logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3

Flashback...
"K-kayo na?" basag ang boses na tanong niya rito. Nandito sila ngayon sa burol kung saan madalas silang tumambay na magkaibigan.
"Yes!" maaliwalas ang mukhang sagot sa kaniya ni Luke. Parang nanalo ito sa lotto kaya ganoon na lamang ang sayang nararamdaman nito.
"O-okay," aniya. Hindi niya magawang maging masaya para rito. Hindi niya alam na magiging ganito kasakit. Napaghandaan naman niya 'to. Alam naman niyang darating sa puntong sasagutin din ito ni Lindsay pero bakit parang dinudurog ang puso niya?
Naging malapit sila ni Luke dahil na rin sa pinsang si Wincy. Magkaklase kasi ang dalawa. Sa una ay iniwasan niya ito. Hindi kasi talaga siya 'yong tipo na basta makikipagkaibigan sa hindi niya kakilala, unless may pagkakapareho sila. At nang tumagal, hindi naman naging mahirap ang kaibiganin ito. Marami silang napagkakasunduan, dagdag pang napakadali para sa kanilang dalawa ang magsabi ng sikreto at hinanaing ng isa't-isa. They became close to the point na napagkakamalan na silang kambal tukong hindi mapaghiwalay.
"Aren't you happy for us?" may pag-aalalang puna nito sa kaniya. Marahil ay napansin nito ang biglang pagbabago ng mood niya. Paano nga ba nitong hindi mahahalata samantalang kilalang-kilala siya ni Luke.
"Of course, I am."
Halata namang hindi ito kumbinsido sa sinabi niya kaya muli itong nagtanong ng problema. Hindi naman niya malaman kung sasabihin ba rito ang totoo o hindi na? Mula kasi ng maging malapit sila ay nangako silang hindi maglilihim sa isa't-isa. Kaya nga ganoon nalang kung magkwento ito sa kaniya tungkol sa pagtingin nito kay Lindsay. Tinitiis niya ang mga kwento nitong may kinalaman sa dalaga. Pinipilit niyang ipakita na willing siya na pakinggan ito kahit deep inside, nasasaktan siya.
Hindi naman niya mai-de-deny ang katotohanang nahuhulog na ang loob niya para sa kaibigan. Balak niya sanang sabihin iyon sa binata pero dahil sa nakikita niya ang kislap sa mga mata nito at masayang kwento nito tungkol kay Lindsay, napagpasyahan niyang itago na lamang iyon sa sarili. Wala rin naman kasing magandang mangyayari kung aamin pa siya. Hindi rin naman nito masusuklian ang nararamdaman niya.
"Syd, come on. Spill it. Alam mo namang ayaw kong nakikita kang hindi okay, eh," malungkot ang tinging sabi nito sa kaniya.
Bakit ba kasi nahulog pa siya sa isang ito, eh? Hindi tuloy niya magawang maging masaya para sa kaligayahan nito.
"W-wala. Don't mind me. Masaya ako para sa inyo, maniwala ka."
Sa huli ay sumang-ayon na lamang ito at nagpatuloy na naman sa pagkukwento sa kaniya. Lumipas ang ilang buwan at ganoon pa rin ang set up sa tuwing magkasama sila ni Luke. Magkukwento ito nang kung anu-ano at hindi pwedeng hindi maisingit ang kasintahan. Nandoon na hinihingi pa nito ang opinyon niya sa mga surprises na naiisip nito para sa monthsary nila. Hindi tuloy niya maiwasang mainggit kay Lindsay. Mabait naman ang kasintahan nito ngunit hindi pa rin pala sapat iyon para huwag siyang makaramdam ng selos. Dahil habang nakikita niya ang mga positibong katangian nito, mas lalong lumiliit ang tiyansa na magustuhan siya ng taong tinatangi niya.
Isang araw, inaya niya si Luke na magpunta ng Rizal. Naimbitahan kasi siya na mag-hike doon. Excited din siyang makita ang mga windmill plant na balita niya'y mayroon din sa lugar. Isa rin ito sa mga bagay na napagkakasunduan nila ni Luke, ang magpunta sa kung saang lugar.
Pero ganoon nalang ang disappointment na naramdaman niya nang i-reject nito ang invitation niya. Unang beses nitong ginawa iyon. Kahit kasi sabihin pang naging sila na ni Lindsay, he always find time to be with her especially when she's about to travel somewhere.
"Bakit ayaw mong sumama? Luke, akala ko ba gusto mong makakita ng windmill? Mayroon nga sa malapit oh. Ang labo mo naman," reklamo niya dito. Hindi niya itinago sa boses ang pagtatampong nararamdaman para dito. At mas lalo lang bumigat ang nararamdaman niya nang marinig ang sinabi nito.
"I'm sorry, Syd. Kung alam mo lang, gustong-gusto kong umoo pero kasi iniisip ko si Lindsay, eh. Pansin mo naman siguro recently na hindi na ako masiyadong sumasama sa iyo. Sinabihan kasi niya akong umiwas muna ako sa iyo, eh."
May hinanakit na tinignan niya ito. Hindi siya makapaniwalang lalabas ang mga salitang iyon sa bibig nito. At bakit parang kasalanan pang samahan siya nito? Ganoon naman na talaga sila bago pa magkaroon ng Lindsay sa buhay nito.
"Sorry, Syd. Nagseselos kasi sa'yo si Lindsay eh. Ayaw ko namang mag-away kami. Alam mo naman 'yon 'di ba?"
Para siyang biglang nanlambot sa narinig. Hindi niya maiwasang masaktan. Akala niya wala ng may mas sasakit pa sa katotohanang hindi siya mamahalin ng taong mahal niya. Pero hindi pala, mas masakit pala iyong katotohanan na pipiliin nito ang taong dahilan kung bakit siya nasasaktan. Mas masakit pala na parang bumubuo ito ng napakalaking pader sa pagitan nila para lamang pangalagaan ang relasyon nito sa babaeng iniibig.
"I'm sorry," hinging paumanhin muli sa kaniya ni Luke. Ayaw man niyang isipin ngunit bakit tila nasasaktan din ito na tulad niya? Iwinaksi na lamang niya ang naiisip. Ayaw niyang umasa sa wala.
"O-okay. Siguro nga tama lang na huwag na tayong masiyadong maging malapit sa isa't-isa. Huwag ka rin palang humingi ng sorry. Gets ko naman," aniya at tumayo na. Hindi na niya hinantay ang sagot ni Luke. Mabilis niyang tinalikuran ang binata at nang masigurong malayo na siya dito, saka parang ulan na bumuhos ang mga luhang kanina pa gustong maglandas sa kaniyang mukha. Siguro nga, tama lang na layuan niya na ang binata. Baka sign na rin iyon na kailangan na niyang tanggapin ang sinasabi ng parents niya. Matagal na siyang kinukulit ng mga ito at kung sakali mang tatanungin ulit siya ng kaniyang mga magulang. She'll surely say yes. If leaving this town would help her get through this heartache, then she will take risk! If living her life in Manila would help her mend her heart, gagawin niya kahit pa mapalayo siya sa kaniyang lola at mga pinsang sobrang napalapit sa kaniya.
Present...
Ilang tawag din ang natanggap niya sa kaniyang ina. Patuloy ito sa pangungulit sa kaniya at kung anu-ano pang mga kwento tungkol sa San Isidro ang sinasabi nito just to convince her.
She felt her mother's eagerness in convincing her to a point that even the proposal of her counsin was told in full detail.
Napaikot na lang niya ng wala sa oras ang kaniyang mga mata habang nakikinig sa kaniyang ina mula sa kabilang linya.
"Mom, I almost memorize the whole story. Paulit-ulit ko na pong naririnig na kinukwento ninyo."
"Ganoon dapat 'nak ang mapangasawa mo. Iyong hindi ka susukuan saka kaya kang ipaglaban. Aba! Sa panahon ngayon, bibihira na yata ang nagsi-settle at naniniwala sa kasal. Karamihan sa mga kabataan ngayon, mas gugustuhin na lang na magsama kesa gumastos sa pagpapakasal. Kesyo ilalaan na lang sa iba ang pera pero kalaunan maghihiwalay rin naman," patuloy na litanya nito. Nai-imagine niya tuloy na kung sakali mang kaharap niya ito, malamang at nagpakita pa ito ng mga litrato ng mga binatang anak ng katrabaho nito. Makailang beses o ulit na nga ba siyang pinagbalakan at kinumbinsi ng kaniyang mommy na makipagmabutihan sa mga ito?
"Mommy, syempre depende po sa tao 'yun. Hindi naman po lahat eh wala nang kabalak-balak sa pag-aasawa at pagpapakasal. Sadyang nagiging praktikal lang po talaga ang iba."
"Practicality bang matatawag iyon kung pagkatapos ng sarap at dumaan sa hirap ay iiwan ang pamilya? Sino bang magsa-suffer? Hindi ba't ang anak?"
May point naman ang ina. Sino nga naman ba kasing matinong magulang na gugustuhing magdusa o mag-suffer ang mga anak? Pero siyempre, naniniwala pa rin siya na may kaniya-kaniyang kwento at dahilan ang bawat isa. Iba-iba kung baga ng prinsipyo, iba-iba ng pamamaraan sa kung papaano harapin ang kasalukuyan.
"Huwag po kayong mag-alala, once na makita ko na si the one, hindi ko iyon papakawalan at agad kong papakasalan!" may assurance at confident na turan niya sa ina. Mahirap na, baka mamaya ay tumaas pa ang dugo nito. Magkakaroon pa ng problema kung sakali.
"Aba dapat lang! Kung pwede nga lang sana 'yung katulad nung kaibigan mo noon sa San Isidro eh. Sino nga iyon? Anong pangalan nun?" walang kapreno-prenong sabi nito.
Bigla namang siyang kinabahan sa pinatutukuyan ng kaniyang ina. Mukhang alam na niya kung sino ang sinasabi nitong kaibigan niya noon sa San Isidro.
Sasagot o magsasalita na sana siya para pigilan ito sa pag-bring up ng topic na iyon ngunit heto at dire-diretso pa rin ito.
"Aba'y kagwapong bata noon. Kay galang pa. Aliw na aliw kami roon ng Daddy mo sa tuwing makikita namin. Kapag nga nagkita kayo ulit eh sabihin mong dumalaw naman sa atin. Marami akong gustong itanong sa kaniya at makikibalita na rin kung may pamilya na. Dahil kung wala, kuuu! Siya na ang ipakilala't iharap mo sa amin. Walang isang salita ay makukuha ninyo kaagad ang basbas namin ng Daddy mo."
"Mommy!!!" wala sa loob na napasigaw siya matapos marinig ang sinabi nito. Ngunit imbes na pagalitan siya ay nangibabaw pa ang tawa nito mula sa kabilang linya.
"Kuu!! Iyan ba'y hiyaw ng kakiligan? Kung hindi ko nga lang ramdam na may pagtingin ka roon noong araw ay iisipin kong tatanda kang dalaga eh. Sa dami-dami nang nagparamdam sa iyo, wala ka man lang natipuhan o sinagot. Hindi katulad doon sa kaibigan mong iyon, tuwing uuwi kami ay siya ang lagi mong bukang bibig. Pati tuwing magkakasama tayo at matitingin ka sa kaniya'y nangingislap 'yang mga mata mo. Umamin ka nga, Sydney. Ikaw ba'y na-heart broken sa kaibigan mong iyon kaya ka ganiyan ngayon?"
Natigilan siya ng bahagya. Hindi yata't napasama pa ang naging reaksyon niya. Kung bakit ba naman kasi napaka-observant ng nanay niya? Bigla rin siyang kinabahan sa mga huling sinabi nito. Hindi kaya't may ideya talaga ang mga ito sa kung bakit ganoon na lamang siya ka-emosyonal noong lumuwas sila noon ng Maynila?
"Sydney, there is nothing wrong of being broken hearted. It is just actually part of a process for us to grow and see who really cares towards us and to realize how courageous are we in dealing such situation. It has been years and you should decide to step up now. The time is running. Me and your dad is not getting any younger. Soon, you will be needing someone you can depend on. You really need to have your own family so you could feel an unexplained kind of happiness that no words can ever explain."
Yeah, right. With that being said, after hearing what her mother says, she decided to go back in San Isidro. Maybe it is about time to face the ghost of yesterday. Maybe it is about time for her to face the unresolve chapter of her life. Congrats to her mom, she won this argument this time. But who knows? Maybe the phrase 'mother knows best' can be applicable this time.
"Whatever, mom. You're just overthinking. Please tell Lola Ising to prepare a grand welcome for me, okay?" napapikit siya ng wala sa oras at agad inilayo ang cellphone sa kaniyang tainga. "Mommyyy!!! Bakit ka sumisigaw?!"
"I am sorry, 'nak. Na-carried away lang ako. Siguraduhin mo lang na uuwi ka nga sa atin ha? Dahil kung hindi, ako mismo hahanap ng lalaking ipapakasal sa iyo. Wala kang ibang magiging choice kundi umoo sa paring magkakasal sa inyo."
Natawa siya sa sinabi nito, "as you say so mom." Tila sumusuko nang sagot niya rito.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (28)

  • avatar
    HeartfiliaBernice

    maganda yung pagkakasulat mo sa first chapter, I like it, it's very calming to read. Hindi jumbled yung words and may quality talaga! looking forward sa next chapter! i cant wait kapag nakarating na siya sa maynila hahahhaa sino naman kaya ang mamimeet niya doon? im sure marami since it's a big city! as for me, ayoko sa manila mag-aral. for me lang naman hehehheehe. Thanks for this chapter author 💙

    31/03/2022

      1
  • avatar
    martosmyzelmae

    it's nice to read.

    22/05

      0
  • avatar

    eydhdnxvzfzvd zvzhf? F fz z xvzvzxfzhcxbxzgzgzvz zbxf? zxvzvz zvzbshzhzhzhzbshdhdysysysudududhzhzbsehsfhx fxk kfncjcjgkgifi kf k kcjduuididudidififud kdifududud idifuffj idididididididid idififufufufifjdrggdgkdjgk fidififififud jfififififif kfkeudeeidkfmhmh kfkgkgkgkgjfffjdj kggifif kfkfk kfkgkf kfkfifi kfkfkfi kdififif ididifi iddidkfkfiifif c kdififififi fkfififfiif kfifididifiggig ididkdififif kfidififfifif jdjfifjfjf idiffjfififuf jfifi idifi didi ididid jdiiddjfi kdidig idifif idififif

    10/04

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด