logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 3

Nakakunot ang noo ko habang pinagmamasdan si Nikolai na kanina pa pangiti-ngiti, hawak niya ang isa kong kamay at pinaglalaruan ito. Hindi na 'ko nakatiis kaya pinuna ko na siya.
"Kanina ka pa pangiti-ngiti ah? Mukha kang tanga, alam mo 'yon?" Nag-angat siya ng tingin sa'kin at sumimangot.
"Harsh, baby, harsh." Nakasimangot niyang sabi sa'kin. "Masama na bang ngumiti?" Nakalabi niyang tanong. Minsan talaga lumalabas ang pagka-childish niya. The childish Nikolai.
"Hindi naman. Masama lang kapag sobra na, tingnan mo ikaw. Nagmumukha ka ng baliw." Seryoso kong sabi sa kaniya dahilan para pitikin niya ang noo ko.
"You did this to me. Masyado mo 'kong binabaliw." He said, may ibinulong pa siya na hindi ko narinig. Seryoso niya 'kong tiningnan. "Kaya panagutan mo 'ko."
"Huh?" Maang kong tanong. I look at him, confusion is evidence on my eyes. "Bakit naman kita pananagutan? Hindi naman kita nabuntis, saka wala akong---" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang marinig ko siyang tumawa.
Naningkit ang mata ko, hindi parin siya tumitigil sa kakatawa. Tinaas niya ang isang kamay sa ere nang makitang akmang hahampasin ko siya ng hawak kong throw pillow. Maluha-luha na siya ng tumigil sa pagtawa.
"Ang cute mo talaga." He said as he pinched my cheek. Napaigik naman ako dahil do'n, agad kong tinampal ang kamay niya.
"Ang saya mo ah?" Tanong ko, sarcastic.
"Hindi naman." He said playfully. Tumataas-baba pa ang kilay niya.
I rolled my eyes. Hindi ko na siya pinansin pa at itinuon na lang sa ibang bagay ang pansin. Habang siya, he will pinched my waist from time to time. "Uuwi na 'ko." Agad akong napatingin sa kaniya.
Nagsalubong ang kilay ko. "Agad?" Nagtataka kong tanong. Nawala ang inis ko sa kaniya kani-kanina lang.
Tumango siya. "Hindi mo naman ako pinapansin eh. Might as well, umuwi na lang ako." Tumayo siya. Napatayo din ako, I hold his arm.
"Mamaya na..." Mahina ang boses ko nang sinabi iyon, bahagya akong nakayuko.
"Okay." Agad akong nag-angat ng tingin nang marinig ang pagpayag niya. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin.
Napakunot ang noo ko sa kabila ng saya na nararamdaman ko. "Totoo?"
He nod. "Ayaw ko pa naman talagang umuwi. Ikaw kasi, 'di mo 'ko pinapansin." Ang kaninang ngiti sa labi niya ay napalitan ng simangot.
Ngali-ngali kong pinigilan ang sarili ko para kurutin ang pisngi niya, ang cute! "Kasalanan mo." Sa halip ay sabi ko. "Pinagtatawanan mo 'ko."
Natawa siya. "Masama na bang tumawa?" Tanong niya dahilan para makatanggap siya ng masamang tingin galing sa'kin. Napangiti siya dahil do'n. "Ang cute mo lang kasi. And your silly thoughts." He said and pinched my nose.
"Kung ano-ano kasi sinasabi mo. 'Di ko naman naiintindihan." Dahilan ko habang nakakunot ang noo.
"Soon, you will. But not now." Bulong niya sa'kin, hinawakan niya ang noo ko at nawala ang kunot do'n. Nagtataka ang mga mata kong nakatingin sa kaniya. "Let's go to your room. You should sleep, nang lumaki ka naman." He said, dismissing the topic. Sinuntok ko ang braso niya sa narinig, humalakhak siya.
"Pagkagising ko... nandito ka pa rin ba?" Tanong ko, I have this hopeful eyes. Nakatingala ako sa kaniya habang nakasandal sa headboard ng kama ko.
"Of course." Ngumiti siya. "I will sleep with you, so don't yah worry." Aniya at marahang ginulo ang buhok ko, hinayaan ko lang siya.
Pinaisod niya 'ko saka siya humiga sa tabi ko. Napahiga na rin ako, inunan niya ang ulo ko sa braso niya. "Sleep." I heard him uttered as he kiss my forehead.
Nang dahil sa sinabi niya ay dahan-dahang pumikit ang mata ko.
Naalimpungatan ako nang maramdamang wala na 'kong katabi sa kama. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko, napabalikwas ako ng wala akong Nikolai na nakita sa tabi ko. Pagtingin ko sa oras ay maggagabi na pala, 05:30 pm.
Hindi ko alam pero nagsimulang magtubig ang mata ko, hindi ko alam kung dahil ba sa kakagising ko lang o sa kaalamang wala siya nang magising ako. I scratched my nose na paniguradong nagsisimula ng mamula. Niyakap ko ang tuhod ko kasabay ng pagsinghot ko.
Hindi ko narinig ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko, at ang pagpasok ni Nikolai. "Hey." Narinig ko ang boses niya kaya nag-angat ako ng tingin.
Nakita ko siyang nakakunot ang noo habang nakatingin sa'kin, may hawak siyang tray na may lamang sandwiches at isang baso ng orange juice. Nilapag niya 'yon sa bedside table ko, pagkalapag ay agad siyang lumapit sa'kin.
"Anong problema?" Malambing niyang tanong, nabakasan ko din do'n ang pag-aalala. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.
"P-Pagkagising ko... wala ka." Putol-putol kong sabi dahil sa pagsinghot ko. Bahagyang umawang ang labi niya pero agad 'yong napalitan ng ngiti.
"Hmm, that's why... you cried?" Tumango ako. He shook his head as he pinched my nose. "Bumaba ako para gawan ka ng sandwich, alam kong magugutom ka pagkagising mo." At nginuso niya ang tray na nakapatong sa bedside table, sinundan ko 'yon ng tingin.
Hindi ko namalayan na dahan-dahan na pala akong tumitigil sa pag-iyak. Kumurap-kurap ako habang siya ay amuse na nakatingin sa'kin.
"G-Gano'n ba?" Itinakip ko ang palad ko sa mukha ko dahil sa hiya. "Nakakahiya!" Usal ko.
He chuckled. Inalis niya ang pagkakatakip ng palad ko sa mukha ko. He cupped my face, he's smiling while intently looking at me. "Hey, you don't need to be shy. It's okay." His voice was soft, parang nanghehele lang ng bata.
"Masyado na 'kong dependent sa'yo." Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. "Is that bad?" Tumingin ako sa kaniya. Napakurap siya.
"No!" Agap niyang sabi dahilan para mapalayo ako sa kaniya nang kaunti. Napaawang ng kaunti ang bibig niya, nang mahimasmasan ay umiling-iling siya. "I mean it's not bad. It's okay for you to be dependent on me. In fact, I like it." Ngumiti siya.
Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Hindi ko alam pero may nararamdaman akong kung ano sa tiyan ko. Hindi ko maipaliwanag, parang kinikiliti ako to the point na napapangiti na 'ko.
"Hmn, 'kay." Maikli kong tugon sa kaniya. Napataas ang kilay niya kapagkuwan ay napakunot ang noo.
Bagsak ang balikat na umupo siya sa tabi ko. Naiiling siya. "'Yan lang ang sasabihin mo sa sinabi ko?"
Ako naman ang napakunot ang noo.
"Ano bang dapat kong sabihin?"
"Wala." Naihilamos niya ang palad sa mukha niya, he seems frustrated. "Wala ka man lang naramdamang kakaiba?" Umaasa niyang tanong, nakatitig siya sa'kin, hinihintay ang sagot ko.
"Wala---" May bigla akong naalala. "Ah! Meron pala." Bumaling ako sa kaniya.
His face lit up. "Talaga? Ano naman 'yon?"
"May naramdaman ako ditong kakaiba." I point my finger on my stomach. "Nakakakiliti na ewan. Weird." Iling-iling kong sabi sa kaniya.
Nang bumaling ako sa kaniya ay ngiting-ngiti siya. "Nikolai." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tumitig ng diretso sa mata ko. Nagulat ako pero agad ding nakabawi.
Nakatitig lang siya sa'kin, hinihintay ang kung anong sasabihin ko. "May bulate yata sa tiyan ko." Walang kangiti-ngiting sabi ko sa kaniya.
"The heck?" Gulat niyang usal. Napalayo siya ng bahagya sa'kin.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (176)

  • avatar
    ericka

    I love the way it's written. Hindi masakit sa mata and I'm really into possessive types so it really suit my taste. I'm hoping for a nice plot though pls..

    27/02/2022

      9
  • avatar
    Xavjhonrics Oriente

    good

    7d

      0
  • avatar
    MsPurple

    nice

    8d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด