Inilabas ko ang lahat ng makitang pagkain sa ref at nilagay ang mga iyon sa island counter at sunod-sunod na isinubo habang umiinom ng yoghurt. I moaned and closed my eyes when I taste the cake that manang Delia baked, she really loved baking and she always bake me different kinds of pastries. We just finished our dinner but I'm still hungry that's why here I am in the kitchen. I need to be careful because I don't want my parents to know about it, that'll be a horror for sure. Biglang lumiwanag ang kusina, nabilaukan at naibuga ko ata ang lahat ng laman ng bibig ng makita na si V ang nagbukas ng ilaw. Namilog ang mga mata, paulit-ulit pa akong kumurap but he's still there. Napahawak ako sa dibdib at sunod-sunod na umubo. I think he will be the cause of my death. "Here, drink this!" I slightly flinch when I saw that he was already standing beside me while offering me a glass of water. Kinilabutan ata ako at saglit na natulala, ng makabawi ay agad na kinuha ang baso at uminom pero dahil sa panginginig ng kamay ay may kumawalang tubig sa bibig at bahagya pang natapunan ang dibdib. "Careful!" I mentally cursed myself, ramdam ko ang pamumula ng mukha sa sobrang kahihiyan. Inabala ko na lang ang sarili sa pagpunas ng damit. "Why are you eating here in the dark?" "Ha? Ah! Eh!" Tumikhim ako, wala na ata akong mukha pang maihaharap sa kanya. Puwede bang tumakbo na lang papuntang kuwarto ko? "B-Baka makadistorbo ako sa mga natutulog. Ikaw? Bakit nandito ka p-pa?" Mabilis ko siyang hinarap, pinagsisihan ang huling sinabi. "Not that I want you to leave or you're not welcome here." Namilog ang mata ko ng may napagtanto. I stared at him and noticed that he was wearing a plain shirt and sweatpants. Is he gonna sleep here? "May mga tinatapos lang ako." Lumapit siya sa ref at may kinuha don. Siguradong ang mga nabasa ko ang tinatapos niya. Dahil sa akin nahihirapan siya ngayon at nagpupuyat. "Wait for me here," hindi ko na siya hinintay na sumagot dahil tumakbo ako papunta sa silid ko, ng bumalik ay hingal na hingal pero natigilan at namangha sa kanya ng maabutang patapos na siya sa paglilinis ng mga naibuga kong pagkain kanina. "You don't have to do t-that." Mas nadagdagan na naman ang nararamdaman kong hiya. Itinago ang hawak-hawak na paper bag sa likod. Humarap siya sa lababo saka hinugasan ang basong ginamit niya at iyong pinag-inuman ko saka naghugas din ng kamay. "Matulog ka na rin. Good night, Penelope!" Isang sulyap niya lang sa akin at nilagpasan na rin niya ako. Napapikit ako, mariing kinagat ang labi bago napagpasyahang pigilan siya. "Sa-Saglit!" Nakapamulsang lumingon siya sa akin. I gulped nervously and slowly handed him the paper bag I'm holding. Ni hindi ko nga alam kung paano ko iyon maibibigay sa kanya kaya nagpapasalamat ako sa pagkakataong ito. "Think about it as my gi-gift! I hope you will accept it! Please, accept it!" Sabi kong hindi makatingin sa kanyang mga mata, he was staring directly into my soul and finding out my darkest secrets. Nagtitili ako at parang isdang nakawala sa dagat habang nakahiga sa sariling kama. My smile won't fade even I tried to. V accepted my gift but that's not it, I can't forget how he smile. He smiled at me. Kahit saglit lang iyon, kahit maliit na ngiti lang iyon. When he smiled, I feel like I already ascended in heaven. Ang gaan ng pakiramdam ko kinaumagahan at mas nadagdagan pa iyon ng makasabay namin siya sa breakfast kaya hindi na maalis-alis ang ngiti sa labi ko. "Sa lahat ng mga na-grounded, ikaw na ata ang pinakamasaya." Umiiling na bulong sa akin ni manang Delia ng ilagay niya ang baso ng gatas sa tabi ng plato ko. "Yaya!" Pinandilatan ko siya, namula ang pisngi. Ngumisi lang siya pero tinigilan na rin ako. Nang sumulyap kay V ay napainom ako ng tubig ng mahuling nakatingin sya sa akin. Sa tingin ko may maganda ding kinalabasan ang pag-grounded sa akin, dahil doon ay madalas na ako sa bahay at lagi ko ng nakikita at nakakasama si V. I know it's not appropriate to feel this but I'm really thankful and happy. "Sobrang energy mo buong maghapon, Pepe. Ano bang nakain mo?" Reklamo ni Winnie na hindi maipinta ang mukha, we just finished our last subject and that's physical education. Sa totoo lang, dati ay nagrereklamo ako kasi dapat iyon ang pinakaunang subject para hindi tamarin ang mga estudyante. "Vitamin V!" "What?!" "Vitamin B! Try it sometimes!" Natatawa kong sabi pero biglang napaupo