logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 6 - Curiosity and Coincidence

Amber's POV
"May ginawa ba sa'yo ang lokong 'yon?" Tila ba iritado at nanggigigil si Wade sa tono ng pananalita niya. "Sa susunod kasi huwag kang lumapit sa Ice Phantom na 'yon."
Napakunot na lang ang noo ko.
Matapos ng nangyari kanina sa Verenity Garden ay kinaladkad na ako ni Wade palabas doon at ngayon ay naglalakad na kami patungong classroom.
"Mabuti na lang talaga at wala akong planong gawin ang parusang binigay sa'tin," giit pa nito. "I'm really proud of my laziness."
I rolled my eyes heavenwards at mas binilisan pa ang paglalakad kaya ngayon ay mas nauuna na ako sakanya. Nakakainis naman kasi, talo niya pa ata si mama kung makasermon sa'kin. Tsaka, as if naman na may kasalanan ako sa nangyari. It's that Ice Phantom who's supposed to be blamed not me. Pero teka nga, ano nga ba ang mali sa nangyari kanina? Wala namang may nangyaring masama diba? Nakipagtarayan lang naman ako sa Ice Phantom na 'yon.
"U-uy!" Tawag nito. "Alam mo, you're so rude. Hindi mo ba nakikitang binibigyan pa kita ng words of wisdom para sa susunod hindi ka na mapahamak?"
Tumigil ako at hinarap siya. Pero hindi ata siya aware sa pagtigil ko kaya hindi agad ito nakahinto sa paglalakad at dumiretso lang ito sa'kin. Masyado atang matigas ang katawan niya kaya ayon, na-out of balance ako. Worse? Dahil sa instinct at reflex ko ay naghanap ako ng makakapitan para hindi tuluyang matumba, 'yon nga lang, uniform niya ang nahila ko kaya imbes na ako lang ay nahila ko siya at dalawa na kami ang natumba.
Napapikit ako at hinintay na lang ang pagbagsak ko sa lupa. Pero napamulat ako bigla kasi hindi ako tuluyang bumagsak, sa halip ay may kung anong enerhiya ang pumigil at sumuporta sa'kin kaya hindi ako tuluyang bumagsak.
Pero hindi pa rin ako nakaligtas sa isang bangungot. Pag mulat ko kasi ay bumungad sa akin ang napakalapit na mukha ni Wade. We were both looking at each other's eyes with our wide eyed gaze. Huli na rin ng maramdaman ko ang mga kamay niya na nakabalot sa bewang ko.
"Phew," buti na lang at agad kaming napalingon sa nagsalita at nakita si Gypsi na hawak hawak ang wand niya. "Looks like my timing wasn't that bad. Kahit papaano ay hindi kayo tuluyang bumagsak sa lupa."
Bigla ay may naramdaman akong kung anong enerhiya na tumulong sa'min ni Wade na tumayo. Siguro ay spell iyon ni Gypsi. And I really owe her so much. Kung hindi siya dumating ay kung baka ano na ang nangyari. 'Ni hindi ko kayang isipin ang mangyayari kapag tuluyan nga kaming bumagsak ni Wade sa lupa. Like heck!
Umayos naman agad kami ng tayo ni Wade saka lumapit sa'min si Gypsi. Napaiwas na lang ako ng tingin habang si Wade naman napakamot sa batok niya. Eh sa ang akward ng nangyari, eh. Kainis!
"Were the two of you about to kiss?" Taas kilay na tanong ni Gypsi sa'ming dalawa.
"No!" Sabi ko.
"Yes!" Halos sabay lang sa'kin na sabi naman ni Wade.
"What?" I looked at him in disbelief.
"What?" He asked, confused.
What is wrong with this water boy? Ugh!
"Err?" Tanging nasabi na lang ni Gypsi na mukhang naguguluhan na rin sa mga nangyayari.
"No, don't jump into any conclusion," sabi ko na lang. "Tatanga tanga kasi siya kaya ayon nabangga niya ako dahilan para ma-out balance kami."
"What the—" angal ni Wade. "Ako? Tanga?"
"Hindi ka tanga," I smiled bitterly. "Sobrang tanga ka!"
Magrereklamo pa sana si Wade pero pumagitna na si Gypsi sa'min para umawat. "Tama na nga 'yan. Kanina pa kayo hinahanap ni Ms. Kors kasi pinapawalang bisa na ng headmistress ang parusa niyo."
"Ha!" Singhal ni Wade. "Darn right she should. Aba! Sa gwapo kong 'to palilinisin lang nila ako sa library? Gawin ko pang swimming pool ang library 'pag nagigil ako eh."
"Halika na nga!" Hinila ko na lang din si Gypsi. "Mahawa pa tayo sa kahanginan ng iba diyan."
"Amber," Wade caught my arm and pulled me back to him. Nabitawan ko tuloy si Gypsi. Magrereklamo pa nga sana ako pero otomatikong tumikom ang bibig ko nang makita kung gaano kaseryoso ang mga mata niya habang nakatitig naman sa mga mata ko. "Seryoso, huwag na huwag ka nang lalapit pa ulit kay Ice Phantom. Everyone know he's up to no good."
"Ice Phantom?" Takang singit ni Gypsi saka tumingin sa'kin. "You came face to face with the Ice Phantom?"
"Don't make a big deal out of it," irita kong sabi. "He did nothing, okay? Sadyang kinailangan ko lang talaga siyang paalisin doon sa garden para makapaglinis ako."
Gypsi automatically facepalmed. "At talagang inutusan mo pa siyang umalis? You don't mess with the Ice Phantom, Amber. Never ever!"
I gave them a puzzled look. I don't know, but the more that they forbid me from interacting with the Ice Phantom, the more that I get curious about his identity. Imbes na lumayo ay parang mas gusto ko pang alamin kung sino o ano ba talaga siya at bakit takot na takot ang lahat sakaniya.
Bumuntong hininga na lang ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Ayoko rin namang magtanong pa sakanila at baka magmukha pa akong stalker ng Ice Phantom na 'yon.
Dumating naman kami sa classroom na nag-uumpisa na ang klase.
"Saan kayo nanggaling at bakit ngayon lang kayo,?" Bungad ni Professor Kors na nakataas pa ang kilay. "Kanina ko pa kayo hinihintay."
"Nag-date pa po kasi kami ni Amber," abot langit ang ngiti ni Wade sa kasinungalingan niya. At mataopos niyang sabihin 'yon ay nagsimula ang mga bulong bulongan ng mga kaklase namin.
Nairita naman ako sa sinabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Pero dahil ayaw kong sayangin ang enerhiya ko sa mga walang kwentang bagay ay tumungo na lang din ako sa upuan ko at naupo. Sumunod na rin si Gypsi na tumabi sa'kin.
"Pagpasensyahan mo na si Wade," ani Gypsi. "Don't worry, pinagsabihan ko na siya. I'm sorry if he's nothing but trouble to you."
"Hindi mo kasalanan," sabi ko na lang.
Nagpatuloy na rin si Professor Kors sa kanyang diskusyon. Pero nabigla ako kasi normal subjects lang ang tinuturo niya ngayon. She's currently discussing a math lesson.
"Hindi ko pala nasabi," saad ni Gypsi nang mapansing naguluhan ako. "Hindi lang puro tungkol sa mahika at trainings ang Archantia, nagtuturo din sila ng mga subjects na katulad daw sa Human World. Alam mo ba na manghang mangha kami noon nung nalaman namin na tinuturo din pala sa Human World ang math at iba pang subjects?"
Well, maging ako nga ay nabigla rin.
Nasa kalagitnaan na ng kanyang diskusyon ang propesora nang biglang may walang galang na lalaki ang basta basta na lang pumasok sa classroom. At kasabay ng pagpasok niya ay ang pag-ihip ng malamig na hangin na siya pang sumara sa pinto ng pagkalakas.
Napatigil sa pagdi-diskusyon si Professor Kors at maging ang mga kaklase ko ay tumikom ang mga bibig. And that's when I realized the reason for their sudden and odd reaction.
It was the Ice Phantom who entered the room. That blank expression on his face completely changed the atmosphere of the room.
What the hell is he doing here?
"I also forgot to tell you," pasimpleng bulong sa'kin ni Gypsi para hindi mahalatang nag-uusap kami. "The Ice Phantom also belongs to this class. Yeah, unfortunately, kaklase natin ang Ice Phantom."
Absurd! The nasty jerk I just messed up with earlier turned out to be one of my classmates.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (14)

  • avatar
    RobertoDeje

    good

    15/07

      0
  • avatar
    Gina Delacruz

    ♥️♥️♥️

    04/05

      0
  • avatar
    Tarcila Villegas

    very nice

    01/02

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด