It's been a week since I met the guy whom I still don't know the name yet, and maybe, I will not know ever.
At isang linggo na rin akong grounded dahil no'ng gabing iyon ay nalaman pala nina Mom at Dad na wala ako kila Laarni.
Napasimangot ako nang maalala si Mr. BMW, ang unfair lang kasi. Alam niya ang pangalan ko, samantalang ako, hindi ko alam ang pangalan niya.
Noong binanggit niya kasi ang name ko at umalis, doon lang nag-sink in sa utak ko na suot ko pa rin pala ang aking ID.
Pero, kumusta na kaya siya?
Gusto ko pa naman siyang puntahan doon sa The Chillin para sana makapagpasalamat nang maayos pero, dahil nga grounded ako ng isang buwan, imposibleng mangyari iyon.
I sighed.
"Si guy with latest BMW na naman iyan 'no?"
Nagulat ako nang biglang sabihin iyon ni Laarni na kasalukuyang nagkukulay ng kanyang mga kuko. Nandito kami sa room at hinihintay ang susunod naming teacher.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "Ba't ngayon ko lang nagcu-cutics? Paano kapag biglang pumasok si Sir?" pag-iiba ko ng usapan.
Pero hindi man lang siya natinag sa sinabi ko at ngumiti. "Kakapunta lang dito ng president ng kabilang section at sinabing wala raw si Sir. Hindi ka nakikinig 'no? So, si Mr. Latest BMW nga ang nasa isip mo?" panunudyo niya sa akin habang nakatingin na sa mga mata ko.
I sighed and slowly nodded my head. There's no point in denying. Ako lang ang mapapagod at mabubuking sa huli.
"Do you like him?" diretsong tanong niya. She stared at me intensly.
Do I like him?
Yes, I admit I felt comfortable with him. He comforted me well. Pakiramdam ko nga ay sanay na talaga siyang mag-comfort ng babae.
Pero, iyon lang iyon.
I shook my head. "Hindi. Bakit mo natanong? Gusto ko lang siya mapasalamatan nang maayos," sabi ko. Iyon lang naman kasi talaga ang dahilan kung bakit ko siya gustong makita ulit.
Sobrang unrealistic naman na magkagusto ako sa lalaking kakakita ko palang. Pero, aaminin ko noong una, pakiramdam ko ay parang gusto ko siya pero kalaunan, si Frat pa rin talaga.
Ang ungas pa rin na iyon talaga ang gusto ko. Kainis.
Ngumiti sa akin si Laarni at tumango. "Okay, hindi mo nga siya gusto. Akala ko pa naman makaka-move on ka na kay-
Siniko ko si Laarni nang muntik niya ng sabihin ang pangalan ni Frat. Paano na lang kung may nakarinig? Pagkatapos ay kumalat at nalaman ni Frat o kaya ni Wina?
Malaking problema iyon. Lalo na at nagkakamabutihan na talaga sina Frat at iyong crush niya.
"Ay, Faith. Manonood ka ba ng game practice ni Frat mamaya?" tanong sa akin ni Laarni.
"Oo, nangako kasi ako sa kanya."
"Sus, I bet magmamayabang na naman iyon."
Tumawa ako sa sinabi ni Laarni. "Ano pa nga ba?"
"Pero, ang genius ni Frat 'no? Noong nagpaulan siguro ng talento, katalinuhan, at sex appeal, hindi natulog ang isang iyon. He's almost perfect. Kaya kapag pinakawalan iyon ni Wina, ang malas niya."
"Yeah, that's what I love about him. Kapag may bagay kasi siyang gustong matutuhan, paglalaanan niya talaga ng time at effort," pagsang-ayon ko. "Pero, sobra naman yata ang almost perfect. Alam mo naman kung gaano kawalang kuwenta iyon sa bahay nila."
Natawa si Laarni sa sinabi ko, siguro nang may ma-realize. "Ay, oo nga pala! Engot nga pala iyon sa gawaing bahay at sa T.L.E."
Bukod sa pagiging assistant or secretary ni Frat sa school, kapag wala ang Mom niya sa bahay nila, sa akin lagi dumedepende ang isang iyon.
Alam kaya ni Wina ang ganoong side ni Frat?
Sana, hindi.
It may sound selfish but I want him to depend on me, always. At gusto kong sa akin lang ipakita ni Frat ang side niya na ganoon. Hindi sa iba, mas lalong hindi kay Wina.
***
Kasama ko ngayon si Laarni sa court kung saan nagpa-practice ang tennis team. Nasa puwesto kami kung nasaan sina Frat at ang kalaban niya. Wala akong gaanong alam sa tennis pero, feeling ko naman, maayos ang laro ni Frat.
"Member pala si Alfie ng tennis team? Ba't siya nandito?" litong tanong ko kay Laarni nang makita si Alfie Beck na nasa bench, nakasuot din ng uniform ng tennis team ng school namin at mukhang maglalaro rin.
Laarni rolled her eyes. "Alam mo namang parang kambal tuko 'yong si Frat tapos ang giraffe na iyon. Kung nasaan ang isa, nandoon din ang isa."
Pinigilan kong tumawa nang marinig ang tawag ni Laarni kay Alfie. Mahaba kasi ang leeg ni Alfie kaya giraffe ang asar sa kanya ni Laarni, si Alfie naman ay daga ang asar sa kaibigan ko dahil sa ngipin niya sa harap. Actually, ang cute nga ng ngipin niya kaya hindi ko gets kung bakit napipikon siya sa asar ni Alfie
Parang katulad kaya kay Ariana Grande ang ngipin niya sa harap.
Tumango ako sa sinabi ni Laarni at pinokus na ulit ang atensyon sa laban ni Frat, na mukhang tapos na yata dahil nakikipag-shake hands na siya sa kalaban niya.
"Oy, wait! Sinong nanalo? Si Frat ba?"
Tumingin ako kay Laarni, umaasang makakakuha ng sagot pero, nagkibit-balikat lang ito sa akin.
"Aba, malay ko, wala akong alam sa larong tennis 'no!"
Tumango ako sa sinabi niya nang ma-realize iyon. Mukhang kailangan ko nang pag-aralan ang larong tennis sa mga susunod na araw para naman hindi ako magmukhang tanga kapag magkukuwento na naman ang ungas na si Frat.
"Punta tayo kila Frat! Tanungin natin kung sinong nanalo," yaya sa akin ni Laarni. Wala na akong nagawa nang hilahin niya na ako papunta kay Frat na ngayon ay palabas na ng court kasama si Wina.
"Pero, nandoon si Wina." Huminto ako sa paglalakad kaya napatingin sa akin si Laarni na nakataas ang kilay.
"So? Ano naman? Hindi pa naman sila a? Atsaka, ba't ka affected? Best friend ka kaya ni Frat," ani Laarni.
Napabuntong-hininga ako at tumango.
Tama nga naman. Set aside ko nga muna itong feelings ko. I should be proud of him because he will soon have the person he's longing to be with because after all, I'm his best friend.
Naglakad na kami papunta kina Frat at nang makita ako ni Frat, ngumiti siya at tumakbo papalapit sa amin.
"Faith, nakita mo ba ang laro ko kanina? Ang galing ko ba? Nakita mo ba ang twist serve ko?" nakangiting sabi ni Frat, makikita ang kislap sa mga mata niya habang sinasabi iyon.
"Hindi pa rin perfect ang twist serve mo para ipagmalaki, Nate," wika ni Wina.
"Tss. Oo na, oo na. Ay, Faith, Arni, gusto n'yong sumama sa amin? Magmimeryenda kami pagkatapos ng laban ni Alfie."
"Ayaw ko," mabilis na tugon ni Laarni. Napailing na lang ako. Maski rin naman ako, ayaw ko ngang sumama sa kanila. Ayaw kong makita ang kakornihan ng ungas na si Frat.
Hindi ako sanay. Nakakadiri.
"Sorry, Frat pero, hindi kami sasama ni Laarni. May pupuntahan kasi kami ngayon. Dumaan lang talaga kami rito," aniko at tumingin kay Laarni. Litong tumingin naman siya sa akin at nang mag-gets ang pinupunto ko, tumango siya.
"Yes! Next time na lang. Sige, mauna na kami!"
Hindi na naming hinintay ang response ng dalawa at umalis na. Nang makalayo na kami ni Laarni, hinawakan niya ang wrist ko dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.
Humarap ako sa kanya at litong tumingin.
"Sabihin mo nga Faith, gusto mo bang agawin natin si Frat kay Wina? Gusto mo bang umamin? Hindi ko rin kasi kayang nakikita kang ganyan. Stop faking your smile, stop pretending you're okay because I know, you don't," seryosong wika ni Laarni. Medyo nagulat ako sa sinabi niya.
Alam kong may pagka-straightforward si Laarni pero, hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon sa akin. At hindi ko rin inaasahang ngayon niya sasabihin.
Luminga-linga ako at nakahinga nang maluwag nang wala namang tao rito kung nasaan kami. Nanonood siguro ng laban sa tennis field.
Pero, iyon ba ang gusto ko?
Agawin si Frat kay Wina?
Umiling ako kay Laarni. "Hindi, ayaw kong masira ang friendship namin, Laarni. Ayaw ko."
Hindi ko iyon kaya. Iyon na lang kasi ang bagay na alam kong hindi mawawala sa akin kahit kailan.
"Kung ayaw mo, sanayin mo ang sariling makita silang magkasama, Faith, because sooner or later, magiging sila rin. Sanayin mo ang sarili mo sa sakit hanggang sa parang wala na lang iyon. Siguro naman, darating ang panahon na mapapagod ka rin 'di ba?"dire-diretsong wika ni Laarni.
Bakit parang ang dali lang para sa kanya iyon?
Napakagat ako ng ibabang labi para pigilan ang sarili na umiyak. Napalunok ako bago ngumiti at magsalita. "Wala na bang ibang paraan, Laarni?" tanong ko, nakangiti pa rin.
Why I am so pathetic?
Bumuntong-hininga naman si Laarni at niyakap ako. "Faith, nandito lang ako lagi para sa 'yo. Tutulungan kita sa kung anumang desisyon mo because I want you to be happy. Kung gusto mong agawin si Frat kay Wina, tutulungan kita. Kung gusto mong mag-move on, tutulungan kita. Just open up to me, okay?"
What did I do to my past life to deserve such friend like her?
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko sa aking pisngi nang sabihin niya iyon. I smiled and nodded. "Uhm, pag-iisipan ko, Laarni. Thank you."
J o hindi w
19/04
0bossmike
07/11
0thank you po
15/10
0ดูทั้งหมด