sa bench na kinauupuan niya. "Are you okay, Pepe? Namumutla ka." Pansin sa akin ni Gigi na agad akong nilapitan. "I'm okay—" I stopped when I felt so weak and a little dizzy, dumidilim na rin ang paligid ko. Narinig ko pa ang pagtili ng mga kaibigan bago tuluyang nawalan ng malay. Ang nag-aalalang mukha ni mom ang nabungaran ko ng magising. I'm already in my room and lying comfortably on my bed. Mahina akong umungol saka nginitian ang ina. "Thank God you're awake, Penelope!" Para siyang nabunutan ng tinik ng makitang gising na ako, the distress is evident in her face too. I noticed that I'm wearing a simple tee dress and not my uniform. Mahigpit niya akong niyakap habang marahang sinusuklay ang buhok ko. "You lost consciousness earlier, I thought something bad happened to you. You made me worried, Pepe!" Dahil sa sinabi niya ay doon ko lang naalala ang mga nangyari bago ako nawalan ng malay and it frightened me too. Sumaglit din ang mga kaibigan dito pero dahil wala pa akong malay at papadilim na ay umuwi na rin sila. Though, I received countless texts from them. Yep! I'm not grounded anymore. The doctor said I'm too stressed and fatigued and to be able to regain my strength, I need to eat healthy foods on time too. Ni hindi ko nga alam na may ganon na pala akong nararamdaman. Teka nga, nasaan na ba ang vitamin V ko? Lumabas ako ng silid at dumiretso sa library. I'm not looking forward to seeing him there because it's already seven in the evening but in the back of my mind, I hope he's still there. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng library saka sumilip, walang kasing laki ata ang ngiti ko ng makita siya sa kaniyang dating pwesto. My vitamin V! He doesn't have to even try, he just looks so freaking perfect. Napakurap-kurap ako ng sa isang iglap ay hindi na siya makita don. No, he was definitely not an illusion. Bigla ko tuloy naitulak ang pinto para lang magulat dahil nakatayo na siya sa harap ko. I almost held my breath when my face nearly hit his chest. Tumuwid ako ng tayo at ilang beses na tumikhim, hindi makatingin sa kanya at isama pang ayaw ding makisama ng puso ko. "You're supposed to be resting. Maayos na ba ang pakiramdam mo?" So does that mean he knew what happened to me? Hindi ko tuloy napigilan ang pagsilay ng isang matamis na ngiti. Agad akong tumango, I tried to look at him but the intensity and darkness of his eyes weakened me. "Mukhang abala ka. You're going to sleep here again?" Mahinang tanong ko sa kanya. He raised his hand and held the upper side of the door. "No," he said in a low tone that made me blush even more. Bumagsak ang balikat ko, kung ganon hindi ko na siya makakasabay sa breakfast? "Uuwi na rin ako lalo na ngayong nakita ko na ang hinihintay ko." He added. He can really make my heart stop and be alive at the same time. Pakiramdam ko matutuluyan akong magkasakit pero sigurado naman na siya rin ang magiging lunas ko. "Yaya, hindi ko talaga alam kung bakit isinama mo pa ako dito." Sabado at pinilit ako ni manang Delia na samahan siyang mag-grocery. Her reason was, exercise daw iyon. Tulak-tulak niya ang isang cart na wala pa namang kalaman-laman habang nakatutok ang atensyon sa kaniyang cellphone. "Naku! Kapag nalaman mo ang dahilan baka mayakap mo ako." Bulong niya. "O sige, hintayin mo na lang ako dito para hindi ka mapagod. Babalikan kita mamaya." Misteryoso siyang ngumisi bago itinulak ang cart at iwan ako. I rolled my eyes. Sa ilang minutong pag-iikot ay may nahagip ang mata ko, tulak-tulak ni V ang isang cart at abala sa paglagay ng mga mahawakan don. I even blink countless times to make sure he was really there and when he gazed at me, I know he was real. Agad ko siyang nilapitan na para bang magkaibigan na kami. "You're alone?" Tanong niya. Ngumuso ako. "I'm with Yaya Delia. I-Ikaw?" He raised and waved the paper he was holding. Namangha na naman ako sa kanya. So he's doing this thing too? "Get anything you want, it's all on me." Sabi niya mayamaya saka itinulak ang cart at parang may sariling isip ang mga paa na sumabay sa paglalakad niya. Ngumisi ako at tinungo ang malaking tsitsirya pero hindi ko pa iyon nahahawakan ay nagsalita na siya. "Not that," "Sabi mo, get anything I want." "The healthier one!" Sabi niya saka nag-iwas ng tingin. Ngumuso ako, I looked around then returned my gaze at him as I get the junkfood I want. I just want to tease him. Pakiramdam ko kasi napaka-importante ko para sa kanya pag pinagbabawalan at hinihigpitan niya ako. Other people may find it weird but for me, it's sweet, especially if it's him. "Ito!" I said then showed him the junkfood I'm holding, I sounded and looked like I won the lottery. He averted his gaze at me, his forehead furrowed and mouth twitched. I giggled when he shook his head but froze when he walked closer to me, he get the junkfood and returned it then grab my hand saka namin tinungo ang section ng mga healthier foods. "Who would have thought that V is here. Bakit ngayon ko lang siya ulit nakita? Bakit?" Gigi hysterically said, she looks like she's ready to hurt someone. Monday and we're waiting for our teacher. "He's here? Kailan pa?" Tanong naman ni Winnie, medyo tumaas ang boses. Nakonsensya naman ako, I felt like I'm the worst friend to ever exist. Kinuha ko ang libro sa kabilang mesa at inabala ang sarili sa pagbabasa kahit na hindi naman ako mahilig magbasa. "I don't know too. I saw him at the grocery, he was with a girl." Ngumuwi ako, kinagat ang ibabang labi. Ang lakas ng kabog ng dibdib. "Who's the girl?" "Hindi ko nakita iyong mukha dahil nakatalikod, isa pang nagmamadali si mommy." Gigi groaned frustratedly. "Hindi kaya si Stella?" Nakahinga ako ng maluwag pero sa tanong niya ay kumunot ang noo ko. "I really hate that girl. She's a flirt!" "Winona." Sita ko na sa kanya. She rolled her eyes then leaned against her chair and sigh heavily. "My father said, V was already bound to marry!" Namilog ang mata ni Gigi. "Really?" Unti-unti kong ibinaba ang libro sa kandungan, parang nawalan ng lakas ang mga kamay ko. "Yeah! Heard him last night, he was talking with his colleagues and their topic was about V." Nanghihina siyang umunan sa mga brasong nakapatong sa mesa. "Sino daw iyong babae? Kaninong pamilya?" Napahawak ako sa dibdib at ramdam ko ang pagluluksa ng puso. I gulped a couple of times because my throat starts to get dry. "I don't know," Winnie closed her eyes, she looks like she was about to cry. "Coleridge Aldeguer V is the boyfriend we all need but we will never get." Ikakasal na siya. Nakatakda na siyang ikasal sa ibang babae. May nagmamay-ari na kay Coleridge Aldeguer V. I told myself that I shouldn't be affected, it's just a crush anyway. A crush! Oo, hinahangaan ko lang siya tulad ng paghanga ng lahat ng mga babae para sa kanya pero bakit nasasaktan ako? Mabilis kong pinunasan ang mga luha ng marinig ang pagkatok mula sa labas ng silid. "Pasok ho!" Humalukikip ako at hinila hanggang leeg ang kumot ng marinig ang pagbukas ng pinto. "Ay! Naku! Bakit ba ang dilim dito?" Manang Delia immediately switched on the lights. "Pepe, hindi ka pa naghahapunan. Pinatatawag ka na sa baba, bilis! Nandon si Coleridge, dito siya maghahapunan." She's so excited and I will not be shocked if she will try to force me to get up from my bed. Agad akong bumangon, naisuot na ang slipper ng maalala ang dahilan kung bakit ako nagdudusa ngayon. Para akong kandilang unti-unting nauupos, nanghihinang napaupo sa gilid ng kama. I clenched my fist to control myself, especially my feelings. "Pwede ho bang ihatid mo na lang dito ang hapunan ko, yaya?" I said and avoided her eyes. "May problema ba, Pepe?" Mahahalata ang pag-aalala sa kanyang boses. "May nangyari ba? Ano? Nag-away ba kayo ng mga kaibigan mo?" Sana ganon na nga lang ang nangyari pero mas malala pa ang nararamdaman ko. I tried to smile to show her that I'm okay, that everything is okay. But I know, my smile is not that joyful and genuine. "Hindi ho, nakalimutan kong may mga assignments pa pala akong hindi natatapos." I even laughed like there's something funny. I really want to be alone, kulang na nga lang ay itulak ko na siya palabas pero pinipigilan ko lang ang sarili. I don't want to her hurt but I don't want her to see me crying. Bumuntong hininga siya at umupo sa tabi ko. "May nangyari ba? Anong problema? Pinag-aalala mo talaga ako, Pepe. Hindi ako sanay na ganito ka." Tears shone in my eyes when she caressed my hair, nanginig ang mga kamay ko at hindi na maayos ang paghinga. I bit my lower lip to control my sobs but when I looked at her eyes filled with concern like she was already aware of why I'm acting this way, when she smiled and nodded at me, tuluyan na akong humagulhol at yumakap ng mahigpit sa kanya.
SO INTERESTING 🤍🌷
08/09/2024
0can i withdraw
13/06/2024
0good
25/05/2024
0ดูทั้งหมด