logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2

"Anong sinisilip mo diyan, Pepe?" Boses iyon ni manang Delia.
Napadaan lang naman ako doon ng marinig ko na parang may nag-uusap sa library, and because of curiosity, sumilip ako sa siwang ng pinto. Dad was talking to someone, nakatalikod ito sa pinto kaya hindi ko makita ang mukha. Sa layo ko sa kanila ay parang bulong na lang ang mga boses nila.
"Sino ho ang kausap ni dad, Yaya?" I asked her, hindi pa rin inaalis ang mata sa pinto.
"Napaka-iportanteng tao. Bata ka, alam mo bang hindi maganda ang makinig ng usapan ng may usapan."
I know that but I'm just really curious.
"It's their fault, they should have locked the door."
"Kahit na. Halika na nga, nasa ibaba na ang mommy mo." Hinawakan niya ako sa magkabilaan kong balikat at pinaharap sa direksyon ng hagdan. "Kanina ka pa hinihintay sa hapag."
We never talked about that and dad never mentioned it in the following days. I know my dad, in his every decision, he will tell it to us. Mapa-usapang negosyo man iyan o kahit ang ang nangyayari sa kaniyang araw ay sasabihin niya sa amin kaya ang sinabi ni manang Delia na importanteng tao ang kausap nito ay hindi ko pinaniwalaan.
My dad was admired by everyone because he was an excellent professor, he retired when I turned a year old and decided to start a business, dahil likas na matalino at maabilidad ay naging matagumpay ito. While my mother is not that typical "anak mayaman o laking probinsya", she was way more than that. She's smart, a fighter, and a rebel. Truth is, her parents are against my father but just to spite them, pinikot niya si dad. And in the end, she fell hardly and deeply in love with him.
"Wala na kayo ni Jacob?"
Saglit akong natigilan sa tanong ni Gigi bago tumango at ipinagpatuloy ang paglagay ng mga hindi kailangang libro at notebook sa locker ko. I broke up with Jacob before the classes even started, of course, he was so mad about it. He even asked me if I'm joking but when he noticed that I'm serious, mas lalo lang siyang nagalit. Since then, he never talked to me but I hope we can still be friends especially since we have the same circle of friends.
"Kaya pala ang hudyo, nakita ko kanina na may kalampungang babae. Ibinabalandra niya pa iyong mukhang hipon na iyon."
Nagkibit-balikat lang ako at ini-lock na ang locker. Kung may bago man siyang girlfriend ngayon, I'm happy for him at labas na rin ako don. I have a life to deal with to even think or care about him or whatever he does or whoever girl he dates.
Dumeretso kami sa cafeteria, dahil abala sa pagtingin sa bag ay nagulat ako ng tabigin ni Gigi ang balikat ko. I gazed at her, confused and annoyed at the same time. May inginunguso siya kaya inilibot ko ang tingin sa buong cafeteria. There's nothing new there, just Winnie with our friends. There's Bernard too and then Jacob with his new girl. She's pretty and her tan skin fits perfectly for her tall and slim body.
Nginisian ko si Gigi at hinila palapit sa mga kaibigan. Though, hindi pa kami tuluyang nakakalapit ng biglang tumayo si Jacob, akbay-akbay ang girlfriend nito.
"Oh! Penelope, si Trisha nga pala. Bagong girlfriend ni Jacob." Pagpapakilala ni Bernard na halatang nang-aasar dahil sa napakalaking ngisi sa kaniyang labi at pinagdiinan pa ang huling sinabi. He looks like a hyena when he smirks.
I waved my hand and smiled sweetly at Trisha. "Hi! I'm Penelope!"
Then I gazed at Jacob but he's so serious, ibinalik ko ang tingin kay Trisha pero inirapan niya lang ako pagkatapos ay hinila si Jacob palabas ng cafeteria. Nagkatinginan kaming lahat saka bigla na lang nagkatawanan, kanya-kaniyang komento.
"Mukhang may tatalo na sa iyo!" I teased Winnie as I sat beside her.
She rolled her eyes. "Don't worry, mas maganda ka don at mas lalo naman ako. Itsura ng babaeng iyon." There's a smirk plastered on her face but I can sense that she's annoyed at Trisha too.
"May pa-irap-irap pa siyang nalalaman." Gigi flipped her hair and sat down on the chair in front of us. "Buti naman kung ikinaganda niya, mukha kaya siyang clown!"
"Grabe! Ang dali mo lang pa lang palitan, Penelope. Kailan lang nong nag-break kayo?" Patuloy na pang-aasar ni Bernard na ikina-woah naman ng iba naming kaibigan lalo na ng mga lalaki.
Inirapan ko sila.
"Payag akong maging rebound sabihin mo lang, ano, Penelope? Tayo na?" One of our male friends suggested but I ignored it. Truth is, I don't feel anything at all. I even thought that I will get jealous or get mad but it was nothing.
"Pepe, gising na. Mag-a-alas otso na!" I heard Manang Delia say but instead, mas lalo lang akong namaluktot sa higaan ko.
"I'm still sleepy and it's weekend ho, Yaya!" I groaned and pulled my blanket over my head.
"Pinapagising ka na ng mommy mo at di ba sabi ko sa iyo na huwag na huwag mo akong ma-english-english. Mauubusan ako ng dugo sa iyong bata ka!"
I giggled at her complaint and I tried to sleep again.
"Sige na, Pepe. Hindi ba at isasama ka ng mommy mo sa Vigan. Gustong-gusto mo doon di ba dahil lagi kang bini-baby ng Tita Enid mo?"
I groaned and pouted, tuluyan ng nagising. Tita Enid is Mommy's younger sister and she's really a sweetheart. I loved her house in Vigan, it's so serene and everything about her house is nature friendly.
"Ihahanda ko na ba ang bathtub mo?"
I rubbed my eyes as I get up then yawned. "Mamaya na ho, mag-breakfast muna ho ako."
"Hindi ka muna ba mag-aayos?"
Umiling ako, humihikab.
"Sigurado ka?"
"Opo, Yaya!"
"Ikaw ang bahala. Sige at nasa hapag na ang mga magulang mo."
Paglabas niya ay doon lang ako tuluyang bumangon. I fixed my bed and did a little stretch before I leave my room, ni hindi na nag-abala pang mag-suklay at tumingin sa salamin. I was humming while walking in the hallway when suddenly the door of the library opened and my eyes widened and jaw dropped when I saw a familiar man there, holding a folder and a book.
Nagkatinginan kami ng mapansin niya ang presensya ko, malakas na kumabog ang dibdib ko at bahagya akong napaatras. His forehead puckered and he stared at me in an uninteresting manner. He's wearing navy blue henleys, raw denim jeans, and a pair of sneakers. Bukod sa mamahaling wristwatch sa kaniyang kaliwang palapulsuhan ay wala na siyang ibang suot na alahas.
Napaatras ulit ako, unti-unting nag-init ang pisngi ng maalalang kagigising ko lang at ni hindi pa nakakapagsuklay lalo na ng pasadahan niya ako ng tingin. Why Yaya didn't tell me about him?
Why?
"What are you doing here?" I immediately covered my mouth with my hands when I remembered I haven't brushed my teeth.
Kinunotan niya lang ako ng noo na para bang walang ka-kwenta-kwenta ang tanong ko.
"What the hell are you doing here?" Tili ko na as panic consumed my system.
"Penelope, manners!"
Medyo napapiksi ako sa awtoridad at diin na naaninag sa boses ni dad. Yumuko ako, hindi na kayang tingnan sila saka nagtitiling bumalik sa silid ko.
"I apologized for my daughter's behavior, Coleridge!"
Narinig ko pang sabi ni dad bago ako tuluyang makapasok sa silid ko. Mariin akong pumikit at padapang bumagsak sa kama ko at nagtitili ulit. What the hell just happened? Is that V? Coleridge Aldeguer? The Fifth?
I looked for my mirror and I felt like I don't want to leave my room anymore. I looked like a freakin' witch! A hag who is wearing pj's with cartoon designs. I looked like a joke!
Pumikit ako at parang gusto ko ng maglaho ng makarinig ulit ng mga katok sa pinto ng silid. Ilang oras na akong hindi lumalabas ng kwarto ko, wala ngang nagawa si Manang Delia kanina ng pumunta ulit dito.
"Pepe, it's me, your mommy. Papasok na ako!"
I buried my face on my pillow and covered my whole body with my blanket. Narinig ko ang mga yabag niya saka paggalaw ng kama tanda na umupo siya.
"Are you worried that your daddy might be mad at you because of how you treat the young Aldeguer? Don't worry, Pepe, you know your dad. He can't be mad at you for too long."
"I know that, mom!"
"Then if nothing's wrong, stand up and fix yourself. Why, you don't want to see your Tita Enid?"
Nanlumo ako, inalis ang kumot at naiiyak na yumakap sa kanya.
"Why didn't even Yaya tell me that he was here. Look at me, I'm so ugly. I'm a mess, mommy. It's so embarrassing!"
Napahalakhak siya na ipinagtaka ko, mayamaya ay sinuklay niya ang buhok ko gamit ang kaniyang mga daliri.
"Dalaga na talaga ang anak ko!" She even said.
Sa kauna-unahang pagkakataon, I don't want to go to Vigan but I don't know how to say that to my mother so I don't have a choice, kahit ayaw ko ay sumama pa rin ako. Maybe if I'm there I will forget about what happened earlier, well just for a while. I'm so happy when I saw Tita Enid, mommy, and Tita Enid looked like a twin but Tita Enid is way friendlier and she's just a breath of fresh air. Si mommy kasi bukod sa prangka ay mapanghusga ang mukha.
"Nabalitaan kong lumapit daw ang batang Aldeguer kay kuya Absalon, pumayag ba ang asawa mo?"
Natigilan ako sa aktong pagsubo sa tanong ni Tita Enid. We're having dinner, I spent my afternoon listening to her stories and playing with her nine dogs with different breeds, colors, and sizes.
"Oo naman hanggang hindi iyon nakakaabala sa kanya. Akala ko nga susuhulan ng mga Aldeguer si Absalon but he proved that he's worthy to be his student."
"Hindi ba topnotcher rin iyon, matalino kaya bakit magpapa-tutor pa siya kay kuya Absalon?"
"Well I heard, he will be having his masters in New York this year. And it's really our honor, there's a lot of professors in Manila but he chose my husband." Nakangising nagkibit-balikat si mommy, mayabang na tiningnan ang kapatid.
Tita Enid's husband is a soldier and was assigned to Mindanao. Wala pa silang anak kaya siya ang nag-aasikaso sa negosyo ng kanilang pamilya na dapat si mommy ang namamahala. Abala din siya sa pag-aalaga ng mga aso, parang iyon na ang itinuring niyang mga anak.
Gabi ng linggo kami bumalik ng Cienfuegos, diretso agad ako sa silid. I wonder, what will be my friend's reaction once I told them that V will always be in our house and he will be my father's student but I don't know why I don't have any strength to tell that to them especially when Monday came.
"Nasa library si Coleridge, Pepe!" Nakangising sabi sa akin ni manang Delia, talagang sinalubong niya ako pagbaba ko ng kotse namin. Kauuwi lang galing school.
Kumikinang ang kaniyang mga mata at ang laki ng pagkakangisi which I find so weird and why would she even tell that to me?
"Sige na, hahatiran ko kayo ng meryenda!" Kinuha niya ang bag ko at parang nililipad na lumuob ng bahay.
I gasped and my heart beat so fast when I realized why she's acting that way. Tingin niya ba talaga ay...
Ako?
I'm not like my friends, duh!
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng silid ko pero hindi ako lumingon. Abala ako sa pagtipa sa laptop ko, ka-chat ang mga kaibigan. They're planning an outing this coming weekend.
"Bakit hindi ka sa library, Pepe?"
I rolled my eyes when I heard manang Delia. She placed the juice and cookies on my side table.
"Yaya, hindi ko ho crush si Coleridge Aldeguer V!" Sabi ko bago pa lumalim ang kung ano mang iniisip niya pero bakit parang nagtatalo ang damdamin ko. Nagtaka ako ng manatili siyang tahimik kaya sinulyap ko siya, she's staring intently at me while smirking. Obviously, she doesn't believe me.
"Yaya!" Iritado ko ng sabi.
Tumawa siya. "Sige! Sige na! Sabi mo eh! May kailangan ka pa ba?"
Tumikhim ako, nag-iwas ng tingin. "Puwede hong pakikuha na lang ho iyong mga damit sa closet ko, inihiwalay ko na ho iyon. Pakitago na lang o di kaya, sa iyo na lang ho. Ibigay mo sa mga pamangkin mo."
Sinundan ko siya ng tingin ng buksan niya ang closet ko.
"Hindi ba—" agad siyang tumigil, kinuha ang mga damit na tinutukoy ko. Ngumisi ulit. "Sige, ibibigay ko na lang ang mga ito sa mga pamangkin kong hindi pa nagkakaron ng crush."
"Yaya Delia!" Namumula na ang mukha ko sa inis pero nakuha niya pa akong pagtawanan.
While looking at V, I want to doubt and hate myself at the same time. Nakasilip ako sa pinto ng library, abala siya sa pagbabasa na kahit ata magtapon ka ng bomba sa harapan niya ay hindi-hindi siya matitinag kaya hindi nya napansin ang dahan-dahan kong pagbukas ng pinto. Ulo hanggang balikat niya lang ang natatanaw ko dahil medyo malayo siya, he's also wearing an eyeglass while writing something. In front of him was his laptop too.
Yumuko ako at tumitig sa hawak ko rin na laptop, ballpen at papel. Nanghihinang isinandal ang noo sa pinto ng bigla iyong gumalaw at muntikan pang sumubsob sa sahig.
"Penelope! What are you doing here?"
Napadiretso ako ng tayo ng marinig ang boses ng ama. I gazed at him and there was suspicion written on his face while holding the door.
"You are here, Dad?" I didn't see nor noticed him.
"Obviously," bumaba sa hawak ko ang mata niya saka bumuntong hininga. "Bakit hindi ka na lang muna sa kwarto mo."
Sumimangot ako sa lantarang pagtataboy niya sa akin.
"Dad, I have an assignment. I need to read books too because we will be having quizzes and graded recitation in the coming days. Maaatim mo ho bang bumagsak ang unica hija ninyo?" Pangongonsensya ko sa kanya pero ni hindi man lamang siya naapektuhan.
"It's okay, Mr. Castellano, patapos din naman na ho ako."
Namilog ang mata ko, biglang naalarma. Kulang na lang itulak ang ama para lang matanaw si V.
"Ha-Hi!" I greeted him nervously but I immediately looked away because it felt like he was observing me, there's really something about his stares that will make you weak.
Sa mini sala ako pumwesto, paharap kay V pero parang hindi ko ata kayang makipagtitigan sa kanya kahit hindi naman siya nakatingin kaya lumipat ako ng pwesto, iyong mas malapit sa kanya pero nakatagilid ako sa kanya. I smiled at my father when I caught him staring at me but he just shook his head. Tila ba alam na ang dahilan kung bakit ako nagkakaganon.
Hindi ko pa nabubuksan ang laptop ng tumayo na si V at iligpit ang kaniyang mga gamit, pakiramdam ko magkakasakit ata ako habang tinatanaw siyang naglalakad palabas ng library.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (26)

  • avatar
    MGLBALH AB

    SO INTERESTING 🤍🌷

    08/09/2024

      0
  • avatar
    Crystl Bnstr

    can i withdraw

    13/06/2024

      0
  • avatar
    Psalms Thea

    good

    25/05/2024

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด