logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3

"You looked like a clown, Winnie. Let me fix your makeup." Lumapit si Gigi sa kanya at may binura sa kaniyang mukha, nasa may classroom sila at abala.
"What are you two doing?" Tanong ko ng makalapit sa kanilang dalawa, may pagtatakang pinanuod ang ginagawa nila.
"One of my aunts who lives in Canada, umuwi kahapon at pinasalubungan niya ako ng make-up and some stuff for teens." Sagot ni Gigi, patuloy pa rin sa pagtanggal ng pink eye-shadow ni Winnie.
Pinulot ko ang isang foundation at binuksan iyon. I stared at my reflection, maybe because of the heat kaya namumula ang pisngi ko. Not like Gigi who have long and thick eyelashes, ang akin ay hindi masyadong halata. Maayos naman na dati ang kilay ko, I have a brown almond eye too and a small nose with my narrow lips.
I touched my lips and remembered V kissing his girlfriend that night, I shook my head and immediately erased that thought. Inaya ko silang mag-mall at agad naman silang pumayag, I spent my allowance and the money that Tita Enid gave me buying teen clothes, shoes, and dresses. I think I really need to change my closet.
Gabi na ng makauwi kami, kumain na rin naman sa nadaanang restaurant kanina. At kahit nakapag-text sa mga magulang ay kinakabahan pa rin ako, ito ang unang beses na nagabihan ako ng uwi at sa text lang nakapagpaalam.
Mahigpit akong napahawak sa strap ng bag ko ng matanaw si dad sa labas ng bahay na kausap si V. It's already eight, what is he still doing here? Alas sais ang lagi niyang alis sa bahay namin.
I puffed a breath, there was a sweet smile that was already plastered on my face when I opened the door and get out. They're both staring at me and it made me more nervous that I can't even move my feet.
Pakiramdam ko ang laki-laki ng kasalanan ko at hahatulan na nila ako pareho.
"Aphrodite Penelope Castellano." Nakapamulsa si Dad at mariing nakatitig sa akin, may pagbabanta sa kaniyang mga mata.
"Evening, d-dad!" That's almost a murmur, I step closer to him to kiss his cheeks.
I felt V's stares too but I can't look at him right now, I feel so shy and ashamed.
"It was a great dinner, Mr. Castellano. Mauna na ho ako, have a good night."
"The pleasures ours, Coleridge, mag-ingat ka sa pagmamaneho at ikumusta mo ako sa iyong ama at sa Senyor."
Nang tumalikod si V ay doon lang ako nagkaron ng lakas na tingnan siya. Dito siya kumain? What a joke!
"Aphrodite---"
"Dad!" Agad kong pigil sa kanya at umabrisete sa kaniyang braso, may paglalambing na nagpaliwanag. Mommy isn't that mad pero walang tigil ang panenermon niya sa akin and I know they're just concerned about me and it's for my own good too. I'm busy putting lip balm on my lips when manang Delia entered my room.
"May lakad ka, Pepe? Kadarating mo lang galing school ah."
I saw her reflection in my mirror, dala-dala niya ang mga damit kong nalabhan saka sinimulan niya iyong iayos sa closet ko.
"Wala naman ho, 'Ya!" Tumayo na ako at kinuha ang laptop, ballpen at notebook saka lumabas ng kwarto ko.
I'm wearing a yellow sundress and a pair of doll shoes. I'm so excited to see V, tumakbo na nga ako papuntang library. Huminga ng malalim bago dahan-dahang binuksan ang pinto, I'm sure dad is not here because I saw him earlier when he get inside our SUV with mom.
My knees wilted when our eyes met, natulala pa nga ata ako. Kung hindi lang siya tumikhim ay baka nanatili akong nakatayo pa rin doon. Damn his stares! Isama pa ang pagkunot ng kanyang noo habang nakasuot ng eyeglass.
What a beautiful sight!
"Hi-Hindi ba ako makakaabala sa-sa iyo?" I silently cursed myself for stuttering.
He shrugged his shoulder, not even looking at me. "Not at all."
Umupo na ako sa dati kong pwesto saka binuksan ang laptop, there's a message from Winnie about the camping. I type a reply then send it to her. At the corners of my eyes, I secretly observed him. He's so serious and full of enthusiasm in what he was doing. He graduated from a prestigious university in Manila and business as a course with honors and he also participated in sports and a lot of school activities. He was a campus heartthrob too. May mga nakita akong pictures na naka-tag sa kanyang pangalan galing sa kaniyang mga kaibigan. Based on those pictures, his life is full of excitement.
"Turned off the AC if you're cold." He said in a low tone.
Napangiwi ako ng mapansing yakap-yakap ko na pala ang sarili at medyo nanginginig na rin.
Natatawang napailing na lang ako ng makitang problemado na sila Bernard sa pag-aayos ng tent. Halatang hindi mga marunong. Mula sa pwesto namin kung saan kami nag-iihaw ay kita namin kung paano sila magkagulo, magturuan at magsigawan.
"Ano na? Magdidilim na, hindi pa kayo tapos diyan? Umiiwas lang ata kayo sa pag-iihaw." Nakapamaywang na reklamo ni Winnie, mukhang hindi na nakapagpigil.
This is one of the things I like about my female friends, iyong kaartehan nila ay alam nila kung kailan isasantabi at gagamitin. They know when and where to boss around especially since all of us are too adventurous.
"Talagang ang mga lalaki, sa kama lang magaling at maaasahan." Bulong ni Gigi na narinig namin at ikinawindang. We didn't expect that, especially not from her. Si Winnie oo pero siya? Nakakagulat talaga.
"Gigi," sita ko sa kanya, medyo natawa.
"You're so gross," Winnie eyed her and slightly hit her arm.
Tumawa naman siya habang ibinabaliktad ang mga skewer na may pepper, kamatis na nakalagay sa gitna ng mga karne sa barbecue grill.
"Totoo naman!"
Kung makapagsalita para na siyang may karanasan. Samantalang sa aming magkakaibigan, siya lang ang hindi pa nagkakaron ng boyfriend. I gazed at the countless windmills from afar, it's one of the most beautiful attractions here in Cienfuegos. People from other places come here to see and take pictures of the windmills.
"Picture tayo, Penelope." Alok ni Bernard ng lumapit sa akin, he's already holding his phone.
"Bakit naman?"
"Panakot sa daga, perwisyo sila sa bahay eh!"
Naiinis na sinuntok ko siya sa braso.
"Joke lang. Ito naman!" Bigla niya akong inakbayan at hinila saka iniangat ang isang kamay na may hawak na phone.
"Ngumiti ka naman. Sira ba ang tiyan mo?"
Naiinis ko siyang siniko. "Bakit naman ako ngingiti? Bukal ba sa loob ko ang magpa-picture kasama ka?"
"Isang malaking karangalan kaya ang magpa-picture sa akin."
"Ang kapal! Sa sobrang lakas ng hangin, tatangayin na ata ang mga windmills."
"Ang arte! Nangangawit na ako, ngumiti ka na. Bahala ka kung pangit ka dito. Huwag mo akong sisisihin."
I rolled my eyes but smiled anyway, I think he took almost ten photos just based on how many times he clicked the side of his phone.
"Bakit ang dami naman." Reklamo ko ng makalayo sa kanya.
"Akala mo lang iyon. Huwag kang mag-alala, hindi ko gagawing memes ang pictures mo." Kumindat pa siya bago umalis.
May sapi rin ang isang iyon.
Inilabas ko ang cellphone at kumuha rin ng mga larawan, sa pagpili ay napangisi ako ng makita ang ilang larawan ni V. He's so effortlessly handsome. It's so unfair that in every angle, mas pa-guwapo pa siya ng pa-guwapo. Of course, it was stolen, I'm too shy to ask him for a selfie.
"I missed you, V," I murmured dreamily and using my index finger, marahan kong hinaplos ang kaniyang pisngi kung paano ko gustong haplusin ang kaniyang mukha.
I last saw him yesterday at the library, he's busy reading while me, well, I'm busy too.
Busy staring at him.
"Ano yan, Pepe?"
Muntikan ko ng mabitawan ang cellphone sa biglaang pagsalita at pagsulpot ni Gigi.
I glared at her and immediately turned off my phone. "What is wrong with you? Bakit ka ba nanggugulat?"
She rolled her eyes heavenwards, ignoring my irritation. "Kanina pa kami tawag ng tawag sa iyo, kakain na tayo. And why are you smiling?"
Napalunok ako, biglang kinabahan. "Natuwa lang ako don sa mga nakuha kong pictures ng windmills. Halika na nga!"
Hinila ko na siya pabalik sa pinagka-camping-an namin. They are already eating kaya kumain na rin ako. Nakapaikot kaming nakaupo sa harap ng bonfire may ilang nagpalaro at ang iba ay nagkwento ng kung anu-ano kaya ilang minuto pa bago ako natapos kumain dahil sa kakatawa at kakasigaw. Some started drinking while some were grilling marshmallows.
"No hard drinks," pagbabawal ng isa naming babaeng kaibigan.
Bahagya akong natawa kasi aabutan sana ako ng beer in can ni Gigi, sumimangot siya at hindi na lang iyon itinuloy. Nakakaloko ko siyang nginisian, kumuha na lang ng softdrinks saka inilabas ang phone.
"Bakit hindi natuloy sila Jacob?" Someone asked. "Pinaalam ninyo ba sa kanila ang plano?"
"Ilang beses kong sinabi sa kanya 'no, baka hindi pinayagan ng bago niyang syota."
May ilang sumulyap sa akin na ikinataas ko ng kilay. I just shrugged my shoulder and continued scanning the gallery of my phone. Ang alam ko, kapag weekend ay bumabalik siya sa metro. What are you doing now, V?
"Baka pinagdadamot iyong girlfriend. Para namang aagawin natin."
"Baka si Jacob ang ipinagdadamot." Kibit-balikat na sabi naman ni Gigi.
"Kindly change the topic." Angil ni Winnie. "Don't waste your time talking about those losers!"
Gigi, Winnie, and I shared in one of the tents, it's capacious too. I can even jump if I want to. Nagkwentuhan pa kaming tatlo ng kung anu-ano at alas dose pasado na ng makatulog.
"Sunog! Nasusunog ang burol."
Naalimpungatan ako sa narinig na sumigaw na lalaki, I didn't know if I heard it right or it's just a dream. I waited for minutes if the man will shout again but it was just silent so I continued sleeping.
"Sunog! Sunog! Tawagin ninyo ang bombero. Magmadali! Kumuha kayo ng tubig, kumakalat na ang apoy."
Iminulat ko na ang mga mata, agad inabot ang phone. It's four o'clock in the morning. I groaned and get up. Ginising ang mga kaibigan.
"Pepe!" Winnie groaned and shoved my hand.
"Wake up! Nasusunog daw ang burol." I wore my jacket. "Gisingin mo na rin si Gigi!"
Lumabas na ako at nakitang nagkakagulo na doon, ang apoy ay kalat na at malapit na sa mga windmills. Natulala na lang ako sa kinatatayuan. Maraming tumulong na patayin ang apoy pero dahil nga tuyo ang damuhan at mahangin ay mabilis iyong kumalat, isama pa na ang ibang parte ng burol ay matataas ang damo.
I winced when I heard the sound of the siren and screamed of the people asking for water. To be useful, kahit hindi alam ang gagawin ay tumulong na lang din ako. I saw kids carrying pails of water and they're giving it to some people there.
"Ako na, bata." I said to a kid who is so small but can carry a pail full of water.
"Ate, baka ho mapano ka. Sayang ho, ang ganda mo pa naman."
I laughed at his compliment and the innocent of his eyes amazes me. I disheveled his hair and get the pail.
"Mas kawawa at sayang ang burol kaysa sa akin, Bata."
Ingat na ingat akong huwag matapon ang tubig pero pagdating sa pagsasabuyan non ay kalahati na lang iyon. Tumakbo ako pabalik at agad naman nila akong inabutan ng timba, bumalik ulit ako at isinaboy ang tubig sa apoy. Bahagyang napaatras dahil sa halip na mamatay ay mas lumakas lang iyon. Pakiramdam ko dumikit sa akin ang apoy sa sobrang init non.
Masakit na rin sa mata at ilong ang usok. Kumuha ulit ako ng timba ng tubig, bubuhatin na sana iyon ng may naunang nagbuhat non.
"Wait, that's mine—"
"Just stay here and don't go anywhere."
I froze when I saw V. Napakurap-kurap ng lagpasan niya ako, dala-dala ang timba ng tubig. Is that really V? Sinundan ko siya ng tingin pero likod lang niya ang natanaw ko. Just like what he said, I stayed there kahit ang ilang kaibigan ay inalok akong isabay pauwi. I really waited for him. Si Winnie ay sinundo ng mga bodyguards ng kaniyang ama samantalang hindi ko na nakita si Gigi. But I hope she's safe.
Tumagal din ng ilang minuto ang apoy bago tuluyang naapula, isang windmill din ang muntikan na ring nasunog. I looked around, searching for V. Napagpasyahan kong hanapin na siya dahil hindi ko na kaya ang nararamdamang kaba na para bang sasabog na ang dibdib ko.
"I told you to stay there, didn't I?"
Mabilis akong lumingon at hindi na maitago ang ngiti ng makita siya. Ngumuso ako, nakakatatlong hakbang pa nga lang ako mula sa kinatatayuan ko kanina. Dahil unti-unti ng lumiliwanag ay napasadahan ko siya ng tingin, he's sweating, his hair was a mess and he's a bit dirty and wet too.
Nabaha naman ako ng pag-aalala at alam kong lumarawan iyon sa mukha ko.
"Ayos ka lang ba? Hindi ka ba napano?" Marahan pero hindi maitatago ang takot sa boses ko. Gustong-gusto siyang lapitan at alamin kung may sugat sa kaniyang katawan.
Kumunot ang noo niya, dahan-dahang umiling habang mariing nakatitig sa akin. "I'm fine. How about you?"
"Maayos naman." Mabilis kong sagot.
"Ridge!" A girl called him who is now running in our direction. She sweetly smiled at V when she stopped in front of him. "Kailangan nating gamutin ang mga paso mo. Isasabay na kita sa hospital."
Paso? Sinuri ko ang kaniyang kabuuan at nakita nga ang paso sa kaniyang braso. Medyo may kalakihan iyon. Hindi ko alam kung bakit para akong maluluha at takot na takot. Napahakbang tuloy ako palapit sa kanya.
"M-May sugat k-ka." I said hysterically.
"It's nothing."
"Anong it's nothing Ridge. That's a first-degree burn." Kontra naman ng babae.
"Manong, pakihatid na lang ho si Penelope sa kanila." Kausap niya sa matandang lalaking nakasunod sa kanya.
If this was a different scenario, I will rejoice to hear my name coming from his lips but I can't even smile. Especially that he will be with this girl.
"Tayo na ho, ma'am."
Sila ang unang umalis dahil hinila siya ng babaeng iyon, umirap ako sa hangin at sumama na lang kay mang Julius. Gigil na gigil.
"Pwede ho bang sumunod tayo sa ospital, mang Julius?" Pakiusap ko sa kanya ng simulan niyang paandarin ang kotse.
"Eh, ma'am, bilin ho ni sir V na ihatid ko kayo sa bahay ninyo."
"Saglit lang ho tayo, sige na ho!"
Nagkamot siya ng ulo pero sa huli ay napapayag ko din siya. Nang makarating ng ospital ay agad ko siyang tinanong sa nurse na unang nakita. Because everyone knew him, mabilis ko din siyang nakita. Nakaupo siya sa hospital bed habang pinapahiran ng ointment ng babae rin kanina. So she's a nurse huh!
Hindi ako tuluyang lumapit dahil hindi ko rin alam ang sasabihin, pinanuod ko na lang sila. Ang laki ng pagkakangiti ng nurse at dikit na dikit talaga kay V. Humalukipkip ako, gustong-gusto ng hilain ang nurse palayo sa kanya.
Ano bang pinag-uusapan nilang dalawa at ngumiti si V?
Nang malagyan ng gauze ang kanyang braso at iwan siya ng nurse ay wala pa rin akong lakas na lapitan siya. I'm fine staring at him from afar, I'm happy as long as he's okay. Nang mag-angat siya ng tingin ay agad akong nagtago at mabilis na tumakbo.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (26)

  • avatar
    MGLBALH AB

    SO INTERESTING 🤍🌷

    08/09/2024

      0
  • avatar
    Crystl Bnstr

    can i withdraw

    13/06/2024

      0
  • avatar
    Psalms Thea

    good

    25/05/2024

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด