logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 5: Weird

VeNa's POV
Nandito na ako ngayon sa bahay, kauuwi ko pa lamang. Si Loren ang naghatid sa amin gaya ng sabi niya kanina
Nakalayo na ako sa bahay ng kina-aayawan ko pero ang utak at presensya ko ay parang nandoon parin.
Pilit kong inaalala ang mga nangyari sa bahay na iyon kaya hindi ko maiwasang mainis.
FLASHBACK
Kasalukuyan akong nandito sa labas ng kanilang bahay habang hinihintay ang aking kaibigan at si Loren.
Kukunin na lamang ni Reina ang kaniyang mga gamit at uuwi narin kami agad.
Uwing-uwi na ako kaya hindi ko maiwasang hindi mainip sa kakahintay, saglit pa lang sila don pero para sa akin ay sobrang tagal na.
"Hey Miss. Hindi ko alam na makikita ko ang isang pasaway na cerenian dito sa kanluran." Wika ng kararating na lalaki dito sa tabi ko.
Pagsisisi ang nararamdaman ko ngayon habang naiinis ako sa presensya niya. Nagsisisi ako kung bakit sa dami ng taong nakasalamuha ko, bakit siya pa.
"Ano?!" Batid sa aking boses ang pagkairita na tanong ko sa kaniya .
"Chill HAHA Sinusundan mo ba ako at pati bahay namin ay alam mo?" Tanong nito sa akin habang nakangisi.
"What the hell! Hindi naman mahangin pero bat ang lakas naman masyado ng apog mo." Natatawa kong bigkas sa kaniya.
Hindi ito umimik kaya napatingin ako sa kaniya at nalamang nakatingin rin pala ito sa akin.
"Ano bang tinitingin tingin mo dyan ha!" Wika ko sa kaniya at inirapan ito pero nanatili parin itong tahimik habang nakatingin sa paligid.
"Pareho lamang kayo ng kapatid mong si Loren tsk." Wika ko sa kawalan.
Kanina pa ako nagsasalita dito pero hindi man lang uli ako nakarinig ng salita galing sa kaniya na naging dahilan para mainis lalo ako.
"Tara Vena uwi na tayo." Wiika sa akin ni Reina kaya lumapit na ako sa kaniya at sumakay na sa kotse ni Loren.
Kasalukuyan kaming nasa kotse na minamaneho ni Loren pauwi sa kaniya-kaniya naming bahay.
"Loren." Pagpapapansin ko sa kaniya.
"Yes Vena?" Ani nito habang nakapokus sa pagmamaneho.
"Bat sobrang lakas naman ng apog nung kapatid mo. Kakambal mo ba talaga yon ha?!?" Labag man sa kalooban ko pero tinanong ko dahil gusto kong ilabas ang inis ko.
"Pft HAHA as always ganyan ang sasabihin ninyo. Karamihan sa inyo na bago lamang na makilala kami ay ganyan ang sinasabi but to answer your Question, it is no." Paliwanag nito sa akin.
"Huh?" Iyan lamang ang naibigkas ko dahil nagtataka talaga ako sa pinagsasabi niya. Napatingin ako kay Reina na para bang nagtatanong pero nagkibit balikat lamang ito.
"It's NO, hindi kami magkakambal ni Ryu. Ryu is my elder brother, he is already 19 years old while I'm still turning 18." Dagdag nitong wika kaya nagulat ako dahil hindi iyon ang inaasahan kong
"What the hell! Hindi na yan kapani-paniwala. Bat magkamukha kayo?" Nagtatakang tanong nito sa akin.
"Baka nakakalimutan mo yatang may kapangyarihan kami. We are living at the Axel city and it only means that we have special ability and powers. Kaya kahit anong gustong gawin ng mga magulang ko ay magagawa nila." Paliwanag nito kaya wala akong nagawa kundi tumango tango nalang.
"Eh bat ginawa kayong magkamukha?" Nakakunot noo na wika kong tanong sa kaniya.
"It's because of our Grandpa. My grandfather has been serving the Encido palace for almost 53 years but he had died at the year when Ryu was born. Ever since that I am child, my mom always saying to me the reason of the common face between Ryu and I. And it's because of Grandpa's wish." Mahabang paliwanag nito sa akin kaya naging malinaw na para sa akin ang lahat.
"Ah I get it." Patango-tango kong wika sa kaniya na para bang naunawaan ko na ang kaniyang sinabi.
"Bakit mo ba tinatanong?" Natatawang tanong nito sa akin kaya napataas ang kilay ko at napatingin sa kaniya.
"Bakit? Bawal rin bang magtanong?" Pambabara ko sa kaniya.
"Oo bawal HAHA lalo na kapag interesado ka sa kapatid ko." Natatawang wika nito kaya mas lalo akong nainis.
'Hindi rin pala si Ryu ang may malakas yung apog, pareho pala sila tsk! tsk!' Wika ko sa akin isipan.
END OF FLASHBACK
"Argh!" Sigaw ko sa aking kwarto dahil sa pangyayaring iyon.
"Anak? Anong nangyayari at bakit ka nagsisigaw riyan?" Tanong sa akin ni Tatay Ben na kararating sa aking kwarto.
"Wala po 'tay. May nakita lang po akong ipis." Pilit ngiti kong wika sa kaniya.
"Akala ko kung ano na. Sige na anak, matulog kana dahil masyado ng gabi." Wika sa akin ni tatay kaya tumango na lamang ako.
Lalabas na sana si tatay sa aking kwarto ng may katanungan ang pumasok sa utak ko.
"Tay! May tanong po ako." Wika ko sa aking tatay na naging dahilan para mapalingon ito sa akin.
"Ano iyon anak?" Nagtatakang tanong nito sa akin.
"Posible po kayang maging isang Prion'ian ang isang taga Axel?" Tanong ko sa aking tatay na naghihintay sa sasabihin ko.
"Oo naman anak. Posible iyon. Sige na muna Ven at may gagawin lang ako." Wika sa akin ni tattay at biglang umalis sa kwarto pero pinigilan ko ulit siya.
"Tay, may tanong pa po ako. Kanina pa po kase ako nagugulahan." Wika ko sa aking Ama kaya napatigil siya sa paglalakad at lumapit sa akin.
"Ano ba ang gumugulo sa isipan mo Anak? O baka naman sino ang gumugulo sa isipan mo?" Biro sa akin ni Tatay kaya medyo nainis ako.
"Kalahating sino at ano po ito 'tay. Hindi ko kase maintindihan ang takbo ng Pamilyang nakasalamuha ko kanina. Isa silang taga Axel na mukhang taga Prion rin po." Wika ko sa kaniya kaya mas lalo ito naging interesado na pakinggan ako.
"Anak, hindi kita papakealam sa kahit anong bagay pero ang makisalamuha ka sa Isang taga Prion ay hindi maaari para sa'yo. Hindi ako naniniwala sa mga sabi-sabi pero mas hangad ko ang kaligtasan mo anak kaya wag na wag kang makikisalamuha ulit doon." Mahabang paliwanag ni Tatay kaya mas lalo akong nagtaka.
'Huh? Bat parang may kakaiba kay tatay?
Iba ang sagot niya sa sinasabi ko kanina.
Hindi naman ganito kapag nagtatanong ako?' Mga katanungan na namayani sa aking utak.
"Opo tatay. Amm Ano po ba mangyayari kapag nakita ako ng isang taga Prion sa lugar nila na pumupuslit akong pumupunta doon?" Tanong ko kay Tatay dahil may gusto akong siguraduhin.
"Iyan ang huwag na huwag mong gagawin anak. Alam nating lahat na mahigpit na pinagbabawal ang pumunta doon na walang permiso sa kanilang pinuno. Kapag nagkataong nakita ka nila ay mapaparusahan ka----Teka anak, bakit mo tinatanong ito. Sa pagkakaalam ko Vena ay alam mo  na agad ang mga ito." Nagtatakang wika sa akin ni Tatay kaya peke akong ngumiti.
'Mukhang mabibisto pa ang loko!' Wika ko sa isip ko.
"Wala po 'tay. Gusto ko lang po marinig ang opinyon niyo po. Sige na po Tay, matutulog na po ako." Pagpapalit ko sa usapan kaya tumayo na agad si Tatay Ben.
"Oh siya sige anak. Matulog ka ng mabuti at gumising ng maaga dahil may pupuntahan tayo bukas." Nakangiting wika sa akin ni Tatay at lumabas na.
'Kung ganon ang opinyon ni Tatay sa mga Taga Prion, bakit hindi ako pinarusahan ng mga nakakita sa akin?-----' Wait! Pinarusahan pala ako ng Ryu na iyon!' Wika ko sa aking isipan.
Dahil don ay naalala ko na naman ang halik. Nang dahil sa halik na iyon ay hindi na ako nakakapag-isip pa ng maayos.
Para akong asong naulol sa halik na iyon
"Hays makatulog na nga lang." Wika ko sa kawalan at pinili na lamang na matulog.
Sana ay mawala na sa buhay ko ang kakaibang tao na 'yon. Ay wag nalang pala, naeenjoy ko pang alamin ang buhay ng lalaking iyon. Masyado siyang misteryoso at alam kong malalaman at malalaman ko rin kung ano ang buhay nito.
I guess the real game will start right here, right now.
See you again Ryu and Loren.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (169)

  • avatar
    Jaysar Mandi

    Thank you

    11/10/2024

      0
  • avatar
    Ronnie Poblete

    maganda ang kwinto

    10/10/2024

      0
  • avatar
    Kai Calimag

    goods

    09/10/2024

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด