logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 5

“HI.” nakangiting bati ni Amber kay Adam ng magtama ang mga mata nila ng mag-angat ito ng tingin ng umupo siya sa silya kaharap nito.
            Kanina nagtanong-tanong si Amber kung saan niya matatagpuan si Archer. Hindi naman siya nahirapan dahil mukhang sikat si Archer sa Unibersidad nila—bilang isa sa mga Campus Crush ng De Bellaroca Univesity. At siyempre nakatulong ang pagiging miyembro ng Mean Girls para makuha niya impormasyon na gusto niyang malaman.
At ng sabihan ng napagtanungan niya kung nasaan si Archer ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Amber. Nagtungo agad siya sa Brickyard ng Campus nila upang puntahan si Archer.
“What do you need, Miss?” nakakunot ang noo na tanong ni Archer sa kanya sa mahinang tinig.
Isinandal niya ang likod sa silyang kinauupuan bago niya sinagot ang tanong nito. “I want to see you.” She said and shrugged her shoulder.
“Why do you want to see me?” Tanong muli nito na hindi pa rin nagbabago ang ekspresiyon ng mukha nito.
She put her arms above her shoulder. “We have unfinished business to be settled.” Sagot niya habang sinasalubong niya ang mga titig ni Archer.
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ni Archer ng marinig nito ang sinabi niya. “Unfinished business to be settled? Anong ibig mong sabihin?”
“Tinanggihan mo iyong alok ko ng yayain kitang lumabas. Now, I want to ask you once again. Are you free today?”
Archer chuckled to her disbelief. “Seriously, Miss?”
“I’m damn serious.” Sabi niya, at para i-emphasize ni Amber ang sinabi ay pinaseryoso niya ang mukha.
Isinandal din ng binata ang likod sa silyang kinauupuan nito. At tulad niya, ay pinagkrus din nito ang braso sa ibabaw ng dibdib nito. Sinalubong ni Amber ang mainit na titig ni Archer sa kanya. At hindi maipaliwanag ni Amber ang nararamdaman sa sandaling iyon habang magkahinang ang mga mata nila ni Archer. Pero iisa lang ang nasisiguro ni Amber, her heart is thumping like crazy at her chest! At iyon ang unang pagkakataong na nakaramdam ng ganoon ang puso ni Amber sa isang lalaki!
“Bakit ba gustong-gusto mo akong yayain lumabas?”
Dahil gusto kita. “Dahil gusto ko.” Sagot niya sa tanong nito. At lahat ng gusto ko ay nakukuha ko.          
Mayamaya ay napakurap-kurap si Amber ng mga mata nang makita ang pang-angat ng sulok ng labi ni Archer.
“Okay.” Wika nito mayamaya.
Kumunot bahagya ang noo ni Amber. “Okay? As in pumapayag ka na?”
“Yes. I accept your invitation.”
She smiled. Yes! “So, where do you want to eat?” Tanong niya.
“Dito—
“Archer...”
Nagsalubong ang mga kilay ni Amber ng may asungot na bigla na lang sumulpot sa moment sana nilang dalawa ng binata.
“Kanina ka pa namin hinahanap. Kailangan na nating umalis...”
“Excuse me.” Putol ni Amber sa anumang sasabihin ng lalaking bigla na lang sumulpot sa pag-uusap nila ni Archer. Bumaling naman sa kanya ang lalaki. “Aso ka ba?” Kunot ang noo na wika niya rito. “Bigla-bigla ka na lang sumusulpot. Alam mo namang nag-uusap kami dito.” Sa sobrang pagkakasalubong ng kilay ni Amber ay kulang na lang ay mag-isang linya ang mga iyon.
“Sorry.”
“Do you think, your sorry can change the fact that—
“Okay that’s enough.” Sansala ni Archer sa mga iba pa niyang sasabihin. Tulad niya ay magkasulubong na rin ang mga kilay ni Archer ng balingan niya ito. “I’ll accept your invitation, Miss. Pero i-reschedule na lang natin bukas. Naalala ko hindi pala ako pwede ngayon. May pupuntahan pala kami ngayong araw.”
Sumandal si Amber sa kinauupuan saka niya tinitigan ng matiim si Archer. “It’s that so?”
“Yes.”
“Okay.” Sabi niya. Pagkatapos niyon ay binuksan niya ang bag at kinuha ang cellphone do’n. “Save your number here.” Sabi niya ng iumang niya rito ang hawak na cellphone. “Para matawagan kita bukas.”
Parang nag-alangan si Archer na ibigay ang numero nito dahil matagal bago nito kinuha ang cellphone niya.
“It’s Archer.” Anang binata ng i-abot muli nito sa kanya ang cellphone niya. Pagkakuha sa cellphone ay agad niyang tiningnan kung naka-save na ba talaga ang numero nito. At para makasiguro na numero nga ni Archer ang i-sinave nito sa contact list niya ay sinubukan niyang tawagan iyon. Habang ginagawa niya iyon ay nakatitig lang siya kay Archer. Nakita ni Amber na napatingin si Archer sa cellphone nito nakalapag sa ibabaw ng mesa ng umilaw at tumunog iyon. Kumunot ang noo nito na kinuha ang cellphone saka sinagot ang tawag. Inilapit naman ni Amber ang hawak na celphone sa kanang tainga niya.
“Hello.” Narinig ni Amber na wika ni Archer. “Who’s this?”
“It’s me...Amber.” sagot niya. Inihanda ni Amber ang ngiti sa kanyang labi ng tumingin sa kanya si Archer. “Just save my number.” She said and then winked at him.
 
“DO you know her personally, Archer?”
Bumagal ang paglalakad ni Archer ng marinig niya ang tanong ng kaibigan at kaklase na si Theo sa kanya. Theo is one of his closest friend here at DBU. Naging matalik silang magkaibigan no’ng pagtuntong nila sa unang taon sa kolehiyo. Pareho kasi sila ni Theo ng kursong kinukuha at iyon ay ang Business Management. At pareho din sila ng dahilan kung bakit iyon ang kurso na kinuha nilang dalawa. Dahil balang araw ay sila din ang magpapatakbo ng negosyo ng pamilya nila.
Bata pa lang si Archer ay sinabi na sa kanya ng amang si Arnulfo na siya ang mamamahala sa negosyo nila sa takdang panahon—kapag nagretiro ito. Pero habang hindi pa iyon nangyayari ay dapat tulungan muna niya ang ama sa pagpapatakbo ng car company nila. Kaya nga business course ang kinuha ni Archer para may ideya siya kung paano magpatakbo ng isang negosyo. Hindi lang iyon, habang nag-aaral pa siya ay tini-train na rin siya ng ama para alam niya na ang pasikot-sikot sa kompanya kapag nakapagtapos na siya ng kolehiyo.
Binalingan niya ito sa kanyang tabi.
“Who?”
“Amber.”
Bahagyang kumunot ang noo niya. Amber? Iyong bang magandang babae sa Cafeteria ang tinutukoy nito? “The girl at the cafeteria?” tanong na lang niya para makasiguro.
Tumango si Theo. “Yeah. Do you know her personally?”
“Not really.” Sagot niya. Hindi naman talaga kilala ni Archer ang babaeng tinutukoy ni Theo. Sa katunayan, pang-apat na beses lang niya itong nakita. Una nilang pagkikita ay iyong engkwentro nila sa Cafeteria na kung saan pinapalipat siya nito sa ibang mesa dahil nauna daw ito roon. Siyempre, hindi sinunod ni Archer ang sinabi nito dahil mas nauna siya roon. Hanggang sa mapikon ang dalaga at ito ang kusang umalis sa mesa nila. Pangalawang beses ay noong sinagip niya ito ng muntik na itong malunod sa swimming pool. Mabuti na lang at nagpunta siya sa Clubhouse ng ganoong kaaga kasi kung hindi ay baka wala na ang dalaga ngayon dahil sa pagkalunod. Pangatlong beses naman ay no’ng yayain siya nitong kumain sa labas bilang pasasalamat daw sa pagliligtas niya sa buhay nito. At dahil busy siya at may importante siyang pupuntahan sa araw na iyon ay hindi niya ito pinaunlakan. Pang-apat naman nilang pagkikita at pag-uusap ay iyong nangyari nga sa Cafeteria kanina, hindi nga maintindihan ni Archer sa babaeng iyon kung bakit pilit siya nitong niyayaya lumabas kahit na tinanggihan niya ito. Kahit na sinabi niya rito na hindi na siya nito kailangan i-treat bilang pasasalamat sa pagliligtas niya sa buhay nito. Thank you is enough for him, pero makulit talaga ang babaeng iyon.
“She’s Amber Borromeo, one of the member of Girls Meanistry.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Archer. “Girl Meanistry?” tanong niya. Wala kasing ka-idi-ideya si Archer sa ‘Girls Meanistry’ na tinutukoy ni Theo.
Tumango si Theo. “Girl Meanistry—tawag sa mga kilalang bully dito sa Unibersidad natin. Ang Girls Meanistry ay nabuo sa confessions group ng De Bellaroca University sa Facebook, ang “De Bellarocan Files”.
Hindi mahilig si Archer sa mga social media kaya hindi niya alam ang tungkol sa ‘De Bellarocan Files’ na iyan. Lalong-lalo na sinasabi ni Theo na mga babaeng bully sa Unibersidad nila.    
Mukhang napansin ni Theo ang pagiging clueless niya sa sinasabi nito dahil nagpatuloy ito sa pagpapaliwanag.
“Binubuo ito ng mga babaeng palaging laman ng “Confessions” o mas tamang sabihing reklamo at chismis ng mga estudyante sa Unibersidad natin. Kilala sila hindi lang dahil sa magaganda nilang mga mukha, kundi maging sa pagiging mean at bully nila.” Pagpapatuloy na paliwanag ni Theo. “And Amber Borromeo—the girl at the cafeteria is one of the mean girls in our University.”
Bahagyang nagulat si Archer sa mga nalaman mula kay Theo. Hindi siya makapaniwala na may attitude na ganoon ang dalaga. Sino naman mag-aakala na bully pala ang babaeng iyon. Nagtataglay kasi ang babae na maamong mukha na hindi mo iisipin na may pagkabully ito.
Pero agad din nawala ang pagkagulat ni Archer ng maalala iyong unang enkwentro nila ni Amber at iyong mga sumunod pa. Naalala niya iyong pagtataray nito sa kanya no’ng ayaw niyang lumipat ng mesa ng pinapalipat siya nito, at iyong kanina, iyong bitchy remarks ng dalaga sa kaibigan niyang si Theo ng bigla na lang itong sumulpot sa pag-uusap nilang dalawa.
“Mukhang gusto ka din niya.” Mayamaya ay wika ni Theo.
Sa pagkakataong iyon ay hindi niya napigilan ang mapangisi. “Hindi naman kataka-taka ang bagay na iyon, dude.” Aniya sa kaibigan sa natatawang tinig. “Sa gwapong lalaki kung ito? Bulag lang ang hindi magkakagusto sa`kin.” Pagmamayabang na wika niya sa kaibigan.
“Talaga?” sa pagkakataong iyon ay si Theo naman ang napangisi. “Eh, bakit hanggang ngayon ay hindi mo pa rin napapasagot si Nikki? Mag-iisang buwan mo na rin siyang nililigawan, ah?” dagdag na wika nito.
“Hindi kasi basta-basta si Nikki.” Pagde-defend niya sa sarili kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya sinasagot ni Nikki kahit halos isang buwan na niya itong nililigawan. Nikki Arevallo is a HRM student. At tulad niya ay nasa huling taon na rin ito. Nakilala niya si Nikki no’ng minsang nabunggo niya ito dahil sa pagmamadali. At medyo malakas ang pagkakabunggo niya sa babae dahil napaupo ito sa semento dahilan din para magasgasan ang maputing siko nito. At dahil siya ang may kasalanan kung bakit nagasgasan ito ay dinala niya ito sa clinic ng DBU upang ipagamot. No’ng una ay sinabi nitong okay lang ito pero hindi niya ito pinakinggan. Pilit pa rin niya itong dinala sa Clinic. Hindi din kasi kaya ng konsensiya na pabayaan lang ito roon.
At cliché man pakinggan pero hindi niya maintindihan ang sarili pero nagkagusto siya sa babae habang nakatingin siya sa maganda at sa maamong mukha nito habang ginagamot ito ni Doc Evan.
“Iba siya kumpara sa mga babaeng nakaka-date mo.” Pagpapatuloy na wika niya kay Theo. Hindi kasi ito tulad ng babaeng nakilala niya, nakaka-date ni Theo na magpakita lang ng katiting na interes ay bumibigay. Hindi kasi ganoon si Nikki. No’ng nagpakita nga siya ng interes rito ay agad siya nitong tinapat. Hindi pa siya nakakapagligaw ay basted na agad siya. Pero hindi pa rin siya sumuko. Kahit basted siya ay ipinagpatuloy pa rin niya ang panliligaw rito. Gusto kasi niyang ipakita at iparamdam kay Nikki na seryoso siya sa panliligaw rito.
“Whatever!” si Theo. “Good luck na lang sa’yo.”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (97)

  • avatar
    Angie Dodge Cruzado

    hmm nice story

    19d

      0
  • avatar
    Precious Joerelyn Espejo

    wow

    23/08

      0
  • avatar
    lovejera

    beautiful story

    12/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด