logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 6

HINDI NA maipinta ang mukha ni Amber habang itinatapik-tapik niya ang hinlalalaki sa mesa. Patingin-tingin din siya sa cellphone na nakalapag sa ibabaw ng mesa, umaasa na may reply na ang lalaking kanina pa niya tenext at tinatawagan. Nasa Cafeteria si Amber sa sandaling iyon at hinihintay niya ang pagdating ni Archer. At halos mag-iisang oras na siyang naghihintay roon.
Ngayon araw kasi nila napagkasunduan ni Archer na ituloy iyong naudlot na panlilibre niya rito.  Sa katunayan ay noong nakaraang araw ang usapan nilang dalawa. Pero no’ng tinext niya ito kung saan sana sila magkikita ay sinabi nitong sa susunod na araw na lang nila ituloy ang pagkikita dahil may mahalaga daw itong pupuntahan.
Sa sandaling iyon ay umabot hanggang sa bukong-bukong niya ang inis na nararamdaman niya para kay Archer ng i-reschedule na naman nito ag usapan nilang dalawa. Excited pa naman si Amber sa pagkikita nilang iyon ni Archer. At hindi niya mapigilan ang mainis rito dahil mas inuna pa nito ang pupuntahan kaysa sa kanya? Mas mahalaga pa ang pupuntahan nito kaysa usapan nila?
Arrg! Nakakagigil talaga! At ngayon huwag lang siyang indyanin ni Archer kasi talagang makikilala nito ang tunay na Amber Borromeo. Ipapakita niya rito kung sino ang babaeng inindyan nito.
Palakas na palakas ang pagtapik niya sa mesa at naglilikha iyon ng ingay dahilan para makakuha siya ng atensiyon mula sa mga estudyanteng naroon din sa nasabing cafeteria. Wala naman siyang pakialam do’n. Ang importante kay Amber sa sandaling iyon ay ang sumipot sa usapan nila si Archer.
Magkasalubong na din ang mga kilay ni Amber. At sa sobrang pagkakasalubong ay nag-iisang linya na iyon. Pero ng mamataan niya si Archer na naglalakad palapit sa kinaroroonan niyang mesa ay unti-unting bumabalik sa normal ang kilay niya.
“Sorry, I’m late.” Hingi ng paunmanhin ni Archer ng maupo ito sa silya katapat niya.
She crossed her arm at the top of her shoulder. “And why are you late?”
Bahagyang kumunot ang noo ni Archer. “Do I need to explain myself to you why I am late?” He asked, annoyingly.
Pinaghintay mo ako ng mahigit isang oras. Tapos hindi mo i-explain sa`kin kung bakit ka late na dumating? That’s unfair!
Sinalubong ni Amber ang titig nito. “Yes.” Sabi niya. Parang gusto kasi niyang marinig ang paliwanag ng binata.
Umiiling-iling si Archer. Ang akala niya ay magsasalita ito pero nanatiling tikom ang bibig nito.
Mukhang walang aasahan si Amber dahil walang balak na magsalita ang binata.
Nagpakawala na lang siya ng marahang buntong-hininga. Tinanggal niya ang kamay mula sa pagkakahalukipkip niya sa kanyang dibdib. Umayos siya ng upo and then she leaned closer.  Ipinatong din niya ang dalawang kamay sa mesa.
“So, where do you want to eat?” Tanong niya kay Archer mayamaya. “May alam akong restaurant o coffee shop na malapit lang sa School natin.” Nakangiting wika niya. “Baka gusto mo roon?”
“Bakit pa tayo aalis. Pwede naman dito na lang.”
“Are you sure na dito na lang?” Tanong niya sa nananantiyang tinig.
“Yeah.”
Inilibot ni Amber ang tingin sa buong paligid. May mangilan-ngilan na mga estudyante na naroon din sa Cafeteria.
“Okay. It’s that what you want.” Sabi niya ng ibalik niya ang tingin sa binata. Pagkatapos niyon ay tumayo siya mula sa pagkakaupo.
“Where are you going?” Tanong ni Archer ng mag-angat ito ng mukha patungo sa kanya.
Nginuso naman ni Amber harapan niya. “Sa counter, o-order ng pagkain natin. Hindi ba ililibre kita?”
Saglit na kumunot ang noo ni Archer. Pagkatapos niyon ay tumayo din ito mula sa pagkakaupo. “Ako na.”
“Ha?”
“Maiwan ka na lang dito. At ako na ang bahala sa pagkan natin.”
Gentleman. Hindi napigilan mapangiti ni Amber. At bago pa magbago ang isip ni Archer ay mabilis na siyang bumalik sa pagkakaupo niya sa silya.
Iiling na lang si Archer. “What do you like?”
“Just spaghetti and drinks.” Sagot niya na nakangiti. Pagkatapos niyon ay binuksan ni Amber ang bag at inilabas ang kanyang wallet. Kumuha siya do’n ng isang libo at inabot niya iyon sa binata.
“Here.”
“Ano iyan?”
“Pera.” Alangan naman pagkain.
Nagsalubong bahagya ang kilay ni Archer. “Para saan iyan?”
“Uhm, bayad sa o-order-in mo?” Sagot niya. Siyempre, siya ang manlilibre kaya dapat siya ang magbabayad. “O, kunin mo na.”
Hindi pinansin ni Archer ang perang inaabot niya rito. “Just pay me later.” Ani Archer bago ito tumalikod at nagsimulang maglakad patungo sa harap ng counter ng Cafeteria.
Kumulumbaba naman si Amber habang pinagmamasdan niya ang malapad na likod ni Archer. At habang pinagmamasdan niya ang binata ay hindi niya namalayan na may ngiti na palang sumilay sa kanyang labi.
 
“GOOD JOB.”
Sabi ni Amber sa lalaking nakatayo sa harap niya matapos niyang basahin ang papel na inabot nito sa kanya kanina. At dahil wala na siyang kailangan rito ay iniligpit niya ang mga gamit saka na siya tumayo mula sa pagkakaupo niya.
“A-amber...” tawag sa kanya ng lalaki.
“Yes?”
“Uhm, p-paano i-iyong date natin?” Nauutal na wika ng lalaki.
Amber mentally rolled her eyes. Ang kapal din ng apog nitong yayain siyang makipag-date. Eh, kahit naman na ito na ang huling lalaki sa mundo ay nuncang makipag-date siya rito. Sayang naman ang ganda niya kung makikipagdate siya sa lalaking mukhang tilapia!
Malaki ang pagkagusto ng lalaking kaharap ni Amber at ginamit niya iyon upang makuha ang kanyang gusto. May kailangan kasi si Amber sa registral office at nagkataon student assistant ang lalaki sa nasabing opisina. Madali na para kay Amber ang makuha ang kanyang gusto. Well, wala naman siyang gusto na hindi nakukuha. She’s Amber Borromeo—the spoiled Brat Princess after all.
Kailangan kasi ni Amber na malaman ang schedule ni Archer para alam niya kung saan niya ito hahanapin kung gusto niya itonang makita. At pinaki-usapan niya ang lalaki na ibigay sa kanya ang schedule ni Archer. No’ng una ay ayaw ibigay ng lalaki ang hinihingi niya, confidential daw kasi iyon. So, she used her charms to get what she wants. Sinabi niya rito na bibigyan niya ito ng pagkakataon na maki-date siya ng isang araw kapalit ng hinihingi niya rito. At dahil nga malaki ang pagkagusto sa kanya ng lalaki ay binigay nito ang hininihingi niya.
She tugged her hair at the back of her ear. Umangat ang sulok ng labi niya nang makita niyang napakurap-kurap ito ng mata habang nakatitig ito sa mukha niya.
Iba na talaga ang maganda, wika niya sa kanyang isipan.
“What was your name again?” tanong niya, nakalimutan na kasi ni Amber ang pangalan ng lalaki. At wala naman siyang dahilan para alalahanin pa ang pangalan nito.
“Agapito.”
Yikes! Nakangiting naglakad si Amber rito. Huminto si Amber sa paglapit ng nasa harapan na niya ito.
“Agapito...” banggit niya sa pangalan nito. Gusto niyang ngumiwi sa harapan nito pero pinigilan niya. Tumaas ang isang kamay niya patungo sa buhok nitong ayos na ayos. Ginulo niya iyon. Naramdaman niya sa kamay ang lagkit ng guluhin niya ang buhok nito. Eww!  Mukhang ipinaligo yata nito ang pomada ng lolo nito. “Iyan, rugged looking ka ng tingnan.” Komento niya dahilan para ngumiti ito. Kitang-kita tuloy niya ang braces nito.
Pinasadahan din ni Amber ang suot nitong damit pero ang totoo ay ipinunas lang niya ang naglalagkit na kamay na dumikit roon ng guluhin niya ang buhok nito.
            “Hindi ka na mukhang, Mr. Tapia.” Dagdag pa na wika niya. Sa sandaling iyon ay gusto niyang bumunghalit ng tawa pero pinigilan niya ang sarili.
“Buksan natin ito, ha.” Binuksan ni Amber ang unahang botones sa suot nitong polo. “Mukha ka kasing ibuburol.” Kulang na lang ay may bulak diyan sa ilong mo. Mahina siyang humagikhik. Pagkatapos niyon ay umatras siya ng dalawang hakbang. Pinasadahan niya ito mula ulo hanggang paa. “Hayan, mukha ka ng tao.” Sabi niya ng huminto ang tingin sa mukha nito. “Pero slight lang.” aniya, sa pagkakataong iyon ay hindi niya napigilan ang humagalpak ng tawa. “Ops!” tinakpan niya ang bibig gamit ang isang kamay. “Sorry for being brutally honest. Nagsasabi lang naman ako ng totoo eh. Sabi nga nila, bawal daw magsinungaling.” Sabi niya sa natatawa pa ring tinig. Pinunasan din niya ang gilid ng mga mata ng maramdaman niyang namasa iyon dahil sa pagtawa. Hindi din niya pinansin ang sakit na bumalatay sa mukha ni Agapito sa pinagsasabi niya rito. “Oo nga pala, iyong tungkol sa date!” pumalatak siya. “I-te-text na lang kita, ha, kung kailan at kung saan tayo magkikita? Sa ngayon kasi ay busy pa ako at hindi ko maharap makipag-date sa iba.” Kapag pumuti na ang uwak saka kita i-te-text. Nginitian niya ito ng pagkatamis-tamis. Nagsimula na siya na humakbang paatras. “See you, Agapito. Bye!” Hindi na niya hinintay na magsalita ito. Tumalikod na siya at tuluyang umalis roon.
“See you when I see you.” Nakangising wika niya habang palayo siya sa lugar na iyon. 

หนังสือแสดงความคิดเห็น (97)

  • avatar
    Angie Dodge Cruzado

    hmm nice story

    19d

      0
  • avatar
    Precious Joerelyn Espejo

    wow

    29d

      0
  • avatar
    lovejera

    beautiful story

    12/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด