logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

My Man in the Mirror

My Man in the Mirror

xarisagape


Chapter 1

Prologue
Sumisinghot na pinaglalagay ni Sydney ang mga damit niya sa maletang ni minsan ay hindi niya inakalang magagamit niya. Kanina pa siya umiiyak at namamaga na rin ang mga matang hindi na yata kinakaya ang mga tubig na lumalandas dito. Labag man sa loob na sundin ang kaniyang mga magulang, pinagbigyan niya na ang mga ito. Naisip niyang para na rin iyon sa ikatatahimik ng kalooban niya. Baka kung ano pang mangyari sa kaniya kapag pinilit pa rin niyang manatili sa bahay ng kaniyang Lola Ising na siyang nag-aruga sa kaniya. Batid niyang mabigat din para sa mga ito ang hayaan siyang tuluyan nang sumama sa kaniyang mga magulang ngunit wala namang magagawa ang mga ito lalo pa kung pagkakataon din ito para sa kaniyang mga magulang na makasama siya sa araw-araw.
Sa Maynila kasi mas piniling mamalagi ng mga magulang niya. Nandoon kasi ang trabaho ng mga ito at dahil ayaw naman niyang mapalayo sa kaniyang lola at mga pinsang nakasama sa paglaki, pinili nalang niyang mapahiwalay sa mga magulang. Nakakasama naman niya ang mga ito dalawa o tatlong beses sa isang buwan kaya kahit paano ay hindi naman siya gaanong nangungulila sa mga ito. Nandoon na minsa'y nagbabakasyon din siya sa mga ito tuwing summer. Bagama't mayroon naman siyang mga naging kaibigan na anak ng mga katrabaho ng kaniyang ama at ina maging ang ilang mga kaedaran sa kalapit na bahay, iba pa rin talaga para sa kaniya na makasama ang mga taong kinalakihan niya. Mas kilala niya ang mga ito at mas marami silang napagkakasunduan. Isa pa sa mga dahilan kung bakit mas pinipili niya sa San Isidro ay ang mga naririnig na kwento patungkol sa Maynila. Bilang lumaki sa probinsiya, alam niyang malaki ang pagkakaiba ng pamumuhay at kultura ng mga lugar.
"Sydney, are you done packing your things?" tanong sa kaniya ng kaniyang ina na nakasilip sa pintuan ng kaniyang kwarto. Hindi niya namalayang nabuksan na pala nito ang pinto. Sa sobrang okupado ng kaniyang isip ay hindi niya talaga mapapansin ang presensiya nito. Kung hindi marahil nagsalita ang kaniyang ina ay tahimik pa rin siyang nag-aayos ng kaniyang mga dadalhin.
Nilingon niya ito at may pagmamadaling pinunasan ang mukha. Nagpaskil din siya ng isang pilit na ngiti, "yes, mom." Kaagad ding nawala ang ngiting iyon sa kaniyang mga labi, hindi niya talaga kayang itago ang bigat sa dibdib. Ngunit kailangan. Kailangan niyang panindigan ito.
Tuluyan nang pumasok ang kaniyang ina at dinaluhan siya sa kama kung saan siya nag-aayos ng mga dadalhing gamit.
"I know it's not easy for you. You used to live your life here and you love them especially your lola. Pero 'nak, mas maganda kasi talaga kung sa Manila ka mag-aaral ng college. Mas maganda ang mga opportunities," paliwanag nito sa kaniya at isa-isa na ring dinampot ang mga damit na pinili niyang dalhin. Tinulungan siya nitong ilagay sa maleta ang kaniyang mga gamit.
Nginitian na lamang niya ang kaniyang ina at hindi na nagsalita pa. Sana nga, iyon lang talaga ang dahilan ng pag-iyak niya. Sana nga ang katotohanang mapapawalay siya sa mga taong mahal niya ang tanging dahilan kung bakit parang dinudurog ang puso niya sa mga oras na ito. Sana nga ang isiping mami-miss niya lang ang mga ito kung bakit ang bigat bigat ng kalooban niya, kung bakit tila naninikip ang dibdib niya at halos pangapusan siya ng hininga. Pero hindi, sapagka't hindi niya kayang dayain ang sarili niya. Kahit anong pilit niyang pangungumbinsi sa sarili ay batid niyang higit pa sa pag-alis sa lugar ang dahilan ng nararamdaman niya. At kahit pa yata pagbali-baliktarin ang mundo, hindi niya maikakailang nasasaktan siya dahil sa isang tao. Kung bakit ba naman kasi ngayon pa piniling tumibok ng puso niya para rito? Kung kailan alam niyang may itinatangi ng iba ang puso nito, kung kailan alam niyang kailanman ay hindi siya makikita nito sa paraang higit pa sa mayroon silang dalawa. Alam niyang masiyado pa siyang bata para masaktan nang ganito, maaari ding sabihin ng iba na hindi tama ang interpretasyon niya. Pero wala nga sigurong pinipiling edad ang pag-ibig, kahit sa murang edad ay maaari iyong maramdaman. Kung baga sa paglanghap ng hangin, hindi ito mapipigilan. Kusa itong magpaparamdam at madalas pa, sa paraang hindi gugustuhin at inaasahan. Kasabay pa ng pagkakataong tila mas malabo pa sa tubig kanal ang maging akma sa nararamdaman.
Hindi nagtagal ay tuluyan na nga silang umalis ng mga magulang. Tahimik lang siyang nakatunghay sa bintana ng kanilang sasakyan. Tahimik na sumasambit ng pamamaalam sa lugar na nagturo sa kaniya ng iba't ibang bagay at karanasan.
Goodbye, San Agustin. Paalam, lola. Paalam sa inyong lahat. Aniya sa isip habang pinagmamasdan ang lugar kung saan siya minahal ng mga taong minahal niya. Kung saan din siya unang nagmahal at nasaktan. Unti-unti na ngang nawala sa paningin niya ang munting paraisong hindi niya aakalaing lilisanin niya. Isinandal na lamang niya ang sarili sa loob ng sasakyan. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya sa mahaba-habang biyaheng nilalakbay nila. At kung ano man ang kahahantungan ng desisyon niyang ito, sana ay dalhin siya nito sa kung saan mas mapapabuti at maghihilom ang batang puso niya.
Please be kind to me, Manila. You will be my home in few hours. Please give me friends that will help me forget about him... aniya sa isip at patuloy nang dinama ang malumanay na pakiramdam na siyang dulot ng pagbiyahe paalis sa lugar na sobrang napamahal na sa kaniya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (28)

  • avatar
    HeartfiliaBernice

    maganda yung pagkakasulat mo sa first chapter, I like it, it's very calming to read. Hindi jumbled yung words and may quality talaga! looking forward sa next chapter! i cant wait kapag nakarating na siya sa maynila hahahhaa sino naman kaya ang mamimeet niya doon? im sure marami since it's a big city! as for me, ayoko sa manila mag-aral. for me lang naman hehehheehe. Thanks for this chapter author 💙

    31/03/2022

      1
  • avatar
    martosmyzelmae

    it's nice to read.

    22/05

      0
  • avatar

    eydhdnxvzfzvd zvzhf? F fz z xvzvzxfzhcxbxzgzgzvz zbxf? zxvzvz zvzbshzhzhzhzbshdhdysysysudududhzhzbsehsfhx fxk kfncjcjgkgifi kf k kcjduuididudidififud kdifududud idifuffj idididididididid idififufufufifjdrggdgkdjgk fidififififud jfififififif kfkeudeeidkfmhmh kfkgkgkgkgjfffjdj kggifif kfkfk kfkgkf kfkfifi kfkfkfi kdififif ididifi iddidkfkfiifif c kdififififi fkfififfiif kfifididifiggig ididkdififif kfidififfifif jdjfifjfjf idiffjfififuf jfifi idifi didi ididid jdiiddjfi kdidig idifif idififif

    10/04

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด