logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 2

“Hi Miss, are you alone?” Napatingin ako sa lalaking tumabi ng upo sa'kin sa may bench dito sa park.
Katulad nga ng sinabi ni Nikolai ay pumunta kami dito pagkatapos kong magpalit ng damit. Umalis lang siya saglit para bumili ng makakain namin. Umisod ako palayo sa lalaki nang mapagtantong masyado siyang malapit. Napansin niya 'yon at mahinang natawa. Mukha naman siyang mabait, but looks can deceive you.
“Hindi. May kasama ako.” Tipid na sagot ko, tinatapos ang usapan pero nagtanong ulit siya.
“Really? Then nasa'n na siya ngayon?” Tanong niya at tumingin-tingin sa paligid.
“May binili lang.” Ngumuso ako at napatingin sa wrist watch na suot ko. Ang tagal naman ni Nikolai.
“Dapat 'di ka iniiwang mag-isa. Baka may lumapit at magtangka sa'yo.” He said.
Nakakunot ang noong tiningnan ko siya. “Ikaw lang naman ang lumapit.” Sabi ko. “So, may balak kang pagtangkaan ako?” Seryoso kong tanong.
His lips parted on my sudden bluntness. Tinikom niya rin 'yon at saka humalakhak. Napailing pa siya habang nakahawak sa batok niya, at natatawa.
Hindi ko alam pero natawa na din ako. Ang cute niya kasing tumawa, nakakahawa! At 'yon ang eksenang naabutan ni Nikolai, me who was with a stranger while we're both laughing.
Nakarinig ako ng tikhim kaya agad akong nag-angat ng tingin kay Nikolai na magkasalubong ang kilay, at masama ang tingin sa lalaking nakaupo sa tabi ko. Hawak-hawak niya ang mga pagkaing binili niya para sa'ming dalawa. “Who is he?” His voice is cold. He turn his eyes on me.
Nagkibit-balikat ako. Hindi ko naman kasi siya kilala, hindi ko alam ang pangalan niya kaya wala akong maisagot. Lalong nagdilim ang mukha niya. Tumayo ang lalaking nasa tabi ko at naglahad ng kamay kay Nikolai. Napatayo din ako at tumabi kay Nikolai.
“I'm Nile, bro.” Pakilala nito habang nakangiti.
Nakita ko kung pa'no bumaba ang tingin niya sa kamay nitong nakalahad, he just stared at it. Nag-angat siya ng tingin ni hindi man lang tinanggap ang nakalahad na kamay. Tinagilid niya ang ulo niya na ginagawa niya lang kapag naiinis siya. Napapahiyang binaba naman ni Nile ang nakalahad niyang kamay.
“I don't care. Go now before I punch your face.” Mariin na sabi ni Nikolai. “And next time, dont talk to her.”
“Why would I do that? Boyfriend ka ba niya?” Tanong nang kaharap.
“No. But I'm his b-bestfriend.” Aniya na parang hirap na hirap sabihin. Napakunot naman ang noo ko dahil do'n.
Natawa si Nile at saka ngumisi. “Hindi naman pala eh, so walang magiging problema kung kausapin ko man siya.”
Napakuyom ng kamao si Nikolai. Malamig na ang tingin niya sa kaharap. “He's also my boyfriend.” Maang kong sabi at hinawakan ang kamay niya.
Gulat naman na napatingin sa'kin si Nikolai at sa kamay kong nakahawak sa kamay niya. Bahagyang nakaawang ang labi niya, pero maya-maya lang ay napangiti siya. He mockingly smile at Nile na nanlalaki ang mata.
Umiling na lang ang huli bago umalis. Naupo na 'ko ulit sa bench, bago hinila ang parang tuod na si Nikolai. Nakatayo lang kasi siya do'n at mukhang tanga habang nakangiti ng malawak. Nagpahila naman siya, tumabi siya ng upo sa'kin at nilapag sa may hita niya ang plastik na may lamang mga pagkain na binili niya.
Nagsimula akong halungkatin 'yon. Kinuha ko ang burger na nakita ko, binuksan at saka kinagatan. Nang makitang nakatingin lang siya sa'kin ay inalok ko siya ng hawak kong burger. He stilled pero kumagat din. Nakangiti siya habang ngumunguya.
“Anong sinabi mo kanina?” Kapagkuwan ay tanong niya.
“Ah, 'yon ba?” Tanong ko habang patuloy sa pagkain. “Anong meron do'n?”
“Bakit mo sinabi 'yon?” Tanong niya ulit.
“Because that's the truth.” Kibit-balikat kong sagot. Nagulat naman ako nang marinig siyang nagmura, nakangiti siya at nakahawak sa labi niya. “You're my bestfriend and at the same time my boyfriend. Lalaking kaibigan.” Paliwanag ko.
Nawala ang ngiti niya sa labi, bumagsak ang balikat niya at nagmura. “Fuck!”
Nakangiwing napakamot ako sa pisngi ko dahil sa pagmumura niya. “Do you even know the meaning of 'boyfriend'?” Tanong niya at diniinan ang huling salitang sinabi.
“Oo?” Patanong kong sagot. “Diba 'yon 'yong lalaking kaibigan?”
Huminga naman siya ng malalim at inis na ginulo ang buhok. “I thought... fuck!” Nakakunot ang noong nakatingin ako sa kaniya, nagtataka.
“Nikolai.” Pagtawag ko sa pansin niya, naglalakad kami pauwi sa'min. Hindi man lang niya 'ko nilingon at tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad, medyo malayo ang agwat ng pagitan namin, hindi tulad noon na halos magkapalit ang mukha namin sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. Lagi siyang nakaakbay o 'di kaya nakapulupot sa'kin, but this time... its different.
Ngumuso ako at bumuntong-hininga. Nilapitan ko siya at sinabayan sa paglalakad, halos tumakbo na nga ako dahil ang lalaki ng hakbang niya. Pinulupot ko ang kamay ko sa braso niya, natigilan siya at nakakunot ang noong bumaba ang tingin sa'kin. “Ba't 'di mo 'ko pinapansin?” Tanong ko.
“Anong tawag mo ngayon dito sa ginagawa ko?” His forehead creased.
Napanguso ako at napakamot sa kilay ko. “Err, kanina. May problema ba?”
“Wala.” Walang gana niyang tugon at inalis ang kamay kong nakahawak sa braso niya, nagsimula na ulit siyang maglakad. Samantalang ako ay napako sa kinatatayuan, biglang sumikip ang dibdib ko, nangilid ang luha ko.
Suminghot ako para pigilan ang pagtulo ng luha ko. Narinig kong may nagmura kaya nag-angat ako ng tingin. Nakita ko si Nikolai na mabilis na lumapit sa'kin, nang makalapit siya ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. “Shhh.” He hushed me at do'n na tumulo ang luha ko. Masuyo niyang pinunasan ang mga luha ko. Paulit-ulit niyang hinahalikan ang noo ko, and whispering comforting words.
Pinagdikit niya ang noo namin nang suminghot-singhot ako, unti-unti akong tumigil sa pag-iyak.
“Why are you crying, hmm?” Marahan niyang tanong habang nakatitig sa mga mata ko, nakakulong parin ang magkabilang pisngi ko sa palad niya.
“G-Galit ka kasi sa'kin.” Sagot ko at tinuon ang mata sa ibang direksiyon.
“Hindi ako galit. Bakit naman ako magagalit sa'yo? That will never happen.” Sabi niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya.
“T-Talaga? 'Di ka galit sa'kin?” Naninigurado kong tanong. Tumango siya habang nakangiti. “Pero 'di mo 'ko pinapansin.” Nagtatampo kong saad.
He chuckled and pinched my nose, pagkatapos ay bahagya siyang lumayo sa'kin. “Tapos 'di mo pa 'ko inakbayan habang naglalakad, what you usually do. Inalis mo pa 'yong kamay ko sa braso mo.” Nakasimangot kong sabi.
Hindi ko alam pero naiinis ako sa hindi pagpansin sa'kin ni Nikolai kanina, parang may gumuho na isang parte ng pagkatao ko. Ayaw kong 'di niya ko pinapansin, ayaw kong 'di niya 'ko kinakausap. Naninikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga ng maayos.
Nang tingnan ko siya ay nakahawak ang isang kamay niya sa baywang niya, at ang isa naman ay nasa noo niya habang tumatawa. His genuine laugh. Parang sobrang saya niya. Napalabi ako habang nakatingin sa kaniya na hindi parin tumitigil sa kakatawa. I don't understand. May nakakatawa ba sa sinabi 'ko?
“Oh God!” Bulong niya na rinig ko. Napalabi ako nang tumingin siya sa'kin. Lumapit siya sa'kin at saka ako inakbayan. “'Yon ba ang dahilan ng pag-iyak mo?” Tanong niya, nakangiti siya. Tumango ako.
Pinisil niya ang pisngi ko. “Ashley Nicole Andrada. You don't know how happy I am right now. Ikaw lang ang nakagagawa sa'kin nito.”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (176)

  • avatar
    ericka

    I love the way it's written. Hindi masakit sa mata and I'm really into possessive types so it really suit my taste. I'm hoping for a nice plot though pls..

    27/02/2022

      9
  • avatar
    Xavjhonrics Oriente

    good

    7d

      0
  • avatar
    MsPurple

    nice

    8d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด