Even I was outside of the bar called The Chillin’, I could hear the loud music and the shouts of the people inside and could see the neon colors that came from disco lights.
I couldn’t stop myself from biting my thumb because of uneasiness.
Hindi naman siguro niya ako ibebenta sa loob, right? Like gagawing prostitute? Don’t tell me, nakuha niya ang mamahaling motor niya dahil sa mga illegal na gawain?
The heck! Ano ba itong pinasok ko?
Naiiyak na ako.
“Hey, what’s your problem?” he worrily asked. I could see the sincerity in his eyes and even I have negative thoughts lingering in head, I still find him someone I can trust.
I don’t know why I am feeling that I could trust him; why I am feeling comfortable to this complete stranger.
I gulped. “Hindi mo naman ako ibebenta sa loob ‘di ba? Wala namang prostitution or illegal sa loob ano?”
Pagkatanong ko no’n ay nawala ang kunot sa noo niya at bigla na lang siyang humalakhak. Napatulala ako sa kanya.
The heck, may nakakatawa ba sa sinabi ko?
Napasimangot ako. Nang mapansin naman niya iyon ay tumigil siya sa pagtawa at tumikhim. “All right, tingin mo ba ganoon akong tao?”
I looked at him from head to toe and slowly nodding my head. “Yup, itim kasi ang suot mo at may earings ka pa. You are giving a vibe that you’re a trouble,” I said, nodding my head, convincing myself that what I have stated was a fact.
Na-offend naman ako nang humalakhak ulit siya. The nerve of this guy! Ba’t ba siya tawa nang tawa kahit walang nakakatawa sa sinabi ko?
Nakakinis.
Maya-maya rin ay huminto siya sa pagtawa at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Bigla akong kinabahan dahil doon lalo na noong sumeryoso siyang tumingin sa mga mata ko.
“You have nothing to worry about. I’m not that bad,” he said and smiled genuinely at me.
I gulped then nodded my head absentmindedly. He held my wrist, pulled me, and started to walk inside the bar.
Bakit pakiramdam ko talaga ay ginamitan ako ng spell ng isang ito para maging sunod-sunuran ako sa kanya?
At sumusunod ka naman, Faith?
Napailing ako sa sarili ko. Nang nasa tapat na kami ng pintuan papasok sa The Chillin ay hinarang kami agad ng malaking guard na nakaitim, matangkad, at parang suki sa gym ang katawan. Nakatingin sa akin ang mamang guard ng bar na ito. Bigla tuloy akong napakapit sa damit ni Mr. BMW.
Hindi ko pala natatanong ang pangalan niya.
“Hindi p’wede ang minor dito at hindi rin p’wede ang ganyang suot.” Agad akong napatingin sa suot ko nang sabihin iyon no’ng mamang guard. Oo nga pala, dahil hindi pa ako umuwi sa amin ay hindi pa ako nakapagpapalit ng damit at naka-uniform pa rin.
May binulong lang si Mr. BMW sa humarang sa amin at agad na kaming pinapasok. Litong napatingin naman ako sa kanya. Inunahan ko siya sa paglalakad at hinarang.
May binabalak talaga yata ang isang ito.
“What did you say to that man? Bakit tayo pinapasok? Paan—hoy! Kinakausap pa kita!” Napasigaw na lang ako dahil hindi niya pinansin ang tanong ko at nagmamadaling naglakad.
Kainis. Bakit ba kasi sumama pa ako sa kanya?
Kinuha ko naman agad ang phone ko sa aking bag at d-in-ial ang number ni Laarni pero, nagri-ring lang phone niya at hindi sinasagot. Kainis. Gusto ko sanang tawagan ang parents ko pero, baka mapagalitan lang nila ako kapag nalaman nilang wala ako kila Laarni.
I sighed.
Kahit ayaw kong tawagan ang ungas na iyon, no choice. Bukod kay Laarni ay siya lang naman ang may contact ako.
Nang mai-dial ko sa phone ang number ni Frat, isang ring palang ay sinagot na nito ang tawag. Napataas tuloy ang kilay ko.
“Frat, help me—
“Faith? Nasaan k—
“Tara na.”
Napaangat ako ng tingin nang kuhanin ng kasama kong lalaki kanina ang phone ko at pinatay ang tawag. Pinasok niya rin sa kanyang bulsa ang phone ko at hinawakan ang aking palapulsuhan nang mahigpit.
Parang nawalan ako ng pag-asa sa ginawa niya.
Ano nang mangyayari sa akin? Aaminin ko nang ang tanga ko sa pag-ibig, pero ang hindi ko matanggap ay ang tanga ko rin sa taong pagkakatiwalaan ko.
Totoo talaga ang kasabihang, don’t trust the strangers.
“Hey, why are you crying?”
Napahawak naman ako sa aking pisngi dahil sa sinabi niya. Oo nga, umiiyak na naman ako. Pangalawang beses na ako nakitang umiyak ng kumag na ito, at mas lalo akong nainis sa sarili ko.
Bakit ang dali sa aking umiyak sa harap ng isang taong hindi ko naman kilala pero, sa mga taong mahahalaga sa akin, hindi ko magawang umiyak sa harap nila?
I smiled a little while looking at my hand that was wet from tears.
I really, really hate myself right now.
My eyes grew wider as Mr. BMW pulled me into a hug. His embrace was warm; I felt the comfort in there even he didn’t say any comforting words.
But, why is he doing this?
“I hate seeing a girl crying so please, stop. This bar is owned by my uncle and my band is going to perform here. So, relax okay? Nothing bad gonna happen. Kaya p’wede tumigil ka na sa pag-iyak?” he said, stilling hugging me and gently caress my head.
Nang sabihin niya iyon, napatango na lang ako at sinunod ang sinabi niya. Mayroon kasing something sa boses niya na nakakahipnotismo at isama pa na ang gaan ng pakiramdam ko habang kayakap siya.
Ilang saglit lang ay kumalas na siya sa pagkakayakap at ngumiti sa akin. “Tara na?”
I smiled back at him and nodded as response.
Maybe, he’s really a good person. Hindi naman porque pumupuntang bar ay bad influence na at may ginagawa ng illegal na gawin. Ito ang napapala ko sa kanonood at kababasa ng dramas at fictional stories e. Kung ano-ano tuloy ang pumapasok sa isip ko na sobrang layo naman sa realidad.
Pagkapasok ng The Chillin', medyo napatakip ako ng tainga dahil sa ingay ng mga tao at sa malakas na tugtog.
Ganito pala ang party sa mga bar.
Napangiti ako sa sarili.
Sinundan ko lang si Mr. BMW habang naglalakad patungo sa kung saan mang puwesto niya ako balak dalhin.
“P'wedeng dito ka muna? Malapit na kasi mag-perform,” bulong niya sa tainga ko.
Tumango naman ako sa kanya at ngumiti. “Sige.”
“Hey! Huwag mong bibigyan ito ng alak. Minor pa 'yan,” pasigaw na sabi ni Mr. BMW sa bartender na nandito sa counter kung nasaan ako nakaupo.
Bigla tuloy akong napayuko. Nakakahiya! Pinagtinginan tuloy ako ng mga nakarinig ng sinabi niya.
Sino ba naman kasing magsasabi ipagsagawang minor ako?
“Hindi ka raw p'wede ng alcohol, ito juice na lang ang sa 'yo.” Napaangat ako ng tingin nang ilapag ni Mr. Bartender ang lemon juice sa harap ko.
Ngumiti naman ako sa kanya at nagpasalamat.
After that, habang umiinom ng lemon juice ay tumingin-tingin ako sa paligid.
Grabe, ang wild pala talaga ng mga tao sa bar? Parang mga walang kahihiyan at hindi iniisip ang iispin at sasabihin ng ibang tao sa kung anomang ginagawa nila.
Habang nililibot ang tingin, napako ang mga mata ko kung nasaan si Mr. BMW. Nasa stage siya ngayon kasama ang mga lalaking hindi ko kilala. Kasalukuyan silang nagse-set ng instruments na gagamitin nila para sa performance siguro ngayong gabi.
* * *
It's already past 11:00 PM. Hindi ko nga alam kung gising pa ang parents ko.
Pauwi na ako ngayon sa bahay namin, nakasakay sa motor ni Mr. BMW. Pagkatapos kasi nilang mag-perform ng tatlong kanta, kaunting usap lang kasama ang mga ka-bandmates niya ay nag-offer na siyang ihatid ako pauwi dahil baka raw mag-alala ang parents ko sa akin.
Pero, sinabi ko sa kanyang ihatid na lang ako sa subdivision nila Laarni.
Tinatawagan ko ngayon si Laarni pero, walang sumasagot sa phone niya.
“Hindi pa rin sumasagot?” rinig kong tanong ni Mr. BMW na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan.
Basta ang alam ko lang, Suarez ang tawag sa kanya ng ka-bandmates niya.
Ayaw niya rin kasing sabihin. Pa-mysterious masyado.
“Oo e, baka tulog na iyon pero, tatawagan ko ulit,” aniko at napangiti naman ako nang may sumagot na sa kabilang linya.
“FAITH!”
Agad kong nilayo sa tainga ko ang cellphone dahil sa pagsigaw ni Laarni.
“Kung makasigaw ka naman? Nasa labas ako ng bahay n'yo. Pabukas naman ng gate,” sabi ko.
“Ah, sige-sige. Wait lang.”
Nang marinig ko na pinaandar na ni Mr. BMW ang motor niya, agad akong napalingon kung nasaan siya. “Hoy! Sandali lang!”
“Bakit? Mukhang pababa na naman ang kaibigan mo? May kailangan ka pa ba?” litong tanong niya sa akin.
I sighed. “Thank you for tonight. Last na ito, ano bang pangalan mo? Ba't ayaw mong sabihin sa akin?”
Ngumiti naman siya sa akin. “You don't need to know my name, Faith. Hindi na naman tayo magkikita,” aniya at pinaharurot na ang kanyang sasakyan.
J o hindi w
19/04
0bossmike
07/11
0thank you po
15/10
0ดูทั้งหมด