logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 4

Mirasol Driana
 
Pasado alas dose nang hatinggabi nang magising ako dahil sa isang inggay. Mula iyon sa labas. Kinukusot-kusot ko pa ang mata ko nang buksan ko ang pinto. Tumambad sa akin sina Jam at ate Rossah. May hawak-hawak na cake si Jam habang cupcakes naman kay ate Rossah. They both singing the song ‘Happy Birthday’. Saka ko lang narealize ang lahat.
“Happy birthday, Mira. Happy birthday, Mira. Happy birthday, dear Mira…” They sang together. May pa blending pa silang nalalaman kaya natawa ako nang kaunti. “Happy birthday, Mira!”
“Blow the candle and make a wish!” Jam uttered excitedly.
Iyon na nga ang ginawa ko, I immediately blow the candle and make a wish. Pumasok sila sa kwarto ko at inilapag ang cake at cupcakes sa mini table ko doon.
“Happy birthday, Mira.” Ate Rossah calmly greeted me.
I gave her a sweet smile and replied, “Thank you, ate.”
Kinain na namin ang mga sweets at biglang nagpop-up sa isip ko na birthday din pala ni DM ngayon. DM is my twin sister. Gusto ko sana siyang tawagan pero baka busy siya ngayon, lalo na’t nasa abroad siya nag-aaral. Baka bukas ko na lang siya tatawagan.
“Let’s celebrate tomorrow after class, Mira. Goodmornight.” Jam hugged me and left the room. Si ate Rossah ay kanina pa natulog ulit.
5:30 am nang magising ulit ako. Bumaba na ako sa kusina para magluto pero nadatnan ko si ate Rossah na nandoon. Agad akong nagpanic dahil baka mapagod siya at matrigger ang sakit niya.
“A-Ate, ako na riyan.” Pakikiusap ko sa kaniya.
She just smiled at pinatuloy na ang ginagawa. “It’s okay, Mira. Ako na muna for now, okay? Please? I miss doing things like this and isa pa, it’s your birthday! You need to relax and… enjoy.”
“Okay, ate, but please, huwag mo papagurin masyado sarili mo, okay? It’s risky.” I remind her. She just nodded and continue cooking habang ako ay dumiretso na sa banyo upang makaligo.
Nang lumabas ako sa kwarto ko, wearing my school uniform and my bag, I went to the dining table and start eating breakfast with them. Kahit gusto ko lang kainin ay pancake, kumain na rin ako nung iba pang niluto ni ate Rossah dahil naguiguilty ako na siya pa nagluto… and also, as a sign of gratitude.
“Ate, mauna na kami. Take care and take your medicines, okay?” Paalala ni Jam sa kapatid niya.
“Of course, Jamilla. I am not a kid anymore, okay? I can handle myself.” She chuckled.
Jamilla just rolled her eyes, “I know, ate. Naninigurado lang. Wala kang kasama dito, oh.”
“Okay, okay.” Ate Rossah raised both of her hands, mukhang sumusuko na sa diskusyon nilang magkapatid.
We bid farewell to her as I drove to our school. Nang maipark ko iyon ay bumaba na kami. When we entered the classroom, may narinig akong tunog na parang sumabog. Buti na lang hindi ako magugulatin. It was a confetti.
“Happy birthday, Mirasol Driana!” My classmates said in chorus. I didn’t expect it.
I automatically smiled and thank them. Sabi na eh, si Jamilla may pakana ng lahat, dinamay pa pati mga classmates namin na handang-handa naman sa pangsusurprise.
Hind ko alam pero iba ang pakiramdam ko sa araw na ito. Oo, birthday ko ngayon pero parang hindi naman talaga ako masaya. It’s like I’m losing my other half. Biglang sumagi sa isip ko si DM. Nang maglunch break ay saka ko siya binalak na tawagan. After ng limang ring, sinagot niya na rin ito, finally.
“Hello, DM?” I tried to sound normal.
[“H-Hello, M-Mira…”] Iba ang boses ni DM ngayon. Nanghihina rin iyon at mahina lang. Hindi naman ito ang normal speaking voice niya, eh…
“DM? Ikaw ba ‘yan? Bakit iba yung boses mo? Are you sick?” Nag-aalalang tanong ko. Jam just looked at me, worried. Nasa cafeteria kasi kami ngayon.
[“A-Ah, oo, ako ‘t-to. Medyo n-nasobrahan lang yata s-sa k-kakapuyat dahil maraming a-activities dito s-sa u-university namin…”] Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya bigla. Mukhang kinakapos siya ng hininga.
Sasagot na sana ako nang biglang ibang boses na ang sumagot sa kabilang linya.
[“Mira!” Si mhi iyon. “Pasensya na, n-nilalagnat kasi si DM. Grabeng p-puyat niya siguro araw-araw kaya nagkakasakit na siya.”]
“Mhi? Nasa abroad ka ba?” Tanong ko. Imposible namang hindi nakaalis si DM sa Saipan at naroon parin si Mhi.
[“A-A-Ah, o-oo, anak. Sumunod ako s-sa kapatid mo papuntang a-abroad.” Nanginginig ang kanyang boses, uutal-utal. “S-Sige na muna, Mira. Iinom na nang g-gamot si D-DM.”] After that, I hunged up the call.
Jam shot a glance at me. Curious sa nangyayari. “What happened, couz?” Hinawakan niya ang kamay ko.
“Hindi ko rin alam, Jam. Hindi ko alam.” Umiiling ako habang pinipigilan ang sariling umiyak. Nakakahiya kung may makakakita sa akin.
“Shh, it’s alright. DM will be alright, okay?” Tumango ako, kinukumbinsi ang sarili na magiging okay rin si DM. “Smile ka na, couz. Birthday mo pa naman ngayon. Be positive! Good vibes lang!” She cheered me up. I smiled… pero pilit lang muna sa ngayon. Pinisil niya pa ang pisngi ko. I’m lucky I have a cousin like her. She’s always there for me.
Nang hapon na, pinauna na ako ni Jam na umuwi dahil marami daw silang gagawin. Jam is an officer of the student council here in our University. Ngayon lang ulit sila naging busy. Susunod na lang daw siya mamaya para maicelebrate namin ang birthday ko… which is hindi naman talaga masaya para sa akin. Kung ako nga lang ay mas pipiliin ko na huwag na lang icelebrate ang araw na ‘to.
Nagulat ako sa isang pagbusina. Nag-aabang kasi ako nang taxi pauwi. I shot a glance at the car. Pamilyar ang kotse, huh. A guy walked out of the car. My guess is right, it’s him.
“Samuel.” I greeted. Nagulat pa siya sa pagtawag ko sa kanya, as if I’ve said something.
“You rarely called me in my full name, Chammy.” He let out a soft chuckle.
“Hmm, you’re right. Your full name is Samuel Jaeron Tiangco.” Tumawa rin ako. “Ano palang ginagawa mo rito?” Pag-iiba ko sa usapan.
“Hmm, I just saw you here eh. I assume na pauwi ka na?” He asked, lifting one of his eyebrows.
“Yep, balak ko sanang magcommute.” Sagot ko.
“Then, no need to commute. Sabay ka na sa amin.” He jerked his thumb to the car.
Teka, amin? It means na may kasama pa siya?
“Uh, yeah, sige.” Napilitan na lang ako na sumama, tutal wala rin naman na akong choice. Mahirap magcommute sa ganitong oras.
Sa likod ako sumakay at unexpectedly, I saw an another familiar face.
“Driana.” He greeted with a small smile.
“Uh, hi, Kai.” Naiilang kong bati. What’s happening to you, Mira?! Naiilang ako sa titig niya, sobra.
“Uh-huh, happy birthday, Driana.” He greeted me and gave me a pat in my head.
My heartbeat… I think, they’re abnormal.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (19)

  • avatar
    JalalodenNorfatmah

    grabee

    08/07

      0
  • avatar
    BurlazaBetang

    puck you

    10/02

      0
  • avatar
    lou camangonbyron

    it's good

    26/12

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด