere! Na-miss kita!" sigaw niya matapos langhapin ang sariwang hangin. Ibang-iba ito sa polusyong mayroon sa Manila. Kahit pa sabihing matagal na siyang naninirahan doon ay hindi siya masasanay sa mga usok at maalinsangang paligid. Hahanap-hanapin pa rin talaga ng kaniyang sistema ang ganitong klase ng hangin. Kaya siguro hindi na rin kataka-takang mas napadalas ang pagliwaliw niya these past few years para makatakas sa polluted na lugar ng Manila.
Kinuha niya ang kaniyang cellphone at nag-selfie. May maisusulat na naman siya sa travel blog niya. Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit mahal niya ang pag-travel. Marami ang follower sa blog niya kung saan ipino-post niya ang mga lugar na mapupuntahan niya. Nandoon na nagbibigay siya ng mga facts and trivias about the said place at masaya niyang ibinabahagi ang experience niya. Kahit ang mga patok na causine sa lugar ay inilalagay rin niya. The history and everything about the place were written also, as much as possible. Ito ang paraan niya para ipakita sa mga kapwa Pilipino kung gaano kaganda ang Pilipinas. Naniniwala siya sa ad ng Department of Tourism na It's more fun in the Philippines!
"Yes, mom. Malapit na po ako," sagot niya sa ina sa kabilang linya. Tinatanong nito kung malapit na raw ba siya. Nauna nang umalis ang parents niya sa kaniya. Hindi kasi siya sumabay sa mga ito at kinatwirang may sasakyan naman siya. Mabuti nalang talaga at nauso na ngayon ang google map at waze dahil kung hindi? Baka naligaw na siya. Hindi naman kasi talaga niya in-expect na muli siyang tutuntong sa lugar na iyon.
"Mabuti naman. Akala ko maliligaw ka na. Hindi ka pa kasi sumabay sa amin ng Daddy mo," sagot naman nito mula sa kabilang linya.
Inikot niya ang kaniya mga mata na para bang kaharap ito, "uso ang google map or waze, Ma. Huwag po kayong mag-alala. Kabisado ko pa rin naman po ang daan papunta kela Lola basta makarating lang ako sa St. James."
"Okay, sige. Mag-iingat ka. Kanina pa excited ang mga tao dito."
"Yes po," walang ganang sabi niya.
"SYDNEY, ikaw na ba talaga 'yan?" mahihimigan ang excitement sa boses ng kaniyang Lola Ising. Mahigpit na yakap ang isinalubong nito sa kaniya. Hindi naman siya papahuli sa higpit ng yakap nito. Halos dalawang taon na rin ang nakalipas nang huli niya itong makita. Nagbakasyon ito noon sa Manila pero hindi na ulit nasundan dahil abala ito sa pag-aasikaso ng bukid. Malaki ang lupain nila sa San Agustin. Ang bukid nila ang halos nag-su-supply ng bigas, pakwan, mais, kape, at kung anu-ano pang uri ng mga pananim sa mga pamilihan sa lugar. Balita niya'y may umaangkat na rin sa kanila ng mga produkto mula sa ibang lugar. At natutuwa siyang maganda ang itinatakbo nito kahit pa wala siya roon para saksihan iyon. Mabuti nalang talaga at nandoon ang mga pinsan at kamag-anak niya para tumulong. Matagal na kasing biyuda si Lola Ising kaya ang mga anak nito ang naging katuwang sa bukirin. Tanging ang ina lamang niya ang piniling sa Manila na manirahan. Maganda nga naman ang trabaho nito roon at ngayon nga'y head manager ito ng sales sa kompanya.
"Kung hindi pa ikakasal ang pinsan mo'y hindi ka pa uuwi," mahihimigan ang tampo sa boses ni Lola Ising.
"Nako, La. Nanay po talaga kayo ni Mommy. Ilang beses na rin po niyang sinabi 'yan. Busy lang po talaga ako. Saka ayaw ko namang magtampo ng tuluyan sa akin si Wincy. Alam n'yo naman pong nakaplano na ang kasal niyan noon pa man," paalala niya rito dahilan para matawa ito. Hindi nga naman lingid sa kanilang lahat ang bagay na iyon. Isa iyon sa nagustuhan niya sa kaniyang pinsan, may pagka-hopeless romantic itong gaya niya. Ang problema nga lang, hanggang doon nalang yata talaga siya.
"Eh, ikaw apo. Kailan ka ba magpapakasal? Aba'y bente siyete ka na. Wala ka naman sigurong balak na tumandang dalaga, ano?"
Umabot sa kaniyang pandinig ang tawa ng kaniyang mga magulang. Bakit ba palagi nalang sa pagtandang dalaga ang nagiging conclusion nila sa love life niya. Ni minsan ay hindi naman niya pinangarap na maging single forever. Gusto rin naman niyang maranasan ang nararanasan ng mga kaibigan niya. Gusto rin niyang maramdaman ang pakiramdam ng mga bidang babae sa lahat ng nobelang nabasa niya.
"Hay nako. Kotang kota na po ako sa mga ganiyang tanong, La. Napapagod na rin po akong sagutin 'yan," aniya at naupo sa kawayang upuan na pamilyar sa kaniya.
Nilibot niya ang tingin sa kabuuan ng bahay. Marami nang nabago roon. Napalitan na ng modernong glass window ang noo'y bintanang gawa sa capiz. Nagkaroon na rin ng isang nakakamanghang chandelier sa kisame. Nandoon pa rin naman ang pader na yari sa bricks ngunit kapansin pansin ang mga canvass na sinadya yatang iguhit para doon. Naiba naman ang puwesto ng malaking organ na paborito niya noong pag-practice-an para tugtugin ang anumang kantang matipuhan niya. May mga vase din na hindi niya inakalang babagay sa loob ng bahay. Kung tutuusin, malayo ang dating nito sa tipikal na modern house sa Manila. Pero sobrang relaxing at para bang welcome na welcome ang kung sinumang pumunta rito.
"Kumain ka na ba?" tanong sa kaniya ni Lola Ising at tinabihan siya. Napangiwi naman siya nang marinig ang pag-igik ng upuan. Naglikha iyon ng tunog na para bang hirap na hirap sa bigat nilang mag-lola.
"La, ang ganda ganda na ng bahay n'yo pero ni hindi mo man lang mapalitan itong upuan. Halatang susuko na," reklamo niya rito.
"Apo, ito ang unang bagay na naipundar namin ng iyong lolo. Kaya kahit pa anong pilit sa akin ng mga tiyahin at tiyuhin mo'y wala na rin silang nagawa dahil hindi ako pumapayag."
May pagka-sentimental nga naman ang kaniyang lola. Naging saksi siya noon sa mga lumang sulat na itinago nito sa baul na sa tingin niya'y panahon pa ni kopong kopong. Kasama rin ng mga sulat ang mga regalo at bagay na natanggap nito noon.
"Kaya po pala. By the way, La. Saan po ba nakatira si Wincy ngayon? Gusto ko na pong makita ang bruha na 'yon."
"Nandoon sa San Isidro. Doon kasi nakatira ang mapapangasawa niya. Alam mo naman sigurong nag-live in ang dalawang iyon at nauna pang gumawa ng bata bago kinasal," naiiling na sabi nito. May pagkakonserbatibo ang kaniyang lola kaya hindi siya nagtataka kung bakit mahihimigan ang disgusto sa boses nito. Buntis kasi ang pinsan niyang si Wincy at ang lola nila ang nag-insist na magpakasal ito bago pa tuluyang lumaki at bumilog ang tiyan nito. Hindi naman nagdalawang isip ang kaniyang pinsan sa ideya ng pagpapakasal.
"Si Lola talaga. Kung maka-react, akala mo naman nasa panahon pa ni Emilio Aguinaldo. Moderno na po ang mga tao ngayon. Normal na po ang ganoong set up. Mabuti nga po at magpapakasal na. Kahit paano, magiging legal na ang lahat bago pa man din lumabas ang apo n'yo sa tuhod."
"Aba't huwag mo sabihing isinuko mo na rin ang Bataan sa kung sino mang Poncio Pilato?" nanliliit ang mga matang tanong nito sa kaniya.
Inakbayan niya ito at naiiling na sinagot, "nako po. Ibahin n'yo po ako, La. Never pa nga kong nagka-boyfriend, pagsuko ng Bataan pa kaya?"
"Kuu, siguraduhin mo lang. Dahil kung hindi, kukurutin talaga kita sa singit na bata ka."
Napahalakhak naman siya sa tinuran nito. Kung i-trato siya nito ay para pa ring siya ang disi-sais anyos na apong inalagaan nito noon.
"Pero sa ngayon, Sydney. Hanapin mo muna ang taong makakasama mo. Hindi ka na bumabata. Sana naman, habang nasa kalendaryo pa ang edad mo'y maranasan mo naman ang kiligin," maya-maya ay sabi nito habang hinahawakan ang kaniyang buhok. Nakasandal ang ulo niya sa balikat nito. "Tomboy ka ba, ha?"
Napabalikwas siya sa tanong nito. Nanlalaki ang mga matang hinarap niya ito, "Lola naman. Tomboy ka riyan?!"
"Eh, bakit kasi hindi ka man lang nagkanobyo? Wala bang nagtangkang manligaw sa iyo?"
"Mayroon naman po. Hindi nga po nawawalan eh," may pagmamayabang na tugon niya. Totoo naman kasi. Suki na siya sa mga bulaklak sa kanilang opisina. Kulang na nga lang, magdala na siya ng maliit na refrigator sa trabaho para iimbak doon ang mga tsokolateng natatanggap niya.
"Kung ganoon, bakit hindi mo man lang sinagot ni isa sa kanila?"
"Tsk. Si Lola. Kanina pa tanong ng tanong sa love life ko. Kamustahin n'yo naman po ako. Hindi 'yong puro diyan ang focus n'yo."
"Bakit nga?" pangungulit nito.
"Kasi po, hindi ko sila mahal."
Nangislap naman ang mga mata nito sa sagot niya. Tila ba inaasahan na nitong iyon ang sasabihin niya.
"Hay, Sydney. Para ka talagang lolo mo. Ni minsan ay hindi iyon nanligaw ng ibang babae. Ako lamang raw ang pumukaw sa kaniyang puso kaya ayon, pinursige ako kahit na noong una'y pilit ang pagtanggi ko. Katwiran ba nama'y hindi niya magagawang manuyo ng iba gayong ako naman daw ang kaniyang mahal," halata ang sayang gumuhit sa awra ng matanda nang i-kwento ang namayapang esposo. Nagkwento na nga ito sa kaniya ng love story ng mga ito. At sa bawat pangyayaring nababanggit ni Lola Ising, buhay na buhay ang mga mata nitong tila baga sariwa pa rin ang mga alaala. Na para bang kahapon lamang nangyari ang mga iyon.
HINIHINGAL na napabalikwas si Sydney mula sa pagkakahiga. Habol habol niya ang hininga at nakapikit na hinahagod ang kaniyang sentido. Kung bakit ba naman kasi hanggang panaginip, naririnig niya ang mga untag at katanungang kabuntot na yata ng kaniyang sistema. Ayon nga at napanaginipan niyang hinahabol daw siya ng kung anumang imahe ng isang lalaking hindi niya maaninag ang mukha. Tinatanong nito kung ano raw bang plano niya? Kung balak daw ba talaga siyang gawin itong matandang binata? At bigla ngang nagsulputan ang mukha ng kaniyang mga barkada, ng kaniyang Lola Ising, mga magulang, pinsan, at kung sinu-sino pa. Iisa lang ang tanong nila, kailan daw ba siya magpapakasal?
Susmaryosep! Masiyado na nga yata talagang in-absorb ng sistema niya ang mga katanungang iyon at sobra na nga yata ang pagka-pressure niya kaya hanggang panaginip ay dala dala niya iyon.
Napagpasyahan niyang lumabas sa kaniyang kwarto at pumunta sa kusina na nasa unang palapag. Nasa ikalawang palapag ang kwartong okupado niya rito sa bahay nila Wincy. Kahapon pa siya nakarating ng San Isidro. Noong una'y ayaw pa niyang pumayag sa pangungulit ng pinsan ngunit sa huli ay pinagbigyan din ito. Buntis pa naman ito at alam niya kung gaano ka-sensitive ang mga buntis. Nasaksihan niya na iyon sa mga kaibigan niya.
Muli niyang nadaanan ang isang altar na siyang nagsisilbing pagitan mula sa salas at kusina. Nandoon ang imahe ng Holy Family --- Jesus, Mary, and Joseph. May dalawang vase sa magkabilang gilid nito kung saan nakalagay ang mga sariwang bulaklak. Mayroon ding vigil candle na halatang kakapalit lamang. Wala pa kasing sindi ang mga iyon. Bigla namang nangunot ang noo niya nang mapansin ang isang box sa gilid ng altar. Out of curiousity ay binuksan niya iyon. Iyon lang kasi ang natatanging bagay na tila baga hindi akma sa altar na iyon. Masiyado kasing organize ang pagkakaayos doon at ang box na iyon ang sa tingin niya'y panggulo lamang.
Ganoon nalang ang pagngiti niya ng ma-realize kung anong mayroon sa kahong iyon. Mga kandila pala. Marahil ay dito iniimbak ang mga kandilang ipapalit sa basong kinalalagyan ng mga vigil candles. Ibabalik na sana niya ang kahon sa side kung saan niya ito kinuha nang may kung anong idea ang pumasok sa isip niya.
Ngingisi ngising tinungo niya muna ang kusina. Binuksan niya ang ref at kinuha ang pitsel ng tubig. Nagsalin siya ng tubig sa basong kakakuha lamang niya at nang masigurong pawing pawi na ang pagkauhaw niya, nagmamadaling tinungo na niya ang sala. Agad niyang hinanap ang malaking salaming nakita niya kahapon noong nanggaling siya sa swimming pool ng bahay nila Wincy. Nang nasa harap na siya ng salamin ay pilit niyang inaninag ang madilim na paligid. Nang masigurong walang tao na sasagabal sa gagawin niyang ritwal, dinampot na nga niya ang posporong nakuha niya sa kusina.
Wala namang masama kung susubukan! Desperate moves, you know? Fighting! aniya sa isip at kiniskis na nga niya ang palito ng posporo sa lalagyan nito.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (28)

  • avatar
    HeartfiliaBernice

    maganda yung pagkakasulat mo sa first chapter, I like it, it's very calming to read. Hindi jumbled yung words and may quality talaga! looking forward sa next chapter! i cant wait kapag nakarating na siya sa maynila hahahhaa sino naman kaya ang mamimeet niya doon? im sure marami since it's a big city! as for me, ayoko sa manila mag-aral. for me lang naman hehehheehe. Thanks for this chapter author 💙

    31/03/2022

      1
  • avatar
    martosmyzelmae

    it's nice to read.

    22/05

      0
  • avatar

    eydhdnxvzfzvd zvzhf? F fz z xvzvzxfzhcxbxzgzgzvz zbxf? zxvzvz zvzbshzhzhzhzbshdhdysysysudududhzhzbsehsfhx fxk kfncjcjgkgifi kf k kcjduuididudidififud kdifududud idifuffj idididididididid idififufufufifjdrggdgkdjgk fidififififud jfififififif kfkeudeeidkfmhmh kfkgkgkgkgjfffjdj kggifif kfkfk kfkgkf kfkfifi kfkfkfi kdififif ididifi iddidkfkfiifif c kdififififi fkfififfiif kfifididifiggig ididkdififif kfidififfifif jdjfifjfjf idiffjfififuf jfifi idifi didi ididid jdiiddjfi kdidig idifif idififif

    10/04

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด