logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 6: Polaris

VeNa's POV
Kagigising ko pa lang ngayon at naghahanda na kami para sa pupuntahan namin mamaya  nina Tatay at Ina'y.
Hindi ko alam kung saan ang pupuntahan namin at kung ano ang gagawin namin doon.
"Hmm baka family bonding siguro." Nakangiting wika ko sa aking sarili habang nakangiti kaya nagmadali na akong pumunta sa banyo.
Katatapos ko lang maligo at nakapagbihis narin, nasa labas na ako ng bahay habang hinihintay si Nanay rose na sinasarado ang mga bintana.
"Tara na. Maayos na ang lahat kaya pumunta na tayo sa sinasabi ng tatay mo Vena." Nakangiting wika ni Nay Rose at lumapit  sa amin.
"Tay, saan po ba tayo pupunta?" Tanong ko kay tatay ben na naghihintay ng masasakyan.
"Malalaman mo mamaya Anak. Paniguradong matutuwa kayong dalawa." Nae-excite na tawa ni Tatay Ben sa amin kaya napakibit-balikat na lamang ako dahil hindi ko alam kung ano ang tinutukoy ni Tatay.
Nakasakay na kami ngayon sa de apat na gulong na sasakyan, marami ang mga kasama naming pasahero kaya sobrang sikip.
Napakalayo na ng pinupuntahan namin pero hindi pa kami nakakapunta sa sinasabi ni Tatay.
Nakatulog ako sa byahe at naramdaman ko na lamang na tumigil na ang pag-andar ng sasakyan na naging dahilan para magising ako.
Bumaba na kami sa sasakyan at binayaran na ni Tatay ang aming pamasahe.
Biglang nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang napakaeleganteng pangalan na nakasulat sa taas ng gate.
Sinundot-sundot ko pa ang aking tagiliran at nagbabasakaling magising sa napakagandang panaginip na ito.
"Tay, ano pong ibig sabihin nito?" Nagtatakang tanong ko kay Itay at napangiti naman ito ng malawak.
"Hindi ito ang talagang pupuntahan natin anak pero gusto ko ;ang ipakita sa'yo ang eskuwelahan na pag-aaralan mo sa kolehiyo." Nakangiting wika sa akin ni Tatay, napatingin ako kay Ina'y at ganoon rin ang hitsura nito. Nakangiti silang pareho sa akin.
Tuwa at kagalakan ang nararamdaman ko ngayon dahil ang pag-aakala ko ay hindi na ako mag-aaral ng kolehiyosa susunod na buwan.
Isa itong panaginip ng lahat, ang panaginip na gustong maranasan ng mga katulad kong estudyante.
"Hala 'tay, totoo po ba ito? Totoo nga ang sinasabi ng iba, napakaganda ng Encido University. Napakamahal po ng bayad sa tuition dito. Nay! Tay! Huwag nalang po." Wika ko sa kanilang pareho.
"Hindi kami magbabayad anak dahil libre ito para daw sa iyo. Pinatawag ako kahapon ng Dean dito at ibinigay ang alok na ito." Nakangiting wika ni Tatay sa akin habang hinahaplos nito ang aking buhok.
"Huh? Bakit po ganon? Marami po ba kaming nabigyan ng ganito 'tay?" Nagtatakang tanong ko sa aking Ama habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Ina'y.
"Hindi ko alam Anak. Ang gawin na lamang natin ay ipagpasalamat ang blessing na ibinigay sa atin. Basta ang alam ko lamang ay may tumulong sa iyo na makapasok sa Paaralang ito." Paliwanag sa akin ni Tatay kaya mas lalo akong naguluhan.
'Ano?! May tumulong sa akin?! Pagpalain ka ng diyos kung sino ka man,maraming salamat.' Wika ko sa aking isipan at nagbabasakaling marinig ng taong tumulong sa akin.
Hindi ko na kailangang mag-inarte dahil isang beses lang itong nangyari sa buhay ko.
Hindi ko na alam kung paano ako makakapagpasalamat sa taong tumulong sa akin.
Isa itong napakagandang biyaya na bigay sa akin ng diyos. Ngayon lang ako nakaapak sa lugar ng Encido kaya sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon.
"Anak, Tara na dahil may pupuntahan pa daw tayo sabi ng iyong Ama." Yaya sa akin ni Ina'y kaya lumapit na ako sa kaniya.
Pinasadahan muna ng tingin ang paaralan na pinagmamasdan ko kanina bago namin tuluyang nilisan ang lugar na iyon.
Naglalakad na lamang kami ngayon sa isang daan na hindi pamilyar sa akin. Puro puno na lamang ang nakikita ko ngayon at kakaunting kabahayan at mga tao.
Tumigil kami sa paglalakad sa harap ng isang kuweba.
"Pumasok na kayo dito, susunod ako sa inyo." Wika sa amin ni Tatay kaya nauna na kaming pumasok ni Ina'yu sa kuweba at sumunod naman si Tatay gaya ng sabi niya.
Pagkapasok namin sa kuweba ay hindi ko inaasahan na ganito ang makikita ko.
Napakaliwanag ng nakikita ko ngayon, Imbes na dilim ang sasalubong sa amin gaya ng inaakala ko.
Kung nasisiyahan ako sa nakita ko kanina sa paaralan, ngayon naman ay grabe ang nararamdaman ko ngayon.
Napakagandang tanawin ang nakikita ko ngayon, isa itong napakalawak na hardin at nakaharap ako ngayon sa isang Water falls.
Ang kuweba na nakikita sa labas ay isa lamang ilusyon, para bang isa lang iyon na Portal papunta sa Hardin na ito.
"Ita'y! Napakaganda po nito. Paano niyo po nalaman ang isang tago na napakagandang hardin na ito?" Nagtatakang tanong ko sa aking Ama na nakangiti sa akin.
"Hindi mo na kailangang malaman iyon anak. Ang importante ay nalaman mo na ang lugar kung saan mo mahahanap ang iyong tunay na tahanan." Malalim ang ibig sabihin at makatagang wika sa akin ni Tatay kaya naguluhan ako.
"Huh? Ano pong ibig sabihin ninyo tatay." Tanong ko ulit sa kaniya pero hindi na ito sumagot.
"Ina'y, naintindihan mo po ba ang sinabi ni  Tatay?" Nagtatakang tanong ko kay Ina'y at ngumiti ito sa akin na halatang peke.
"Wala 'yon Anak. Ang pinupunto lamang ng iyong Ama ay sa sobrang kagandahan ng hardin ay maiisipan mo talagang manirahan sa lugar na ito. Gaya sa iyong Ama na hangad ay makatira rin sa ganitong hardin." Mahabang paliwanag sa akin ni Ina'y kaya naliwanagan ako sa sinabi ni Tatay kanina.
"Totoo po iyan, parang gusto ko narin pong manirahan dito." Natutuwang wika ko sa aking mga magulang.
"Iyan rin ang hangad ko para sa atin Anak pero hindi namin kaya. Hindi namin kaya dahil may nagmamay-ari na ng lugar na ito at hindi rin namin kaya ang halaga nito." Wika sa akin ni Tatay at batid ko ang pagkadismaya nito.
"Ah kaya po pala. Ano po ang pangalan ng lugar na ito. Napakatago naman ng hardin na ito at pati Reina na laging gumagala ay hindi alam na may lugar palang ganito." Wika ko sa kanila.
"Tago talaga ang lugar na ito dahil tanging pinagkakatiwalaan lamang ng may ari nito ay may alam sa Polaris. Isa sa pamilya natin ang pinagkakatiwalaan ni Don Rome kaya huwag na huwag niyong sasabihin na may lugar na ganito." Mahabang paliwanag sa amin ni Tatay, nakikinig ako sa paliwanag niya habang iginagala ang aking paningin sa lugar na ito.
"Ano po iyon 'tay? Polaris? Don Rome? Sino at ano po ang mga iyan 'tay.". Dire-diretso kong tanong sa aking ama kaya napatawa ito.
"Polaris ang pangalan ng lugar na ito at si Don Rome ang may-ari." Sagot ni Tatay sa aking tanong.
"Ah ganon po pala. Ang ganda naman po ng pangalan nito tapos ang ganda rin ng lugar." Namamanghang wika ko habang nakatingin sa hardin na ito.
Naglakad ako papalapit sa isang pader ng mayroon akong napansin na nakasulat dito.
Halatang bato ang ginawa nitong panulat sa sementong pader na ito.
Hindi masyadong pansin ang pangalan na nakasulat kaya natagalan ako bago malaman kung ano ba talaga iyon.
Nagulat ako ng nalaman ko kung ano ang nakasulat sa pader na ito. Bumilis ang tibok ng akin puso na para bang sobra akong naguguluhan at kinakabahan.
'Sino ang nagsulat nito? Bakit eksaktong pangalan ko pa ang nakasulat?' Mga tanong na biglang pumasok sa isipan ko.
Nagkabuhol-buhol na aking mga brain cells sa kakaisip kung ako ba talaga ang tinutukoy nito o ibang tao.
'VEniceNAtasha'
Iyan ang nakasulat sa pader kaya hindi ko talaga maintindihan.
'Baka may kapangalan ako. Oo Vena! Baka may kapangalan ka talaga. Hmm!' Mahinang wika ko sa akin kawalan habang inaalis sa isipan ko ang pangalan na nakasulat sa pader.
Hindi ko yata alam ang gagawin ko.
Napakasaya ko kanina tapos sa isang iglap ay biglang pinalitan ito ng kyuryosidad.
Polaris.
Don Rome.
Ang pangalan na nakasulat sa pader.
Ano ang ibig sabihin ng mga iyon?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (169)

  • avatar
    Jaysar Mandi

    Thank you

    11/10/2024

      0
  • avatar
    Ronnie Poblete

    maganda ang kwinto

    10/10/2024

      0
  • avatar
    Kai Calimag

    goods

    09/10/2024

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด