NAKANGITING pinanood ni Cassandra ang ginawang pagsubo ni Damon sa maliit na piraso ng karneng kanyang niluto. "Masarap?" nakapangalumbabang tanong niya sa lalaki. Nangingislap pa ang mata niya sa excitement para sa magiging komento ni Damon. Tatlong linggo na ang lumipas simula nang magpaturo siya kay Felicidad na magluto at ng magkasakit siya. Bilang pasasalamat kay Damon dahil sa pag-aalaga nito sa kanya ay siya pa mismo ang nagboluntaryo para magluto ng tanghalian. Abot-abot nga ang kasiyahan niya sa dibdib nang hindi niya masunog o malugaw ang kanin. Saktong-sakto ang pagkakaluto niya. Sa ngayon, ito namang ulam ang iniintay niya kung ayos ba ang pagkakaluto. "Ano ba ito? Adobo o sinigang? Ang asim!" hindi maipinta ang itsura na wika ni Damon matapos na malunok ang isinubo. Nawala ang katuwaan sa dibdib ni Cassandra. Walang pasabing inagaw ang tinidor kay Damon at tumusok ng maliit na karne. Bawat nguya niya ay ang siyang pag-asim din ng mukha niya. "Maasim nga," nakasimangot na wika ni Cassandra. Bugnot niyang inilapag ang tinidor sa lamesa. Nakasimangot na tinungo ang bintana. Pinagkrus ang mga braso habang pinapanood ang mga batang paslit na tuwang-tuwa sa paglalaro. "Galit ka?" Nakasimangot na sinalubong niya ng tingin si Damon nang kuhitin siya nito. "Niluto ko 'yon para sayo, eh. Pero palpak na naman," nanunulis ang nguso na wika niya. Natatawang pinisil naman ni Damon ang pisngi niya. "Masarap naman," nangingislap ang mata na wika nito. Nanlaki ang mata ni Cassandra sa katuwaan. "Talaga?" parang batang wika niya at nagtutumalon pa. Para bang tropeyo na sa kanya ang marinig na masarap ang niluto niya. Lalo na kapag kay Damon nanggaling. "Oo. Konting asim nalang at pinaksiw na," nanlolokong wika ni Damon. "Nakakainis ka!" Inis na lumayo si Cassandra kay Damon. Nakasimangot na tinalikuran ang lalaki at tumungo siya sa lamesa. "Ako nalang ang uubos nito," nakasimangot parin na wika niya. Mabigat ang kamay na tumusok ng ulam. Isusubo na niya sana ang nasa tinidor pero mabilis iyong inagaw ni Damon, maging ang nasa pinggan. "Bakit mo inagaw? Akin na yan. Ayaw mo naman eh," may hinampo na wika niya. Nginisian siya ni Damon. Walang pasabi na sinubo ang nasa tinidor habang titig na titig sa kanya. Napababa tuloy ng tingin si Cassandra nang makaramdam ng kakaiba sa tingin nito. 'Malagkit ba siyang tumingin o binibigyan ko lang nang kahulugan?' Naiangat niya lang ang ulo nang tapikin siya ni Damon. "Bakit?" Sinenyasan siya nito na tumungo sa labas. Hindi magawang isatinig ang nais sabihin dahil puno ang bibig ng ulam na niluto niya. Ibinaling ni Cassandra ang tingin sa pinggan na halos kalahati na ang laman. 'Akala ko ba ayaw niya? Maasim daw pero halos ubusin na,' natutuwang wika niya sa isipan. "Ano namang gagawin ko sa labas, Damon? Wala naman akong kaibigan dito," pag-amin niya sa lalaki. Halos magiisang buwan na siya rito pero wala parin siyang kakilala sa lugar. Sa apat na sulok lang ng bahay na ito umiikot ang buong maghapon niya. Sa umaga ay gigising siya para tulungan si Felicidad na maghanda ng umagahan. Matapos nun, ipaghahanda niya si Damon ng kasuotan para sa pagpasok nito sa talyer na pinagtatrabahuhan. Tapos, buong araw na siyang manonood ng mga paslit na walang pagod sa kakalaro. Nasisiyahan siya sa nakikitang kakulitan at ang buhay na buhay nilang tawa. Wala naman telebisyon o radyo sa bahay nila Damon kaya wala siyang ibang pagkakaabalahan. Inilapag ni Damon ang pinggan. Mabilis na tinungga ang isang baso ng tubig. Matapos nun ay pinitik ang noo ni Cassandra na ikinasimangot naman ng isa. "Bakit ka nananakit? Kapag nagkasakit ako, pupuyatin ulit kita," nanlalaking singhal niya dito. Natatawang ipinulupot ni Damon ang braso sa baywang niya. Buti nalang talaga at bakante ang lalaki ngayon. Kung hindi, mag-isa na naman siya. Lalo pa't nasa kabilang bayan si Felicidad para magbantay sa bagong bukas nitong puwesto sa palengke. Mahigpit naman siyang pinagbawalan ng matanda na huwag siyang sumama. Kahit anong pilit niya dito ay hindi parin siya isinasama. Tuloy lagi lang siyang mag-isa. "Pansin ko lang, Cassandra. . ." "Na ano?" kunot ang noo na tanong ni Cassandra dito habang pilit na tinatanaw ang mukha ng lalaki. Nahihirapan kasi siyang itingala ang mukha. Lalo na't sadyang matangkad si Damon. Yumuko naman si Damon kaya nakasalubong niya ang tingin nito. Naglalaro ang mapanlokong ngiti sa labi ng lalaki. "Lagi kang nakatitig nitong nagdaang araw sa mga paslit," tukoy nito sa mga batang naglalaro sa tapat ng bahay nila. Ngumiti si Cassandra. "Ang saya nila pagmasdan. Parang ang sarap tuloy bumalik sa pagkabata. Iyong wala pang problema at puro laro palang ang nasa isip." Umangat ang gilid ng labi ni Damon. "Kung babalik ka sa pagkabata, bawal mo na akong maging asawa. Ang sagwa naman kung may asawa akong parang anak ko," bakas ang kasiyahan sa boses nito ng sabihin iyon. Hindi nga nagtagal at tumawa pa ito. Natulala nalang si Cassandra sa nakitang kasiyahan ng lalaki. Bakas na bakas sa mukha nito ang kasiyahan. Talagang masasabi niyang hindi pinepeke ni Damon ang pagtawa dahil maging mata nito ay halos maningkit pa. Nagmukha tuloy itong singkit. Nang tumigil na sa pagtawa si Damon ay muli itong nagsalita. "Gusto mo bang gumawa na tayo ng anak, Cassandra?" nakangising tanong ng lalaki. Hindi nilalagnat si Cassandra ng oras na iyon. Pero para siyang hihimatayin sa sinabi ni Damon. Para bang nanginit ang temperatura sa loob ng bahay kahit pa malayang nakakapasok ang simoy ng hangin sa loob nito. Nanginginig ang kamay na inalis niya ang braso ni Damon na nakapulupot sa baywang niya. "Para ka namang nakakita ng multo sa itsura mo?" sinundot-sundot pa nito ang pisngi niyang nanginginit na agad niyang iniiwasan. "Hu. . . Huwag ka ngang magbiro." Pinilit niyang palakihin ang mata para sindakin ang lalaki pero gaya nang inaasahan, hindi manlang inaklaban si Damon. Mukhang siya pa nga ang masisindak sa mga salitang lumalabas sa bibig nito. "Sayang." May panghihinayang na wika ni Damon. Nagawa pa nitong patunugin ang mga daliri. "Nawalan ka nga pala ng alaala, mahal. Hindi mo tuloy matandaan kung gaano ako kasarap humalik at kung gaano ka—" Mabilis na tinakpan ni Cassandra ang bibig ng lalaki. "Nakakagigil ka!" inis na inis na wika niya rito. Pero napatili nalang siya nang bigla siyang kilitiin ng lalaki. "Gigil pala, ha." Hindi pa nasapat sa pagkiliti si Damon sa kanya at nagawa pa siyang buhatin. "Damon, ibaba mo ako!" halos lumabas na ang ugat ni Cassandra sa leeg nang isigaw iyon. Nagpupumaslag siya sa hawak ni Damon. Pero mabilis nitong inipit ang katawan niya habang buhat-buhat siya. 'Wrestler ata napangasawa ko.' Para namang binging nagpatuloy lang si Damon sa paglalakad. Wala nang nagawa si Cassandra ng umakyat na sila sa pangalawang palapag ng bahay. "Anong balak mo, Damon ha?!" nanlalaki ang mata na tanong niya nang mapagtantong sa silid sila patungo ng lalaki. "Gagawa tayo ng maliliit na Damon at Cassandra. Para naman, hindi ka na tumanaw pa sa bintana kakapanood ng mga paslit." Napuno ng tili ni Cassandra ang apat na sulok ng bahay. *** "WALA ka bang balak na bumangon, Damon?" May halong inis na tanong ni Cassandra sa lalaking parang sawa kung pumulupot sa kanya. "Ayoko," naghihikab na sagot ni Damon at lalo pang ipinagsiksikan ang mukha sa leeg niya. Napakislot si Cassandra nang makiliti sa bahaging iyon. Ikiniling niya ang ulo para kahit papaano ay mailayo ang leeg sa mukha ni Damon. "Damon, tumayo kana. Tanghaling tirik oh," reklamo ni Cassandra nang makaramdam ng init sa silid na kinaroroonan. Gustuhin man niyang nakayakap si Damon sa kanya pero hindi naman puwedeng hindi sila kumilos. Ni wala pa nga siyang ligo. Bakit ba kasi ngayon pa inatake ng ka-sweetan sa katawan si Damon? Parang bata ito kanina habang wala siyang sawa na kinikiliti. Akala nga niya ay kung ano na ang gagawin nito sa kanya. Iyon pala patatawanin lang siya nang patatawanin. "Ayoko pa. Dito lang ako." Lalo pa itong nagsumiksik sa leeg niya. Nang tangkain ni Cassandra na lumayo sa lalaki ay mabilis nitong idinantay ang isang hita sa tiyan niya. Halos mapisot ang tiyan niya dahil sa bigat ng hita nito. Idagdag pang hindi pa siya nakakakain dahil sa damuhong ito. 'Ano bang nakain nito? Nasobrahan naman ata si Damon?' "Damon!" gigil na sigaw niya at pinagkukurot ito. Panay lang naman ang daing nito pero hindi natinag sa puwesto. Napapagod na hinayaan nalang ni Cassandra ang lalaki. "Cass. . ." tawag nito. Pero nanatiling tikom ang labi ni Cassandra. Para namang kinikiliti ang leeg ni Cassandra dahil sa init ng hininga ng lalaki. Malaya itong tumatama sa hubad niyang leeg. "Kapag ba dumating ang araw na muli kang nakaalala. Anong pipiliin mo? Ngayon o ang dati?" Nagtaka man sa tanong ni Damon ay sinagot parin ito ni Cassandra nang may katapatan. "Depende. Kung mas masaya ang nakaraan, e, 'di ayon nalang." Inalis ni Damon ang pagkakadikit ng mukha sa leeg ni Cassandra. "Paano kung wala ako sa nalimutan mong alaala?" Hindi maiwasan ni Cassandra ang matawa sa iwinika ng lalaki. Bahagya pa niyang hinampas ang balikat nito nang siya'y tumagilid para makaharap ito. Pero napatigil siya nang makita ang kaseryosohan ni Damon. "Anong gagawin mo, Cassandra?" muli nitong tanong. Bumuka ang labi ni Cassandra pero muli niyang isasara nang walang mahagap na salita doon. Nagbuga muna ng hangin si Damon bago bumangon sa pagkakahiga. Nagtatakang pinagmasdan ni Cassandra ang biglang pagbabago ng mood ng lalaki. Kanina lang ay ang sutil at ang loko nito. Pero ngayon, sinapian na naman ito nang pagiging matahimik. Naku! huwag sanang maging pagiging masungit ay dalawin ito. "Aalis ako," tipid na wika ni Damon at walang pasabing iniwan siya. Hinabol nalang ito ng tingin ni Cassandra hanggang sa hindi na niya matanawan ang bulto ng lalaki. "Hindi pa ba ako sanay? Dapat masanay na ako sa pagiging moody niya, tse. . ." Naiiling na lumabas ng silid si Cassandra. Mag-isa niyang inubos ang pagkain na kanyang inihanda. Dahil maging si Felicidad ay hindi siya sinipot sa tanghalian. *** "KUMUSTA pare?" Mabilis na idinikit ni Damon ang kamao sa kamao ni Darcel bilang pagbati dito. "Mahirap parin," natatawang wika niya bago tanggapin ang inabot nitong bote ng alak. Mabilis na inihakbang ni Damon ang mga paa sa upuang kahoy para makaupo roon. "Gago! Mahirap. Neknek mo!" natatawang wika ni Darcel at dinabog ang likuran niya. Hindi na nagulat si Damon sa kilos nito. Sa loob ba naman ng dalawang dekadang pagkakaibigan ay hindi niya pa ito kilala? Kilalang-kilala na niya ito. Hindi man parehas ang dugong dumadaloy sa mga katawan nila ay dinaig pa naman nila ang magkapatid sa sobrang sanggang dikit. "Kamusta si Tanda?" tanong ni Darcel bago lagukin ang alak. "Humihinga pa," baliwalang sagot ni Damon. Madiing ikinawit ang nguso ng bote sa lamesang kinapupwestuhan bago malakas na hinigit iyon para matanggal ang tansan. "Ay ang apo ni Tanda?" nangingislap ang mata na tanong ng lalaki. Hindi man nagustuhan ang reaksiyong nakikita sa mukha ni Darcel ay nagawa niya parin itong sagutin. "Nasa akin." "Woah! Paano mo nagawa iyon? Ay parang hindi nga nasisikatan ang babaeng iyon at hindi manlang pinalalabas ni Donya." Manghang wika ni Darcel. Nginisian nalang ito ni Damon. "Hindi nga, pare. Paano?" pangungulit ni Darcel. Nagawa pang agawin ang iniinom niya. "Huwag na nating pag-usapan," pagsagot niya at mabilis inagaw ang bote kay Darcel bago tinungga iyon. "Type ko pa mandin pare. Kaso mukhang naunahan mo na ako," nakangising wika ni Darcel. Hindi nalang pinansin ni Damon ang iwinika nito. Naiinis man siya sa hindi malamang dahilan ay mas minabuti nalang niyang manahimik. Kailangan niyang mapahinga ang utak sa pag-iisip. Masyado na siyang nalilito sa mga ikinikilos niya maging sa nararamdaman niya. Para bang nagtatalo ang isip at puso niya. Hindi niya malaman kung saan lulugar. "Basta pare. Kapag sumabit ka, tawagan mo lang ako at agad akong aarangkada." Tinanguan nalang niya si Darcel sa sinabi nito. Wala siyang balak na sumabit. Kung mabuliyaso man, ilalabas na niya ang huli niyang alas. Hindi naman siya basta-basta susugod sa isang labanan kung wala siyang ibang plano. Kahibangan naman kung matatalo lang siya dahil hindi niya pinagplanuhan. 'Hindi ka nila makukuha sa akin Sarah. Hindi! Sisiguraduhin ko munang luluhod sila sa harapan ko at luluha ng dugo bago ko sila mapatawad. Nagkamali sila nang inapakan.'
good it's great
25/11/2024
0nice story I think I will like it
22/08/2024
0it's good
15/05/2024
1ดูทั้งหมด