Kanina ko pa naririnig ang reklamo ni Laarni dahil noong pumunta kaming office kanina ay nakasama kami sa bibigyang punishment ni Ma’am Lourdes. Nasermunan kasi siya ng principal kaya iyon, kami ang pinagbuntunan ng galit.
“Hay, ang malas-malas ko talaga ngayong araw! Panira ka ng first day of school, Frat! Titingin pa naman ako kung may poging grade 11 ngayon sa school natin,” naiinis na sabi ni Laarni habang naglilinis ng sahig. “Nakakapagod na! Hindi ko dapat ito ginagawa ngayon e!” sabi pa nito at nagpunas ng pawis sa noo.
“Alam mo kung bakit ka napapagod, Arni?” si Frat, tumigil sa pagmo-mop at tumingin kung nasaan si Laarni.
“Alam mo? Bakit?”
“Ang daldal mo kasi. Why don’t you just clean the floor nang matapos tayo? Kaya siguro hindi kayo nagtagal ni Alfie, e. Napuno na siguro ‘yon sa ugali mo,” natatawang asar ni Frat kay Laarni. I couldn’t help but smile when I saw how Laarni rolled her eyes and ignored what Frat said.
Alfie is Laarni’s ex-boyfriend. Naghiwalay sila noong nakaraang taon at pagkatapos no’ng break up na iyon, hindi na pinansin ni Laarni si Alfie at para silang aso’t pusa kapag magkasama.
Frat really knows how to handle people to make them do what he wanted them to do. He knows what to say in every situation. He knows what he wants and gets it in his own way.
Because we were the only ones in the lobby and Laarni shut her mouth, the place then covered of an eerie silence. No one dared to speak. Naglinis lang kami nang tahimik.
Until Laarni once again break the silence. “Frat, ano palang nagustuhan mo kay Wina?”
Hindi nakatingin si Laarni kay Frat nang tanungin iyon at abala sa pagmo-mop. Napatingin naman ako kay Frat para makita ang reaksyon niya. But to my surprise, he didn’t have any. He looked serious while mopping as he answered Laarni’s question.
May gumugulo ba sa isipan niya?
“Kailangan ba may reason para malaman mong gusto mo ang isang tao?” he asked then tilted his head towards my direction. When our eyes met, I quickly averted my gaze.
Gosh! Napansin niya bang nakatitig ako sa kanya?
Hindi ba obvious, Faith? Mas naging obvious ka kaya masyado dahil nag-iwas ka pa ng tingin.
Ah, kainis.
“Point taken. Pero, bakit hindi si Faith? Maganda naman siya, matalino, mabait, at magkasama na kayo simula pagkabata, hindi ka man lang ba na-in love sa kanya?”
Napasinghap ako nang marinig ang tinanong ni Laarni kaya nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya pero kinindatan niya lang ako at nginitian.
Fine, I also want to know his response towards that question. Hindi sa umaasa ako, curious lang ako sa sagot niya. Alam ko namang may Wina na siya e.
I sighed.
Okay, fine. Umaasa ako.
Napailing ako at ibinalik na lang ulit ang atensyon sa ginagawa. Tumalikod na rin ako sa kanilang dalawa, kunwari ay wala akong pakialam.
“Bakit hindi si Faith? Hmm—
“Nathan! Pinapatawag ka ni Coach!”
Inis akong napatingin sa kung sinumang biglang sumulpot at pinutol si Frat sa sasabihin niya. Litong napatingin sa akin ang lalaking tumawag kay Frat kaya inirapan ko siya na ikinatawa naman ni Laarni. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya dahil sa ginawa ko.
“May nakakatawa ba, Arni?” litong tanong ni Frat.
“Wala-wala. Gusto ko lang tumawa, masama ba?”
“Gets ko na. Ang weird mo nga talaga gaya ng sabi ni Alfie,” patango-tangong sabi ni Frat, na para bang kaka-realize niya lang noong bagay na iyon.
“Anong sabi mo?!”
Frat ignored what Laarni had said and walked towards my direction. He’s smiling. Hindi katulad ng seryoso niyang mukha kanina.
“Faaaith,” napangiwi ako nang marinig ang pagpapahaba ni Frat sa pangalan ko.
Heto na naman siya.
Bored ko siyang tiningnan at pinag-crossed ko ang aking mga braso sa dibdib ko. “No,” sagot ko kaagad kahit hindi ko pa naririnig ang request niya.
I already know. Iiwan niya na naman sa akin ang trabaho niya.
“Faith naman, minsan lang ito. Promise, ililibre kita pag-uwi natin! Babawi ako, sige na, please? Pretty please?” Hawak niya na ang kamay ko at sobrang lapit nan g mukha niya sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin at malakas siyang tinulak.
“Oo na! Oo na! Sige na, umalis ka na. Bago pa magbago ang isip ko,” mataray na sabi ko. Natuod naman ako nang bigla niya akong yakapin.
“The best ka talagang best friend, Faith.”
Ouch, ang sakit naman no’n.
Hindi ko maiwasang magpakawala ng mahabang hininga nang makaalis na si Frat.
Lumapit naman sa akin si Laarni at niyakap din ako, ginaya niya ang sinabi ni Frat kanina.
“Hanggang best friend ka na lang ba? Hanggang best friend na lang ba ang beauty natin, bes?” natatawang tanong ni Laarni. Siniko ko lang siya at inirapan na mas lalo lang ikinatuwa ng bruha.
“Pero ‘yong totoo, Faith. Walang halong biro, sa tingin mo, kahit minsan ba ay hindi ka nagustuhan ni Frat?” curious na tanong sa akin ni Laarni na ikinabuntong-hininga ko.
Dahil lagi kaming magkasama ni Frat, halos lahat na lang ng tao ay palaging ganyan ang tanong sa amin. Kung mag-best friend lang ba talaga kami at walang relasyon. Or kung wala bang na-fall sa amin. Syempre, noon, ang lagi naming sagot ay wala. Never mangyayari iyon.
Pero noong second year ako at nang mag-transfer si Laarni sa school namin, nagbago ang sagot ko. Kung si Frat, kayang pasunurin ang lahat sa gusto niyang mangyari, si Laarni naman, kayang malaman kung nagsasabi ba ng totoo ang isang tao o hindi.
Kaya napasabi ako ng totoo nang tanungin niya ako noon kung may gusto ba ako kay Frat o wala.
“Hindi, imposible. Kapatid na lalaki lang ang turing no’n sa akin.”
“Sure ka?”
Napataas ako ng kilay dahil parang hindi kumbinsido si Laarni ng sagot ko.
“Bakit?”
“Ah, wala-wala. Baka guni-guni ko lang iyon,” natatawang sabi niya, umalis sa harap ko, at nagsimula na ulit maglinis.
***
Nagsisimula nang lumubog ang araw. Marami nang naglalabasan na mga estudyante. At magdadalawang oras na rin akong nasa waiting shed na nasa harap ng school namin, hinihintay ang ungas na si Frat.
Ako lang mag-isa rito dahil nauna nang umuwi si Laarni kanina pang 2:00 PM. May sundo kasi siya.
“Akala ko ba sabay kaming uuwi?” naiinis na sabi ko habang tinatawagan ang cellphone ni Frat pero wala namang sumasagot, nagri-ring lang.
Kinabahan ako bigla. Baka kasi may masama nang nangyari sa kanya. Hindi ko maiwasang mapakagat ng darili ko habang palinga-linga sa paligid.
I sighed as I putted my phone inside my bag and started to cross the road.
Bumalik ako sa school.
Una akong pumunta sa baseball field, nagbabasakaling nandoon siya pero, wala raw. Ang sabi pa ni Coach Keita ay nag-quit na raw si Frat sa baseball team.
Unbelievable. Parang kahapon lang ay todo effort siyang matuto mag-baseball at natutuwa siya dahil maraming magagaling na kalaban sa larong baseball tapos ngayon malalaman kong nag-quit siya?
Don’t tell me . . .
Patakbo akong pumunta sa tennis court. Nasa dulo pa iyon ng campus namin kaya nang makarating ako roon ay hingal na hingal ako.
Saglit akong napapikit at nilanghap ang sariwang hangin. Napakagaan sa pakiramdam. Lalo na at wala akong naririnig na ingay maliban sa nakaka-relax na tunog ng malamig na simoy hangin. Napangiti ako dahil doon.
Pero pagkadilat ko ng aking mga mata, nawala ang ngiti ko at natulala. Pakiramdam ko rin ay dinikdik nang paulit-ulit ang puso ko hanggang sa magkapiraso-piraso ito.
Oo nga’t walang tao rito, maliban sa dalawang tao na ang isa ay nakasuot ng tennis team uniform habang ang isa naman ay naka-P.E. uniform. Nakaupo sila sa bench at. . .naghahalikan.
Pagkakita ko noon, ang kaninang umaga ko pang pinipigilang luha sa pag-alpas, hindi ko na napigilan pa. Parang sirang gripo na sila ngayon, na kahit ilang punas ang gawin ko, hindi matuyo-tuyo ang pisngi ko.
Ang sarap magmura. Bakit ang sakit ma-stuck sa unrequited love? Ang mas masakit pa ay iyong alam mong hanggang best friend lang talaga ang turing niya sa ‘yo at hanggang doon na lang iyon.
The heck! Bakit ba kasi na-in love ka pa sa idiot na iyon, Faith? Iyan, nasasaktan ka tuloy. Hindi ka na madala-dala. Umasa ka pang may mangyayaring maganda sa pinangako niyang panlilibre sa ‘yo.
Ang tanga mo, Faith.
Napakatanga mo.
Napalunok ako at pinilit ang sariling lumakad paalis, kahit pakiramdam ko ay nawala lahat ng enerhiya ko nang makita ang masakit na tanawing iyon.
J o hindi w
19/04
0bossmike
07/11
0thank you po
15/10
0ดูทั้งหมด