logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 6: Feel The Same

CHAPTER 6: Feel The Same
Sabay kaming pumasok sa hospital naiilang pa nga ako dahil nakatingin sa amin ang mga tao roon lalo na ang mga nurse. Panay bati naman sa kaniya ang lahat ng makasalubong naming mga nurse at staff dito.
Tila mga kinikilig pa nang makita siya pero biglang mapapanguso at napapairap nang makita ako sa tabi ng pinsan ko.
I think they’re just jealous, iniisip nga talaga siguro nilang girlfriend ako ng pogi kong pinsan…
“Doc Cielo! Bro, I thought you don’t have a duty today. Nabanggit kasi ni nurse Jane na nag-overtime ka na naman daw kagabi,” ani ng isang doctor na bumati sa kaniya at napasulyap sa’kin. “Oh, who’s with you?” nakangiti niyang tanong.
Lumingon sa akin si Kuya Cielo. “Yeah, but I have something to do in my office. Ahm, this is Ella, one of our interns under my supervision,” pagpapakilala niya sa akin sa doctor.
Mabilis niyang inilahad ang kaniyang kamay at nahihiyang kinuha ko naman iyon. “Hi, I’m Doctor Joshua Perez but you can just call me Doc Josh. It’s nice to meet you, Ella,” nakangiti niyang sambit na hindi maalis ang tingin niya sa’kin.
Matangkad at moreno ang isang ‘to, halos pareho sila ng katawan ng pinsan ko na mababakas mong alaga rin sa gym. Pero mas lamang sa kagwapuhan ng pinsan ko… dahil walang makapapantay sa taglay niyang kagwapuhan…
Nag-iisa lang ang Dr. Marcus Cielo…
“Hello po, Doc,” I smiled at him. “Doc, I have to go, may rounds pa kami,” baling ko sa pinsan ko.
“Oh, I’ll go with you Ella…mag-rorounds tayo,” Doc Josh said and winked at me. Tinanguan ko na lang siya at tumalikod na sa kanilang dalawa.
“Ella?” Kuya Cielo suddenly called me kaya lumingon pa ako sa kaniya, gano’n din si Doc Josh na nilingon din siya nang tawagin niya ako.
“Hmm?”
He stared at me for a second. “If you need anything, I’m just one call away…” he said softly.
Kagat-labi akong tumango sa kaniya at saka tumalikod para maglakad na, nakasunod naman sa akin si Doc Josh na nakangisi. Pakiramdam ko ay makulit ang isang ‘to at madaldal parang si Chloe, at mukhang mabait rin naman siya. ‘Yon nga lang baka kung ano ang isipin niya sa sinabi ng pinsan kong iyon…
“You know what? You look so familiar to me—I think I saw you somewhere with Doc Cielo…are you two in a relationship?” bigla niyang tanong at natigilan naman akong bahagya sa paglalakad at hinarap siya.
“No, were cousins…” maikli kong sagot.
He looks shocked. “Oh! Sorry! Kaya pala familiar ka sa’kin, e. So, you’re the heiress of Park’s clan…”
“Big deal ba iyon sa inyo?” natatawa kong sagot sa kaniya.
He nodded. “Hmm, of course, you’re the granddaughter of the owner of this hospital,” he sweetly smiled at me.
“Ah, for me it’s not and I don’t need to brag out that.”
“Wow! It seems that I’m talking to Doc Cielo…” natatawa niyang sabi.
“You know I like you already,” he winked at me.
Like agad? Kakakita
niya lang sa akin, e…hmm, babaero siguro ‘to!
“Magkaiba kami ‘non, masyadong seryoso ‘yun sa buhay,” I smirked.
He flicked his finger. “Exactly! Alam mo bang ako lang ang nakatagal sa kasungitan ng pinsan mong ‘yon? Sa sobrang sungit at palaging seryoso ang mukha niya, natatakot siyang lapitan ng mga classmates namin before—until now, mga nurse and other staff here takot sa kaniya,” he chuckled. Natatawang napailing ako dahil totoo ang sinabi niyang iyon at sang-ayon ako roon.
“Eh, ano pa ako? Simula pagkabata namin ay masungit na iyon, but he’s kind, masungit lang talaga.”
“And strict!” dagdag niya.
“Indeed!” I smiled.
“But don’t worry hindi ka naman siguro pahihirapan ng pinsan mo, lalo na ‘ko, I'll just make your practicum journey easier,” he winked at me again.
Panay naman ang pagkindat niya…baka mahipan ng hangin ‘yang mata niya…
Umiling na lang ako sa kaniya, huminto na kami sa may nurse station at agad na siyang binati ng mga nurse na naroon. Nakangiti niya ring binati ang mga nurse at saglit pa siyang nakipagbiruan at kwentuhan sa kanila.
Mabait nga siya at halata naman iyon sa kaniya, panay ang pagbibiro niya, bagay na madalang naman gawin ng pinsan ko, pansin ko ring malapit at kasundo niya ang mga nurse rito…
After naming mag rounds sa mga pasyente ay may-inassign na agad na gagawin sa’kin ang head nurse naming na si nurse Jane. I am currently at the nurse station doing charting, I was recording the patient’s medical information.
Charting involves recording all medical records including the patient’s condition, treatment plan, medication list, and symptoms. The medical chart should also contain the patient’s medical history…
Sa sobrang busy ko ay hindi ko namalayang 12:45 na ng tanghali, at hindi pa ako nag-lulunch. Ang mga ibang classmates ko naman ay busy rin sa kanilang mag na-assign na patients.
Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko kaya agad ko iyong kinuha sa bulsa ko at tiningnan kung kanino galing ang message na iyon.
@CieloPark: “Let’s have lunch?”
Napangiti ako agad sa message niyang iyon, mukhang napapadalas na ang pag-message niya sa akin, ah? Dati naman bihira lang siya mag-message sa’kin dahil busy siyang palagi sa work niya at pag-aaral niya. Agad din naman akong nag-reply sa message niyang iyon.
@EstrellaPark: “I’m still busy. T.T”
@CieloPark: “Just eat first, Ella,” mabilis niyang reply sa message ko.
@EstrellaPark: “Yes, Doc but your treat! xD” agad kong reply sa kaniya.
@CieloPark: “Of course, I’ll treat you well.”
Hindi ko napansin na nag-reply pa pala siya dahil nag-ayos na ako ng gamit ko at nag-retouch ng sarili. Sasagutin ko pa lang sana ang message niya nang biglang may kumatok sa nurse station desk at gulat akong napalingon sa kaniya na may matamis nang ngiti sa kaniyang labi.
“Let’s go?” aya niya sa’kin.
“Wait, oppa, ahm—wala pa kasi ‘yung ibang nurse, e. Walang maiiwan dito,” I pouted. He sighed at saka nagpipindot sa phone niya, maya-maya lang ay may kausap na siya sa phone niya.
“Hello, where’s the other nurse here on the 3rd floor? There’s no other nurse except Ms. Ella, our intern. Yeah—okay, please hurry up. Thanks!” kunot-noo niyang sambit at binaba na ang tawag.
“Oppa, okay lang, mamaya na lang ako mag-lunch baka kasi—”
“No—we’re gonna have lunch now,” he cut me off.
Maya-maya lang ay may dumating na ang dalawang nurse, ‘yung nurse na kausap niya kahapon. Nagmamadali silang lumapit sa pinsan ko at bumati pa, seryoso namang nakatingin lang sa kanila ang masungit kong pinsan.
“Doc Cielo—sorry po, nag-lunch po kasi kami,” ani ng isang nurse na maputi.
“But at least one of you must have been left at the nurse station. Si Ms. Ella lang ang naiwan dito, how can she have her lunch kung walang maiiwan dito sa station?” seryoso niyang tugon.
Seryoso talaga siya! Ang sungit na naman niya…bakas sa mukha ng dalawang nurse ang takot at pagkapahiya nila. Pareho silang bahagyang nakayuko at hindi na makuhang sumagot sa kaniya.
Nagmana talaga siya kay Chairman Park…natawa ako sa naisip kong ‘yon…
“Oppa—Doc, it’s fine,” singit ko at agad naman napalingon sa akin ang dalawang nurse.
“Sorry po, Doc Cielo…” sagot ng isa pang nurse na morena.
“Fine, I just don’t want this to happen again,” sagot niya. “Let’s go,” baling naman niya sa akin. Tumango ako agad at sinundan siya, seryoso lang na nakatingin sa’kin ang dalawang nurse.
“Oppa! Hindi mo dapat sila sinungitan nang gano’n…baka pag-initan ako ng mga ‘yon, e!” siniko ko siya nang makalayo na kami sa nurse station.
“Edi, sumbong mo sila sa’kin,” he said seriously.
Hinampas ko agad ang braso niya. “Ang sungit mo!”
“Masungit pa rin ba ako sa’yo?” kunot-noo niyang tanong.
“Hmm, not only to me…sa kanila ang sungit mo masyado,” I chuckled.
“Pero hindi na nga ako masungit sa’yo ‘di ba?” seryoso niyang tanong at agad naman akong tumango. “Good!” he sweetly smiled at inalalayan na akong pumasok sa loob ng elevator.
Sa isang restaurant kami kumain, akala ko nga sa cafeteria lang ng hospital pero nagyaya siya sa labas na kumain for lunch. After naming kumain ay bumalik din naman kami agad sa hospital dahil may duty pa ako.
Wala naman siyang duty pero sumama pa rin siyang bumalik sa hospital, sabi niya may gianagawa raw siya sa office niya.
At hintayin na rin daw niyang matapos ang duty ko para sabay na raw kaming uuwi, na ikinatuwa ko naman, hindi ko maintindihan pero nagiba talaga ang pakikitungo sa akin ngayon ng pinsan kong ‘yon.
Kung gaano siya ka bait sa’kin noon mas triple pa ngayon, parang mas lalo siyang naging sweet at caring sa’kin sa hindi ko malaman na dahilan…
Does he feel the same? O baka naman iniisip ko lang ‘yun?
“Ella we are here…” he said softly. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at gulat nang makita ang mukha niyang sobrang lapit sa’kin.
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa sasakyan ‘nong pauwi kami.
“Ang pogi mo!” hindi ko mapigilang sabihin, agad naman siyang napangiti nang sabihin ko iyon.
He pinched my nose. “I know…gusto mo sa’yo na?” he smirked.
My eyes widened. “W-what?!”
“Nothing…let’s go?” he squeezed my cheek then he helped me to unbuckle my seat belt.
**
Mabilis na lumipas ang isang linggo, naka-isang linggo na kami sa pag-duty sa hospital. Nasasanay na rin ako kahit paano kahit minsan ang hirap rin talaga, idagdag pa ang mga nurse na medyo napag-iinitan ako. Malamang ay dahil nagseselos sila sa’min ng pinsan ko, araw-araw niya kasi akong pinupuntahan sa nurse station kapag lunch time at break time namin.
Naging mas clingy pa siya sa akin ngayon, well siguro gano’n talaga dahil magpinsan naman kami at wala namang masama roon, iba nga lang nasa isip ng mga nakakakita sa amin.
Kapag nauunang matapos ang duty ko, pilit pa rin niya akong ihahatid pauwi kahit malaking abala sa kaniya ‘yon dahil may duty siya pero siya ang nagpipilit na ihatid ako. Hindi ko naman siya magawang tanggihan dahil ang hirap tanggihan ang isang Dr. Marcus Cielo Park, ang mga katulad niyang nilalang ay hindi dapat tinatanggihan.
Magsisisi ka kapag tinanggihan mo siya…
Kapag nasa mansion naman kami ay bigla siyang mag-yayayang tumabay sa backyard o kaya manood ng movie sa entertainment room namin kahit pareho kaming pagod sa duty, sabi naman niya ‘yun lang daw ang nagiging pahinga niya kaya sinasamahan ko siya.
Maging si Chloe ay napapansin na rin ang pagiging sweet at caring sa’kin ng pinsan kong iyon, na hindi naman daw gano’n dati…
“Beb, what do you think of Kuya Cielo?” Chloe suddenly snapped. We are currently at the coffee shop hinihintay ko ang pinsan ko na dumating dahil sabi niya ihahatid niya ako pauwi kahit na may duty pa siya.
“H-ha? What do you mean?” naguguluhan kong tanong sa kaniya.
She leaned closer to me. “For me, bagay kayo—perfect couple! Isang gwapong doctor at isang magandang future doctor! Pak! Park na Park” she clapped her hands, muntik ko nang maibuga sa mukha niya ang iniinom kong choco frappe sa sinabi niyang iyon.
“Chloe! Ano bang sinasabi mo ‘dyan?!”
“Whew! If you both weren’t just cousin, bagay talaga kayo…but—hindi naman kayo blood related, right? So, pwede naman siguro maging kayo?!” she smirked.
I instantly slapped her hand. “Stop it, beb!” I glared at her.
“Why? I’m just telling my opinion…hindi ako bulag at manhid, beb. So, don’t me…” nakangisi niyang sambit.
“What do you mean?!”
“I have this feeling…that he likes you—no…you both like each other! Oh, my Gee, beb! Para na kayong mag-jowa sa mga actions ninyong dalawa! Kaya ka nga napag-iinitan ng mga ibang nurse dahil nagseselos sa’yo ang mga chakang ‘yon!”
I was stunned by what she said. “H-ha? H-hindi—ah…”
“Gagang ‘to! Sa’kin ka pa mag-dedeny! Eh, bestfriend mo ako! Don’t worry, I’ll support you, beb! Dahil ship ko talaga kayo ni Kuya Cielo kapag lumayag talaga kayo isa na ako sa pinakamasayang fan ninyo! Alam mo kinikilig talaga ako every time na mahuhuli ko siyang nakatingin sa’yo, like duh—nakakatunaw ang mga tingin niya sa’yo!” kinikilig niyang sabi.
Gano’n na ba kami ka-close ng pinsan ‘kong iyon?
Mukhang hindi ko nga maitatago sa babaeng ‘to ang nararamdaman ko sa pinsan ko, pero dahil sinabi naman niyang susuportahan niya ako, mabuti pa ngang aminin ko na sa kaniya para naman may mapagsabihan din ako ng nararamdaman ko.
Ang hirap na rin kasing magpigil talaga, hulog na hulog na ako sa kaniya…kahit na mali…
Sinubukan ko namang pigilan ang nararamdamn ko kay Kuya Cielo, kaya lang hirap talaga, isang ngiti niya lang sa’kin, marinig ko lang ang malambing niyang boses, natutunaw na ako. Hindi ko naman inaasahan at hindi ko rin naman sinasadya na mahuhulog ako sa pinsan ko…pinsan ko sa papel…pinsan ko sa paningin ng lahat.
“Fine, I admit…I think—I like him…I think I’m in love with him,” I pouted, her eyes suddenly widened.
Napahawak pa siya sa bibig niya. “I knew it! Oh, my Gee! So, paano na? Nasabi mo na ba sa kaniya? Naamin mo na?”
I shook my head. “Nope…wala akong balak…mali ‘tong nararamdaman ko sa kaniya dapat kong kalimutan at tigilan na bago pa mas lumalim.”
“Aww! That is so complicated, beb! But you can at least admit your feelings for him…”
“Should I do that?”
“Of course, beb! Malay mo the feeling is mutual! Basta tandaan mo that I am here to support you, okay? Ako ang number one shipper ninyo!”
I was about to tell something, nang dumating na ang pinsan ko kaya hindi ko na naituloy ang sasabihin ko sa kaniya. Sinenyasan ko na lang ang kaibigan ko na huwag maingay at huwag na munang magdaldal dahil hindi ko pa alam kung kaya ko bang aminin kay Kuya Cielo ang nararamdaman ko.
Natatakot ako na baka iwasan niya ako, na layuan niya ako bigla kung aaminin ko man ‘to. Dahil alam kong mali at malabong maging kami…
“Thank you, oppa…” sabi ko nang marating na namin ang mansion. Kasalukuyan pa rin kaming nasa loob ng sasakyan niya.
He sweetly smiled at me. “It’s fine, alam mo naman na binilin ka sa’kin ni tito Aries.”
I smiled bitterly. “A-ah yeah,” matipid kong sambit at tinanggal na ang seatbelt ko nang bigla niyang hawakan ang braso ko, agad ko naman siyang nilingon.
“Are you okay? May problema ba? Bakit ang tamlay mo?” nag-aalala niyang tanong.
I slowly shook my head. “W-wala… pagod lang ako,”
“Ella, tell me…is there something bothering you?” he said softly.
Sasabihin ko na ba sa kaniya kung ano ang gumagambala sa akin? Kung ano ba talaga ang nararamdaman ko? Aaminin ko lang naman, e, hindi ko naman hihilingin na gustuhin niya rin ako pabalik dahil alam kong hindi mangyayari ‘yon. Hindi kami pwede…at alam kong hindi kami para sa isa’t isa.
I took a deep breath. “Oppa…”
“Yes, Ella?” we stared for each other…ayan na naman ang mga mata niya, ang tingin niyang tila tinutunaw ako.
“I- I like—” natigilan ako nang biglang mag-ring ang phone niya agad niyang tiningnan iyon kung sino ang tumatawag. Nakita ko rin kung sino ang tumatawag sa kaniya ‘Doc Sophie Reyes’ ang nakalagay roon sa screen niya. “Sagutin mo na,” pilit akong ngumiti.
He sighed and answer the call, hihintayin ko lang na matapos ang usapan nila saka ako bababa ng sasakyan niya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng konting kirot sa puso ko, marami kasi akong naririnig tungkol sa doctor na ‘yon.
Sabi ng mga nurse may gusto raw iyon kay Kuya Cielo at bagay raw silang dalawa dahil parehong maganda, at gwapo sila—at parehong magagaling na doctor.
Which is true…she is indeed pretty…
Kinailangan na niyang bumalik sa hospital dahil nagkaproblema daw sa pasyenteng hawak ni Kuya Cielo kaya hindi na siya bumaba ng sasakyan at nagmamadali na siyang umalis. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, hindi kaya nagseselos lang ako? Pero wala ako sa lugar para magselos dahil wala namang kami…at kailanman ay hindi magiging kami kahit bali-baliktarin ko pa ang mga bituin…
It's hard to fall in love with someone who shouldn't love …

หนังสือแสดงความคิดเห็น (24)

  • avatar
    CarabidoAiza

    good

    28/06

      0
  • avatar
    Michael Jay

    bohol

    18/04

      0
  • avatar
    ManRg Trigger

    this app is amazing

    01/04

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด