logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Her Possessive Bestfriend

Her Possessive Bestfriend

nahnics


Simula - Kabanata 1

This novel is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
© Nics (nahnics)
I frowned when I felt something soft on my forehead. I'm still sleepy! A hand touches my cheek lightly. I leaned in more to feel that warm touch. “Wake up, sleepyhead,” a soft voice said.
I whined and cover myself with the blanket. Pero may humila n'on kaya mas lalong kumunot ang noo ko. Napipilitang binuksan ko ang mata ko at agad na bumungad ang mukha niya sa 'kin.
Napasimangot ako, sobrang lapit ng mukha niya sa akin. He chuckled and lifted me, in a bridal style. Napatili ako at pinalo ang braso niya. Agad din naman niya 'kong binaba.
"Ayaw mo pa kasing bumangon e," aniya saka ngumisi.
I yawned at humiga ulit. Napailing-iling naman siya sa ginawa ko. Tumabi siya ng higa sa 'kin. Kinuha ko ang kanang braso niya at 'yon ang ginawang unan. He hugged me. "Tutulog pa 'ko, please?" I said to him at siniksik ang sarili sa dibdib niya.
He sighed and chuckled. "Okay, baby. Hindi talaga ako makatanggi sa 'yo." Marahan niyang hinaplos ang buhok ko, he kissed my forehead.
Napangiti ako habang nakasubsob sa dibdib niya, I sniffed his scent. Amoy vanilla siya kaya hindi ako nagsasawang amuyin siya. "Because you love me," Sabi ko sa inaantok na boses.
Before I doze off to sleep ay narinig ko ang pagsang-ayon niya. "Yeah."
Nagising ako nang may nakayakap sa 'kin ng mahigpit. I look up and saw his handsome face. Mahimbing siyang natutulog. I touched his forehead down to his eyes, and to his nose. Ang guwapo talaga ng bestfriend ko. Ani ng isip ko. Kysler Nikolai Sullivan is my bestfriend when I was 12 years old. Siya lang ang tanging naging kaibigan ko. I'm not allowed to go out on our house, I'm home schooled ever since. I'm a miracle baby, that's why they're so overprotective towards me. And I understand them, ang kwento nila sa 'kin ay malabo na silang magkaanak but here I am.
Kaya siguro wala akong masyadong alam sa mundo. Hindi ako allowed magbasa ng non-educational books. And it seems like they closed the real world to me. I never hate them for doing that, 'cause I know they're just doing what they think is the best for me. But sometimes I envy others who are at the same age with me, dahil sila nakakapag-aral sila sa labas, nakakakilala ng iba't-ibang tao, at nagagawa nila ang gusto nila. While me... pinilig ko na lang ang ulo ko para mawala 'yon sa isip ko.
Atleast I have a bestfriend that cares for me. Nagmulat siya ng mata, our eyes met and my heart skipped a beat. Hinuli niya ang daliri kong nakahawak sa mukha niya. He insert my index finger to his mouth then gently sucked it. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Samantalang siya ay nakangisi. He's so naughty!
Binawi ko ang kamay ko na hawak niya at saka nakangusong hinampas siya sa dibdib, natawa na lang siya at pinanggigilan ang pisngi ko.
He yawned, akmang babangon na 'ko mula sa pagkakahiga nang higitin niya ang braso ko at niyakap ako ng mahigpit, dinantay niya pa ang paa niya sa 'kin para hindi ako makawala. "Nikolai!" Tili ko at nagpumiglas sa yakap niya.
Natawa siya at ibinaon ang mukha sa leeg ko. He sniffed it, napahagikgik ako dahil nakikiliti ako. "Nikolai, ano ba!" Natatawang suway ko sa kaniya pero ipinagpatuloy pa rin niya ang pag-amoy sa 'kin.
"You smell so damn good," rinig kong sabi niya bago may dumampi na mainit at malambot sa leeg ko. Napasinghap ako kaya agad akong napalayo sa kaniya, pinakawalan naman niya 'ko. Nanlalaki ang matang nakatingin ako sa kaniya. He chuckled at my reaction at ginulo ang magulo ko ng buhok.
Niloloko niya na naman ako! He always do that! Napanguso ako at tinabig ang kamay niya. Tumayo na 'ko at pinamaywangan ko siya, magkasalubong ang dalawang kilay ko. Natatawang bumangon na siya at lumapit sa 'kin, saka niya 'ko ninakawan ng halik sa pisngi.
"Nikolai!" Nanlalaki ang matang sigaw ko. Narinig ko pa ang halakhak niya habang papalayo sa 'kin. Ginulo ko na lang ang buhok ko nang marinig ang pagsarado ng pinto ng kwarto ko.
When I went downstairs agad ko siyang nakita na prenteng nakaupo sa sofa habang naka-dekwatro. Hawak niya ang remote at pinalipat-lipat ang channel. Humarang ako sa harap niya at namaywang. Nang makita ang mukha ko ay nagtaas siya ng kilay habang natatawa.
"What look is that?" Tatawa-tawa niyang tanong na ang tinutukoy ay ang itsura ng mukha ko. Nakasimangot ako at magkasalubong ang kilay.
"I'm hungry!" Sabi ko at ngumuso. Kasabay no'n ay ang pagtunog ng tiyan ko. Namula ang magkabilang pisngi ko sa hiya.
He chuckled, umayos siya ng upo at hinila ako. He encircled his arms on my waist, nakaupo siya habang ako ay nakatayo. Nakatingala siya sa'kin kaya yumuko ako para magsalubong ang tingin namin. "Aw. My baby is hungry, and looks like the monster in her tummy is growling." Natawa siya sa huling sinabi, habang ako naman ay sumimangot.
He shook his head and pinched my nose, then he stood up not removing his arms on my waist. I scratched my nose that he pinched, panigurado namumula 'yon.
"Come, I'll feed you." Aniya at iginiya ako patungo sa kusina namin habang nakapalibot ang isang kamay niya sa baywang ko. Pinaupo niya 'ko sa isa sa mga upuan do'n at ininit ang pagkain na nakatakip sa mesa na alam kong si Mommy ang nagluto. Every morning she will cooked us food before she and Dad left for work.
Even if we have maids, Mom make sure that she cooked us breakfast, kahit na busy sila ni Dad sa work she still find time to cook for us. That's why I love my Mommy so much, and of course my Dad. Kahit na busy sila may oras parin sila para sa'kin. Matalik na magkaibigan ang mga magulang namin ni Nikolai kaya gano'n na lang sila kakampante na walang mangyayaring masama sa'kin tuwing kasama ko siya. Allowed lang din akong lumabas kapag siya ang kasama ko, and I don't have problem with that. Komportable ako kapag kasama ko siya, pakiramdam ko safe ako kapag siya ang kasama ko, at hindi niya 'ko hahayaang mapahamak.
"Here, eat." He said pagkalapag niya ng pagkain sa harap ko. Nakangiting tumango ako saka nagsimula ng kumain. Naglapag din siya ng mainit na gatas na tinimpla niya panigurado para sa'kin.
Aabutin ko na sana ang baso ng gatas nang pigilan niya ang kamay ko sa pamamagitan ng paghawak niya dito. "Oops! Who told you that this is for you, hmm?" He wriggled his brows, teasing me.
Napalabi ako sa sinabi niya. Nagseryoso ang mukha niya nang bumaba ang tingin sa labi ko. Napalunok siya causing his adams apple moved sexily. Napakunot naman ang noo ko nang makita ang mukha niya, mukha siyang constipated err.
"Nikolai naman!" I whined. Napansin kong nakahawak parin siya sa kamay ko kaya inalis ko 'yon at saka humalukipkip.
He smile. "I'm just kidding, baby. Of course I made this for you, continue eating." Aniya habang nakatitig sa'kin ang malamlam niyang mga mata.
Ngumiti ako saka kinuha ang basong may lamang gatas at saka ininom iyon. Nagpatuloy ako sa pagkain nang matigilan ako na napansin ni Nikolai. "What's wrong?" He asked.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "You should eat, too." Sabi ko dahilan ng pagsilay ng ngiti sa labi niya.
Napahawak siya sa labi niya. "Then pakainin mo 'ko."
"What?"
Natawa siya. "Subuan mo 'ko." At bahagya siyang ngumanga, nagpapasubo.
My forehead creased. "May kamay ka naman kaya ba't kita susubuan?"
Napanguso siya sa sinabi ko saka napakamot sa batok niya. Pinalamlam pa ang mata para pagbigyan ko siya.
I sighed saka kumuha ng pagkain at isinubo sa kaniya. "Ang sarap." Sabi niya habang nginunguya ang pagkain at nilulunok. He's staring at me while saying that.
Sa 'di malamang dahilan ay napatulala ako sa mukha niya. My bestfriend Nikolai is downright handsome, no doubt about that. Ang magulo niyang buhok na nakadadagdag pa lalo sa kagwapuhan niya.
"Ang gwapo ko, 'no?" Tanong niya na agad kong sinang-ayunan. Gwapo naman talaga siya with his pointed nose, clenched jaw, and his thin and kissable lips.
"Sobra!" Napatakip ako sa bibig ko nang makita ang ngisi niya, napahalakhak siya at kinindatan ako.
Tinuloy ko na lang ulit ang pagkain ko habang sinusubuan siya, nang maubos namin ang pagkain ay nagpahinga at nanood kami ng cartoons sa Sala.
Nang mabagot sa pinapanood ay binalingan ko siya ng tingin at kinulit, I poke his arm. "Nikolai." Tawag ko sa kaniya.
"Hmm?" Nanatili ang tingin niya sa pinapanood which is Spongebob. That's his favorite cartoon, hindi siya nagsasawa kahit paulit-ulit ang episode na pinapalabas.
"Kysler Nikolai." Pangungulit ko pa lalo sa kaniya nang hindi niya 'ko tiningnan. And this time I poke his cheek, paulit-ulit 'yon hanggang sa hindi niya binabaling ang tingin sa'kin.
Hinuli niya ang daliri ko at aktong kakagatin nang bawiin ko 'yon. He's now looking at me, he stretched his arm then put it on my shoulder. Sinubsob niya ang mukha ko sa dibdib niya. "What is it, hmm?" Tanong niya.
Tiningala ko siya. "Punta tayong park." Agad na sabi ko.
Kumunot ang noo niya. "Park?" Tumaas ang kilay niya at pinasadahan ako ng tingin. "Na ganiyan ang suot mo?" Naningkit ang mata niya.
"Anong problema sa suot ko?" Nakanguso kong tanong. Bumaba ang tingin ko sa suot ko. I'm wearing shorts and an oversize t-shirt.
"Really? You're asking me that?" Iling-iling niyang tanong, suminghap pa siya. Kinunotan ko naman siya ng noo. "Ang ikli niyang short na suot mo. You're exposing your legs!"
Natatawang inirapan ko siya. "Seriously? Ang OA mo, alam mo 'yon?" Mahina kong hinampas ang dibdib niya. "Ang lapit lang kaya dito ng Park. At isa pa, kaya nga tinawag na short kasi maikli!" I said.
He tsked. "Kahit na. Dito ka lang sa bahay niyo pwedeng magsuot ng ganiyan at sa harap ko, bawal sa ibang lalaki." Magkasalubong ang kilay na aniya.
Iling-iling ako habang pinagmamasdan ang mukha niyang hindi maipinta. Hindi niya 'ko pinapayagang magsuot ng maiikli tuwing lalabas kami, kailangan laging pants at turtle neck, 'yong tagong-tago ang parte ng katawan ko. Kaya nga init na init ako sa tuwing gano'n ang pinasusuot niya sa'kin.
"Bakit bawal?" Nakangusong tanong ko.
"Do you want me to punch someone?" Balik-tanong niya. Madiin ang pagkakalapat ng labi niya, madilim din ang mukha niya.
"Hala! Ayaw ko syempre!" Agad na sabi ko, gulat sa itinanong niya. "Pero bakit ka naman manununtok? Wala namang dahilan para gawin mo 'yon." Sabi ko pa, nagtataka.
"Of course I won't just punch anyone without a reason. I just want you to be safe always, it's dangerous outside." He said. He messed his hair, frustrated.
Kunot parin ang noong binalik niya ang tingin sa pinapanood. Tinitigan ko siya at unti-unting napangiti. I poke his right cheek. Hindi naalis ang pagkakakunot ng noo niya. I laughed.
Bahagya akong nagulat nang bigla siyang humarap sa 'kin at kinulong ang magkabilang pisngi ko sa palad niya. "Listen." Panimula niya. Tumitig siya sa mga mata ko, gano'n din ang ginawa ko. "Ayokong may mambastos sa'yo, I won't let that happen. You're so precious to me. At ayokong maagaw ka ng iba." Seryosong aniya. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko narinig ang huling sinabi niya, parang sinadya niyang hinaan para hindi ko marinig.
Nang makitang napakunot ang noo ko ay mahina niyang pinitik 'yon. Ngumiti siya at nawala na ang kaseryosohan sa mukha niya. Binalik niya ulit ang tingin sa pinapanood pero maya-maya lang ay nagsalita siya na muntik nang mapatalon sa'kin sa tuwa. "Change your clothes. We'll go to Park as you wanted."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (176)

  • avatar
    ericka

    I love the way it's written. Hindi masakit sa mata and I'm really into possessive types so it really suit my taste. I'm hoping for a nice plot though pls..

    27/02/2022

      9
  • avatar
    Xavjhonrics Oriente

    good

    7d

      0
  • avatar
    MsPurple

    nice

    8d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด