logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 6

Alex's POV
Dalawang araw na mula ng huli kong nakita si Sebastian. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta o ano na ang balak niya sa project namin.
Noong nasa bahay siya, wala naman kaming pinag-usapan. Tahimik lang siyang kumain at nakitulog sa bahay. Oo, nakitulog siya dahil umulan ng malakas noong papaalis na siya. Umusig na naman ang konsensya ko kaya hinayaan ko siyang matulog sa bahay.
Sinabihan ako ni Sir Manuel na ibuhos ko ang oras ko sa project namin ni Sebastian. Dalawang araw akong naghintay pero walang Sebastian na nagpakita sa akin. Nandito ako ngayon sa office para hingin kay Sir Manuel ang number ni Sebastian.
Hindi na ako gumagamit ng saklay dahil naigagalaw ko na ang paa ko. Minsan kumikirot pa din siya pero hindi ko na iniinuman ng pain reliever.
Nag-alangan akong pumasok ng elevator nang makita kong si Sir Theo lang sa loob. Hindi sa nahihiya ako sa kanya, may kakaiba lang kasi sa ngiti niya kaya alam kong may kalokohang tumatakbo na naman sa isip niya.
"Kamusta na 'yang paa mo?"
"Okay naman." Simpleng sagot ko.
Narinig ko siyang natawa ng mahina dahilan para mapalingon ako sa kanya. "Balita ko nag-ala Cinderella ka sa staircase nung isang araw." Sabi nito na nagpasimangot sa akin.
Mukhang alam na ng buong kompanya ang kagagahang nagawa ko. Alam din kaya nila na sinuntok ko si Sebastian?
"Cinderella ka dyan." Sagot ko sa kanya. "Wala ngang prince charming na humahabol sa akin."
"Talaga?" Tanong nito na para bang hindi naniniwala sa akin. Hindi siya nakatingin sa akin dahil pinaglalaruan niya ang cellphone niya. "Hinabol ka nga sa hospital."
"Paano mo nalaman 'yan?"
Nagkwento ba si Sebastian sa kanya? Hindi malabong mangyari iyon, best friend niya si Sir Theo tapos ito pa ang tumutulong sa pagsuyo niya sa akin noon.
"Wala siyang kinuwento sa akin." Sabi nito at nilapit ang cellphone niya sa akin. Doon ko nakita ang picture naming dalawa sa hospital, buhat ako ni Sebastian pati na ang saklay ko habang hawak ko naman ang sapatos ko. "I have my ways."
Inagaw ko ang cellphone niya para i-delete ang picture pero agad niya iyong nilayo sa akin. "Alam mo bang dapat magpapalinis lang ng sugat si Sebastian nang pumunta siyang clinic? Tinatanong ko siya kung anong nangyari sa kanya pero sabi niya nabunggo siya. Noong nalaman niyang nanggaling ka doon at napilayan ka, nakalimutan na ng lokong magpagamot at hinabol ka sa hospital." Kwento nito sa akin.
"Bakit mo sinasabi 'yan?"
"Ewan ko." Sabi nito na para bang wala lang sa kanya ang kinuwento niya. "Baka gusto mo lang malaman."
Mukhang marami pang nalalaman itong si Sir Theo. Hindi pa din kasi mawala ang ngiti niya sa labi. "Salamat sa chismis." Sarkastiko kong sabi sa kanya.
"You're welcome." Sabi nito bago tinago ang cellphone sa bulsa niya. Nanlaki naman ang mata ko nang lumapit siya sa tenga ko at bumulong. "May isa pa akong nalamang chismis. Gusto mong malaman?"
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Malakas ang pakiramdam ko na tungkol pa din sa amin ni Sebastian ang chismis niya. Pagdating sa love life ko, never nahuli itong si Sir Theo.
"Ano 'yun?"
"Balita ko sa inyo nakitulog si Sebastian ahh."
Hindi ko napigilan ang sarili kong hampasin siya. "Kanino mo nalaman 'yan?" Tanong ko sa kanya.
"Ha?!" Sabi niya na para bang tumama sa jackpot. "Sinasabi ko na, kaya hindi sumama sa lakad ng barkada dahil kasama mo. Papalusot pa siyang madaming tinatapos sa kompanya."
Agad akong napakagat ng gabi sa huling sinabi niya. Bwisit talaga itong si Sir Theo, hinuhuli lang ako.
"Salamat sa pag-confirm ng hinala ko." Sabi nito bago ako iniwang mag-isa sa elevator. "Sabi ko na nga ba, ikaw pa rin ang priority niya."
∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Flashback
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Sebastian nang makita siyang nasa labas ng apartment. Bitbit na naman siya ang bag niyang parang maglalayas at may dala pa siyang grocery.
"Pumunta ako kanina sa office pero nalaman kong dalawang araw ka ng hindi pumapasok dahil nilalagnat ka. Kaya ba ayaw mo akong papuntahin sa office?" Sabi nito at dumiretso sa kusina para ibaba ang pinamili niya.
Sinarado ko na lang ang pinto at sumunod sa kanya. "Hindi kita pinapunta sa office dahil finals niyo, mas kailangan mong mag-aral at hindi makipaglandian. Isa pa, kaya ko ang sarili ko, hindi mo kailangang mag-alala." Sagot ko at umupo sa mesa kung saan nilalabas niya ingredients ng niluluto niya.
Mukhang magluluto siya ng sopas. Lihim akong nagpapasalamat dahil makakain na din ako ng matinong pagkain. Noong nagdaang araw ay puro noodles lang ang kinakain ko dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam ko, hindi ko na kayang magluto.
"Kahit na sana sinabihan mo pa rin ako."
"Ipapaalala ko lang Sebastian, hindi kita boyfriend."
"Kaya nga, hindi mo pa nga ako boyfriend pero alagang alaga na kita." Sagot niya sabay kindat. "Trial palang ito. Paano na lang kung boyfriend mo na ako?"
Iniwan niya ako sa mesa para hugasan ang mga gulay na pinamili niya, sunod niyang kinuha ang kutsilyo at chopping board. Sa dalas ni Sebastian sa apartment ay alam na niya kung nasaan ang mga gamit ko. Kung minsan nga, kung umasta akala mo siya ang may-ari ng apartment.
"Tapos ka na bang mag-aral? Mamaya nagiging sagabal ako sa pagreview mo." Sabi ko habang pinapanuod siyang maghiwa ng carrots.
Agad naman niyang binaba ang kutsilyo at tumapat sa akin. "Kahit kailan hindi ka naging sagabal sa akin. Ang totoo, ikaw pa ang inspirasyon ko." Sagot nito bago ako hinalikan sa noo.
"Anong oras ka huling nag-check ng temperature?" Tanong nito nang humiwalay ang labi niya sa noo ko. "Ang init mo pa."
"Kakakuha ko palang 37.4°C." Pagsisinungaling ko, alam kong hindi siya uuwi kapag nalaman niyang mataas pa din ang lagnat ko.
Tinignan naman niya ako na para bang hindi siya naniniwala. Kinuha niya ang thermometer ko at inabot sa akin. "Ulitin mo." Utos nito, mukhang nakatunog siyang nagsisinungaling ako.
"Kakakuha ko pa nga lang."
"Kung totoo 'yung sinasabi mo, uulitin mo."
Bumuntong hininga ako at sinunod siya. Nang tumunog ang thermometer ay agad niyang kinuha iyon sa akin. 38.1°C ang lumabas kaya bago pa niya ako pagalitan ay niyakap ko na siya.
"Sorry, ayoko lang namang mag-alala ka. Kapag dumagdag pa ako sa alalahanin mo, mamaya ako pa ang maging distraction mo at bumagsak ka pa sa exams mo." Sagot ko sa kanya. "Ayokong magkasamaan na naman kayo ng loob ni Sir Manuel."
"Wala ka bang tiwala sa akin?"
"Meron."
"'Yun naman pala. Kapag sinabi kong hindi ka distraction, totoo 'yun. Huwag mo na akong alalahanin. Ang gusto ko magpagaling ka." Sabi nito bago ako tinulak papasok ng kwarto ko. "Dadalhin ko na lang ang pagkain dyan kapag tapos na akong magluto."
"Salamat." Sabi ko at ngumiti naman siya.
"Hindi ako tumatanggap ng salamat. May kiss itong kapalit kapag gumaling ka na."
End of Flashback

หนังสือแสดงความคิดเห็น (99)

  • avatar
    AnnalexSandoval

    nag papa pansin si sir Sebastian at hindi na maoa fucos sa work si alex hayss kalimutan mona kasii

    22d

      0
  • avatar
    Cindy Araneta

    nakaka longkot

    06/08

      0
  • avatar
    Jhan Carlo

    thanks

    21/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด